Habang pinagmamasdan kung paano sigawan ni Ailyn si Ruby ay mas lalo lang napasimangot si Ryah. Hindi niya nagugustuhan ito, natatakot ang bata, hindi na siya nakapag timpi pa at tinanong ito.
“Doctor Ailyn. Sa tagal mo nang ginagamot si Ruby, bakit parang wala pa ring epekto?” Natanong ni Ryah. Si Ailyn naman ay parang natapakan ang buong pagkatao dahil sa narinig. Nanlilisik ang mata niyang tinignan si Ryah. “Ikaw ba ang psychologist dito o ako? Baka nakakalimutan mong si Mr. Sandoval ang nag hire sa akin. What qualifications do you have to question me?” Puno ng pagkairitang sabi nito. Hindi nagpatinag si Ryah. “Ayaw ko sanang tanungin 'to, but Ruby's condition hasn't improved at all. Bilang isang Ina hindi ba dapat ako ang magtanong? Propesiyonal ka ba talaga?” Nakaramdam ng pangmamaliit si Ailyn. Mabilis siyang tumayo at itinuro ang pasyente. “Ryah, kung ganiyan ang iniisip mo na hindi ako propesiyonal, sa iba ka humingi ng tulong. I won't treat this disease! Pero pinapaalala ko sa 'yo na 'wag kang magsisisi.” Pagkatapos nito'y galit siyang naglakad paalis, dinig pa ang pagtunog ng kaniyang high heels na tumatama sa inaapakan niya. Hindi na sinubukan pang sundan at pigilan ni Ryah si Ailyn. Nakikita niyang ang pagtrato ni Ailyn kay Ruby ay hindi maganda. Mas lalo lamang natatakot ang bata. “Kung ganitong klase nang Doktor ang gagamot sa 'yo, baka mas lalo ka pang mapahamak,” mahinang sabi niya habang hinahaplos ang buhok nito. Bukod dito, mas lalong nagpapahirap sa kaniya ang mga taong nasa paligid niya. Napabuntong hininga na lamang si Ryah at tinabihan ang anak. Nang matabihan niya ay roon niya lang napansin na nanginginig pa rin pala si Ruby. Kahit ang kaniyang mga labi ay gumagalaw, parang takot na takot sa isang bagay. Nag-alala ng subra si Ryah kaya niyakap niya ang anak at hinagod ang likuran nito. “Ruby, calm down. Nandito si mommy. Po-protektahan ka ni mommy.” Hinalikan niya sa pisnge ang anak at marahang hinaplos ito. “Hindi na tayo pupunta sa Doctor, okay? Ipagluluto ka ni mommy ng masarap na pagkain.” Halos maiyak si Ryah habang kinakausap ang anak. Ngunit dahil sa mahinhin nitong pagsasalita ay unti unting huminahon ang emosiyon ni Ruby. Ang maliit nitong katawan ay marahang sumandal sa kaniyang bisig at tumango. Napahinga ng maluwag si Ryah at binuhat ang anak upang pumunta sa kusina at gumawa ng cookies para sa kaniya, ang paboritong meryenda ni Ruby. Nang maglaon, pagkatapos maluto ang cookies, nagkataong bumalik si Grayson. Pagkaraan ng buong gabing hindi siya umuwi, ngayo'y iba na ang kaniyang damit. The purely hand-made black shirt and trousers make his body look tall and slender. Sinamahan pa ng malalaki niyang bisig at braso, pantay lang at parang perpekto ang pagkakakurba ng katawan. Ang kaniyang mukha ay wala nga namang kapintasan, ngunit laging seryuso at walang emosiyon kapag tumitingin kay Ryah. Sumisigaw nga naman talaga anh alindog ng isang mature na lalaki. Sa katunayan, ang kasuutan na ito ay hindi na bago kay Ryah, nakasanayan niya nang ganito ang suot niya. Ngunit, alam ni Ryah na hindi sa kaniya galing ang damit na ito. Ayaw niya na ring alamin kung kanino. Gayunpaman, may kailangang sabihin si Grayson sa kaniya. Agad siyang naglakad palapit kay Ryah, suot nanaman sa Mukha ang magkasalubong na kilay. Naamoy naman ni Ryah ang isang pabagong hindi pamilyar sa kaniya. “Ryah, what did you do? Bakit mo pinaalis si Doctora Ailyn?” This familiar tone made Ryah feel a little blocked in the heart. Nanlamig din ang expression ni Ryah. “Wala namang talab ang paggamot niya kay Ruby. May ilang bagay lang akong nasabi. May masisisi ba ako?” Pagalit na napangisi si Grayson. “Then? You don't even have limitation to yourself? Kinilala si Doktora Ailyn sa husay gumamot, at ikaw lang ang nagdududa? Now, call Doctor Ailyn immediately to apologize.” Tila natusok ng maraming karayom ang puso ni Ryah. Hindi niya