Share

Chapter 3

Everything happens in a blur. Bigla niya na lamang nakalimutan ang mga kaibigan niya't masayang nakipagkuwentuhan kay Camina.

Napakasimple lang nito't napakahinhin, pero napakaganda naman nito't napakasarap kausap.

Ang lambot ng kamay nito nang hawakan at halikan niya ito kanina.

At habang nagsasalita ito'y pasimple siyang nakatitig sa mapulang labi nito na parang napakalambot at ang sarap halikan.

Parang ang sarap ring haplos-haplosin ng makinis at porselana nitong balat.

Lunod na talaga siya sa kalasingan at hindi niya na magawang umahon pa. Hindi niya na alam ang ginagawa niya, biglang nawala sa isip niya na kasal siya sa pinakamamahal niyang asawa.

At ngayong gabi ay parang gusto niya na lamang magpaalipin sa tumataas niyang libido dahil sa simple pero kaakit-akit na babaeng nasa harapan niya na parang tinamaan na rin dahil sa pilit niya itong pinainom ng hard drink.

Hanggang sa namalayan niya na lamang ang sarili sa loob ng isang kuwarto ng hotel, kasama si Camina, at pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga katawan sa malambot na kama ng kuwarto.

Nagpakasasa sa kapusukang hatid ng temptasyon, wala sa isip ang magiging kapalit ng kataksilang kaniyang ginagawa. Ang tanging nasa kaniyang isip ay ang makaraos sa tulong ng napakagandang babaeng nasa kaniyang ilalim.

“Damn! You're so tight! Fuck!” ungol niya habang mabilis na umuulos sa ibabaw nito.

“Julius…” daing rin ni Camina na napapaawang ang labi dahil sa sensasyong nararamdaman. Wala itong kaalam-alam na ang lalakeng katalik ay nakatali na sa ibang babae.

Masyado na silang lunod sa kapusukan, kinalimutan na ang lahat at nagpakasasa sa nararamdaman nilang sarap ng pagniniig.

“I'm cumming!” muling daing ni Camina nang maramdamang parang may namumuo na sa puson nito, hanggang sa naramdaman na ni Julius na nabalot na ng katas nito ang naghuhumindig niyang kahabaan na patuloy pa ring naglalabas-masok sa masikip nitong lagusan.

Muli niyang pinagdapo ang kanilang mga labi habang patuloy pa rin sa pag-ulos.

“Roll on your stomach, Babe,” anas niya, saka kinagat ang pang-ibabang labi nito. Pinadapa niya si Camina bago muling umulos mula sa likuran nito.

Nakasubsob na ang muka ni Camina sa unan dahil sa panghihina. Ilang beses na itong nilabasan pero parang hindi nakararamdam ng pagod si Julius; patuloy lang siya sa pag-angkin dito.

Iba't ibang posisyon ang kanilang ginawa, walang sawa at talagang nagpakasasa.

Hanggang sa muli nilang marating ang sukdulan, at inilabas ni Julius ang lahat ng katas niya sa kaloob-looban ni Camina, walang takot sa maaaring maging kahinatnan ng kanilang pagkakamali.

*** 

Mariin siyang napasabunot sa kaniyang buhok, saka muling tinignan ang babaeng nahihimbing sa kaniyang tabi.

'Ano'ng nagawa ko?'

Nagbalik sa ala-ala niya ang lahat ng pinag-gaga-gawa niya kagabi; at sobra-sobrang pag-si-sisi ang nararamdaman niya ngayon. Naisip niya ang asawang si Ezra. Paano na lamang kapag nalaman ito ng asawa niya? Siguradong hindi siya nito mapapatawad.

“Ang gago mo! Ang gago-gago mo, Julius!” mahina pero mariing usal niya, saka mariing napahilamos sa muka niya.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa babaeng nakatalik niya lang kagabi na nagngangalang Camina. Tinitigan niyang maigi ang muka ng dalaga, at talaga namang napakaganda nito; nakahahalina't nakapang-aakit. Parang may nag-uudyok sa kaniyang halikan ito nang mapadapo ang paningin niya sa mapulang mga labi nito. Naalala niya kung gaano ito kalambot at kasarap halikan.

Mabilis siyang umiling at dahan-dahang bumangon sa kama. Pinulot niya ang lahat ng mga nagkalat niyang damit at isinuot.

