Keihro immediately destroy everything he could see. Ang mga nakatayong laruan na ginawa ay tinutumba niya. Pinagbabato ang mga laruan at sinisira ang mga ito.
Tila tuwang tuwa pa dahil sa nagkakagulong mga laruan. Tumagal nang halos dalawang oras si Keihro sa children's playground dahilan para masira ito ng lubusan. Agad na pinatawag si Ryah nang makita nila ang nangyari sa playground. Nang makita kung ano ang nangyayari sa loob ay halos manlumo ang buong katawan ni Ryah. Nagkalat ang mga laruan at hindi na maintindihan kung ito ba ang naging paraiso ni Ruby. Ang nag-iisang Christmas tree na siyang inayos kasama si Ruby at ng matandang si Mrs. Sandoval ay nakatumba na at watak watak ang mga parte. Hindi na madapuan kung saan na ang mga nakasabit dito. Ang mga manikang dating buo pa at maayos ngayo'y para na itong basura. Napasinghap naman si Ryah ng makita ang building block na kastilyo na si Ruby mismo ang gumawa ay tumba na at nagkalat ang iba't ibang parte. Naalala pa ni Ryah kung gaano kasaya si Ruby at paano niya ipagmayabang sa kaniya ang ginawa. Hindi na nakapag timpi pa si Ryah at agad hinanap si Keihro. Nang mahanap niya ito ay parang natutuwa pa't patalon talon. “Who let you in?” May halong diin na sabi nito habang palapit sa batang lalaki. “Hindi mo ito tahanan. Wala bang nagturo sa 'yo ng tamang asal habang nasa ibang bahay ka?” Nagkibit balikat lamang ang bata at tila walang nangyari. Hindi alintana ang galit na si Ryah. “Si Daddy Grayson, and why do you care? Magiging akin din naman ang lugar na 'to.” Hindi makapaniwalang tumingin si Ryah sa batang lalaki dahil sa pagsagot nito, lalo na sa pagtawag niya kay Grayson ng Daddy. Hindi niya inaakala na ang isang batang wala pang kamuwang muwang ay kaya ng sumagot sa nakakatanda sa kaniya. Nakaramdam ng panginginig ang katawan ni Ryah dahil sa galit. Totoo man o hindi ang sinabi ng bata ay kailangan niya pa ring turuan ng leksiyon ang batang pasaway. “You. Spoiled brat. Lumabas ka! Hindi ka welcome rito!” Hinawakan niya ang bata sa braso at inakay palabas. Agad nagpumiglas si Keihro. “No! Let me go! Bakit mo ako itinataboy!” Sumigaw pa ito na parang humihingi ng saklulo dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ni Ryah. “Uncle Grayson! Uncle Grayson!” Sa kabilang banda, narinig naman ni Grayson ang gulo mula sa labas ng kaniyang office. Kunot noo siyang tumayo upang tingnan kung anong kaguluhan ang nangyayari sa labas. Pagkalabas ay bumungad sa kaniya ang galit na si Ryah habang higit si Keihro. “What are you doing?” Kunot noong tanong nito. Bago pa man makapagsalita si Ryah ay tumakbo na papunta si Keihro kay Grayson habang umiiyak na tila nasaktan ng subra. “Uncle Gray, ayaw niya po akong payagang maglaro roon. G-Gusto niya akong paalisin,” may halong hikbing ani niya. Agad namang nagbago ang timpla ng mukha ni Grayson. Masama na kaagad ang ibinatong tingin kay Ryah. Matunog na napangisi si Ryah. “What are you doing, Ryah? Kahit ang bata ay pinapatulan mo? Do it makes you feel good, huh?” Sarkastikong napatawa si Ryah. “Baka gusto mo munang tingnan kung ano ang ginawa ng batang 'yan sa children's playground, lalo na sa mga gamit ni Ruby.” Kumunot ang noo ni Grayson at naglakad para tingnan kung anong mayro'n sa loob. Bahagya siyang nagulat sa mga nagkalat na gamit at halos hindi na makilala ang playground. Bumuntong hininga siyang tumingin kay Keihro. “Keihro, what