Share

Chapter Two

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2021-02-26 23:03:33

                    KINABUKASAN ay tuluyan na nga akong na discharge. Dapat sana ay kahapon pa. Kaya lang ay masyadong OA ang bayaw ko. Doctor din kasi ang asawa ng Ate Czyrah ko kaya nagawa niyang pakiusapan ang dakteeer kwak-kwak na nag-asikaso saakin.

Sinabi niya kasi  rito na kailangan ko pa raw magpahinga kaya't napilitan akong  mag-stay muna ng ilang oras pa sa hospital. At ayon sa narinig kong pag-uusap nila kahapon ay matagal na nga silang magkakilala ni Kuya Andrew.

Samu't-saring  katanungan ang bumalatay sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mahanap ang rason kung bakit masyadong mainit ang dugo saakin ng doctor na iyon. At kulang na lang ay kaladkarin niya ako palabas ng  hospital.

Nagtataka rin ako kung paano ba sila naging magkasundo ng bayaw ko gayu'ng sobrang bait nito saakin samantalang ang doktor kwak-kwak naman na  'yon ay napakasamang nilalang. Marahil ay sa  kaguwapuhan niya lang nalamangan ang kuya ko.

Kahit tanghaling tapat na ay mas pinili ko na lang ang magmukmok sa aking  kuwarto sa halip na pumasok ng opisina.

Pinipilit ko ang aking sarili na  iwaksi ang mga kalandiang kanina ko pa iniisip subalit mapang-asar talaga ang mga brain cells ko. Kinukulit nila akong pairalin ko raw ang curiosity chuvanes ko!

Sa totoo lang,  kahapon pa talaga ay kating-kati na itong dila ko na tanungin si Kuya Andrew tungkol sa guwapong dakteer na 'yon. Subalit sa awa ng diyos ay napigilan ko pa naman ang aking sarili. Baka kasi isipin pa ng kupal na 'yon na crush ko siya.Naku! paniguradong mapapahiya na naman itong beauty ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip para sa aking kalandian ng biglang tumunog  ang aking pinakamamahal na cellphone. Balak ko sanang balewalain na lamang iyon. Subalit nang sulyapan ko ang screen nito at maaninagan kong si daddy ang tumatawag ay  mas mabilis pa sa alas kuwatrong dinampot ko iyon.

"Dad." Kunwari ay inaantok kong tugon.

"Where are you Czarina?"Iritadong tanong niya saakin sa kabilang linya.

Batid kong galit siya. Dahil sa tuwing tatawagin niya ako sa aking pangalan, ibig sabihin no'n ay may mali na naman akong ginawa. Simula pa man kasi noon ay bunso or baby ang tawag niya saakin, lalo pa kapag naglalambing ako sa kanya.

"Nandito ako sa condo ko dad!" Napipilitan kong sagot.

"Don't tell me na wala ka na naman balak na pumasok ngayon!" Mariing wika nito na batid kong kunot na kunot na naman ang noo dahil sa sobrang iritasyon.

"Dad naman!" Reklamo ko. "Bukas na lang ako papasok. I'm not feeling well today eh! And Kuya Andrew told me na kailangan ko pa raw ng mahabang pahinga." Pagdadahilan ko sa kanya.Sa isip ko ay taimtim akong nagdarasal na sana'y paniwalaan ni dad ang aking  mga kaartehan at kasinungalingan sa buhay.

"Ano ka ba naman!"Halos mabingi ako sa biglaan nitong pagsigaw sa kabilang linya." Pa'no ko ipapamana sa'yo ang kompanya kung palagi ka na lang nagkakaganyan?" 

"Ano na naman ba ang kalokohang ginawa mo kahapon? Hindi ba't ilang beses na kitang pinaalalahanan na aayusin mo palagi ang ang pagmamaneho. Kailan mo ba talaga balak na magpakatino huh?" Sunod-sunod na sermon  ni dad na animo'y miyembro ng  S.O.C.O kung makapag-imbestiga. Kaunti na lang talaga at iisipin ko ng siya ang aking ina. Daig niya pa kasi si mommy kung magsermon  eh.

"Dad, isa-isa lang naman oh!" Lakas loob kong reklamo sa kabila ng paghuhuramentado niya. "Oo na! Kumalma kana dad. Pangako, magbabago na 'ko."Pang-aasar ko pa.

"Tsk! Kailan mo ba balak na ayusin ang buhay mo? Bente-singko kana Czarina pero wala ka ng ibang inatupag kundi puro pagliliwaliw lang!"Ani dad na halatang sukdulan na ang galit saakin.

