LAKAD, takbo na ang ginawa ko para lang makalabas sa isang mall na kung saan ay madalas kong puntahan. Sa kadahilanang labis ang pagkapahiya na aking natamo nang mga sandaling iyon.
Ang tanga-tanga ko kasi sa part na maglagay ako ng maraming item sa isang push cart at pagkatapos ay wala pala akong pambayad.
Nakaaway ko pa nga ang isang guwapong lalaki kanina ng mag-agawan kami sa isang malaking bote ng delight.Puro maliliit na kasi ang naroon sa loob ng freezer at iisa na lang ang natitirang malaki.Aba'y malay ko ba naman na delight lover din pala si Mr. Kupal.
Syempre dahil sa taglay kong katarayan ay hindi umobra ang pagmamatigas niya lalo pa't nasilayan niya ang aking kagandahan.
charr!!anong konek?
Tuluyan ko na ngang napuno ang cart na tulak ng aking kabilang kamay. Kaagad akong dumiretso sa counter subalit sadya yatang nabighani ito saakin dahil ang lakas ng loob nito na sundan ako.
Inilapag ko na sa counter ang lahat ng grocery na napili ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na ang cashier.
"Ma'am,Three Thousand Eight Hundred Sixty Five Pesos and Twenty Five Centavos po ang total amount."Anang cashier na may malapad na ngiti sa labi.
"Oh, Okay!" Kaagad ko ng binuksan ang shoulder bag ko upang kunin ang aking wallet. Balak ko sana ay credit card na lang ang gamitin para mamaya na lang ako mag withdraw dahil alam kong kukulangin ang cash na naroon sa wallet ko.
Nakakunot noo na ako habang kinakalkal ang aking bag.Ilang ulit ko pang pinasadahan ng tingin ang bawat bulsa nito subalit hindi ko pa rin mahagilap ang kulay purple kong wallet.Kulang na lang ay baliktarin ko 'yon at ipagpag baka sakaling nakasiksik lang sa kung saan.
"Ma'am! Okay lang po ba kayo?"Naiinip na rin itong maghintay saakin.
"Gosh! Where's my freaking wallet?" Naiinis kong pagkausap sa aking sarili. Tinampal tampal ko pa ang aking noo upang alalahanin kong saan ko inilagay 'yon.
"Ma'am wala ka naman yatang pambayad eh! Aba'y baka puwedeng umalis ka na lang at nakakaabala kana sa mga susunod kong costumer!" Pagtataray saakin ng froglet na cashier.
Pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Hiniling ko na lang na sana ay mabiyak na ang tiles na aking kinatatayuan at lamunin ako.
Akmang tatalima na sana ako ng biglang sumingit si Mr. Kupal at mas lalo akong napamaang ng mapagtanto kung ano ang nais niyang gawin.
"Miss, magkano ba ang babayaran niya? Pakisabay mo na lang 'yan dito sa mga pinamili ko." Pagpresinta ni Mr. Kupal na talagang ikinamangha ko. Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng rumihestro ng tuluyan sa utak ko ang sinabi niya sa cashier.
"Uhm, Sir! Magkakilala ho kayo?" Nagtatakang tanong ng cashier na talagang sinulyapan pa ako bago muling nagpacute kay Mr. kupal.
"Aba't lumalandi pa ang froglet na ito huh!" Bulong ko sa aking sarili subalit hindi pala 'yon nakaligtas sa pandining ni Mr. kupal.
Bahagya siyang napangiti at dahan-dahan na iniabot sa cashier ang kanyang credit card.
"She's my girl!" Nakangiting sambit nito matapos akong kindatan.
"What the hell are you talking about?"
Nanggagalaiti kong singhal sa kanya.Kiber ko talaga kong nagmagandang loob siya na bayaran ang pinamili ko. Ayoko lang talaga ng naaapakan ang beauty at ego ko.
kiber means walang pake!
Mas lalo pang nadagdagan ang kahihiyan na aking natamo dahil sa sinabi ng lalaking ito sa aking tabi. Kaya't hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.
"Hoy Mr. Kupal! Do you know that I am the gorgeous Czarina Althea Cervantes?" Nakairap kong saad. "Sa tingin mo, papatulan ka kaya ng beauty kong ito?"
"Tara nga at magkape tayo para naman nerbiyusin ka sa mga sinasabi mo!"
Sa halip na masindak ay pinagtawanan pa ako ng kupal na siyang lalong ikinainis ko.
Walang pasabi na umalis ako. Wala na rin akong pakialam kong sitahin pa ako ng guard na naroon sa pinto. Basta ang tanging goal ko lang ay makaalis sa loob ng mall na 'yon.
