Share

CHAPTER XII

ROUGJAN AISLINN ALLEJO

Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil sa alarm sa phone ko, mabuti na lang at hindi pa rin low battery. Nauna na akong maligo at magbihis dahil nakalimutan kong banggitin sa kanila kagabi na kailangang maaga akong pumasok.

"Dieosh, aalis na 'ko," paalam ko kay Dieosh na saktong kalalabas lang ng kwarto.

"Maaga pa ah?" tanong ni Dieosh.

"Pinapapunta ako ng office. Sa cafeteria na lang ako kukuha ng pagkain. Pakisabi na lang sa kanila."

"Okay, ingat ka." Bahagya lang akong tumango saka lumabas.

Tahimik at walang tao sa labas maliban na lang sa ilang Black Knights na nag-iikot, nang mapunta ang atensiyon nila sa akin ay kaagad silang lumapit sa akin kaya naman natigilan ako.

"It's too early. Saan ka pupunta?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng uniform ng Black Knight, nasa likuran niya ang dalawa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status