Hinding-hindi siya mapapatawad ng asawa niya dahil sa kasalanang nagawa niya. Hindi maaari, mahal na mahal niya si Ezra, ayaw niyang mawala ito sa kanya.

'Hindi niya 'to puwedeng malaman.'

Sa huling beses ay sinulyapan niya ang babaeng nahihimbing sa malambot na kama ng kuwarto, bago siya tahimik na lumisan at mabilis na nagmaneho pabalik ng Crimson Wood, kung sa'n siya naninirahan kasama ang mahal niyang pamilya.

'Ang mga nangyari ay isa lang malaking pagkakamali; at walang puwedeng makaalam ng pagkakamaling 'yon, kahit na ang mga kaibigan ko pa.'

Pero ang pagkakamaling 'yon ay hindi niya aasahang nanaisin niyang balik-balikan.

*** 

Nagising si Camina na wala na ang lalakeng nakasiping niya. Hindi naman siya gaanong nalasing kagabi kaya tandang-tanda niya ang mga nangyare.

Hindi siya makapaniwalang ibinigay niya ng gano'n-gano'n nalang ang sarili niya sa lalakeng hindi niya naman lubusang kilala.

Napahawak siya sa sariling labi nang maalala kung gaano ito kasarap humalik.

Nang makita niya ito kagabi ay talagang umawang ang labi niya dahil sa taglay nitong kaguwapuhan. Nakaramdam siya ng hiya dahil alam niyang pinamulahan siya ng muka dahil sa mga papuring pinagsasabi nito sa kaniya.

Hindi naman siya gano'n kabilis magkagusto sa isang lalake, pero mukang iba ang lalakeng 'yon, dahil hindi na ito mawala-wala pa sa kaniyang isipan.

Iniisip niya tuloy kung na saan na kaya ito? Bakit ito umalis nang hindi nagpapaalam sa kaniya? Medyo nakaramdam siya ng panghihinayang.

Posible ba'ng magkagusto sa isang lalake kahit na isang beses mo pa lamang itong nakikita at hindi mo pa lubusang nakikilala?

Wala siyang ibang alam sa lalake maliban sa ang pangalan nito ay Julius. Habang nagkukuwentuhan sila nang gabing 'yon ay hindi ito nagkuwento ng tungkol sa sarili nito, puro lamang ito tanong tungkol sa kaniya. Masyado siyang nag-enjoy sa pakikipagkuwentuhan sa lalakeng 'yon at nakalimutan niyang kasama niya ang mga kaibigan niya.

Sobrang bilis ng pangyayari; ang pagkukuwentuhan nila ay biglang nauwi sa make out, hanggang sa namalayan na lamang nila ang kanilang mga sarili na nagtungo sa isang pinakamalapit na hotel at nag-check in.

“Camina…” Napahinto siya sa pagpupunas ng counter nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya, at nang mag-angat siya ng paningin ay mabilis siyang napasimangot nang makita ang muka ng makulit na lalakeng 'to; ang kaniyang ex boyfriend.

“Venzie, ano nanama'ng ginagawa mo dito?” yamot na tanong niya sa lalake, saka naglakad palabas ng counter para lapitan ito.

Matagal na sila nitong hiwalay, kaya hindi niya maintindihan kung bakit bumalik pa ito't ngayo'y nangungulit sa kaniya.

“Binibisita ka, 'di ba sabi ko liligawan uli kita? So here I am. And here, flowers for you.” Sabay abot sa kaniya ng bitbit nitong bungkos ng bulaklak.

Napabuntong hininga na lamang siya't hindi ito tinanggap.

“'Di ba sinabi ko nang ayo'ko? Hindi na tayo puwedeng magbalikan, Venzie, kaya tigilan mo na 'ko,” sa halip ay mahinahong saad niya. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa muka ng lalake, pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa kanya.

'I'm sorry, kailangan kong gawin 'to.' Ayaw niya nang umasa pa ito sa kaniya, dahil talagang nawala na ang dating pagmamahal niya para dito; mula nang iwan siya nito para sa pangarap nito. Pinili nito ang pangarap nito ke'sa sa kaniya, kaya humihingi siya ng tawad dahil wala na itong babalikan pa.

“Pero hindi ko naman hinihingi ang permiso mo, liligawan kita kahit ayaw mo,” paninindigan nito, kaya muli na lamang siyang bumuntong hininga't tinalikuran ito para magtungo na sa opisina ng coffee shop niya.

Hindi na siya sinundan pa ni Venzie kaya nakahinga siya ng maluwag. Matagal na silang wala, matagal na siyang naka-move on, tapos ngayon  pa ito babalik kung kailan okay na okay na siya.

Bigla niyang naalala ang lalakeng nakilala niya sa bar, at saka siya wala sa sariling napangiti.

Mukang tinamaan nga yata talaga siya.

Gusto niyang hanapin ang lalakeng 'yon, gusto niya itong makita at makausap.

Pero paano? Saan niya ito hahanapin? Ni surname nga nito'y hindi niya alam.

*** 

Napabalikwas siya ng bangon nang hanggang sa panaginip ay hindi siya patahimikin ng pagkakamaling nagawa niya.

Ang napakasarap na tagpong 'yon ay hindi mawala-wala sa kaniyang isipan, lalo na ang napakagandang katawan ng babaeng 'yon. Ramdam niya ang pagtigas ng kaniyang pagkalalake, kaya mariin siyang napahilamos sa muka niya.

'Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Bakit hindi siya mawala-wala sa isip ko?!'

“Honey, are you okay?” Napatingin siya sa katabing asawa na mukang nagising dahil sa biglaang pagbalikwas niya.

Nilalamon na siya ng konsensiya dahil sa nangyayare sa kaniya. Pakiramdam niya'y bumabalik siya sa dati; 'yong gagong Julius. Hindi ito deserve ng asawa niya, hindi deserve ni Ezra ang maloko.

Kaya sa halip na sagutin ang tanong ng asawa niya'y hinalikan niya ito, saka niya ito kinaubabawan. Mabuti na lamang at tumugon ito sa kaniya.

Kailangan niyang alisin sa isipan niya ang masarap na tagpong 'yon; ang asawa niya dapat ang laman ng isipan niya, hindi ang babaeng 'yon.

'Mahal ko si Ezra, mahal na mahal.' Paulit-ulit niyang itinatak sa isipan niya 'yan.

Isa-isa niyang inalis ang mga kasuotan nilang dalawa, hanggang sa wala nang matira't tuluyan na silang maging hubad na dalawa. Mabuti na lamang at hindi na tumutol ang asawa niya kahit na may mga pasok pa sila bukas. Ramdam siguro nito na may gumugulo sa isipan niya kaya hinayaan na lamang siya. Kilala niya ang asawa niya, mabilis itong makaramdam, pero hindi nito ugali ang magtanong, hihintayin lang nito na siya ang kusang magsabi.

Mula sa labi nito'y bumaba ang halik niya sa malusog nitong mga dibdib. He licked, nipped, and sucked her nipple, salitan sa magkabilang dunggot, habang marahan niya itong minamasahe.

“Honey…” daing ng kaniyang asawa na mahinang napapasabunot sa kaniyang buhok, kaya nagpatuloy siya sa paglalaro ng kaniyang dila sa dalawa nitong korona.

Muling bumaba ang kaniyang mga halik, patungo sa manipis nitong tiyan, sa pusod, sa puson, hanggang sa mapadpad na ang mga labi niya sa tinatarget nitong sentro.

“Ahh…” napapatingalang muling daing ng asawa nang pasadahan na ng kaniyang dila ang kabasaan nito.

His sinful lips lapped her wet folds, while his three fingers are now starting pumping her hole.

Bigla niyang naalala kung gaano kasikip si Camina, at kung gaano kasarap ang pagsakal nito sa kaniyang pagkalalake.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo't muli nang pumatong sa kaniyang asawa. 'Mali 'to, maling-mali!' Maling-mali na may naiisip siyang ibang babae habang nakikipagsiping siya sa kaniyang mahal na asawa.

Hinalikan niya si Ezra sa noo, saka malamlam ang mga mata itong tinitigan sa muka.

“I love you…” mahinang usal niya, saka na ipinusisyon ang kaniyang kahandaan sa lagusan nito.

Sabay silang napaungol nang tuluyan nang mag-isa ang kanilang mga katawan.

'Mahal ko ang asawa ko, mahal na mahal…'

At hindi niya hahayaang masira silang dalawa, kahit na ano'ng mangyari, hinding-hindi niya hahayaang masira ang pamilyang binuo niya.

_____

Facebook Page: Ivy Loud Stories

Instagram: @ivy.loud

Twitter: @I_Loud_

Wattpad: @IvyLoud

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status