inaasahan na kakampihan ni Grayson ang ibang tao kaysa sa kanilang mag-ina. Hindi man lamang ito nagkaroon ng pakialam sa anak niya o ‘di kaya tanungin ang dahilan. Pagdating ni Ailyn, may bahid na sa mukha niya ang ngisi. Pinilit si Ryah na humingi rito ng tawad ngunit nagmatigas siya. Ni hindi man lang nagtanong ng dahilan si Grayson. Napakuyom ang kamao ni Ryah at umiling. “Hindi ako hihingi ng tawad. Ako ang Ina ni Ruby, kaya ako ang may karapatang pumili kung sinong Doctor ang gusto kong gumamot sa kaniya.” Buong tapang na sinabi ni Ryah. Bahagyang nagulat si Grayson. Tuluyan na ngang sumama ang timpla ng kaniyang mukha, nagsalubong ang makakapal na kilay at galit na tinignan si Ryah. “Okay fine! You really have a bad temper. Palagi mo nalang sinasabi na it's for Ruby, pero anong ginagawa mo?” Pagkatapos niyang masabi ang salitang 'yon ay padabog itong tunalikod at umalis. Napatitig si Ryah sa likuran ni Grayson na paalis. Hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at pagkirot sa puso. Walang sinabi si Grayson na hindi uuwi buong gabi, walang pasabing mananatili sa labas. Bumalik siya para lamang sisihin si Ryah at umalis din ng walang pasabi. Ang bahay ay parang hotel lamang kay Grayson, walang kabuluhan at hindi niya tinuturing na tahanan. Kahit ang mga salitang binitawan ng anak ni Zoe ay tumatak sa isip ni Ryah. Nagsimulang mangilid ang luha ni Ryah habang may mabigat na paghinga sa dibdib. Marahil, ang 'tahanan' sa labas ang siyang hinihintay ni Grayson. Napakapit si Ryah sa kaniyang dibdib. Nahihirapan siyang isipin ang mga bagay na kailan lang nangyari. Hindi niya lubos maintindihan kung saan siya nagkulang. Sa sandaling ito, si Ruby na nakaupo sa tabi niya ay lumapit. Bumalik sa wesiyo si Ryah at itinuon ang pansin kay Ruby. Iniangat ni Ruby ang kaniyang tingin, nag abot ng biscuit at nagsalita na parang isang sanggol. “B-Biscuit. . . m-m-masarap, mommy. . . k-kain.” Agad namula ang mata ni Ryah. Pinahid niya ng mabilis ang tumulong luha at ngumiti. “Sige kakain na si Mommy. Salamat, baby Ruby.” Tinanggap niya ang inabot ni Ruby. Umaliwalas ang mukha ni Ruby. Ang maliliit nitong mata ay tila nagliwanag. Kahit ang labi nito'y nakangiti at halatang natutuwa. Mas lalong tumambok ang kaniyang pisnge dahil sa pagngiti nito. Lumambot ang puso ni Ryah dahil sa nakita. Panandalian niyang isinantabi ang mga bumabagabag sa kaniyang isip. Hinarap niya nalang si Ruby at sinamahan itong kainin ang ginawang cookies. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na babalik si Grayson at kasama si Ailyn. Kakaiba ang pakikipag-uspa ni Ailyn kay Grayson. “l examined and check the child's condition this morning and confirmed that the previous diagnosis was correct. Kailangang ipagpatuloy ng bata ang paggamot, kung hindi, la-lala lang ang kundisiyon.” Palihim na ngumiwi si Ryah, nakipag-usap si Grayson kay Ailyn tungkol sa kalagayan ni Ruby, ngunit hindi man lang kayang makipag usap sa kaniya mismo. Ryah felt disgusted. Ngunit hindi niya na lamang ito pinansin. Hindi natutuwa si Grayson sa asal niya kay Ailyn, lalo na sa pagtaboy. Sa sandaling ito, kalmado niyang sinulyapan si Ryah. “You heard what Doctor Ailyn said. Kailangan kong umakyat sa taas at may aasikasuhin pa akong negosyo. Dapat kang makipagtulungan sa paggagamot, Ryah. I hope you won't make the same mistake again.” Pagkatapos nito pumasok na siya sa kaniyang office nang hindi lumilingon. Nang tuluyang makaalis si Grayson, bumalik sa dati ang ekspresiyon ni Ailyn. “Kung hindi lang dahil kay Mr. Sandoval hindi ako babalik dito. Kung hindi, kahit lumuhod ka at halikan mo ang paa ko, hinding hindi ako babalik.” Puno ng kayabangang ani niya. Walang balak pansinin o kausapin ni Ryah si Ailyn at nagpatuloy sa pagkain ng cookies. Si Ailyn, gayunpaman, ay may puno ng bilib sa sarili na tila nanalo sa isang contest. Pagkatapos ay umupo siya at hinarap si Ruby. Sa ngayon, mas malumanay na ang kaniyang buses. Subalit, dama pa rin ni Ryah na hindi komportable si Ruby sa pagharap ni Ailyn. Ang kaninang mukha niyang maliwanag ngayo'y napapalitan na ng pagkasimangot. Nakaramdam ng kakaiba si Ryah kaya pinagmasdan niya itong mabuti. Ngunit itinala lamang ni Ailyn ang kundisiyon ni Ruby, pagkatapos ay niresetahan niya ito ng gamot. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib Ryah. Nang matapos si Grayson sa kaniyang trabaho ay saktong natapos din ang paggagamot. Nagkusang lumapit si Ailyn kay Grayson para kausapin ito. “Mr. Sandoval, the child's treatment today ends here. Kailangang inumin ng batang ito ang mga gamot na nireseta ko. Kung hindi, baka mas lalo lang lumala ang kundisiyon niya.” Tumango si Grayson. “Thank you for your hard work.” Malambing na ngumiti si Ailyn dito. “As I should, since naniniwala ka sa akin ng subra. I also need to go, that's all for today, aalis muna ako.” Tumango si Grayson dito at idinapo ang malamig na tingin kay Ryah. “Please send Doctor Ailyn off.” Napataas ng kaunti ang kilay ni Ryah. Nagkunwari siyang walang narinig at binuhat si Ruby. “Sweety, dadalhin ka na ni mommy sa loob at papainumin na kita ng gamot.” Tila hindi nagustuhan ni Grayson ang ginawa ni Ryah. Magsasalita na sana ito ngunit tumunog ang kaniyang cellphone na agad niya namang sinagot. Ilang sandali pa, bumalik si Grayson at nagpaalam. “May gagawin ako sa company. Lalabas ako saglit.” Pagkatapos ay umalis. Naiwan muling mag-isa si Ryah kasama ang kaniyang anak. Nakaramdam siya ng panlulumo ng tuhod. Niyakap niya nalang muli si Ruby pilit inalis sa isipan ang mga nangyari.THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NAPANSIN naman ni Grayson ang tingin ni Ryah at mahinahong nagsalita. “After breakfast, prepare yourself. It's the 4th week of Lola's death. Kailangan nating bumalik sa lumanv bahay para magbigay galang.”Pagkatapos niyang paalalahanan si Ryah ay naalala niya ito. Sa mga araw kasi na nagdaan, pagod na pagod si Ryah at ang dami kaagad ang nangyari, hindi niya na kasi gaanong alam ang dapat gawin kaya nakalimutan pa niya ang isang napakahalagang araw.Bahagyang nakonsensiya si Ryah, natural na hindi niya tinanggihan ang sinabi ni Grayson. Dapat siyang pumunta. Ang huling pagsisisi ni Ryah ay ang hindi niya nakita si Mrs. Sandoval sa huling pag-kakataon sa araw ng libing.Ngayong handa na siyang hiwalayan si Grayson, kailangan niya pa ring pumunta at magpaalam kahit anong mangyari.Pagkatapos ng almusal, nagpalit na kaagad si Ryah at binihisan niya na rin si Ruby. Nagpalit ng puting pang-itaas at itim sa ibaba. Pagkatapos ay dinala si Ruby kasama si Grayson
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MASAYANG masaya si Kezia para may Ruby at hindi niya maiwasang magsalita ulit. “This is a great sign! I think, you can also send her to a special school. Ang mga teachers doon ay karaniwang natapos ng psychology. They can provide care at lead children like Ruby. Maybe it will help more.”Napaisip naman si Ryah sa sinabi ng kaibigan. Ang bagay na iyon ay napakahalaga ngang bagay. Ang psychologist na makakapagpagamot kay Ruby ay hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon, at maaari lamang siyang bumuo ng mga gamot para sa paggamot ng mga pisikal na sakit, ngunit hindi propesiyonal sa sikolohikal na aspeto.Kung gagabayan si Ruby ng walang pag-iiangat, baka hindi na matuloy ang paggaling ni Ruby.Mas mabuti ngang ipadala siya sa isang espesiyal na paaralan. Agad niya namang tinanong si Kezia. “Alam mo ba kung saan dito sa Pilipinas mayroong gano'ng school?”Tumango naman si Kezia. “Mayro'n, mayro'n din sa malapit lang. I actually know this. I heard about it by
