ROUGJAN AISLINN ALLEJO
"I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko.
"Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n.
"Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?"
"Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya.
"Your name?"
"Aislinn," sagot ko nang lingunin siya.
"You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended."
"Okay," tugon ko bago lumabas.
Pagbaba ko ay wala akong naabutang tao kaya dire-diretso ako sa paglabas. "Supreme Student Council," basa ko sa nakalagay sa harapan ng pinto.
Sa pagkakatanda ko ay sa kaliwang direksyon mula sa SSC office ang campus building kaya nagdire-diretso lang ako. Mula sa 'di kalayuan ay tanaw ko si Aillard na humahangos at palinga-linga sa paligid.
"Aillard," tawag ko sa pangalan niya saka bahagyang tumakbo palapit sa kaniya. Nakalimutan kong magkasama nga pala kami.
"D*mn. Pinakaba mo 'ko, saan ka ba pumunta? Ayos ka—" Natigilan siya nang makita ang leeg ko. "What the heck. Sinong may gawa sayo?" alala niyang tanong habang sinusuri ng mata niya ang sugat na natamo mo mula kay Vanadey at Adara. Mabuti at naitago ko ang kamay ko sa likuran.
"I'm fine, maliit na sugat lang yan." Kinuha niya ang panyo saka inilagay sa leeg ko.
"Kahit na. Sino bang magawa niyan?"
"Si Adara." Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pangalang iyon. "I can handle myself, Ard. Salamat."
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mo yung sarili mo. Subukan mong lumayo sa gulo, hindi natin alam ang takbo ng buhay rito sa loob," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakikita ko ang siya kagaya nang siya five years ago.
"Sorry." Bumuntong hininga siya saka ngumiti.
"Tara na, may klase pa tayo."
Pagdating namin sa room ay kaagad kaming nagmadali ni Aillard sa pagpasok dahil tanaw namin ang isang nakasuot ng plain white barong na uniform ng mga lalaking professor.
"Good morning, class. Get your books."
Nagsimula ang klase namin kay Mr. Vega habang ang braso ko ay patuloy pa rin sa pagbigat na hindi maintindihan. Napamaang na lang ako nang makitang bahagyang nangingitim na ang paligid ng pinagbaunan ng kuko ni Vanadey.
"Rouge, okay ka lang? Ang putla mo," bulong ni Aillard sa tabi ko.
"Ayos lang ako," sagot ko rito habang iniinda ang pagkirot ng braso ko. Hindi naman ganito kalala ang nangyari noong ginawa sa akin ito ni Adara.
Pinalipas ko ang buong klase ng iniinda ang pagkirot sa braso ko dahil panigurado akong magtataka si Aillard kung bakit lalabas na naman ako.
"Rouge." Pagbaba namin papuntang cafeteria ay kaagad na lumapit si Alec sa akin at humawak sa braso ko.
"Ah, pupunta muna ako ng banyo."
"Kagagaling ko lang do'n, hintayin na lang kita sa labas."
"Mauna na kayo sa cafeteria, kaya ko na." Ngumiti lang siya saka tumango habang si Aillard ay tiningnan lang ako.
Pagkarating ko sa C.R ay kaagad kong binasa ang braso ko saka hinugasan iyon ng mild soap.
"Mahapdi," bulong ko saka kumuha ng bandaid sa first aid kit na nasa loob ng banyo.
"Iihi pala ako." Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. "Anong nangyari riyan?" tanong ni Alec.
"Ah, nagasgas lang diyan sa cubicle," sagot ko.
"Lagyan mo kaagad ng alcohol," aniya bago pumasok sa cubicle.
I smiled while looking at my reflection in the mirror. Ganito ba talaga ang totoong kaibigan? Bahagya akong umiling nang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa nakaraan ko.
"Ba't ka ngumingiti riyan?" Bahagyang natawa si Alec nang lumabas siya sa cubicle.
"Wala, may naalala lang."
"Ows. Si Aillard? Ayie, ikaw ah." Bahagya niya pang tinusok ang tagiliran ko kaya binigyan ko siya ng isang tinging nagpatigil sa kaniya. "Joke lang, ito naman hindi mabiro."
"Tara na," saad ko sa kaniya saka naunang lumabas.
Pagpasok namin sa cafeteria ay naabutan namin ang mga students na nagkukumpulan.
"Anong nangyayari?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Alec sa halip ay hinanap ko sina Aillard.
"Nandun si Louise," saad ko saka pumunta sa table kung saan din kami kumain kahapon.
"Sina Dieosh?"
"Nasa counter, pero tingnan mo iyan," ani Louise na tinutukoy ang kumpulan. "Bigla na lang nagkaganyan kaya hindi siguro sila makadaan."
Ilang saglit pa ay pabagsak na sumara ang bakal na gate ng cafeteria. Mula sa 'di kalayuan ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki, malaki ang katawan, at seryoso ang mukha.
"Tabi," sambit nito hanggang sa magsigilid ang mga students na nakapalibot.
Kaagad na hinila ko palapit si Louise para takpan ang mata niya. Mula sa sahig ng cafeteria ay isang babae ang nakahandusay habang naliligo sa sarili nitong dugo, mulat pa ang mga mata niya habang laslas ang leeg.
"H'wag mo na lang tingnan," sambit ko.
"No one is allowed to step outside of this place," saad ng lalaki habang inililibot ang paningin sa amin.
Ilang sandali lang ay dumating na ang mga Black Knights para takpan ang bangkay na nakahandusay pa rin sa sahig ngunit kinuhanan muna ng mga litrato ang buong paligid bago naglagay ng dilaw ng kordon sa palibot ng bangkay.
"Ang tagal niyo," sabi ni Louise kina Ard nang umupo kami.
"Excuse, may I have your statements about the incident?" saad ng lalaking sumulpot sa likuran ni Louise.
"Kakapasok lang namin dito kaya wala kaming alam," sagot ni Louise. Tiningnan lang ako ng lalaki bago umalis sa pwesto namin.
"Tara, kain na," nakangiting sambit ni Aillard habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
Matapos naming kumain ay natapos na rin ang pag-iimbestiga ng mga Black Knights pero umalis sila ng walang kasamang salarin, ni hindi ko masabi kung nag-imbestiga nga ba talaga sila.
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga
ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n
ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma
ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems
AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should