Sori kung isa lang 'to. May personal problem lang po na inaayos ngayon. Thank you sa pagbabasa. —Twinkle ×
GULAT si Serena nang marinig kay Kevin na may ama pa rito. Sa naaalala niya, sinabi nito na pareho nang wala ang mga magulang nito kaya naninibago siya sa narinig. Alam niya naman na hindi basta na lang lumitaw si Kevin pero iyong binigla siya nito, hindi siya makahuma. Kevin looked at her and tried to explain. “Well, I found out that Papa is alive. He's just been in a comatose state for the past years but his brain activity is still active. Tatlong taon na mula noong magising si Papa.”“He's alive?” gulat pa rin siya sa narinig. But on the other hand, she's happy that Kevin still has a parent. “Yes. So would you like to meet him?” Nang marinig iyon, kumabog ang dibíb ni Serena. Gusto niyang humindi dahil natatakot siya pero kung si Kevin nga nagawang pakiharapan ang kapamilya niya, bakit hindi niya magawa iyon? “H-Hindi ba siya mabibigla kung pakikilala mo ako?” tanong niya na lang. “Then we'll explain things to him when I introduce you to him. Don't worry, Papa is not like my ot
“YOU'RE threatening me? Sinong nagbigay sa'yo ng tapang para gawin iyan? If I can kill Xavier's wife, I can do the same to you!” banta ni Helia Tatiana habang nilalabanan ng tingin ang pagtitig niya rito. Mas lalong bumaon ang daliri ni Serena sa anit ni Helia nang marinig iyon. So from her mouth, she confessed that she really 'killed' her. Hindi nito alam hindi ito nagtagumpay. “Let go of me!” ani Helia, halatang pinipigil ang takot at tinatapangan ang boses. Ngumisi si Serena at nilapit ang mukha niya sa babae. Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha niya rito at may napansin siyang hindi tama sa mukha nito. Bakit hindi natural ang itsura nito? But she put that thought at the back of her mind. Instead, she whispered something that made Helia Tatiana's eyes widened in shock. “Kung pinapatáy mo ako, bakit narito pa rin ako sa harap mo? Hinding-hindi mo na rin ako mahahawakan ngayon, sinisigurado ko 'yan. Ikaw ang makakatikim ng ganti ko. Ang tanong, handa ka ba sa gagawin ko sa
AYAW palapitin ni Kevin ang doktor kahit anong abot nito kay Serena. Si Serena naman ay napangiwi. She remembered this young but eccentric doctor. He was her first assignment after she finished her training. May isang subject na kailangan niyang iligtas sa small village sa Africa dahil na-trap daw ito doon. Ang inaasahan niyang kaawa-awang tao ay hindi niya nakita. Instead, this man was hailed as the doctor of the small tribe. Mababait naman ang mga miyembro ng tribo at kaiba sa mga nababalitaan ni Serena na canníbal tribes na marami raw sa Africa. Ngunit noong sinabi niyang iuuwi na niya ang doktor sa Pilipinas dahil hinahanap na ito ng pamilya nito, doon nagbago ang ugali ng mga tao dahil ayaw nilang ibigay ang doktor.To pacify them, Serena talked to them and the doctor also taught some members of the tribe about traditional medicines that can be found on their village. Tumagal sila ng ilang buwan doon at laging kamuntikang mamatay ang doktor na ito dahil pilit din itong kinuku
BINIGYAN pa ng isang sampal ni Serena sa mukha si Hanni bago ito patulak na iniwan na kinasadsad nito sa sementadong lapag. Tumalikod si Serena at si Kevin, sumunod sa asawa. Ni hindi man lang ng lalaki tinapunan ng tingin ang gawi ni Helia. Sumakay silang dalawa sa sasakyan at si Kevin ang nagmaneho. Tahimik si Serena na nasa passenger's seat at panaka-naka naman ang tingin ni Kevin, inaarok siguro kung ang mood ni Serena.“Hindi ka ba galit na ganoon ang ginawa ko sa babaeng iyon?”Mayamaya, iyon ang lumabas sa bibig ni Serena. Sandaling sinulyapan ni Kevin si Serena bago ibinalik ang mga mata sa daan ngunit nagsalita ito. “Why would I? I was even contemplating a while ago to hit her or what when she threatened me. I don't really like hitting people—be it a guy or a woman—but that woman is really testing me. Naubos na ang pisi na meron ako para sa kanya.”“Akala ko, hinuhusgahan mo na ako sa isip mo. Baka tingin mo sa akin, masama ang ugali kasi kaya kong makapanakit nang ganoon.”