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MALAMIG ang pabalik na tanong ni Ryah.Ginamit ni Grayson ang trabaho, bilang dahilan upang makasama ang kaniyang unang pag-ibig sa buong araw, at halos hindi na sila mapaghiwalay. Pagkatapos ay hindi niya papayagang si Ryah na makahanap ng mga kaibigan na makakasama o kahit trabaho man lang.Ang mga opisiyal ay pinahihintulutang magsunog, ngunit ang mga karaniwang tao ay hindi pinapayagang magsindi ng mga lampara. Tila double standard na nakakabukas ng mata.“Grayson, dahil pinatalsik mo na ako sa Sandoval's Family, hindi ba dapat kalayaan ko na magdesisiyon kung sino at ano ang makakasama ko? Kung saan ako magtatrabaho? Anong karapatan mo na kuntrahin ako ngayon sa kabila ng walang tingin mong tinatakwil ako?”Pagkatapos sabihin ito ni Ryah ay ayaw niya nang mag-aksaya pa ng oras para magsalita at ipaintindi ng paulit ulit ang lahat kay Grayson. Niyakap niya nalang si Ruby at naglakad lakad.Lubhang madilim ang mukha ni Grayson ngunit hindi niya na ito
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI na napigilan pa ni Grayson ang magalit dahil sa pinapakita ni Ryah. Sa isip niya ay masiyado niyang pinabayaan si Ryah kaya naman paulit ulit niyang hinahamon ang ugali nito.Hinabol ni Grayson si Ryah at hinawakan ang pulso nito ng mahigpit. Matalim naman ang matang lumingon si Ryah. “Ryah. Hindi ka pa na tapos? Paulit ulit mong pinupuntirya si Keihro. He's still young, why are you thinking like that way about him? Ano naman kayang kasamaan ang nasa isip niya? Do you have any problem at madilim ang loob mo sa lahat at tingin mo sa mga tao ay masama?” May diin at galit na pagsasalita ni Grayson.Namilog naman ang mata ni Keihro at agad na nagkunwaring nakakaaawa. “T-Tita Ryah, kung ayaw mo akong makipaglaro kay Ate Ruby hindi ko na siya hahanapin ulit. Just please, don't fight because of me! Tito Grayson really love ate Ruby, itinabi niya muna ang trabaho niya at binigay kay ate Ruby ang oras para makapaglaro. Please, 'wag mo siyang ilayo. Let them
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NATIGILAN si Ryah at pilit iniintindi ang nagsasalita mula sa kabilang linya. 'Sinama niya nanaman ang anak ni Zoe?' Bigla namang nanlumo ang katawan ni Ryah. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng anak ni Zoe kay Ruby at kung gaano ito kabastos. Kahit na nasa paligid si Ryah o Grayson, ang batang iyon ay may lakas loob pa ring gumawa ng masama kay Ruby.Kung wala siya ngayon, hindi siya mag-aalinlangang na gumawa ng kahit ano.'Hindi talaga maaasahan si Grayson!' Nag-alala ng subra si Ryah at wala na siyang pakialam pa. Mabilis niyang ibinaba ang tawag at oatakbong pumunta sa sasakyan para magmaneho papunta sa amusement park.Pagdating niya, ginamit niya ang kaniyang posistioning watch para mabilis na mahanap ang kinaruruunan ni Ruby.Pagdating palang, halos manlumo na ang kaniyang tuhodn nang makita ang isang iksenang ikinakasakal niya.Nakita ni Ryah na bitbit ni Grayson si Keihro para maglaro sa climbing wall ng mga bata. Marahil dahil nag-ala
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW NANG marinig ito, biglang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Grayson. “She came to Cruz group to find a job?”Nagkunwaring nagulat si Zoe. “You don't know?”Nabahiran naman ng lungkot ang mukha ni Grayson at tumango. “I don't know about that thing.”Lalong nagulat si Zoe. “Actually, hindi siya naghanap ng trabaho, but to talk about cooperation to Matthew Lucas. I think, familiar sila sa isa't isa. Iniwan pa nga ako ni Mr. Matthew ng tatlong oras just for Ryah.”Sa puntong ito. Nagkunwari siyang kumawala ng isang bagay sa isip niya at iniba ang usapan. “Anayway, I'm sincerely happy for Ryah to have recovered so fast. With Mr. Matthew's protection, I'm sure hindi siya maaapi. Right?”Matapos marinig ito, nakaramdam si Grayson ng kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag na sama ng loob sa kaniyang puso.'When did Ryah know about Matthew?' Tanong niya sa kaniyang isip.Ang taong iyon ay hindi basta basta at kinilala, ngunit isang taong maipapantay kay Gr