have you done?” Napayuko naman si Keihro at nagsalita na may paggalang na malayong malayo sa inasal niya kay Ryah. “U-Uncle, hindi ko po sinasadya. Hindi lang po ako naging maingat sa paggamit. But, I can fix it uncle, 'wag niyo lang akong pagalitan at paalisin, please.” Nagmamakaawa at malambing ang boses nitong sabi. Agad namang nanlambot ang puso ni Grayson at marahang ginulo ang buhok nito. “See Ryah? Normal maging makulit ang batang lalaki. He admit his mistake, so you do. No need to fuss over such a tiny issue.” Napatigil muli si Ryah dahil sa sinabi ni Grayson. “Keihro, hindi na kailangan na ikaw ang maglinis diyan. May mga kasambahay tayo para maglinis diyan mamaya.” Pinagmasdan ni Ryah si Grayson kung paano niya tratuhin ang ibang bata, kung gaano kalumanay na para niya na itong sariling anak. Napaiwas ng tingin si Ryah habang napapahawak sa dibdib na kumikirot. Walang pasabing umalis si Ryah at dumeretso sa kuwatro ni Ruby. Nariyan nanaman ang mga nagbabadyang mga luha na pilit niyang pinipigilan. Napatitig siya sa mahimbing na natutulog na si Ruby. Naisip niya na hindi man lang magawa ni Grayson ang bagay na iyon para sa sarili niyang anak. Nang muli siyang lumabas ay wala na si Grayson kasama ang bata. Isang mabigat na hininga ang pinakawalan niya at inisip nalang ang magiging kalagayan ng anak. Sumapit ang buong gabi na walang sumipot na Grayson. Tanging si Ryah lang ang naging kasama ni Ruby. Hindi man lang binisita o kaya kinamusta ang kalagayan ng kaniyang anak. Mas lalo lang nadagdagan ang sama ng loob ni Ryah at magsimulang manlamig ang nararamdaman. Hindi naging maganda ang pagtulog ni Ruby at nagising siyang walang maramdaman. Labis ang pag-aalala ni Ryah sa anak dahil lumala ang kaniyang autism kaya dali dali itong tumawag ng isang psychologist. Ang psychologist ay si Ailyn na si Grayson mismo ang kumuha na may mataas na sweldo. Siya ay mag-aaral na mula sa ibang bansa. Ang kaniyang kakayahan nito ay kinilala ng maraming tao. Alas otso ang naging usapan nilang pagkikita ngunit hindi sumipot si Ailyn, ang psychologist. Dumating ang alas nuwebe saka lamang ito dumating. Pagkarating ay bumungad agad ang naiinip niyang mukha na may halong pagkayabang. Pinagsabihan kaagad si Ryah dahil sa nangyari. “'Didn't I tell you not to let the child be too stimulated? Sa tuwing lumalargo ang sakit ni Ruby ay dahil pabaya ka, hindi mo siya inaalagaan mabuti. Bilang isang Ina, dapat ay alam mo na kung paano humawak ng responsibilidad!” Natigilan si Ryah dahil sa sinabi ni Ailyn. Naramdaman niya ang kirot sa kaniyang puso dahil sa mga salitang binitawan nito. Dati nang ganoon ang ugali ni Ailyn. Ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin sanay si Ryah at nasasaktan pa rin siya sa mga sinasabi nito. Para sa kalagayan ni Ruby, ay mas pinili niya na lamang manahimik at magkunwaring hindi naririnig at nasasaktan sa sinasabi nito Napabuntong hininga nalang si Ryah at binuhat ang anak at hiniling kay Ailyn na suriin ang sitwasiyon. Pagkatapos i-check ni Ailyn si Ruby ay nagsimula na siyang kausapin ito. Si Ruby, iniyuko lamang ang ulo na tila walang narinig. Si Ailyn na walang pasensiya ay agad tumaas ang buses at pasigaw nang kinausap ni Ruby. “Ruby! Tumingin ka nga sa akin!” Nanginig ng bahagya si Ruby dahilan ng pagkagulat. Napasimangot si Ryah. Si Ailyn lang yata ang nakikita niyang psychologist na tinatrato ang