"H-Hindi ka ba masaya na makita kami?" Humina ang boses niya, humiwalay siya sa yakap at hinaplos ang mukha ko. "Masaya ako..." Sambit ko at bumaling sa lalaking nasa likod niya. Napansin naman niya na napatingin ako sa likoran niya kaya napalingon din siya doon at hinawakan ang kamay ng lalaki at hinila palapit sa akin. "April, anak... Siya nga pala ang kuya mo... Si kuya Tyler," ngumiti siya. Napatingin naman ako sa kamay ni Tyler na nakalahad na ngayon sa harap ko. Hindi man lang siya makangiti sa akin, gano'n din ako sa kanya, hindi ko magawang ngumiti. "Nice to meet you my baby sister," unti unting umangat ang labi niya. Napangiwi ako doon sa sinabi niyang baby sister, pero tinanggap ko pa rin ang kamay niyang nakalahad. "April..." "Anak, doon kayo mag-usap sa sala," hinawakan ni Mama ang kamay ko at iginiya sa sala, sumunod naman ang biological mother ko at ang kuya ko sa amin sa sala. Lumingon ako sa likod para sinyasan si Sammuel na sumunod sa amin, ngumiti lang siya sa
"Ganito pala kayo kaaga pumapasok sa eskwela? Sa Argentina kasi hindi," "'Wag mong itulad ang eskwelahan mo sa Argentina sa eskwelahan ko dito sa pilipinas." Umirap ako at umayos ng pagkaupo. Kanina pa niya binibida ang eskwelahan niya sa Argentina. Ang ingay ingay niya habang nag b-byahe kami papunta sa eskwelahan. Hinatid niya ako ng maaga at ito siya kanina pa nagrereklamo dahil ang aga daw niyang ginising para lang ihatid ako. Mabuti na lang nagtext sa akin si Sammuel na maghihintay na lang daw siya sa akin sa gate para sabay na kaming pumasok. "Naghihintay na ang boyfriend ko sa gate ng eskwelahan namin kaya dalian mo sa pagmamaneho." Nilagay ko ulit sa bulso ko ang cellphone. "Kaya mo ba gustong maagang pumasok kasi maaga ring pumasok ang boyfriend mo?" Nilingon ko si Tyler, nakataas ang kilay niya at diretso ang tingin sa kalsada. "Ang dami mo namang tanong, mag maneho ka na lang." Sana nag commute na lang ako eh ang daming tanong ni Tyler pwede namang tumahimik na lang
Nagsimula na akong magtrabaho nang matanggap sa trabaho ko. Sa isang convenience store ako pumasok na 24/7 na bukas. Alas otso naman sa gabi hanggang sa ala una ng maaga ang trabaho ko. Hinilot ko ang batok ko pagkalabas ko sa convenience store, may papalit na naman sa akin para magbantay hanggang umaga.Napalingon ako sa lalaking naglakad palapit sa akin. Pagod akong ngumiti kay Sammuel. Ilang buwan na rin akong nagtatrabho dito sa convenience store kahit subrang nakakapagod dahil papasok pa ako sa paaralan sa umaga tapos dito naman sa convenience store ako pumapasok sa gabi."Let's go home, love," bulong ni Sammuel sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Pareho tayong pagod, Sammuel sana nagpahinga ka na lang sa apartment. Kaya ko namang magcommute pabalik sa apartment, eh." May trabaho din kasi si Sammuel. Ilang buwan na rin siyang nagtatrabaho sa isang construct
"Oi, April!" Hindi ko alam na ang aga pala ng lalaking 'to dito sa bahay nila Tyler. "Naks, walang kupas ang iyong ganda." Inakbayan niya ako. Inis ko namang tinangal ang braso niya sa balikat ko. Feeling close lang ang lalaking 'to. "Kilala mo pala kapatid ko?" Sumulpot si Tyler. "Yes, noong 1st year ko pa siya napapansin pero hindi ko malapitan," umiling ito. "Paano mo malalapitan eh loyal 'yan sa boyfriend niya." Umiling din si Tyler. Inirapan ko na lang silang dalawa at pumasok na sa loob. Naiirita lang ako kapag mananatili pa ako doon. "Nasaan pala ang boyfriend mo?" Napairap ako. Hanggang dito ba naman susundan pa rin niya ako. Kahit sinabi niyang kaibigan lang ang habol niyasa akin, hindi ako naniniwala doon. Kabaliktaran ang pinapakita niyang kilos sa mga salita niya. "May dadalohan siyang party mamaya," sagot ko, hindi siya nilingon. "Ah! Doon ba sa
