Share

Chapter 1

“Ano'ng position naman ngayon, Honey?” nakangising tanong niya sa asawa nang lumabas na ito ng bathroom na ang tanging suot lamang ay isang itim na bathrobe.

Ngumisi rin ito sa kaniya, saka nang-aakit na naglakad palapit sa kamang kinaroroonan niya habang dahan-dahang tinatanggal ang pagkakabuhol ng robe nito, kaya napaayos siya ng upo sa kama't tinanggal na ang suot niyang t-shirt. This night will surely rock his world. His wife is so freakin' hot.

“I wanna try the lotus, x marks the spot, and the advanced crab walk sex position, Honey,” mapang-akit pa rin ang boses na sagot nito, saka na tuluyang nilaglag sa sahig ang natatanging takip sa hubad nitong katawan.

Napakagat na lamang siya sa kaniyang pang-ibabang labi dahil sa sinabi nitong posisyon. Every time na magkakaroon sila ng sexy time ay sinusubukan nila ang mga posisyon na ni-research ng asawa niya sa internet; at si Ezra ang may kagustuhan no'n. Mabilis na sumaludo ang kaniyang sandata, kaya naman tumayo na siya't hindi na hinintay pa na makalapit sa kaniya ang asawa, mabilis niya na itong sinunggaban.

He smashed his lips on her lips. Lips to lips, tongue to tongue, tasting each other’s saliva, habang ang mga kamay niya'y naglalakbay na sa napakaganda pa rin nitong katawan.

At namalayan na lamang nila ang mga sarili sa dining table, ginagawa ang isa sa mga sinabi nitong posisyon kanina; ang X Marks The Spot.

Good thing Saturday ngayon, dahil kapag weekends ay nasa parents ni Ezra ang kanilang seven years old na anak na si Ezianna, kaya malaya nilang ma-explore ang buong bahay. Napangisi na lamang siya sa naisip.

Nakahiga sa lamesa ang kanyang asawa, habang siya nama'y hawak ang binti nitong naka-cross at marahas na umuulos.

Ang higpit ng pagkakahawak ni Ezra sa puwetan niya dahil sa sarap ng pinagsasaluhan nila.

“Damn, Honey!” ungol niya, saka mas binilisan ang pag-ulos at napatingala nalang habang nakaawang ang mga labi. Dahil sa posisyong ito'y mas sumikip ang nilulusong niyang kuweba na sumasakal sa naghuhumindig niyang pagkalalake.

“I almost there, Honey. I'm gonna come!” ungol rin ni Ezra, hanggang sa mamaluktot na ang mga paa nito't manginig ang mga hita, tanda ng narating na nito ang kasukdulan.

Binitawan niya ang binti nito't pinayakap ito sa baiwang niya, saka niya hinila ang katawan nito patayo para maglapat ang kanilang mga labi.

They french kissed while he walked to the near wall, at do'n niya mabilis at marahas na binayo ang asawa niya, habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan at paglilingkisan ng mga dila.

Sunod na naging puwesto nila ay sa carpet ng living room, at ang sex position na gamit naman nila ngayon ay ang The Lotus.

Nakaupo siya sa carpet habang naka-crossed legs, at nasa hita naman niya si Ezra na naka-locked ang mga paa sa likod niya; at walang habas na nag-iisa ang kanilang mga katawan.

Ginawa rin nila ang dog style at missionary sa sofa, at ang panghuli ay bumalik na sila sa kuwarto nila't ginawa naman ang Advanced Crab Walk sa kama. Magkaharap silang dalawa, nasa magkabilang gilid ni Ezra ang mga binti niya, at nakapatong naman sa balikat niya ang dalawang ankle nito. Kapwa nakatukod ang mga kamay nila sa bandang likuran nila habang muling nag-iisa ang mga katawan nila.

Wild night as ever, napaka-suwerte niya talaga sa asawa niya.