pasyente niya na ganito “Ma'am, baka puwedeng 'wag niyo siyang takutin? Hindi maganda ang sitwasiyon ni Ruby. Natatakot siya.” Pakiusap ni Ryah dito. Napataas ng kilay si Ailyn na napatingin kay Ryah. Matunog siyang napangisi. “Misis, please don't interrupt while I'm treating your daughter. Naiintindihan mo ba?” Tila walang pasensiya at mayabang niyang sabi. Pagkatapos nito muli niyang inutusan si Ruby nang may mahigpit at pagalit na buses. “Sagutin mo ako kaagad!” Palihim nalang na napabuntong hininga si Ryah habang alalang alala sa kalagayan ni Ruby. Wala rin siyang magawa dahil siya lang ang alam niyang makakapaggamot kay Ruby.THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NAPANSIN naman ni Grayson ang tingin ni Ryah at mahinahong nagsalita. “After breakfast, prepare yourself. It's the 4th week of Lola's death. Kailangan nating bumalik sa lumanv bahay para magbigay galang.”Pagkatapos niyang paalalahanan si Ryah ay naalala niya ito. Sa mga araw kasi na nagdaan, pagod na pagod si Ryah at ang dami kaagad ang nangyari, hindi niya na kasi gaanong alam ang dapat gawin kaya nakalimutan pa niya ang isang napakahalagang araw.Bahagyang nakonsensiya si Ryah, natural na hindi niya tinanggihan ang sinabi ni Grayson. Dapat siyang pumunta. Ang huling pagsisisi ni Ryah ay ang hindi niya nakita si Mrs. Sandoval sa huling pag-kakataon sa araw ng libing.Ngayong handa na siyang hiwalayan si Grayson, kailangan niya pa ring pumunta at magpaalam kahit anong mangyari.Pagkatapos ng almusal, nagpalit na kaagad si Ryah at binihisan niya na rin si Ruby. Nagpalit ng puting pang-itaas at itim sa ibaba. Pagkatapos ay dinala si Ruby kasama si Grayson
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MASAYANG masaya si Kezia para may Ruby at hindi niya maiwasang magsalita ulit. “This is a great sign! I think, you can also send her to a special school. Ang mga teachers doon ay karaniwang natapos ng psychology. They can provide care at lead children like Ruby. Maybe it will help more.”Napaisip naman si Ryah sa sinabi ng kaibigan. Ang bagay na iyon ay napakahalaga ngang bagay. Ang psychologist na makakapagpagamot kay Ruby ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon, at maaari lamang siyang bumuo ng mga gamot para sa paggamot ng mga pisikal na sakit, ngunit hindi propesiyonal sa sikolohikal na aspeto.Kung gagabayan si Ruby ng walang pag-iiangat, baka hindi na matuloy ang paggaling ni Ruby.Mas mabuti ngang ipadala siya sa isang espesiyal na paaralan. Agad niya namang tinanong si Kezia. “Alam mo ba kung saan dito sa Pilipinas mayroong gano'ng school?”Tumango naman si Kezia. “Mayro'n, mayro'n din sa malapit lang. I actually know this. I heard about it by
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MALAMIG ang pabalik na tanong ni Ryah.Ginamit ni Grayson ang trabaho, bilang dahilan upang makasama ang kaniyang unang pag-ibig sa buong araw, at halos hindi na sila mapaghiwalay. Pagkatapos ay hindi niya papayagang si Ryah na makahanap ng mga kaibigan na makakasama o kahit trabaho man lang.Ang mga opisiyal ay pinahihintulutang magsunog, ngunit ang mga karaniwang tao ay hindi pinapayagang magsindi ng mga lampara. Tila double standard na nakakabukas ng mata.“Grayson, dahil pinatalsik mo na ako sa Sandoval's Family, hindi ba dapat kalayaan ko na magdesisiyon kung sino at ano ang makakasama ko? Kung saan ako magtatrabaho? Anong karapatan mo na kuntrahin ako ngayon sa kabila ng walang tingin mong tinatakwil ako?”Pagkatapos sabihin ito ni Ryah ay ayaw niya nang mag-aksaya pa ng oras para magsalita at ipaintindi ng paulit ulit ang lahat kay Grayson. Niyakap niya nalang si Ruby at naglakad lakad.Lubhang madilim ang mukha ni Grayson ngunit hindi niya na ito