"Ang harsh mo naman magsalita dad!"Patuloy na pagrereklamo ko.

"Make sure na papasok kana bukas huh! Kailangan na maayos kaagad ang shares ko sa kompanya dahil kung hindi ay tuluyan na itong kakamkamin ng Tita Celeste mo."Ani dad na biglang naging malungkot ang tono ng pananalita.

"Yes dad!" Maikling tugon ko.

Hindi na siya sumagot pang muli. Marahil ay busy na ito kaya't pinindot ko na lang ang end button. 

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos kong makipag-usap kay dad. Ang kaninang pagmumuni-muni ko at ang kalandiang iniisip ko ay napalitan nang isang malalim at mas magulong pag-iisip.

Nais kong ako mismo ang magpatalsik kay Tita Celeste sa aming kompanya. Subalit wala man lang akong ideya kung paano ko gagawin 'yon.

Pakiramdam ko ay ako na ang pinakabobong corporate lawyer sa buong mundo. Minsan ko na ring sinubukang kwentahin kung ilang porsyento lang ba talaga ang abilidad na nakapaloob sa kaluluwa ko. Kaya lang ang masaklap ay  halos madismaya ako sa naging resulta.

Hindi ko lubos akalain na out of one hundred percent ay ten percent lang pala ang talino na mayroon ako. Ten percent din siguro ang kasipagan ko and those remaining percentage ay lahat napunta na sa kagandahang taglay ko.

charrrr!!

Balita ko kasi ay balak ni Tita Celeste na  bilhin sa mataas na halaga ang shares ni daddy sa kompanyang pinaghirapan niya at halos buong buhay niya ay inilaan niya na rin doon. Kaya't heto, problemado kaming lahat sa nangyayaring kaguluhan sa aming  kompanya dahil sa impaktang kabit ni dad.

Hinding-hindi ako papayag na si daddy pa ang unang aalis sa sarili niyang kompanya. Kaya't buo na ang desisyon kong gawin ang lahat para lamang maisalba 'yon. Mahal na mahal ko si dad. Kahit pa nga nagawa niyang lokohin si mommy, eh hindi ko naman kakayanin na makita siyang nahihirapan dahil lamang sa kasakiman ng kanyang kabit.

Simula kasi ng malaman namin na si Tita Celeste pala ang bagong kinakasama ni dad ay nagkanda letse-letse na ang aming buhay. Unti-unti na rin kaming nalulugi dahil sa ginagawang pagnanakaw ng babaeng 'yon sa  pondo ng kompanya.

Huli na rin nang mapag-alaman 'yon ni dad. Napaniwala siya sa mga kasinungalingan ng impaktang 'yon.Kaya naman maging ang mga anak niyang  sina Kuya Andrew at Ate Claire ay itinakwil na rin siya. Tanging ang bunsong anak niya na lang na si Ardie ang nagtitiyaga sa ugali niya.

Ang hirap niya kasing patalsikin sa ngayon dahil patuloy niya pang nalulusutan ang kanyang mga kasalanan. Maraming empleyado na rin ang nasisante dahil sa kahayupan at kasakiman  niya.

Simula kasi sa pagiging sekretarya ay kaagad na napromote ito bilang Vice President dahil sa magaling niyang pang-aakit kay dad.

At dahil marupok naman si daddy at napabayaan na ni mommy, ayon naghanap ng ibang putahe. Sa kasamaang palad nga lang ang napili niya ay ang pisteng menu ng baliw na si Tita Celeste.

            HINDI na ako mapakali matapos ang  pagtawag ni dad. Ang dami kong plano subalit ang hirap naman gawin ng mga proseso.

I'm so damn gorgeous para lang stressin ang sarili ko. At sadyang hindi talaga bagay saakin ang mag-isip ng kung anu-anong mga negatibong bagay.

Gaya nga ng sinabi ni dad, puro lang daw pagliliwaliw ang alam ko kaya oras na siguro para pumunta ako ng bar. Doon na lang ako magrerelax at mag-iisip ng mga kailangan kong gawin para makatulong ako kay dad.

Dali-dali akong bumangon at patakbo kong tinungo ang banyo para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay kaagad kong dinampot ang susi ng aking kotse. Mag-isa na lang akong iinom sa bar para walang mga plastic na kaibigan na iistorbo saakin.Iniwanan ko na rin ang aking cellphone para walang kahit na sinong Poncio Pilato ang tumawag.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang "THE BEATTLES"  bar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko. Isa 'yon sa maaliwalas, malawak at sosyal na bar dito sa kamaynilaan.

