Share

Chapter 3

I'm not in the mood to talk with my friends so I decided to go straight to our classroom and buried myself in the thought about what mom had said last night. I still can't get over it. Parang nage-echo pa rin sa isip at pandinig ko yung mga sinabi niya.

Did she mean that? She wanted me to marry the future heir of Fe Veragon just for the sake of our losing company? She wants me to get married because that's the only thing I could do to help them? So that explains why they are so grumpy these past few days! It's because they are involved in that big release issue!

Ano ba kasing kabalastugan ang ginawa nila at pati ako ay kailangang magdusa?

"Tss," I rolled my eyes and lean my back on my chair. Do they really think that they can command me to do something ridiculous that easily? And heck, they just mentioned marriage!

Sinira na nila ang mga taon nung kabataan ko tapos ngayon pati ba naman ang future life ko gusto pa nilang sirain? Ganoon ba talaga sila kasama at isasakripisyo nila ang sarili nilang anak para lang sa kompanya na iyon?

The majority of people nowadays are all stupid and freaking insane. How could my parents do this to me?

"You looks like you're ready to bite someone's neck, Ren."

I turned my gaze to my side only to see Arron's teasing smile. I heave a sigh and rolled my eyes for the nth time.

"Here we go again. Ano na namang baon mo para sirain ang buong araw ko?" pabalang kong tanong sa kaniya. I saw him smile even more. He immediately sat down beside me since we're seatmate and stare at me like a freaking obsessed man.

Nagiwas ako ng tingin at kalmadong tumunganga sa white board namin na nililinisan ng mga cleaners ngayon. I don't know why they still have to do that. May mga janitor at janitress naman dito. What's the use of them?

Decorations?

"You know what, Rena. Lumiliwanag ang buong paligid ko sa tuwing nakikita ko ang maamo mong mukha," aniya.

Oh, Ghad! Paano ba iwasan ang baliw na 'to?! Nakakainis! Bakit ba kasi ako tinabi ni Prof sa lalaking 'to!

"Shut up, will you?" I glared at him, irritated. Pero lintik lang, ang luko nakapatong pa ang mukha sa palad habang ang siko ay nasa kaniyang lamesa. He's looking at me while his eyes flicker like he just saw gold and diamonds.

Sa inis ko ay mabilis akong tumayo at lumabas ng classroom. Agang-aga na bwisit naman oh!

Naglakad ako sa pathway ng walang ibang dala kung hindi ang sarili. I shrugged my shoulder while walking slowly as if I am counting every rock that I could see. My thoughts are raffled and I couldn't think right. Gulong gulo ako.

Sino nga uli yung binanggit ni mom? What's his name again? Weiz? Weil? Weidal? Argh! Ano ba namang klaseng pangalan yun?!

I was walking unconsciously when I suddenly bumped myself into someone. Tumama pa ang noo ko sa matigas na bahagi sa kaniyang dibdib o suot? Hindi ko alam.

I was taken aback because of the impact. I stoop my head to touch the part on my forehead that was exactly hit. Sa inis ko ay mabilis akong nag-angat ng tingin. Humahangos na naabutan ko ang isang matangkad na lalaking walang karea-reaksyong nakatingin sa akin. Para bang nagtataka pa siya kung ano ang ginagawa ko at para bang hindi niya alam na masakit yung pagkakabangga ko sa kaniya.

I mean, 'yung pagiging tanga niya kaya nabangga niya ako!

"You asshole! Aren't you going to apologize?!" I yelled. I look at him with so much rage but it pissed me more when he didn't move. He is just looking at me and the heck! He even tilted his head like he was studying my whole face!

What does he think of me, stupid?

"Are you making fun of me?!" I shouted.

Alam ko na pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang inis. Bwisit na bwisit na nga ang araw ko madadagdagan pa?