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI na napigilan pa ni Grayson ang magalit dahil sa pinapakita ni Ryah. Sa isip niya ay masiyado niyang pinabayaan si Ryah kaya naman paulit ulit niyang hinahamon ang ugali nito.Hinabol ni Grayson si Ryah at hinawakan ang pulso nito ng mahigpit. Matalim naman ang matang lumingon si Ryah. “Ryah. Hindi ka pa na tapos? Paulit ulit mong pinupuntirya si Keihro. He's still young, why are you thinking like that way about him? Ano naman kayang kasamaan ang nasa isip niya? Do you have any problem at madilim ang loob mo sa lahat at tingin mo sa mga tao ay masama?” May diin at galit na pagsasalita ni Grayson.Namilog naman ang mata ni Keihro at agad na nagkunwaring nakakaaawa. “T-Tita Ryah, kung ayaw mo akong makipaglaro kay Ate Ruby hindi ko na siya hahanapin ulit. Just please, don't fight because of me! Tito Grayson really love ate Ruby, itinabi niya muna ang trabaho niya at binigay kay ate Ruby ang oras para makapaglaro. Please, 'wag mo siyang ilayo. Let them
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NATIGILAN si Ryah at pilit iniintindi ang nagsasalita mula sa kabilang linya. 'Sinama niya nanaman ang anak ni Zoe?' Bigla namang nanlumo ang katawan ni Ryah. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng anak ni Zoe kay Ruby at kung gaano ito kabastos. Kahit na nasa paligid si Ryah o Grayson, ang batang iyon ay may lakas loob pa ring gumawa ng masama kay Ruby.Kung wala siya ngayon, hindi siya mag-aalinlangang na gumawa ng kahit ano.'Hindi talaga maaasahan si Grayson!' Nag-alala ng subra si Ryah at wala na siyang pakialam pa. Mabilis niyang ibinaba ang tawag at oatakbong pumunta sa sasakyan para magmaneho papunta sa amusement park.Pagdating niya, ginamit niya ang kaniyang posistioning watch para mabilis na mahanap ang kinaruruunan ni Ruby.Pagdating palang, halos manlumo na ang kaniyang tuhodn nang makita ang isang iksenang ikinakasakal niya.Nakita ni Ryah na bitbit ni Grayson si Keihro para maglaro sa climbing wall ng mga bata. Marahil dahil nag-ala
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NANG marinig ito, biglang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Grayson. “She came to Cruz group to find a job?”Nagkunwaring nagulat si Zoe. “You don't know?”Nabahiran naman ng lungkot ang mukha ni Grayson at tumango. “I don't know about that thing.”Lalong nagulat si Zoe. “Actually, hindi siya naghanap ng trabaho, but to talk about cooperation to Matthew Lucas. I think, familiar sila sa isa't isa. Iniwan pa nga ako ni Mr. Matthew ng tatlong oras just for Ryah.”Sa puntong ito. Nagkunwari siyang kumawala ng isang bagay sa isip niya at iniba ang usapan. “Anayway, I'm sincerely happy for Ryah to have recovered so fast. With Mr. Matthew's protection, I'm sure hindi siya maaapi. Right?”Matapos marinig ito, nakaramdam si Grayson ng kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag na sama ng loob sa kaniyang puso.'When did Ryah know about Matthew?' Tanong niya sa kaniyang isip.Ang taong iyon ay hindi basta basta at kinilala, ngunit isang taong maipapantay kay Gr