Share

Chapter 2

“Honey, in-invite kami ni Uno bukas, first birthday ng bunso niya, magdamagang inuman raw,” saad ni Julius nang tabihan niya ito sa kama.

“Okay,” tipid na sagot niya habang kinukumutan ang sarili. Okay lang naman sa kaniya kapag nakikipag-inuman si Julius sa mga kaibigan nito, lalo na kung may okasyon naman.

“Ayaw mo ba'ng sumama?” tanong nito, kahit pa alam naman na nito ang magiging sagot niya. Ayaw niyang sumasama sa mga gathering, lalo na kung hindi niya naman kilala ang mga taong kasama. Hindi siya komportable.

“No, marami pa 'kong trabaho sa office.” Nilingon niya ang asawa. “Mag-enjoy ka bukas.” Tipid niya itong nginitian. Nakita niya ang pagngiti rin nito bago siya tumihiya, saka niya ito naramdamang umusog sa tabi niya't yumakap sa baiwang niya, kaya nag-unan siya sa braso nito't marahang hinaplos ang braso nitong nakayakap sa baiwang niya.

“Thank you, Honey,” maya-maya'y bulong ni Julius sa kaniya, kaya bahagyang nangunot ang noo niya.

“For what?” tanong niya nang hindi lumilingon rito. Ipinikit niya na ang mga mata niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag yakap-yakap siya ng asawa; napakagaan sa pakiramdam.

“Kasi pinayagan mo 'ko kahit na sinabi kong magdamagang inuman 'yon, it means hindi ako makakauwi bukas ng gabi,” sagot nito. Ramdam niya ang pagtama ng hininga nito sa gilid ng muka niya, dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya.

“I trust you, Honey, alam kong wala kang gagawing kalokohan,” sagot niya na nananatiling nakapikit, kaya hindi niya nakita ang paglawak ng ngiti sa labi ng asawa.

“Wala talaga, Honey, ikaw lang kasi sapat na, sobra-sobra pa hehe. I love you,” mahinang usal nito, saka niya naramdaman ang paghalik nito sa ulo niya, dahilan para tipid siyang mapangiti.

“I love you too, and good night,” sagot niya na hindi na nagmulat, saka na sila natulog habang mahigpit na nakayakap sa kaniya ang asawa.

*** 

Abala siya sa pag-re-review ng mga proposal nang bigla na lamang may isang babaeng walang katok na pumasok sa opisina niya, nakasunod rito ang secretary niya na pinipigilan ito, saka takot na tumingin sa kaniya.

“Ma'am, sorry, nagpumilit po siyang pumasok,” bahagyang nanginginig na saad nito. Hindi niya ito masi-sisi kung bakit ganito ito katakot sa kaniya; lahat naman ng empleyado rito ay takot talaga sa kaniya; tipong presensiya niya palang ay nanginginig na ang mga ito.

Walang emosyon niya itong tinignan, bago ibinalik ang paningin sa lapastangang babae na walang habas na pumasok sa opisina niya nang walang pahintulot. Pamilyar sa kaniya ang babaeng 'to, pero hindi niya na maalala kung sa'n niya ba ito nakita before.

“Who are you and what do you need?” wala pa ring pinakikitang emosyong tanong niya sa babae, dahilan para hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaniya.

“Really, Ezra? Hindi mo 'ko kilala?” nang-uuyam na tanong nito sa kaniya, kaya umayos siya ng upo niya't pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa niya.

“I'm sorry, madali ko talagang makalimutan ang mga taong wala namang importansiya,” simpleng sagot niya, dahilan para mapaawang ang mga labi nito dahil sa naramdamang pagkainsulto. Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Walang space sa isip niya ang mga taong wala namang gawa sa buhay niya.

“You're such a freak weirdo bitch!” mariing usal nito, dahilan para mapanganga ang secretary niya. Hindi ito makapaniwala sa babae na nagawa siyang pagsalitaan ng gano'n. Akmang lalapitan na nito ang babae pero sinenyasan niya itong hayaan lang ang lapastangang babae. Gusto niya ring malaman ang dahilan ng pagpunta nito; sayang naman ang effort nito na pagsadya sa office niya kung hindi niya pagbibigyan.

“Just tell your errands and leave, as you can see, marami pa 'kong trabaho na kailangang tapusin,” mahinahon at walang kaemo-emosyong saad niya na tinutukoy ang mga papel at folder na nasa lamesa niya. Ang dami niyang kailangang pag-aralang proposal, at kailangan na ang pirma niya ngayong araw mismo, tapos iniistorbo ng babaeng 'to ang pagtatrabaho niya.

“Ang yabang mo,” napapatiim bagang na saad nito, pero hindi siya tumugon, hinihintay niyang sabihin nito ang pakay. Ayaw niya ng masyadong nagsasalita, lalo na kapag hindi niya kilala ang kausap.

Nanatili siyang walang kibo na deretsong nakatingin dito, dahilan para pagak na tumawa ang babae, saka siya nginisian at tinaasan ng kilay.

“Okay, hindi mo 'ko kilala o naaalala? Puwes magpapakilala ako sa 'yo.” Nameywang ito na nananatiling nakangisi sa kanya. “I'm Cielo, Julius girlfriend.”

Napabuntong hininga na lamang siya.

“Nice try, pero marami na'ng nagpunta sa 'king babae at sinabi 'yan. Wala bang bago?” walang ganang sambit niya, saka sumandal sa swivel chair niya't itinukod ang mga siko sa armrest, saka marahang nilaro-laro sa kamay niya ang nadampot na sign pen.

“What the hell?” hindi makapaniwala nitong bulalas.

“You know, miss, kung 'yan lang ang pinunta mo dito, umalis ka nalang, dahil hindi mo masisira sa 'kin ang asawa ko.”

“Huh! Gano'n ka katiwala sa kaniya? Hindi mo ba alam ang nakaraan niya? Likas na kay Julius ang pagiging babaero, hindi siya nakukuntento sa isang babae lang!”

Nanatili siyang kalmado. Malamang isa ito sa mga ex ng asawa niya no'ng college. Medyo sanay na siya sa mga tagpong ganito, at medyo nakararamdam rin siya ng awa sa mga babaeng tulad ng nasa harapan niya; 'yong hindi maka-move on at naghahabol pa sa lalakeng may mahal nang iba; mga desperada.

Though naiintindihan niya ito; siguro talagang minahal lang nito ang asawa niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagiging babaero ni Julius noon bago sila magkakilala, pero hindi niya na ito binibigyan pa ng pansin, dahil ang mahalaga ngayon ay nagbago na ito; sa nakikita niya.

“I trust my husband, at 'yon ang dahilan kaya hanggang ngayon ay matibay ang pagsasama namin.”

“You're a stupid bitch! Ilusiyonada! Akala mo talaga kuntento na sa 'yo si Julius? Nagkakamali ka! Dahil makikita mo, magsasawa rin siya sa 'yo, at pagtatawanan talaga kita kapag naghanap siya ng ibang babae!” gigil na bulalas nito sa kaniya, kaya nagkibit balikat na lamang siya't sumagot ng…

“Okay.” Saka niya na sinenyasan ang secretary niya na palabasin ang babae. Nagpumiglas pa ito't paulit-ulit siyang ininsulto kaya nahirapan ang secreatary niya, mabuti na lamang at may mga dumating na guards kaya tuluyan na itong nailabas ng building.

Siguradong magiging hot topic nanaman ito ng mga empleyado sa lahat ng department, at siguradong makararating nanaman ito sa ama niya.

Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido't itinuloy na ang naudlot niyang trabaho.

Wala nanamang kuwentang tao na kailangang i-delete sa isipan niya.

*** 

(Ricks Bar in Harmony Bridge, Hallony.)

“Akala ko ba first birthday ng bunso mo? Ano'ng ginagawa natin dito sa bar?” kunot noong tanong niya sa kaibigang si Uno.

“Tss, kung hindi ko 'yon sasabihin, siguradong hindi kayo papayag dito,” nakangising sagot nito, dahilan para batuhin ito ni Raniel ng kaka-serve palang na pulutan sa table nila.

“Gago ka! Mayayari ako nito kay Cassy ehh,” bulalas ni Raniel. Well, pati siya, siguradong malalagot siya kay Ezra kapag nalaman nitong hindi naman pala talaga totoong birthday ng anak ni Uno.

“Pagbigyan niyo na 'ko, minsan-minsan na nga lang tayo nagkikita ehh.”

“Tss, 'pag ito nalaman ni Ezra, ikaw ang magpaliwanag sa kaniya ahh,” ngising saad niya, dahilan para mamutla ang kaibigan niya. Sabay silang tumawa ni Raniel. Lahat naman ng kaibigan niya'y takot sa asawa niya. Hindi niya alam kung bakit, samantalang sa paningin niya'y mukang anghel ang asawa niya.

“Gago, tignan palang ako ng asawa mo parang maiihi na 'ko sa kaba.” Muli silang nagtawanan ni Raniel dahil sa sinabi nito.

“Bakit ba kayo takot na takot kay Ezra? Para kayong mga abnormal,” tanong niya, saka tumungga sa hawak niyang beer.

“Tch, ikaw lang yata ang hindi natatakot kay Ezra ehh. Unang kita ko palang sa kaniya noon kinilabutan na 'ko. Para' kasi siyang nababalutan ng itim na aura,” sagot ni Uno na mabilis na sinang-ayunan ni Raniel. Tama naman ang mga ito. Iba talaga ang presensiya ni Ezra, hindi ito pala-kaibigan at madalang kung magsalita; masyadong mahinahon at hindi mo malalaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip.

