Bahagyang nagulat si Ryah dahil hindi niya inaasahang lalabas sa bibig ng halos apat na taong gulang na bata ang salitang iyon. Saglit pa siyang napatitig dahil sa nabanggit ng bata na tinawag niyang Dad si Grayson.
Dahil sa karamdaman ni Ruby na autism ay bihira lamang ito magsalita. Napatitig na rin siya sa batang si Keihro. Napairap si Keihro at muling nagtanong. “Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba? Or a fool? O baka naman may sakit sa pag-iisip?” Pagkatapos ng sunod-sunod na tanong ay mapang-asar itong tumingin. "No wonder ayaw nila sa 'yo." Tila nagpantig sa tenga ni Ryah ang binanggit ng bata. Napakuyom ang kaniyang kamao, ”You—” Pipigilan niya na sana ang bata ng biglang sumigaw si Ruby, tila nawalan ng kontrol sa sarili dahil sa inis. “H-Hindi! Hindi!” Malakas na kaniyang sigaw habang may halong puot. “Ruby!” Nagmamadaling niyakap ni Ryah ang anak na patuloy sa pagbanggit ng 'hindi'. “Anak 'wag kang makikinig. It's okay. Calm down, please? Our Ruby is the smartest, what he said is nonsense. Shhh.” Hinahaplos ni Ryah ang buhok ng anak ngunit tila hindi ito naririnig at nagpatuloy sa pagsigaw. Mabilis nakaagaw ng atensiyon sa mga taong nasa mourning hall ang sigaw na iyon. Mabilis ang mga media na tinutok ang camera sa tatlo. Samantala, hindi napansin ni Ryah ang mga iyon hanggang sa lumitaw si Grayson sa harapan nito na may nakasalpok nang mga kilay. “Ryah! What have you done? Binalaan na kita kanina,” galit na sabi ni Grayson. Mahigpit na niyakap ni Ryah si Ruby. My halong lungkot at galit itong sumagot. “It's not Ruby's fault, it's him. Ininsulto ng batang 'yan si Ruby—” Hindi na napatapos ni Ryah ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Grayson. “How come? Kararating lang ni Keihro rito sa Pilipinas. He doesn't even know Ruby. You are making useless excuses, Ryah.” Ramdam ang puno ng kawalan ng tiwala si Grayson kay Ryah. Napatigil si Ryah at napakunot ang noo. Hindi makapaniwalang tinignan si Grayson. Dumating din ang iba sa pamilyang Sandoval ngunit parang walang nangyari at walang pakialam. Subalit, ang nakababatang kapatid ni Grayson na si Gayle ay hindi ito pinalampas. Noon pa man ay ayaw niya na kay Ryah, siya na rin mismo ang humahanap ng dahilan para ipahiya ito. Magkasalubong ang kilay nitong hinigit si Ryah sa braso. “Para lang makuha mo ang atensiyon ni Kuya dinamay mo pa ang inosenteng bata! You are so disgraceful at grandma's funeral. Leave!” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na umimik pa si Ryah. Walang emosiyon niyang hinigit ang braso na hawak ni Galye at umalis kasama ang anak. . . . Outside the funeral home, the wind and rain were as cold as a knife. Sa pakiramdam ni Ryah ay wala na siyang makapitan magmula noong nawala si Mrs. Sandoval. Hindi pa man tapos ang libing ay nagsisimula niya ng maramdaman ang sakit. Tila sinasamahan siya ng ulan na kanina lang ay napaka-araw. Nakatayo siya sa may pinto habang hawak si Ruby na namumula ang mata at maputla na ang balat dahil sa kakaiyak. Hindi niya aakalain na kasabay ng pagkawala ni Mrs. Sandoval ay siya ring pagiging malupit ng pamilyang Sandoval sa kaniya. Gusto niya pang manatili roon at dumalo sa libing upang maihatid niya man lang ito sa huling hantungan, ngunit si Ruby ay patuloy pa rin sa pag-iyak at hindi pa