Chapter 4
Weekend passed by like it never came. Kinukusot ko ang aking mga mata habang naghihikab sa gitna ng paglalakad sa hallway.
Pinadaan ko ang aking palad patungo sa akin batok saka pinatunog ko ang aking leeg. Nakapikit ang aking mga mata noong ginagawa ko iyon at nang muli ko itong imulat ay agad na bumungad sa akin si Mosqueda.
Halos hindi niya na makita ang dinadaanan niya dahil may dala na naman siyang box na halos kasing laki niya lamang.
I sighed at nang tama na ang distansiya sa pagitan naming dalawa ay kinuha ko ang dalawang box at iniwan ko sa kaniya ang isa.
"Good morning."
Napangiti ako nang makita ang gulat na ekspresyon ng bilog niyang mga mata. Napakurap siya ng ilang segundo, tila hindi alam ang sasabihin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang maramdaman kong sumusunod siya sa akin ay binagalan ko ang paglalakad ko hanggang sa maging magkapantay na kami.
"Salamat," halos bulong niyang saad.
Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko. Napansin kong nag-iiba ang dating niya kapag nasa labas kami ng school. She's a little bit confident outside compared when we are in school. Sa school kasi ay halos hindi na siya magsalita pero sa labas ay nakakangiti naman siya at nakakasakay sa usapan.
I just feel so lucky that I am one of those person who gets to see that side of her.
"Saan ka nagla-lunch?" tanong ko bigla.
She glanced my way saka in-adjust ang pagkakahawak sa box.
"Bakit?"
Nagkibit-balikat ako, "Hindi kita nakikita sa cafeteria tuwing lunch so I figured na may tinatambayan ka. Secret place ba iyon? Am I not allowed there?"
"Yep," she popped the 'p' sound before going in the Laboratory room kung saan daw namin ilalagay ang boxes na ito.
I pouted.
Ipinatong niya ang box na hawak niya sa isang lamesa roon saka naglakad na palabas. Mabilis kong ginaya ang ginawa niya nang tuluyan na siyang makalabas ng pinto saka hinabol siya.
"What if I ask you to lunch with me?" Bumaling siya sa akin nang nakataas ang kilay.
"I refuse," she turned me down na ikinalaylay ng balikat ko pero muli din naman akong tumayo nang tuwid saka ngumisi nang may maisip na dahilan.
"Kahit na for project iyon?" Nilingon niya ulit ako. "Remember the project on ConArts? Iyong by pair? Wednesday na due noon, hindi pa ba natin gagawin?"
Ngumisi ako dahil alam kong mananalo na ako sa pagkakataong ito. She stared at me for a second then sighed in defeat.
"Okay fine! Basta sa hindi maraming tao," she said then walked ahead of me. Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil doon.
"Noted, Ma'am," wika ko na parang isang masunuring boy scout.
Akmang susundan ko na sana siya ulit nang bigla na namang harangan nila Kat ang daan ko.
"Ty! Pa-help naman dito oh. Hindi ko kasi maintindihan," ani Kat habang may itinuturong problem sa textbook.
"Pasensiya na, Kat. Next time na lang," saad ko saka hinawi siya sa daanan ko para muling puntahan si Mosqueda na ngayon ay nasa loob na ng classroom.
Nadatnan ko si Mosqueda sa upuan niya. Kakalabas niya lang noong pink na notebook. Bumagal ang paglakad ko saka dumaan muna sa aking upuan para ilagay ang bag ko doon saka tuluyan na ngang lumapit sa kaniya.
Binabati ako noong mga estudyanteng madadaanan ko na nginingitian ko lang o di kaya naman ay kinakawayan at nang tuluyan akong makalapit ay hinila ko ang upuang nasa harapan niya saka umupo doon paharap sa kaniya.
She's scribbling when I get to her. I saw the date that she probably wrote earlier before I came. Sa baba ay iyong mg scribbles niya. Kaunti pa lang iyon at hindi pa masyadong magulo kaya alam kong kakasimula niya pa lang.
"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya.
Ibinaba niya ang pen niya kasabay ng pag-angat ng tingin niya sa akin. She sighed then closed the notebook.
"Ano ba talagang gusto mo?"
I smiled at her, "Gusto nga kita maging kaibigan."
"Hindi pa ba sapat ang mga kaibigan mo?" Nakakunot noong tanong niya.
"Masama bang dagdagan iyon?"
She just rolled her eyes saka bumalik sa pagsusulat.
"Is that a diary or something?" tanong ko ulit.
"Stop asking questions and just piss off already," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa isinusulat.
"A... Yaw... Ko," wika ko na para bang nagtuturo sa bata na magsalita.
Her gaze went back to me but this time ay matalim na ang kaniyang tingin pero imbes na matakot ay mas lalo akong napangiti.
She's cute. Parang baby tiger. I know that I should be scared but she's so cute. Matambok ang mga pisngi niya at parang gusto ko na lang itong kurutin. So I did.
"Gusto mo na talagang mamatay, ano?" wika niya, Ngayon ay mas matalim na ang tingin. Medyo hindi iyon maintindihan dahil sa daliri kong nakapisil sa pisngi niya.
"Bitaw!" I shook my head. I have a feeling kapag binitiwan ko siya ay sasakmalin niya na kaagad ako kaya nagmatigas ako. "Isa..."
I shook my head again. Nope. I'm not gonna let go hanggang sa dumating si Ma'am.
"Dalawa--"
"Good morning, class." Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa seat ko nang marinig iyon.
Nang muli ko siyang lingunin ay masama pa rin ang pagkakatingin niya sa akin kaya naman nginitian ko na lang siya ng malaki na sinagot niya naman ng pag-irap.
Tahimik akong natawa dahil doon saka itinuon na ang atensyon ko sa teacher naming nagtuturo sa harapan. Buong klase ay hindi napapawi ang ngiti ko habang pasulyap-sulyap sa kaniya. Paminsan-minsan ay nagkakasalubong ang tingin namin at sa tuwing nangyayari iyon ay iniirapan niya ako.
Nang dumating ang lunch break ay agad akong pinalibutan ng mga kaklase ko pero hindi ko nilubayan ng tingin si Mosqueda dahil may pakiramdam akong tatakasan niya ako. Nagmamadali kong inilagay lahat ng gamit ko sa loob ng aking bag saka sinukbit iyon sa aking balikat.
I stood up and saw her already walking towards the door.
"Ty, sabi mo sabay tayo magl--"
"Mosqueda!" I shouted then ran towards her. Ni hindi ko na pinansin iyong taong kumakausap sa akin.
Para sa isang maliit na babae ay napakabilis niyang maglakad. Nilakihan ko ang mga hakbang ko saka hinawakan ang balikat niya.
"Teka... Lang," hinihingal kong saad.
Huminto naman siya sa paglalakad saka walang emosyong tinignan ako.
"Grabe, ang bilis mong mag-lakad," dagdag ko pa nang mabawi ang paghinga.
She just stared at me blankly saka muling nagpatuloy sa paglalakad. I secretly smiled and walked with her. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero nanatili ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa marating namin ang likuran ng school kung saan una kaming nagkita.
Sabi niya kanina ayaw niya sa mataong lugar and this is the only place that I could ever think that matches her description. Walang nagpupunta dito dahil nga sa mga kababalaghan at sabi-sabi. But for me, this is the nicest place in this school.
Sariwa ang hangin at may gazebo na puwedeng pagtambayan.
Pinauna ko siya sa pagtungtong sa gazebo at sumunod naman ako. Wala na siyang inaksaya pang panahon, she immediately took all of the art materials out of her bag saka ibinalandra iyon sa harapan ko.
"Tapusin na natin 'to," sabi niya saka inipit ang tumatakas na buhok sa kaniyang tenga.
Kumuha siya ng lapis saka iniumang sa 1/4 illustration board, akmang magsusulat nang matigilan siya saka tumingala sa akin na kakaupo lang.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ako marunong mag-drawing," she bluntly said dahilan upang sumabog ang halakhak mula sa labi ko.
Akala ko pa naman expert siya since mukhang sobrang confident siya sa mga bagay na ginagawa niya.
Chuckling, I went to her saka umupo rin sa lapag na gaya niya. I took the pencil from her hands saka iniharap sa akin ang illustration.
"Alright! Ano bang ideas ang nasa isip mo?" Tumingin siya sa akin. Nag-isip siya ng ilang segundo bago i-narrate sa akin ang idea na gusto niyang i-drawing para sa project namin.
I started to make outlines habang patuloy siya sa pag-describe. Paminsan-minsan ay napapangiti ako dahil sobrang detailed ng mga description niya sa image na nai-imagine niya.
She have a creative mind. I noted it on my mind.
Nang matapos sa outline ay lumingon ako sa kaniya. The amazement is visible on her face while she's staring at my drawing.
Pumalakpak siya, "Ang galing mo pa lang mag-drawing e!"
Alam ng lahat ang tungkol sa talento ko sa pagguhit at pagpinta. I have received a lot of compliments. Akala ko sanay na ako. Pero noong sinabi niya iyon ay parang ito pa lang ang unang beses na masabihang magaganda ang mga gawa ko.
Ramdam ko ang init sa aking batok pataas sa tenga kaya nginitian ko na lang siya saka pinagpatuloy ang paggawa.
Pinagpatuloy ko ang pagd-drawing habang siya ay nagmamasid lang sa akin. Ilang beses akong nagkamali dahil doon but thankfully, nagawa ko siyang tapusin.
Iniunat ko ang kamay at daliri ko pagkatapos. I glanced her way and saw her still looking at the drawing. Inabot ko ang color pastel saka iginitna iyon.
"Gusto mong mag-color?"
Umiling siya, "Baka masira ko lang ang gawa mo."
"Nah, I know you won't. Saka isa pa, malapit na matapos ang lunch time. Hindi ba sabi mo tatapusin na natin ito ngayon?" ani ko.
"Bahala ka kapag nasira 'yang drawing mo." I smiled when she took a color from the color pastel case saka sinimulang kulayan ang aking gawa.
I taught her how to use the color pastel correctly at hindi naman siya naging mahirap na turuan. After a while ay naging seryoso na rin ako sa paggawa na hindi ko namalayang patapos na pala kami sa aming ginagawa.
I dropped the color pastel that I'm holding to stare at her. Seryosong seryoso siya sa ginagawa niya, ni hindi niya napansin ang titig ko.
Napangiti ako, she has a long eyelash, sa taas at sa ibaba. Nangingibabaw ang mata niya dahil sa mga iyon. They look so innocent pero kapag tinitigan mo ay mapapansin mo kung gaano kalamig ang mga iyon. Still, I want to dig deeper. I think I’m obsessed.
Napansin ko ang paulit-ulit niyang paglagay sa likod ng kaniyang tenga ng hibla ng kaniyang buhok na tumatakip sa mukha niya. She sighed when her hair fell again after a second of locking it on her ear again, for a hundredth time.
Akmang aayusin niya na ulit ito pero naunahan ko siya. Gamit ang isang daliri ay sinikop ko ang takas na buhok niya papunta sa likuran ng kaniyang tenga.
Nakatukod ang isang palad ko sa sahig at bahagyang naka-squat ako sa harapan niya. My other hand was suspended in the air as I realized what I just did.
Kitang-kita ko kung paano lumaki ang bilugan niyang mga mata nang gawin ko iyon. I froze, hindi alam ang gagawin. My eyes are fixed on her bare face in front of me.
"Guevarra," she mumbled. Her innocent eyes are still on me.
"Hmm?" I hummed.
"Pagbilang ko ng tatlo kailangan may limang metro nang space sa pagitan nating dalawa." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakaporma nang mabilis na siyang nagbilang. "Isa dalawa tatlo."
Hindi ako agad nakagalaw dahil mabilis ang pagkakabilang niya. Ni wala man lang coma o tuldok sa gitna, as in tuloy-tuloy na para bang nagmamadali pagkatapos ay sinipa niya ako sa dibdib.
Napangiwi ako at napahiga sa sahig ng gazebo. Umubo ako habang sapo ang gitna ng aking dibdib.
Damn! I think my rib cage is broken.
NAGMARKA ANG sapatos ni Mosqueda sa puting polo na suot ko kaya naman ay kapansin-pansin ang nagtatakang tingin na ibinibigay sa akin ng barkada ngayon.
"Ano 'yan?" ani Michael habang sinisipat ang suot ko. "May bagong logo na school natin?" Binatukan siya ni Andrei habang umiiling-iling.
"Anong nangyari sa 'yo?"
"Si Bernard?" tanong ko. Hindi na nag-abalang pang sagutin ang tanong ni Andrei.
Nakita kong yumapos siya kay Michael habang hawak ang puso niya na para bang nasaktan siya dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya.
"OA," umiiling kong saad saka uminom sa isang tumbler na nahalungkat ko sa bag niya.
“Saan ka ba galing? Hindi ka namin kasabay mag-lunch.”
