Share

16

"H-Hindi ka ba masaya na makita kami?" Humina ang boses niya, humiwalay siya sa yakap at hinaplos ang mukha ko.

"Masaya ako..." Sambit ko at bumaling sa lalaking nasa likod niya.

Napansin naman niya na napatingin ako sa likoran niya kaya napalingon din siya doon at hinawakan ang kamay ng lalaki at hinila palapit sa akin.

"April, anak... Siya nga pala ang kuya mo... Si kuya Tyler," ngumiti siya.

Napatingin naman ako sa kamay ni Tyler na nakalahad na ngayon sa harap ko. Hindi man lang siya makangiti sa akin, gano'n din ako sa kanya, hindi ko magawang ngumiti.

"Nice to meet you my baby sister," unti unting umangat ang labi niya. Napangiwi ako doon sa sinabi niyang baby sister, pero tinanggap ko pa rin ang kamay niyang nakalahad.

"April..."

"Anak, doon kayo mag-usap sa sala," hinawakan ni Mama ang kamay ko at iginiya sa sala, sumunod naman ang biological mother ko at ang kuya ko sa amin sa sala.

Lumingon ako sa likod para sinyasan si Sammuel na sumunod sa amin, ngumiti lang siya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status