kumakalma. Nakayakap ito sa kaniyang bisig habang bumubulong, pakiramdam ay inaapi. Sa huli ay hinintay niya na tumigil sa pag-iyak si Ruby at kahit ang pag-tigil ng ulan. Umabot ng halos dalawang oras bago tumahan si Ruby. Nakatulog siya dahil sa pagod sa pag-iyak. Muli nanamang nagpakawala ng malalim na hininga si Ryah at iniisip kung paano niya haharapin ang pamilyang Sandoval kung ngayon palang ay ramdam niya na na ayaw sa kaniya ng mga ito. Ang libing ay natapos nang hapon. Nang bumaba si Ryah upang maghanda ng maligamgam na tubig para kay Ruby, nakasalubong niya si Grayson. Isasawalang bahala na lamang sana niya ang presensiya nito dahil sa sama ng loob ngunit nakita niya ang batang lalaki na nasa tabi ng kaniyang binti. Bahagya siyang natigilan sa nakita. 'He. . . actually brought Zoe's son back?' Napansin ni Grayson ang kaniyang tingin ngunit walang balak na magpaliwanag kay Ryah. Tiningnan niya lang si Ryah ng walang emosiyon bago magsalita. “Look after Keihro. They just returned home, and his mother has gone to handle the property procedures, and company.” Napahigpit ang hawak ni Ryah sa baso, gusto niyang matawa sa sinabi ni Grayson ngunit pinili niya nalang manahimik. Sa kaniyang isipan, 'Itinaboy na nga ako sa libing. Hindi ako pinaniwalaan tapos ngayon dinala niya ang anak ng first love niya tapos gusto niyang ipaalaga sa akin? Ang kapal naman ng pagmumukha ng isang 'to.' Sa isip ay subra ang kaniyang inis. Napatingin siya sa batang lalaki, hindi makalimutan ni Ryah na pinagsalitaan ng kung ano si Ruby. “May sakit si Ruby, mas kailangan niya ako. Wala akong lakas para alagaan ang anak ng ibang tao.” May diin na pagsasalita ni Ryah at deretsong nakatingin sa bata. “Maraming kasambahay riyan na puwedeng mag-alaga sa kaniya, so I am not needed.” Hindi alintana ni Ryah ang tuno ng kaniyang pananalita. Dahil sa loob niya ay nakakaramdam siya ng inis at pang i-insulto. Nanlamig ang mukha ni Grayson ngunit nag panggap na lamang na hindi niya ito nakita at umalis, hindi na hinintay ang sasabihin. Sa bawat hakbang niya sa hagdan ay nakakaramdam siya ng kirot sa puso. Naghalo ang mga tanong at pagtatampo sa puso. Ang anak niyang si Ruby ay maghapong umiyak ngunit wala man lang pangangamusta mula sa kaniyang amang si Grayson. “Nagagawa mong isipin ang mag-aalaga sa anak ng ibang tao. Pero sa anak mo hindi?” Puno ng sakit na bulong ni Ryah sa sarili at pinahid ang nangingilid na luha. Samantala, nakatingin si Grayson sa kaniyang likuran. Bagama't hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Ryah ay hindi niya nalang ito pinilit. Marahan niyang hinawakan ang ulo ni Keihro. “Later, you go to the children's playground upstairs to play by yourself, and Uncle Grayson goes to the office to take care of some work, okay?” Mahinahon niyang sambit. Tumango si Keihro nang may paggalang at pagkamasunurin. “Okay Uncle Grayson, you can go ahead and do your work. I can take care my self naman. Noong nasa abroad ako and when my mommy was working, I was alone anyway.” Napangiti naman si Grayson at naramdaman niyang mabait at masunurin ito kaya pumunta siya sa kaniyang office nang may mapayapang isip. Pumunta si Keihro sa children's playground. Ang playground ay ipinagawa ng matandang si Mrs. Sandoval, pamilyang Sandoval at si Ryah para kay