Nakakunot ang noo ko nang tignan ko sila.
“Obsessed ba kayong lahat sa akin?” ani ko.
They groaned saka sabay akong binato ng face towel sa mukha. Nang tanggalin ko iyon ay nakita kong nakataas ang middle finger nila sa akin. Inilingan ko na lang sila saka umupo sa bench.
“Ty!” Nabaling ang mga ulo namin sa kadarating lang na si Bernard. Kasama niya si Jenny na diretso ang tingin sa akin.
“Hindi ka sumama sa amin mag-lunch,” wika ni Jenny nang makalapit sa amin.
“Ah.” Kinamot ko ang batok ko saka nginitian siya. “May ginawa lang.”
“Really?” Nagkibit-balikat ako at hindi na siya sinagot.
“Yeah,” natatawang wika ko. “I mean, why are you all making this a big deal? Isang beses lang naman akong hindi nakasabay sa inyo.”
“Hindi naman sa ganoon,” singit ni Bernard. He sighed then licked his lips. “We heard there is something between you and Kit.”
Natigilan ako dahil sa gulat. Rinig ko ang pagsinghap nina Michael at Andrei.
“Ano ‘yan issue? May girl friend ka na, Guevarra? And who’s Kit?” sunod-sunod nilang tanong.
Nakakunot naman ang noo ko habang nakatitig sa kanilang dalawa na nasa harapan ko. I remained calm and collected sa kabila ng nalaman.
“Sino nagsabi?”
“Hindi naman totoo iyon ‘di ba?” wika ni Jenny. “Hindi mo naman kasi siya kilala noon, tapos...”
I sighed. Sometimes, I really hate this spotlight that I am getting.
“Hindi. We just had lunch together dahil may kailangan kaming gawing project,” sagot ko.
Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag dahil doon na ipinagtaka ko.
“Bakit parang nabunutan kayo ng tinik sa dibdib?” sinubukan kong tumawa kahit wala namang nakakatawa. Bernard sat beside me then he tapped my shoulder.
“Wala naman. We’re just relieved na hindi totoo ang mga iyon. Kit’s life is just so...” he paused, tila ba naghahanap ng tamang salita na sasabihin. “Complicated.”
“Parang kilalang-kilala mo ah,” sambit ko.
Bernard smiled, “Trust me. You’re too out of her league. There are some things about Kit na hindi mo gugustuhing malaman.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka tinapik muli ang braso ko bago tumakbo patungo sa ibaba para sumali sa paglalaro nila ng basketball. Tinignan ko si Jenny na nanatili sa harapan ko pero iniwas niya lamang ang tingin niya sa akin.
So complicated. That’s how he described Mosqueda’s life. He even warned me pero imbes na tumigil ay mas lalo pang umigting ang kagustuhan kong kilalanin siya.
What are you really, Mosqueda? What’s with you na hindi ko mapigilan ang sarili kong manghimasok sa buhay mo?
There was a time in my life when I wanted to stop the noises. I wanted the people around me to disappear... I wanted to end the worldBut then...Tumilapon ang mga papel na hawak ko sa sahig kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na sahig ng corridor."Sorry, Miss!" sigaw ng lalaking nakabangga sa akin pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo.Nanlaki ang mga mata ko saka dali-daling sinikop ang mga papel na nahulog para dalhin iyon sa faculty. Ilang minuto na lang bago ang susunod na klase, hindi ako puwedeng ma-late!Pero kahit anong pagmamadali ko ay hindi ko pa rin nagawang habulin ang oras. Ang ending ay napatayo ako sa labas habang buhat ang silya at may nakatanim na sama ng loob.Tyson Guevarra. Hindi ko na kailangang magtanong-tanong para lang alamin ang pangalan niya dahil halos lahat ng estudyante dito ay kaibigan o kakilala niya. Gustong-gusto siyang makasama ng lahat sa hindi malamang dahilan.Siguro dahil sa ngiti niya? Sa personalidad niya madaling pakisamahan? Pero 'yon din an
TYSON'S POVNakasimangot ako habang tinutulak ako ni Bernard papasok sa CR ng kuwarto ko. He just barged into my house this morning at kanina pa rin siya sumisigaw na mag-bihis na daw ako dahil may date ako ngayon.Kakagising ko lang, namumula pa nga yata ang mga mata ko at wala pa rin ako sa wisyo. Nang mahimasmasan ng kaunti ay lumabas ako ng CR saka kinaltukan siya nang malakas sa ulo.He groaned habang sapo ang ulo niya."Anong problema mo?" he hissed at me habang nanlilisik ang mga mata."Sa ating dalawa, ikaw lang ang may problema sa utak." Nakasimangot na humiga ulit ako sa kama ko saka nagtalukbong ng kumot.Alam na alam nilang ayaw kong makipag-date at alam din nila kung sino ang dahilan no'n. Kaya hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa utak nitong gunggong na 'to at nag-set up ng date para sa akin."Ty! Bumangon ka na diyan! Nakakahiya sa anak ng pinsan ng kapatid sa Ina ng boss ko." Hinihila niya ang kumot na nakatalukbong sa akin habang sinasabi iyon.I hissed saka in