Pero kahit na gano'n si Ezra, never siyang nakaramdam ng takot dito, dahil nang una niya itong makita, kakaibang pakiramdam ang naging hatid nito sa kaniya; napakasarap na pakiramdam.

Siya nga lang ang natatanging lalake na naglakas loob na lumapit dito noon; and that's a very good thing, wala kasi siyang naging karibal o kaagaw, dahil lahat ng lalakeng nagkakainteres dito'y walang lakas ng loob na lumapit. Totoong tingin palang ni Ezra ay tatakasan ka na ng dila mo. 'But, not me.' Napangisi siya sa sinaad ng isip.

'Everyone says she's creepy, but for me she's amazing.'

“Ewan ko sa inyo, ang ganda-ganda ng asawa ko kinatatakutan niyo,” nakangising saad niya, kaya siya naman ang binato ng pulutan ng dalawa.

Nagkuwentuhan at nagtawanan lang sila habang inuubos ang tatlong bucket ng beer na in-order nila. Tatlo lang sila pero talagang nag-e-enjoy na sila. Para' silang bumalik noong teen-ager palang sila; parati rin silang laman ng mga bar noong kabataan nila. Hindi niya maitatanggi na na-miss niya rin ito.

At nang medyo malasing na sila, namalayan na lamang nila ang mga sarili na naglalaro na ng truth or dare na parati nilang nilalaro noong mga binata pa sila.

“Puro kayo truth, ang boring na!” reklamo ni Uno dahil sa tuwing turn na nila'y parating truth ang sagot nila, hindi gaya noong binata pa sila na parating dare ang pinipili nila; mas exciting kasi 'yon.

“Sige tanggalin natin ang truth, puro dare nalang tayo,” saad ni Raniel na mukang malala na ang tama, dahil nakarami na rin sila ng bucket ng beer, idagdag pa ang ibang klase ng alak na ininom nila.

“Sige,” sang-ayon niya na rin dahil gusto niya pang mas i-enjoy ang gabing ito.

Muli nilang pinagpatuloy ang laro, at puro kalokohang dare lang ang pinag-gaga-gawa nila, nagawa pa nga'ng makipag-halikan ni Raniel sa isang babae dahil sa 'yon ang sinabing dare ni Uno.

Sa sobrang pag-i-enjoy at kalasingan, nalimutan na nilang may mga asawa silang naghihintay sa mga bahay nila.

Nang turn niya na ulit, ngumisi sa kaniya si Uno't tinuro ang isang babae na nasa bar counter. Nilingon niya ito't inaninag; sa kalasingan niya'y hindi niya na masyadong makita ang itsura nito.

“Tanggalin mo 'yang wedding ring mo, saka mo lapitan ang babaeng 'yon at magpakilala,” saad ni Uno na nananatiling nakaturo sa babae, kaya napangisi siya.

“'Yon lang? Tss, ang basic naman,” pagyayabang niya, saka niya tinanggal ang wedding ring niya't ibinulsa, at saka siya tumayo't bahagyang gumegewang na lumapit sa babaeng prenteng nakaupo sa high stool at umiinom ng cocktail drink habang nagmamasid sa paligid. Ang inosente ng itsura nito, parang first time pumasok ng bar.

“Hi, Miss, are you alone?” Napatingin sa kaniya ang babae at saka bahagyang umawang ang labi. Naguwapuhan siguro sa kaniya. Lihim siyang napangisi dahil sa naisip.

“Ahh… Kasama ko ang mga kaibigan ko,” mahinhing sagot nito na napaiwas pa ng tingin, sabay inom sa cocktail glass nito.

“Na sa'n sila? Dapat hindi nila iniiwang mag-isa ang isang magandang babaeng kagaya mo sa lugar na 'to,” saad niya, saka ipinamalas rito ang ngiti niyang nakaka-hook sa mga babae.

Lasing na nga talaga siya dahil hindi niya na alam ang ginagawa niya; kung nasa katinuan lamang siya'y hindi niya lalapitan ang babaeng 'to dahil ayaw niyang lokohin ang asawa niya. Pero ano 'tong ginagawa niya? Hindi niya na alam.

Namula ang babae at muling napaiwas ng tingin, kaya muli siyang lihim na napangisi. Wala pa rin talagang kupas ang karisma niya sa mga babae.

“By the way, I'm Julius, and you are?” kapagkuwan ay pakilala niya na, saka inilahad ang kamay sa babae, na malugod naman nitong tinanggap.

“Camina,” mahinang pagpapakilala rin nito sa kaniya.

“Camina… beautiful name, as you do.” Saka niya marahang hinalikan ang kamay nitong hawak niya.

___

Facebook Page: Ivy Loud Stories

Instagram: @ivy.loud

Twitter: @I_Loud_

Wattpad: @IvyLoud

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status