Ruby. Hindi katulad ng normal na bata si Ruby. Nahihirapan siyang makipagsalamuha sa mga bata at kadalasan ay gusto niyang mapag-isa. Ang mga laruan at entertainment facility rito ay maingat na inihanda para lang kay Ruby. Nang makita ito ni Keihro ay labis ang kaniyang inis. Padabog na pumasok sa children's playground at napapairap na tinitignan ang mga laruan. “That fool actually has such a big children's playground.” Naka cross arms na sabi nito. “She don't deserve this.” He pouted. Kalaunan bigla siyang napangiti at nagsimulang pakialaman ang mga laruan sa paligid.Ryah Zovee POINT OF VIEWSANDALI kaming natahimik na tila pinapakiramdaman ang bawat isa. Maya maya pa, inilagay mo Kezia ang mangkok na hawak niya sa tabi ng maliit na mesa saka ako tinanong. “How do you feel? Are you still cold? May nararamdaman ka pa bang hindi ka kumportable?” Sunod sunod na tanong niya sa akin habang sinisipat ako.Umiling ako sa kaniya. “I feel much better now, thank you, Kezia.” Tinignan niya ako ng napapataas ng kilay.“Why are you so polite to me? I just want to know if you are feeling better now.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya kaya't napakamot nalang ako sa batok ko.Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. “What if stay with me tonight? Gabing gabi na. And! Don't think about anything, puwede ka namang umuwi nalang bukas.”Napakamot nalang ako ulit. Gusto ko sana kaso si Ruby, siguradong hahanapin ako no'n pagkagising niya. “Gusto ko sana, kaso si Ruby nasa bahay. Takot siya sa mga kulog at kidlat lumalakas pa naman ang ulan.” Pagpapaliwanag ko sa kani
Ryah Zovee POINT OF VIEWHindi ko na napigilang mapaupo habang napayakap sa sarili dahil sa halo halong ginaw at sakit ng nararamdaman. Ramdam ko ang pamumula ng mata ko. Nanginginig akong kinapa ang cellphone ko at pinilit humarap sa screen. Lumalabo na ang paningin ko ngunit pinipilit ko nalang ang sarili na maghanap ng puwedeng ma-contact.Sa huli, ang tanging puwede kong ma-contact ay si Kezia. Mabilis ko itong tinawagan at napapikit na nanginginig habang hinihintay na sagutin niya.Nang sagutin niya mabilis akong nagsalita. “Ke-Kezia. Puwede bang s-sunduin mo ako?” Nanginginig na sabi ko habang pilit kong nilalakasan ang buses ko. Napapikit pa ako ng mariin dahil sa malakas na hangin na tumama sa katawan ko.Narinig ko ang pagkasinghap sa kabilang linya na tila nagulat. “Ryah? What's going on? Tell me, where are you? Pupunta ako kaagad diyan.” Tarantang sabi ni Kezia sa kabilang linya. Sinabi ko kaagad ang address ko. Rinig ko sa kabilang linya ang pagtakbo niya. “Oo! Papunta na
Ryah Zovee Sandoval POINT OF VIEWHINDI ako nakagalaw sa kinatatayuan habang tinitignan ang magkayakap na si Grayson at Zoe. Hindi man ako ganoon kalapit sa kanila ngunit dama ko na iba na ang relasiyon na mayro'n sila.Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong magalit at ipagsigawan kay Grayson na mali na ang nakikita ko. Na mali na ang lahat, pero paano? Paano ko gagawin 'yon kung walang maniniwala sa akin.Ang kaninang pakiramdam ko na masama ay lalo lamang lumala dahil sa kanila. Hindi man lang ako nayakap ni Grayson ng ganiyan at halikan ang noo ko sa tuwing kailangan ko. Napakuyom ako ng kamao habang pinipigilan kong maglabas ng emosiyon. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako minahal ni Grayson, tanggap ko na 'yon, pero, ang makita ko siyang ganito sa harap ko ay hindi na tama. Mag-asawa pa rin kami. Alam nilang nandito ako, but they still act like that? Worst sa harap pa ng maraming tao? So, ano ako rito? I look like a mistress na pinagpipilitan ang sarili sa isang t