Palibhasa ay kabilang rin sa mga plastic kong kaibigan ang isang waiter at bartender doon kaya walang pakimerot na nagtuloy-tuloy ako sa counter para lang mang-istorbo sa mga naroon.

Maya-maya pa ay inukopa ko na ang isang bakanteng mesa na naroon. Na-iserve na rin saakin ang inumin na inorder ko. Akmang sisimsimin ko na ang aking martini ng mapatda ako at matuon ang atensiyon ko sa lalaking kunot noong nakatayo sa tapat ng mesa.

"Why the hell are you here?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Pati ba naman dito ay sinusundan mo ako?"

"Baliw ka ba? Or sadyang stalker lang kita?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya kasabay ng paulit-ulit kong pag-irap.

Pakiramdam ko ay naulit na naman ang eksenang ako lang ang panay dakdak samantalang ang kausap ko ay wala man lang kahit isang letra na binigkas. At kung sakali man na biglang mag-iba ang ihip ng hangin at sipagin siyang sumagot ay sobra namang ikli at puro pa kapilosospohan.

"Hoy Mr.Kupal! Ano ba kasing ginagawa mo ritong letse ka!" Puno ng kuryosidad kong tanong sa kanya. Hindi man lang siya natinag sa kanyang kinatatayuan. At nahagip pa ng tingin ko ang pag-galaw ng kanyang adams apple na siyang lalong ikinairita ko.

"Iinom! Alangan naman na manggamot ako dito."Pangangatwiran niya.Dahilan upang mas lalo akong magngitngit sa galit.

"Eh di maghanap ka ng sarili mong mesa! Huwag dito, dahil binayaran ko ito."  

Sa halip na sagutin ako ay pabagsak niyang inilapag ang isang malaking bote ng delight saaking harapan.

"What the fuck?" Naihilamos ko pa ang aking kanang kamay matapos kung makita ang paborito kong yoghurt drink.

"Ano bang kalokohan ito Mr. Kupal? Nag-aasar ka ba?"

Naiinis kong bulyaw sa kanya. Mabuti na lang at maingay doon. Busy rin ang mga tao sa dancefloor kaya naman hindi nila marinig ang pagsigaw ko.

"Alak ang iniinom dito at hindi yoghurt drink!"Mariing sambit ko na siyang naging dahilan ng lihim niyang pagngiti. Ngunit kaagad ring napawi 'yon ng mahalata niya ang pagmamasid ko.

Hindi niya na naman sinagot ang mga katanungan ko. Bigla na siyang tumalikod para iwanan na ako subalit nakakaisang hakbang palang ito ay muli na namang pumihit pabalik at kunot noo pa ring nagsalita.

"That's yours!"

Pagkasabi no'n ay mabilis na niyang tinalunton ang daan palabas ng bar.  Nang ako na lang mag-isa ang naiwan ay nahulog na naman ako sa isang malalim na pag-iisip. Buong akala ko ay makakalimutan ko ang mga problema ko subalit heto at muli na naman itong nadagdagan.

Bandang huli ay naalala kong dinala nga pala ni Ate Czyrah sa hospital ang lahat ng pinamili ko no'ng isang araw. Marahil ay ito ang delight na pinag-agawan namin ni kupal. At sa kasamaang palad ay naiwan ko pa rin ito sa hospital.

Sadyang bihasa nga siya sa larangan ng pang-aasar dahil talagang hinintay niya pa na pumunta muna ako sa bar  bago niya 'yon ibinigay saakin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Epilogue

    NAGISING ako dahil sa malakas na pag sigaw ni Czarina. At ang masaklap pa ay hindi lang ito basta-basta sigaw dahil may kaakibat pa itong panghahampas at pagmumura."Nakakabuwisit ka talaga Paul!"Singhal niya. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaghahampas niya pa ako sa dibdib. Kaya't hindi ako makabangon agad."Aray! Sobrang sakit na ng tiyan ko Paul! Lintik ka ang sarap pa ng tulog mo!" Sunod-sunod niyang hiyaw. Habang ako naman ay hindi magkandaugaga sa pag-ilag. Ang bigat pa naman ng kamay niya kaya't sa tuwing dadantay ito sa aking balat ay paniguradong may lamat."Hoy! Ano ba? Manganganak na yata ako!" Muli niyang sigaw na halos umiyak na at namimilipit na rin sa sakit.Dalawang taon na rin ang lumipas buhat ng ma operahan ako. Pagkatapos ng operasyon ay bumalik rin kami sa Pilipinas at makalipas ang limang buwan ay muli kaming nagpakasal. Ginawa pa namin'g flower g