Sa mabilis na paglalakad at pagtakbo ko ay kaagad kong narating ang parking lot. Naiiritang pinaandar ko ang makina ng aking kotse at walang pag-aalinlangan na pinaharurot ko iyon papalayo.
WALA sa tamang direksiyon at tamang destinasyon ang tinatahak kong daan. Hindi ko kasi alam kong saan na ba ako pupunta para malibang ako at mawala ang sama ng loob na natamo ko sa loob ng mall na 'yon.
Malapit na rin mag -alas siyete ng gabi kaya't hindi na ako makakabalik upang muling mag grocery.
Ang kawawang refrigerator ko ay walang ibang laman kundi tubig. Kung hindi sana ako nagpakatanga kanina eh 'di sana marami akong pinamili at mapupuno na naman iyon ng mga pagkain at inumin. Napabuntong hininga na lang ako matapos kung isipin ang katangahan ko.
Once a week lang kasi ako mamili ng mga pangangailangan ko. Bukod kasi sa maarte, eh tamad din akong mamalengke lalo pa't mag-isa lang naman akong kakain sa condo ko.
Simula kasi ng malaman kong matagal na palang sira ang relasyon nina mommy at daddy ay bumukod na ako ng tirahan although pareho naman silang nagbibigay saakin ng sustento.
Hindi talaga kasi ako sanay ng napapahiya. Naiinis din ako tuwing naiisip kong hindi ko kayang depensahan ang sarili ko.. Pakiramdam ko kasi ay nawawalan ng kabuluhan ang kursong tinapos ko lalo pa't isa akong corporate lawyer.
Puro pag buntong hininga na lang ang ginawa ko habang patuloy na nagmamaneho.
Hanggang sa napagdesisyunan kong kunin ang cellphone ko na naroon sa aking bag at sinubukan kong tawagan ang plastik kong kaibigan na si Beryl.
Yayain ko na lang siyang mag bar para naman kahit paano ay malibang ako at mawala ang init ng ulo ko.
Nakatatlong ring muna bago niya sinagot ang tawag ko.
"Yes bitch?" Maarteng sagot ng plastik kong freennyy sa kabilang linya.
" Where the hell are you?" Asik ko.
"Why did you ask?"Bakas sa tono nito ang iritasyon.
"Letse ka! Ba't ba ang sungit mo?" Reklamo ko.
"Tsk! Istorbo ka kasi sa date namin ni Marky eh! May kailangan ka ba?"
"Yayain sana kitang mag bar kaso may date ka naman pala." Umarte pa akong nalulungkot. Baka sakaling magbago ang isip niya at samahan ako.
"My God frenny! Hindi ko naman puwedeng iwanan ang date ko!"
Naiinis na pinatay ko na lang ang tawag ko sa kanya.
Sinubukan ko rin tawagan si Eula, isa rin sa mga plastik kong kaibigan subalit mukhang walang balak sumagot ang bruha!
"Shit! Sumagot ka naman na impakta ka oh!" Pagkausap ko sa aking sarili.
Natuon na ang buong atensiyon ko sa pag-gamit ng cellphone kaya naman hindi ko na napansin na lumiliko na ang takbo ng aking kotse. Ang nakaparadang malaking truck sa gilid ng kalsada ay tuluyan ko ng nasagi.I
"What the fuck!" Iyon na lamang ang huling salita na nasambit ko ng makaramdam ako ng kirot sa aking braso at tagiliran. Napasubsob na rin ang aking mukha sa manibela dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa malaking truck na iyon. Unti-unti ng nagdilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong mawala sa aking ulirat.
NAGISING na lamang ako na may benda saaking noo at braso. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Batid kong nasa hospital ako pero wala akong nakitang kahit isa man lang sa mga kamag-anak ko.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng ward. Iniluwa no'n ang isang guwapong doctor na batid kong nasa twenty-eight or twenty nine na ang edad.
"Doc!"Kaagad na tawag ko sa kanya.
"Yes?" Maagap niyang sagot bagama't nakatuon pa rin sa papel na dala niya ang kanyang tingin.
"Doc, wala man lang ba akong kamag-anak na dumalaw dito?" Usisa ko. "Kumusta na ho ba ang kalagayan ko?" Muling tanong ko sa kanya.
Aba't ang impaktong doktor ay hindi man lang mag-angat ng tingin upang silipin ang beauty ko rito.
"Well, Miss Cervantes, ganito pala kapag masyadong ma-pride ang isang tao." Panimula nito na hindi pa rin ako magawang tingnan. "Imagine! wala man lang nag-abalang dumalaw sa'yo rito? Tsk! Alam mo bang masyado ng malubha ang kalagayan mo?"
Medyo nairita ako sa kanyang tinuran. Kaya't nagtatagis ang bagang na ikinuyom ko na lang ang aking kamao.
"Ikaw?" Gulat kong sambit. Namilog pa ang aking mga mata ng makilala ko ang doktor na nasa harapan ko.
It was Mr. Kupal na nameet ko sa mall. Doctor pala ang loko. And infairness huh! Ang guwapo niya pala sa kanyang doctor suit!
Aminado akong napahanga niya talaga ako sa taglay niyang kaguwapuhan. Subalit hindi matatawaran no'n ang pagkainis ko sa kanya na kasalukuyan ko pa ring nararamdaman.
"Siya nga pala, puwede kanang umuwi.Malayo naman sa bituka ang mga sugat na iyong natamo." Sarkastiko niyang tugon na talagang hindi na pinansin ang sinabi ko kanina.
Tatarayan ko sana ulit siya ng bahagya akong matigilan. Naisip kong sabi niya kanina ay malubha ang aking kalagayan subalit ngayon naman ay malayo daw sa bituka ang nangyari saakin.
Ngumuso na lang ako. Tinatamad na rin akong makipagtalo pa sa kanya kaya't pinili ko na lang ang manahimik.
"Naayos ko na ang lahat. Kung gusto mo ay umuwi kana ngayon." Nangunot bigla ang aking noo. Pakiwari ko ay ipinagtatabuyan niya na ako. "Batid kong wala kang pambayad sa hospital bills kaya inayos ko na kanina habang natutulog ka."Dagdag pa niya sa nang-iinsultong tinig.Naiinis na pinukol ko siya ng isang matalim na tingin.
"How dare you!" Asik ko. Hindi ko na talaga kayang manahimik pa.
"Oh, Sa halip na magpasalamat ka, eh nagalit ka na naman sa'kin." Reklamo nito. "Remember, ako ang nagbayad sa lahat ng pinamili mo kanina?"Sarkastikong sambit niyang muli.
Ang kaninang pananahimik ko ay napalitan ng panlilisik ng aking mga mata at animo'y shot gun ang aking bibig dahil sa aking pagliligalig.
""Hoy!Mawalang galang na Mr. Kupal! Ay este, Doctor Kwak-kwak! Anong akala mo saakin, pulubi?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Kaya kong magbayad kahit pa magkanong halaga! Kahit itong hospital na pinagtatrabahuhan mo ay kaya ko ring bilhin!" Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw.
Mas lalo pang uminit ang ulo ko ng mapansin kong blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha matapos ko siyang singhalan.
"Naiwan ko lang sa bahay ang wallet ko kaya wala akong pera dito!" Patuloy na pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Okay." Maikli niyang tugon at saka ako tinalikuran.
"Ang bastos mong kausap! Paano ka ba naging doctor?"Pahabol kong sigaw ng mapansin kong humahakbang na siya papalapit sa pintuan.
Bahagya naman siyang natigilan at tamad na sumagot.
"Nag-aral akong mabuti at nakapasa sa board exam."Pabalang niyang sagot na hindi man lang ako nagawang lingunin pa.
Naikuyom ko na lamang ang aking mga kamao ng tuluyan niya ng lisanin ang aking kuwarto.
Hindi ko pa rin lubos maisip na isa pala siyang doctor. At sa dinami-dami ng hospital sa mundo ay dito pa talaga ako na-confine sa hospital na pinapasukan niya.
Muling bumukas ang pintuan ng ward na aking inuokupa at mukha ni Ate Czyrah ang aking nasilayan. Dumiretso kaagad siya sa aking kama at kaagad na hinagod ng tingin ang aking kabuoan.
"How are you bunso?" Puno ng pag-aalalang usisa niya.
"Okay naman ang pakiramdam ko ate. Where is mom?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Nasa bahay. Sabi kasi ni Paul ay hindi naman malala ang sinapit mo kaya hindi ko na siya inabala." Ani ate habang inilalapag sa mesa ang mga plastic bag na bitbit niya.
"At sino naman ang Paul na 'yan na sinasabi mo?"
Sa halip na sagutin ako ay nagkibit balikat lamang ito.
"Siya nga pala, nandito na lahat ng pinamili mo kaninang hapon. Pinadaanan sa'kin ni Paul sa bahay nila. Iniwanan mo daw kasi sa mall eh."Patuloy na litanya ni ate na lalong nagpagulo sa isipan ko.
Paul kaya ang pangalan ng lalaking nagbayad ng pinamili ko at ang doctor na nang gamot saakin?
Sinarili ko na lang ang katanungang iyon. Nawalan na rin kasi ako ng lakas ng loob na magtanong pa kay ate. Dahil batid kong wala rin naman akong matinong kasagutan na matatanggap mula sa kanya. Kaya't napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi at hindi na nag usisa pa.
NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g
MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko
KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k
NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag
ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano