Share

Chapter 3

Inaayos ko ang damit ko dahil paalis na'ko. Kakagising ko lang mula sa pagkakatulog katabi ang isang matandang lalaki na nag book sa'kin kagabi. Nakakapagod ang isang 'to dahil matagal labasan, nakakangalay ang gumalay sa ibabaw nito. Habang ang matanda naman ay sarap na sarap at ligayang-ligaya sa binibigay ko ritong langit.

“This is the money take this, I liked your performance! You are greater than my wife actually. Let do this again next time honey.” pagkasambit na pagkasambit niyon saka ito lumabas ng silid.

Naiwan naman akong nag aayos ng damit. As if naman na mag kikita pa kaming muli. I only fuck one men once, if we fuck wala nang kasunod 'yon gusto ko'y iba naman.

Kinuha ko ang makapal na perang ibinayad sa'kin ng matanda at nilagay sa bag saka ito isinakbit bago naglakad papalabas ng silid na 'yon.

“Mukhang malaki ang kinita mo sa matandang 'yon ah?” bungad kaagad ni Madam Kit pagkalabas ko palang ng pinto. Malaki ang ngiting nakapaskil sa pisnge nito. “Baka nakakalimutan mo ang patakaran natin.” paalala niya.

I rolled my eyes and get the money inside of my shoulder bag. Kinuha ko ang kalahati ng pera at binigay kay Madam Kit. This is our rules here in Crexel Bar. Fifty-fifty ang kita, fifty percent sa'yo. Fifty percent para kay Madam Kit. Kaya hindi mo p'wedeng suluhin ang kitang ibibigay sa'yo ng customer mo.

“Good job Frei.” sambit ni Madam Kit matapos kong ilatag sa kamay nito ang kalahati ng pera na kiniti ko sa pagpapaligaya sa matandang nag book sa akin kagabi. Bakas ang kaligayahan nito bago ako tinalikuran at umalis sa aking harapan.

“Uuwi kana ba sa dorm?” tanong ni Herley nang makasalubong ko ito sa may Bar. Umiling-iling ako bago sumagot.

“Baka hindi muna, Uuwi ako ngayon sa bahay namin.” sagot ko sa kaniyang tanong. “Tagal ko nang 'di nakakauwi sa bahay, baka kung ano na ang nangyari roon.” isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Kahit ayaw kong umuwi'y wala akong magagawa. Isang bangungot kasi ang mga ala-ala na nakabaon sa bahay na'yon. Ala-alang sumira sa buong buhay ko. Ang bahay na 'yon ang nag silbing impyerno sa'kin noong bata palang ako. Kaya nag desisyon akong umalis noong nag ka trabaho ako at kaya ko nang buhayin ang sarili ko mag isa.

“Good luck!” Herley tapped my back bago naunang umalis sa aming dalawa. Lumabas na'ko ng bar na pinagt-trabahuhan saka nag para ng taxi tungo sa may bangketa kung saan ang bahay namin.

Dumaan muna ako sa may tindahan ng prutas bago nagtungo sa bahay. Isang palapag na bahay na may kinakalawang na bubong ang bumungad sa aking harapan. Ang harapan ng bahay na'to'y nakakalat ang mga basura.

Sinimulan kong ihakbang ang paa papalapit sa may pinto saka kumatok. “Putang ina sino kananamang kumakatok ka?!” malakas na sigaw ng kaniyang ina bago binuksan ang pinto. “Huh! Anong ginagawa mo ritong hipokrita ka?” taas kilay na tanong ni mama sa aking harapan.

“Asan si Lola?” tanong ko't hindi sinagot ang tanong nito. Nakapameywang ito sa aking harapan habang ang mga titig nitong parang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao.

“Asa loob ang lola mo.” sagot nito't bigla namang inilahad ang kaniyang kamay sa akin at may iniintay na ilagay ako sa kaniyang palad. Umirap naman ako sa hangin at pabalantang na iniabot dito ang limang libo. “Mag linis ka diyan sa bahay, ang kalat-kalat!” sigaw ni mama bago umalis ng bahay.

Wawaldasin na naman niyon ang perang ibinigay ko sa kaniya sa sugal. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok mo sa loob ng bahay ay sala kaagad ang bubungad sa iyo at sa dulo naman nito'y ang kusina. Meroong tatlong kuwarto ang bahay na'to.

Pinuntahan ko si lola sa kusina para ibigay dito ang pasalubong ko. “Lola! Kumusta na po kayo?” kumawala naman ang ngiti sa labi ko't ni lola ng magkita kaming muli. Si lola ang naging kakampi ko at katuwang sa lahat ng bagay, siya lang ang tanging naniwala ng sabihin kong pinag samantalahan ako ng sarili kong ama.

“Apo! Ayos lang naman ang lola. Ikaw? Kumakain kaba? Bakit parang pumapayat ang katawan ng apo ko?” hinawakan ni lola ang mukha ko. Nakaupo sa isang upuan si lola kaya nakaluhod ako sa kaniyang harapan para mag pantay kami.

“Maayos lang naman po ako lola, diet po kasi ang apo niyo.” natatawa kong sambit. “Oo nga papa lola, i bought you some fruits outside lola.” iniabot ko sa kaniya ang isang plastic ng prutas. Mansanas, orange, ubas at saging ang laman nito.

“Maraming salamat apo!” sobrang saya ang mababakas sa mukha ni Lola. Hindi ko naman maiwasan ang matuwa rin dahil sa saya ni lola. Inilapag ko sa lamesa ang prutas at kumuha ng mansanas saka ginayat para kay lola.

“Kumain napo ba kayo la? Ako napo ang magluluto ng ulam.” naghahalungkat ako ng maluluto sa bahay na'to ngunit walang kalaman-laman ang loob ng mga drawer nito. Wala namang ref sa bahay na'to.

“Kumain na ako kanina pa, ikaw ga? Kumain kana? Dapat ay hindi ka nag papalipas ng gutom. Alam mong masama 'yan sa 'yong kalusugan.” panenermon ni lola sa akin kaya napangiti naman ako. Nakaka miss ang kaingayan ni lola ng bata pa'ko.

“Malaki na po ako la, kaya ko nang i handle ang sarili ko.” saad ko kay lola saka nag hagilap ng walis para mag walis sa loob ng bahay. Napaka kalat at para nang basurahan ang bahay na'to parang wala man lang naglilinis eh.

Mahigit oras ang ginugul ko sa paglilinis ng bahay dahil sa dami ng kalat na nakakalat sa loob ng bahay. Tambak din ang platitong hugasin, kaya hinugasan ko nalang 'to lahat.

“Look who's here!” maarteng bungad ni Mela pagpasok na pagpasok sa loob ng bahay. Mela is my youngest sibling, may d-debu na ito sa susunod na taon.

Hindi ko nalang 'to pinansin at nag patuloy sa ginagawa nasa sala ako habang si lola naman ay nanonood sa tv. Dumiretsyo naman si Mela sa may kusina at isang malakas na ingay ang narinig ko mula roon kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina para tignan kung anong nangyari.

“Putang ina! Wala man lang kaulam-ulam! Tang inang bahay 'to! ” galit na sigaw ni Mela at pinag hahagis ang mga kalderong walang laman. Nahagip naman ng mata nito ang presensya ko. “At ikaw! Tang ina mong hayop ka 'di ka man lang nag luto ng makakain. Bobo mo ring hayop ka ha!” hindi ko maiwasan ang magtagis ang aking bagang dahil sa kawalan nito ng galang sa'kin.

Kaya isang malakas na sampal ang binigay ko rito dahilan para lumagatik 'yon sa kaniyang pisnge. Namumula naman ang pisnge at matang tinignan niya ako. Mga mata nitong namumuo ang luha.

“Wala kang galang ah! Tandaan mo ate mo ako hindi lang ako basta kung sino!” sigaw ko pabalik. Nagiinit ang ulo ko dahil sa galit. Umiling-iling ang ulo nito't saka pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status