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Chapter Thirty Four

    MATULIN na lumipas ang mga araw. Halos isang buwan na rin buhat ng lumipat kaming mag-ina sa bahay ni Paul. Si 'Nay Meding naman ay naroon na rin at malugod kaming pinaglilingkuran. At pareho na rin namin na kinalimutan ang aming walang kuwentang tampuhan. Maging kami ni mommy ay nagka-ayos na rin at pareho na kaming nagka-intindihan. Sa katunayan ay nandito ngayon si mommy. Dinalaw ang makulit niyang apo.Kasalukuyan niyang kinakausap si Paul at marahil ay kinukumbinsi niya itong bumalik ng America. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si mommy. Halatang masaya ito sa naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil bakas sa mukha ni mommy ang kasiyahan at maging ang mga mata niya ay kakaiba ang ningning.''I have a good news bunso!'' Nagulat pa ako sa biglaang pag yakap saakin ni mommy.''What is it mom?'' Naguguluhan'g tanong ko

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Chapter Thirty Three

    KINABUKASAN ay maaga akong nag-ayos ng mga gamit namin ni Zoe. Kagabi pa lang ay tinawagan ko na rin si 'Nay Meding upang siya na lang ang pansamantalang umalalay kay Paul at siya na rin ang mag bantay sa anak ko. Kaaagad naman na pumayag ang matanda. Sa katunayan ay kanina pa itong madaling araw umalis ng Sorsogon.Nasa kalagitnaan ako ng pag-tutupi ng mga damit ni Zoe nang bigla akong lapitan ni mommy."Nak!" Mahinahon niyang pagtawag sa'kin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Bahagya pa akong nagulat sa taning niya. Mukha yatang gusto pang tumutol ni mommy sa gagawin namin'g paglipat sa condo ni Paul."Buo na ho ang desisyon ko mom.Kaysa naman ma-stress kayo sa'kin eh 'di mas mainam ng si Paul naman ang mamroblema sa'kin." Sarkastikong sagot ko sa kanya."Nak, i'm sorry kung pakiramdam mo ay pinarurusahan kita these past few days. Eh kasi naman, buong akala ko ay may relasyon kayo ni Mr. Ledesma.

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Chapter Thirty Two

    KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog."Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon."Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit."Salamat!" Tipid niyang tugon.Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan."Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Chapter Thirty One

    NAKAPANGALUMBABA lang ako habang mariing nakatitig sa mga papeles na nakatambak sa aking office table. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas buhat ng hindi ako kausapin ni Paul. At hanggang ngayon ay wala pa akong naiisip na paraan kung paano ko siya makakausap ng maayos.''Ma'am! Ma'am!" Anang sekretarya ni dad na iwinasiwas pa ang kanang kamay para lang maagaw ang atensiyon ko."Ma'am ipinapatawag na po kayo sa conference room!""Huh? Naku! So-sorry ha!Sige na susunod na lang ako do'n.""Okay ma'am!"Pagkaalis ng sekretarya ay nagmamadali na akong nagretouch.Ilang beses pa akong nagpabaling-baling sa harap ng salamin para lang alamin ang kung kaaya-aya na ba sa paningin ng iba ang aking hitsura. Ngunit kahit saang anggulo ko naman yata tingnan ay sadyang maganda talaga ako. Wala akong maipintas. Marahil ay kung nakakapag

  • What's Wrong With Mr. CEO?   Chapter Thirty

    ALAS-otso na ng gabi, kaya naman nag dalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob ng kuwarto ni Paul o hahayaan ko na lang muna itong mapag-isa. Bandang huli ay napagdesiyunan kong katukin muna ito upang alamin kung ito'y gising pa.''Sino 'yan?'' Ani Paul matapos kung kumatok ng tatlong beses.''Ako 'to si Czarina!'' Hindi na ito muling sumagot pa. Ilang segundo pa akong naghintay na pagbuksan niya. Pinakiramdaman ko rin kong naglalakad na ba siya patungo sa pintuan subalit wala man lang ni-katiting na ingay na maririnig mula sa loob.Muli akong kumatok ngunit gayo'n na lamang ang aking pagkadismaya nang bigla niya akong singhalan.''Ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status