Hindi ako makatulog, hanggang sa nag-umaga na ay iyak pa rin ako nang iyak. May klase kami ngayon pero hindi kami pumasok. Hindi ko alam kung nasaan si Sammuel ngayon, hindi siya umuwi sa apartment namin. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.Namamaga na ang mata ko sa kakaiyak. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ni Sammuel kanina. Parang isang kutsilyong bumaon sa puso ko, subrang sakit...Hindi siya naniniwala sa akin... Hindi siya naniniwala sa akin na hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba. Hindi ko nga rin alam kung saan ba galing ang litrato na 'yon. Oo, mukha ko ang nandoon tsaka pareho kami ng damit na sinuot pero alam kung hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba.Hinarass nila ako kagabi... Hinarass ako ng kuya ko. Pinagtulongan nila ako kagabi, kung hindi lang sila pinigilan ni Kristoffer baka ginaha
Dumating ang mga kaibigan ko makaraan nang ilang minuto. Dumiretso kaagad sila sa selda kung saan ako nakakulong.Bumuhos na lang ang luha nilang tatlo nang makita ang kalagayan ko ngayon. I'm hopeless. "Oh, my god, April..." Humagulgol si Vien at pilit na inabot ang kamay ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nagyakapan kaming apat kahit may barandilyang nakaharang sa aming apat. Sumisikip ang dibdib ko na makitang umiiyak ang mga kaibigan ko."A-Anong nangyari? B-Bakit ka kinulong?" Umiiyak na tanong ni Maika. Paulit ulit akong umiling, "h-hindi ko pinatay si Tyler... Hindi ako ang pumatay sa kaniya," mahigpit akong napahawak sa barandilya at napayuko. "Maniwala kayo sa akin... Maniwala kayo... Hindi ko pinatay ang kuya ko. H-Hindi ko 'yon magagawa.""We believed in you..." Bulong ni Clouie, hinaplos ang mukha ko at marahang inangat para matignan ko sil
Ilang beses na akong nagsulat para kay Sammuel pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikitang dumalaw dito. Sa bawat araw na nagdaan siya lang ang hinihintay kong dumalaw. At kahit hindi siya dumadating palagi pa rin akong nagsusulat ng mensahe. "Sir, baka hindi niya po natanggap," Inis na humarap sa akin ang pulis, kanina ko pa kasi siya tinatanong tungkol doon sa sulat ko. Nag-aalala ako na baka hindi natanggap ni Sammuel 'yon kaya hindi siya bumalik dito. Imposibleng hindi siya babalik kahit sinabi ko nang may anak na kami. "Ang kulit mo rin, natanggap nga niya ang sulat mo." "B-Bakit wala pa siya—" "Aba! Malay ko!" Umalis ang pulis doon, siguro nainis na sa kakatanong ko sa kanya. Napasandal na lang ako sa pader at nasapo ang mukha. Ayaw kong mag overthink dahil nakakasama sa akin pero hindi ko maiwasan. Sa subrang pag-o-overthink ko ay ako lang itong nasasaktan. "April... Ilan
Pakiramdam ko ay malapit na ako sa pinakadulo—kung saan malalagpasan ko na ang problema ko. Sammuel is gone—nawala siya, sumuko siya at iniwan na niya ako but baby Sav came... Dahil kay Baby Sav—dahil sa anak ko. May rason na ako para tumayo sa sarili kong mga paa at harapin ang mga problema ng buong tapang at 'wag sumuko dahil may anak ako. At akala ko ay malalayo ang anak ko sa akin dahil sa krimen na hindi ko naman ginawa. Akala ko matagal ko bago makapiling ang anak ko dahil kailangan ko siyang ipaalaga sa mga kaibigan ko dahil akala ko ibabalik ako sa selda pero... Sa isang iglap, nagbago ang lahat nang 'yon. Inamin ni Kristoffer ang ginawa niya, mabye na guilty siya noong nakita akong buntis at naisip na mali ang ginawa niya. Kung hindi dumating sa buhay ang anak ko ay hindi ito mangyari sa akin. My son Sav— niligtas niya ako mula sa sakit at sa pagkakulong ko. He save me. Tama nga ang doctor na siya ang kukuhanan ko ng lakas para bumangon. Pero hindi naibalik ni Baby Sav a