Share

Chapter Eighteen

                       MABILIS na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin simula ng bumalik ako sa kompanya ni dad. Dalawang linggo na rin ang walang sawang iringan at gantihan namin ng hilaw kong biyenan. Madalas ay napapailing na lang si Paul sa tuwing nalalaman nito ang ginawa namin ng kanyang ina.

Hindi ko na rin inungkat kay Paul ang tungkol sa mga natanggap kong larawan. Inisip ko na baka pakana lang 'yon ni Daisy upang hiwalayan ko si Paul.

Subalit isang umaga ay hindi ko na talaga kinaya pa ang panibagong balita na aking natanggap.

Eksaktong pagkababa ko ng kotse ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong saakin.

Wala sana akong balak na pansinin siya subalit  mukhang may balak itong patirin ako. Mabuti na lang at kasunod ko pala si Kuya Andrew. Kaagad itong lumapit saamin at pinigilan si Daisy sa maitim nitong balak.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status