*** 

Monday…

4 am pa lamang ay gising na si Ezra para makapaglinis ng bahay at makapagluto ng almusal. Wala silang kasambahay dahil mas gusto niya ng simpleng buhay kasama ang asawa't anak niya, idagdag pa na ayaw niya ng masyadong maraming tao sa bahay. She's an introvert, and she hates being surrounded by so many people.

Nang mag-5 am na'y ginising naman niya ang anak at asawa niya para maghanda na sa pagpasok. At pagsapit naman ng 6 am ay sabay-sabay na silang nagsalo sa hapagkainan para kumain ng agahan.

Gano'n ang routine nila sa umaga every weekdays.

“Wala ka na ba'ng nakalimutan, 'nak?” tanong niya sa anak nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan, saka isinuot ang black office blazer niya.

“Yes po, Mommy,” sagot nito, suot ang school bag nito't bitbit ang lunch box.

“Where's your daddy?” muling tanong niya nang hindi makita si Julius, pero bago pa man makasagot ang anak…

“I'm here.” Saka niya nakita ang asawa na lumabas mula sa kusina.

“Then let's go, may meeting pa 'ko with the board of directors ng 7:30 am,” deretsong saad niya, saka na iginiya ang anak palabas ng bahay.

Isa siyang CEO sa Saavedra Corporation na pag-aari ng pamilya niya. Hindi niya 'yon gusto pero dahil nag-iisang anak siya't nag-iisang tagapagmana, wala siyang magawa dahil isa itong responsibilidad bilang nag-iisang tagapagmana ng Saavedra.

Kapwa silang nagtapos ni Julius ng HRM and Culinary Arts, at gaya ng naging plano nila noon ay nagpatayo ito ng restaurant business, pero hindi niya naman ito matulungan dahil hindi niya magawang iwan ang company. Pero kung hihilingin lamang nito sa kanya na tulungan na lamang ito sa itinayo nitong business ay iiwan niya talaga ang kumpanya para dito. Pero dahil mabait ang asawa niya, ito pa ang nagsasabi sa kaniya na sundin ang mga magulang niya, kaya ano pa ba ang magagawa niya?

“Ano'ng me'ron sa meeting?” tanong ni Julius habang nagmamaneho patungo sa iskwelahang pinapasukan ni Ezianna. Nasa backseat ang anak nila na nagbabasa sa hawak nitong libro, habang siya nama'y nasa usual seats niya; ang shotgun seat.

Bumuntong hininga siya. “Alam mo naman si dad, gusto niya nang ipasa sa 'kin ang pisisyon niya, pinaghahanda niya na 'ko ngayon.”

“That's good news, it means tataas na ang pisisyon mo, congratulations, Honey.” Bakas ang tuwa sa muka ng asawa niya, kaya tipid na lamang din siyang ngumiti.

“Okay lang ba talaga sa 'yo na hindi ako nakakatulong sa resto? Kaya ko nama'ng iwan ang puwesto ko para matulungan na kita,” kapagkuwan ay tanong niya. Hindi niya na alam kung ilang beses niya na ba itong tinanong sa asawa, at gaya ng inaasahan niyang sagot…

“It's okay, Honey, kailangan ka ng mga magulang mo sa company, at saka yakang-yaka ko nama'ng patakbuhin at palaguin 'yang resto kahit ako lang, alam mo naman kung gaano kagaling na chef ang asawa mo,” sagot nito na may halong kayabangan, at tinaas-baba pa ang kilay nang sandaling lumingon sa kanya, kaya tipid na lamang siyang tumawa't umiling.

“By the way, Honey, inuutusan ako ni Dad na bisitahin ang mga branches sa Spain, kaya baka mawala ako ng mga one week,” saad niya nang maalala ang inuutos ng dad niya. Alam niya ang ginagawa ng dad niya, hinahanda na talaga siya nito na pamahalaan ang buong kumpanya, kaya sigurado siyang iisa-isahin nito ang mga branches nila sa iba't ibang bansa na iuutos na ipabisita sa kaniya.

“Kailan? At saka bakit ikaw ang inutusan?” kunot noong tanong nito.

“You know dad,” sagot niya, at alam na nito ang ibig sabihin ng sinagot niya. “Next week pa naman ang alis ko, dahil marami pa 'kong kailangang tapusin sa office.”

Napabuntong hininga na lamang ang asawa niya't marahang tumango. Alam niyang ayaw na ayaw ni Julius na umaalis siya ng bansa at nawawala ng higit sa isang araw; pero nagpapasalamat siya dahil napaka-understanding ng asawa niya. 'I'm so lucky to have him.'

*** 

Pagkarating sa restaurant na pag-aari niya'y dumeretso agad siya sa office niya para magpalit ng chef uniform, pero hindi pa man siya natatapos ibutones ang uniporme niya nang may kumatok sa pinto ng opisina niya, kaya naman binilisan niya na't pinagbuksan ang kumakatok.

“Oh, napadalaw ka?” agad na tanong niya nang makita ang kaibigang si Raniel.

Naglakad siya pabalik sa table niya't naupo sa swivel chair niya. Sumunod naman sa kanya si Raniel at naupo sa visitor chair.

“Ano'ng nakain mo't napadpad ka dito?” muling tanong niya rito.

“Tss, dumaan lang ako para sabihing tumawag sa 'kin si Uno, iniimbita tayo sa first birthday ng bunso niya,” sagot nito.

“Bakit sa 'kin hindi siya tumawag? Sinasaktan niya ang damdamin ko,” pagdadrama niya. Si Uno ay isa sa mga barkada niya no'ng high school. Silang tatlo nina Raniel ang parating magkakasama, lalo na pagdating sa mga kalokohan.

“Gago! Pinapasabi na nga lang sa 'kin ehh. Basta magpaalam ka na sa misis mo, magdamag raw tayong mag-iinuman. Bukas na 'yon.”

“Oo na, 'yon lang ba?”

“Oo, kaya aalis na 'ko dahil ma-le-late na 'ko sa trabaho ko,” sagot nito na tumayo na, kaya naman tumayo rin siya.

“'Ge ingat ka,” tugon niya na lamang, bago tuluyang nawala sa paningin niya ang kaibigan. Napabuntong hininga na lamang siya't nilisan na rin ang opisina niya para magtungo sa kusina't masimulan na ang trabaho.

Binabati siya ng mga empleyado niya kaya nakangiti niya ring binabati ang mga ito ng pabalik.

Nang manananghalian na'y naging busy ang resto dahil dumami ang mga guest, kaya naman alas-dos na nang magawa niyang makapagpahinga't makakain ng late lunch.

Nakita niyang may missed call ang asawa niya nang makabalik siya sa office niya, kaya naman dali-dali niya itong tinawagan.

“Hey, Honey, sorry hindi ko nasagot ang tawag mo, naging busy lang kasi dahil ang daming guest kanina,” bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya.

“It's okay, Honey. Anyway, nag-lunch ka na ba?”

“Yup, katatapos ko lang,” nakangiting sagot niya na sumandal sa swivel chair niya. Pagod na pagod siya pero nang marinig niya ang mahinahong boses ng asawa niya'y gumaan ang pakiramdam niya't parang biglang nawala ang pagod niya.

“Good. Sige na, may meeting pa 'kong kailangang attend-an, see you later. I love you.”

“I love you more, Honey, take care.”

Isinandal niya ang ulo sa headrest at ipinatong niya ang cellphone sa table niya nang mapatid na ang linya.

Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang umidlip. Magpapahinga na muna siya sandali, para maya-maya'y may energy na uli siya para magluto.

*** 

“Ingat po, Chef,” magiliw na paalam sa kaniya ng mga empleyado niya nang maisara na nila ang resto.