Sandaling natulala si Ryah. Nanlamig ang mga kamay at paa niya sa hindi inaasahang dalawang tao na nasa harapan niya. Bago pa man siya mabalik sa kaniyang wisyo, si Zoe na nakatayo malapit sa pintuan ay nakikipagkamustahan na sa lahat, may halong mapang-angkit at tila isang anghel kung ngumiti. “Is everyone already here? You shouldn't waited too long, right? We did some matters kasi before going here.” Lumingon siya sa paligid hanggang sa napatigil ang kaniyang tingin kay Ryah. Kunware pa itong nagulat saka ngumiti. “Ryah, nandito ka pala. I thought hindi ka pupunta sa welcome party ko. It's great, you came.” Si Grayson na nasa tabi niya ay tinapunan lamang ng lingon si Ryah, wala pa ring ekspresiyon at tila wala silang malalim na relasiyon sa isa't isa. Bahagyang nagulat si Ryah at nalito dahil sa sinabi nito. Hindi niya pinahalata ang pagkasimangot at hindi niya gusto ang nangyayari. 'Welcome party ni Zoe? 'Di ba napag-usapan naming farewell party ito? Dinner with friends? Ba
PINAHID ni Ryah ang kaniyang nagbabadyang mga luha at mabilis na tumayo upang ayusin ang sarili. Nanghihinayang pa rin siya sa mga bagay na pinaglaanan niya ng oras sa trabaho ngunit sa huli ay mapupunta rin pala sa iba. Nagbukas muli ang elevator dahil sa may sasabay sa pagbaba. Napatikhim ng mahina si Ryah, isang kumpunan ng mga workers ang pumasok. Tinignan nila si Ryah na puno ng pag-aalala at hindi pagpayag na umalis siya at manatili sa kumpanya. “Ma'am, aalis ka na ba talaga?” Bahagyang nagulat si Ryah sa tanong nito. “'Wag ka nang umalis Ma'am. Hindi kami pagpayag na aalis ka.” Napakurap si Ryah dahil akala niya'y aawayin siya ng mga ito. “Ayaw ko sa bagong director na si Zoe, ang yabang ng dating, parang high na siya kaagad eh kararating palang. Hindi ko siya gusto.” “Babaan mo buses mo.” Pagsita ng isa sa pumasok. “Anak siya ng Pamilyang Russo 'di ba? Isa rin sa successful na pamilya. Balita ko first love siya ni Mr. Grayson. Pero feeling ko may malalim pa Silang r
Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na sila sa kompanya. Panay ang buntong hininga ni Ryah habang nakasunod kay Grayson na hindi siya hinayaang makaalis. Nang bitawan siya ni Grayson, napatingin pa siya sa kaniyang braso na namumula na dahil sa pagkakakapit ni Grayson. May kaunting sakit na naramdaman si Ryah ngunit pinili niya na lamang na indain ito.Sa buong biyahe nila, kahit pilitin man ni Ryah ang umalis ay hindi niya nakaya dahil sa lakas ni Grayson. Mahigpit siyang hinawakan na parang wala lang kay Grayson kung masasaktan ito. Naramdaman ni Ryah na parang trinato siya na parang isang robot.Napabuntong hininga nalang muli si Ryah. Hinarap siya ni Grayson bago pumasok ng tuluyan sa loob ng kumpanya. Seryuso ito at malamig ang mga matang tinignan siya. “This time, I will personally supervise you and complete the work. I will sure you wouldn't do anything wrong again.” Tila may pagbabanta itong nagsalita.Napairap nalang si Ryah ng tumalikod ito. Wala rin namang maga