Share

Chapter Ten

SA mga araw na nagdaan masasabi ni Raphael na normal pa rin ang buhay niya, hindi nga rin sila ni Nicolo halos nagtatagpo. Sa umaga bago siya umalis para pumasok sa shop ay wala na ito, sa gabi naman kapag dumarating siya ay hindi pa ito nakakauwi.

Kung siya ang tatanungin mas pabor sa kanya ang ganun. Nagkakaharap lang sila nito kapag pinag-uusapan nila ang tungkol sa custody ni Riley kasama ang abogado nito. Naghihintay na lang sila ng araw na kailan sila maghaharap ni Mario.

"Ano ang pakiramdam na maikasal sa isang De Lobo?" tanong ni Ellias.

"I'm not against with same sex marriage, but friend bakit kay Nicolo De Lobo pa? I mean marami naman sigurong babae dyan na papayag na pakasalan ka para lang sa custody ni Riley." segunda ni Amari.

Abala siya sa pag-aarange ng bulaklak nang gambalain siya ng mga ito na may dalang mga alak at pulutan. Kaya heto tanghaling tapat nag-iinom sila. Amari and

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status