“Sige, mag-iingat kayo,” paalam niya rin sa mga ito, saka na siya bumalik sa opisina niya para kunin ang gamit niya.

Nasa parking lot na siya't patungo na sa direksiyon ng sasakyan niya nang bigla na lamang may humarang sa kaniyang babae. Napaka-sexy nito sa suot nitong dress; ang lawak ng ngiti nito habang ang mga mata naman nitong nakatingin sa kaniya'y mapang-akit.

Napabuntong hininga na lamang siya.

“Ano nanama'ng kailangan mo, Cielo?” walang ganang tanong niya sa babae.

“I missed you, and I just wanna see you, Julius,” sagot nito na marahang naglakad palapit sa kaniya, kaya umatras siya palayo. Kailan ba siya titigilan ng babaeng 'to?

Si Cielo ay isa sa mga naging ex niya noong college. Ang huling naging babae niya bago niya nakilala si Ezra; hindi niya lang maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay habol pa rin ito nang habol sa kaniya, samantalang mag-wa-walong taon na silang kasal ng asawa niya.

Pasalamat na lamang siya't walang pakialam si Ezra sa mga babaeng umaaligid sa kaniya, basta ba hindi niya pinapatulan ang mga ito'y hindi ito binibigyang pansin ng asawa niya, kaya nga ni minsan ay hindi sila nag-away o nagtalong dalawa, dahil parati siya nitong iniintindi, kaya gano'n rin ang ginagawa niya.

Kapag me'ron itong hindi nagugustuhan ay sinasabi agad nito sa kaniya, at gano'n rin siya, kaya hindi sila nagkakaroon ng samaan ng loob.

Ayaw nilang nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, dahil ayaw nilang magkaroon ng lamat ang relasyon nila.

'I'm so lucky to have her.'

“Kailan mo ba 'ko titigilan, Cielo? Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa 'yong masaya na 'ko sa asawa ko, sa pamilya ko?”

“Tss, with that freak? You know, Julius, until now iniisip ko kung ano ba'ng nakita mo sa babaeng 'yon? She's a weirdo, a freak, an outcast back then, well until now, kaya sa dami ng puwede mong ipalit sa 'kin, bakit siya pa?” pang-iinsulto nito sa asawa niya, dahilan para mapatiim bagang siya.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasagot ang paulit-ulit na tanong na 'yan. Ano ba'ng hindi mo maintindihan sa 'mahal ko si Ezra?' Mahal ko ang asawa ko kaya pinakasalan ko siya. Ang tagal na naming nagsasama hanggang ngayon hindi mo pa rin 'yon maintindihan? Bobo ka ba o tanga-tangahan?” hindi niya na napigilan pa ang sariling pagtaasan ito ng boses. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang iniinsulto ang mahal niyang asawa, kaya wala siyang pakialam kahit pa babae ang kaharap niya.

Napakagat sa pang-ibabang labi si Cielo't nagsimula nang mamasa ang mga mata. Hindi pa ba ito nasanay? Ilang beses niya na rin ba itong ininsulto dahil sa pang-gugulo nito sa pamilya niya? Sawang-sawa na rin siya sa kakulitan ng babaeng 'to. Ayaw niya nang dumating pa sa puntong mainis na ang asawa niya, kahit pa sinasabi nitong wala itong pakialam sa babae. Kahit pa kilala niya na ang asawa, hindi niya pa rin alam kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ni Ezra.

“Julius---”

“Tigilan mo na 'ko, Cielo, dahil sinasabi ko sa 'yo, kahit na ano pa'ng gawin mo, hindi ko iiwanan ang pamilya ko, mahal ko ang asawa't anak ko!” mariing putol niya rito, saka na ito nilagpasan at mabilis na nagtungo sa sasakyan niya't mabilis na nagmaneho pauwi.

___

Facebook Page: Ivy Loud Stories

Instagram: @ivy.loud

Twitter: @I_Loud_

Wattpad: @IvyLoud

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status