Nang hindi siya sumagaot, I rolled my eyes at him. Nagbaba ako ng tingin sa suot kong bistidang puti saka ito pinagpagan. My eyes went big when I saw some traces of black stain right exactly in the middle of my dress! Exactly at the middle of my boobs spot! Kitang kita iyon kapag malapitan at kahit na maliit lang iyon ay dumi pa rin iyon! Shit, ayaw kong magmukhang basahan sa harap ng maraming tao.

I'm always the presentable and clean type of woman, that is what my name means!

Galit na galit akong tumingin sa kaniya. Nagtama ang mata namin, nakatitig lang siya sa akin at wala man lang gumuguhit na reaksyon sa kaniyang mukha. Dahil sa galit ay mabilis ko siyang nilapitan at nang akma ko na sana siyang susuntukin ngunit halos mahigit ko ang hininga ko nang mahuli niya ito at mabilis akong pinaikot kaya ngayon ay nasa likod ko na ang kanan kong kamay habang ramdam na ramdam ko ang mainit niyang harapan sa aking likod! Shit, ang lapit niya sa akin!

How the hell did he do that!? He wards off my attack that fast!

"Let me go!" I shouted and try to free myself from his tight grip but I just can't. He's too strong.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ng aking kanang tainga. What the hell is he planning to do with me? Is he going to harass me?!

"I said let me g-"

"Change your clothes, I can see your red dotted bra," he said, cutting me off. Nanlaki ang mga mata ko at bumuka ang aking bibig.

"You asshole!" I exclaimed. Matapos naman niyang sabihin iyon ay tinulak na niya agad ako palayo. Mabilis kong tinignan ang aking dibdib at halos sumpain ko ang sarili sa napagtanto. I'm lost for words because he's right!

Bago pa man ako makapagsalita muli ay mabilis na siyang naglakad palayo sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng kulay dark brown na jacket na may hoodie. Tinilakbong niya ang kaniyang hoodie at tila may tinataguang tao kung maglakad.

Nangunot ang noo ko habang pinapanood siyang lumayo.

This guy is getting into my nerves! He's not even sorry for bumping me!

Inalis ko ang tingin sa kaniya saka ibinalik sa suot kong damit. Suminghap ako sa nangyari sa damit ko.

"Argh!" I shouted and run immediately to get a new dress to wear. I don't want to embarrass myself again. But I'll promise that I will find that punk and make him pay. I will make him kneel down to me.

***

"Oh? Anong mukha 'yan, Ren?" Drel asked soon as I sat down on my chair. I groaned at her and took my phone out of my bag.

Nagsurf ako sa F******k account ko para ilibang ang sarili. Dapat ay nagrereview na rin ako tulad ng iba ngunit wala ako sa mood. Isa pa, hindi naman ako makakalimutin kaya medyo natatandaan ko pa yung mga topic na itinuro.

I glanced in Drel's direction when I heard her squealed a little. Nahagip ng mata ko ang cellphone niya at malamang sa malamang ay kausap na naman nito ang boyfriend niya.

Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa at hindi na muling pinansin pa si Drel. I pity my best friend. She's madly in love with her boyfriend who cheats all the time but she just ignored it. Gusto ko siyang iuntog sa pader ngunit baka mabaliw naman siya kaya h'wag na lang.

Ilang sandali pa ay dumating na rin naman ang prof namin kaya nagsi-ayusan na ang lahat. Wala na ako sa mood pa na makipagkamustahan kay prof kaya agad kong sin-suggest na umpisahan na agad ang examination. Bakit ba kasi kailangan pang patagalin?

"Oh, yes! We'll start soon but let me introduce your new block mate. Since we still have ten minutes before the examination hour, let's meet him!"

Napuno ng bulungan ang paligid dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Prof. I just rolled my eyes about his announcement because all I care about from now is to take the exam and go to the mall to shop for new clothes right after. But since we still need to meet our 'new' block mate which is bullshit for me because we aren't in high school anymore, I have no choice but to waste another five minutes for the introduction. Dapat wala na lang kapag may mga bago eh.

"Mr. Weidal Lazien Fe Veragon, please come in," I heard Prof said and for the first time, I literally froze.

...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status