Tyson's POV9 years later Malalim akong nagbuntong-hininga saka niyakap ang sarili nang daanan ako ng malamig na hangin. The sky is clear blue na mayroon iilang ulap na para bang mga bulak sa kalangitan. Bumaba ang aking tingin sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng eskuwelahan. Isang lihim na ngiti ang pumorma sa aking labi. I could still remember it all so clearly... "Ty." Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yon. I turn my head and saw Jenny approaching me. Alam na alam ko kung anong emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya ngayon. There's a hint of sadness and pity in her eyes at hindi ko kayang tignan 'yon ng matagal so I avoided her gaze. Ibinalik ko ang aking tingin sa kalangitan. "Miss mo siya 'no?" panunudyo niya. Isang marahang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na sinundan ng mahabang katahimikan. "It's been nine years na pala, 'no?" "Magte-ten na next week," pagtatama ko. I could feel the weight of her stares pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin
Kit's POV"K-Kirsten!" Napakurap ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Tinanggal ko ang aking tingin sa baril saka inilibot ang paningin sa paligid."Guevarra?" My voice echoed in that tiny room. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pag-ubo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko at agad naman akong kumilos para daluhan siya. "Guevarra!""Ayos ka lang? Tinamaan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong."M-My hands," he groaned at agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin.Nanginginig ang mga kamay ko nang pulutin ko ang patalim na nasa tabi niya lamang saka ginamit iyon para tanggalin ang bagay na nakagapos sa kaniyang mga kamay. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko habang sinisipat ang katawan niya para masigurong ayos lang siya."Sorry. I'm sorry," hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko dahil sa guilt at sa pilit na pagpipigil ng pag-alpas ng hikbi sa aking mga labi.Hindi na siya dapat nadamay pa dito.He sat up and immediately buri
Kit's POVI've always wonder why the world is cruel to me but kind to another. Sabi nila, pantay-pantay lang naman daw tayo ng pagsubok na ibinigay ng Dios but why does it felt like He rested the whole world on my shoulder?Sinubukan ko namang lumaban. When my sister died, I chose to believe that everything happened for a reason. I held on to her gentle smile no'ng huling beses ko siyang nakitang humihinga. Naniwala ako no'ng sabihin niyang magiging ayos lang ang lahat No'ng unti-unting nasira ang pamilya namin pagkatapos no'n, pinili kong magbulaglagan. Ginusto kong takpan ang tainga ko para hindi marinig ang negatibong ingay ng mundo. I chose to look at the bright side where there are rainbows and butterflies. I chose to stay in that lively fantasy instead of opening my eyes to the cruel reality.I held on to my beliefs. Everything will be alright, they say. And so it will.When my father left us. When my mother was too broken to even take care of me and herself. When I felt so alo
Ty's POVRamdam ko ang matinding sakit sa ulo ko maging ang pamamanhid ng buong katawan ko. For some reason, I couldn't move my hands. Nakadapa ako sa malamig na semento. Halos wala akong makita dahil sa dilim ng paligid ngunit hindi nakatakas sa akin ang masangsang na amoy mula sa silid kung saan ako naroroon.I coughed a couple of times. I shifted my head and roll my body upang umayos ng higa. I found myself in a dark and unfamiliar room.Kung saan at kung paano ako nakarating dito ay hindi ko alam. My mind's still cloudy and I have no reconciliation of what happened earlier.I groan while trying my best to sit, nang magawa ko ay sumandal ako sa malamig na pader na nasa likuran ko. Dinig na dinig ko ang mabilis at marahas kong paghinga sa loob ng silid na iyon.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at noon nanumbalik ang mga alaala sa akin.