SERENA is watching Kevin while he is tending the horse. May horse stable ang ancestral home nila na sa likod ng bakuran at si Kevin ang inutusan ng lolo ni Serena para alagaan ang mga alaga nitong hayop tulad ng kabayo, malalaking aso, at tiger. Humindi si Serena dahil alam niyang may mood ang mga hayop ng lolo niya ngunit sinabi ni Kevin na kaya nito ang sarili nito. He was just surprised to find that her grandfather owned a tiger. Dahil doon, nakwento ni Serena na inuwi ni Chlyrus iyon ngunit hindi niya pinaliwanag na dahil sa misyon kaya inuwi ni Chlyrus si Dahu sa Pilipinas. Dahu is an orphan of a domesticated trafficked tiger. Niligtas ito ni Chlyrus sa isang operation kasama na ang ilang endangered species na ilegal na binebenta sa underground market. Sa animal sanctuary binigay si Dahu ngunit noong nalayo ito kay Chlyrus, ayaw na nitong kumain kahit anong gawin ng mga caretakers nito kaya tinawagan uli si Chlyrus para sa tigre. Kaya inuwi ni Chlyrus si Dahu sa kanila at unan
UNTI-UNTING nagugustuhan ni Kevin ang pagtira sa ancestral house ng pamilya ni Serena. Though they're treating him like a helper, he has no problem with that. Tagalinis ng kwadra ng kabayo, tagapakain at tagapaligo ng kabayo maging pag-aasikaso kay Dahu. Ramdam naman niya na hindi mababa ang turing sa kanya ng pamilya ng asawa kaya hindi malaking issue sa kanya iyon. He knew they were just putting him into a test; maybe to see if he's going to give up halfway or what. But why would he give up if he knew that Serena and their son is the prize he's going to get after those stints? Matagal niyang pinangarap na makasama uli ang asawa kahit akala niya ay imposible na iyon kaya bakit siya susuko ngayon? Serena even forgave him for what he did in the past so this little test won't budge him. Kahit siguro alilain talaga siya ng pamilya ni Serena habambuhay ay ayos lang sa kanya basta ba kasama ang mag-ina niya. Kevin is resting right now under the shade of a big tree in the side of the anc
HINDI kaagad nagpakita si Kevin sa pinsan nitong si Nathan at hinayaan lang nito na tawag nang tawag ang lalaki; laging unattended ang cellphone nito at mas pinilit ni Kevin na gawin ang mga utos ng pamilya ni Serena nito. Kevin is slowly turning into a farm boy but Serena could see that he's happy for what he's doing so she doesn't stop him. Ayon kay Kevin, mas nakapagpapahinga pa ito roon kahit na palaging kumikilos ang katawan kaysa sa trabaho na ginagawa nito sa kompanya. Sinabi nga nito na ayaw na nitong bumalik bilang boss ng kompanya nito kaya muntik itong katukan ni Serena sa noo. But Serena also realized that for the past three years, Kevin really had changed. From the ‘young, rich, and arrogant but didn't know how to survive outside billionaire’ back then, ngayon ay marunong na ito sa buhay, marunong nang makisama sa mga taong nakakasalamuha nito sa paligid, at panghuli, marunong na rin itong i-express ang sarili. He could voice out his feelings—be it negative or positive
NILIBOT ni Maeve ng tingin ang buong lugar at napasinghap ito noong dumapo ang mga mata nito kay Serena. Nakita ni Serena ang pamumutla ng mukha ni Maeve. “S-Serena?” halos bulong na anito; natulos sa kinatatayuan. Tumayo si Kevin at agad na tinakpan ang pwesto niya. Madilim ang mukha nito na nakatingin kay Maeve. “What are you doing here? Sinabi ko nang hindi na ako babalik. I don't care about him. Iyong araw na pilitin niya akong pakasalan ang babaeng iyon, pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa kanya.”Nasasaktan ang ekspresyon na hinarap ni Maeve si Kevin. “Kahit ba ako, Xavier, hindi mo na tinututuring na pamilya? I was the one who took care of you. I treat you as my younger brother, Xavier.”Naikuyom ni Kevin ang mga kamao. “If you really treat me like what you said, you won't hurt my wife like that. You removed those people I paid to protect her and it messed up everything!”Tumayo si Nathan sa pagkakaupo para hawakan si Kevin dahil mukhang nawawala na ang kalmado nito. Hinawa
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga