ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma
ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga
ROUGJAN AISLINN ALLEJOBusy ako sa paghahanap ng enrollment form sa loob ng bag ko nang magvibrate ang cellphone ko."Hello, may problema?" kaagad na sagot ko sa tawag ni Kuya Allerick."Sa tuwing tatawag ba ako ay problema sinasabi ko?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya"I'm in a hurry, Kuya baka nando'n na sina Louise.""Umuwi ka kaagad.""Yeah, I know. I gotta go. Nakita ko na si Alec," saad ko nang matanaw si Alec sa 'di kalayuan. "See you," huling sabi ko bago ibaba ang tawag."Rouge!" Patakbong lumapit sa akin si Alec nang makita ako kaya naman may ilang students ang napalingon sa direksyon namin."Wala pa sila?" Umiling lang siya saka kumapit sa braso ko."May free taste ro'n, ginawa ng mga senior high school students." Napapikit na lang ako nang hilahin ako ni Alec papunta sa isang stall na marahil ay itinayo rin ng mga senior high students."Hi! Good afternoon po, you can have this," saad ng babae saka iniabot sa akin ang maliit na cup, ice cream ang laman no'n."Thank
ROUGJAN AISLINN ALLEJOKinaumagahan, matapos ang gabing ikinagulat naming lahat ay maaga kaming nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng lalaki kagabi sa bintana. Binuksan panandalian ni Aillard ang pinto saka tumambad sa amin ang mga bangkay na naliligo sa kanilang mga dugo, ang iba sa kanila'y nakadilat pa ang mata. Mabuti na lang at hindi nakita ni Alec dahil sigurado akong masusuka siya."Ganito rin uniform natin noon," saad ni Alec habang isinusuot ang uniform namin. Simpleng white blouse at skirt na kulay maroon, may logo lang ng ahas sa necktie. "Kumusta yung tulog mo?""Nakatulog naman, dahil sa pagod." Bahagya akong natawa, hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin ang paa ko.Pagkabihis ni Louise ay lumabas kami para kumain ng almusal. Sina Aillard at Dieosh ang naghanda ng pagkain namin almusal namin, bacon at f
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“You’ll die.” Natigilan ang mga Black Knight saka lumingon sa likuran nila. “Alis,” ma-awtoridad na sabi ng lalaki sa mga Black Knights bago ang mga ito nagsi-takbo."Duke," banggit ko sa lalaking nasa likuran paglingon ko. "Thank you.""Are you okay?” Hahawakan niya sana ang braso ko pero kaagad akong umiwas. "You should take some rest," saad niya bago naglakad upang lagpasan ako.Napabuntong hininga ako bago tuluyang napa-upo sa damuhan. Kanina pa nanghihina ang mga paa ko, at idagdag pa yung dalawang lalaki kanina."Rouge!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si Aillard na patakbong lumapit sa akin."What happened? Ayos ka lang?" Tumango ako saka pinilit ang sarili kong makatayo. "Oh," aniya saka kaagad na inalalayan ang kamay ko dahil muntikan akong ma-out of balance.&nb
ROUGJAN AISLINN ALLEJO"Good morning students, I am Mr. Selca, Social Science professor." Isang lalaki ang pumasok sa loob ng room, mid 30's at may itsura. Panibagong araw sa bagong lugar para sa amin. "Ms. Ocampo announced this morning that the Welcome party will be held tomorrow. Your outfits will be delivered to you tomorrow so be ready." Inilapag niya ang isang libro sa teacher's table saka binuksan ang hologram sa gitna saka nagsimulang magdiscuss.Matapos ang klase namin ni Aillard kay Mr. Selca ay susunod na ang klase namin kay Mr. Vega sa History and Literature pero laging may five minutes na pagitan ang bawat subject namin kaya naman nagsabi ako kay Aillard na magpupunta muna ako ng CR kaya sinabi niya na iihi rin siya kaya sumabay na siya sa akin.Pagpasok ko sa CR ay ako lang yata ang tao dahil tahimik. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle pero natigilan ako nang makita ko si
ROUGJAN AISLINN ALLEJO "I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko. "Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n. "Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?" "Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Your name?" "Aislinn," sagot ko nang lingunin siya. "You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended." "Okay," tugon ko bago lumabas. Pagbaba ko ay wala akong naabu