Isang update pero bukas, back to 2 updates a day na po. Sori kung ngayon lang. Kauuwi lang galing ospital kasi may emergency (pero for now ok na kapatid ko, under observation lang for 24 hrs and hopefully, walang maramdamang sakit ng ulo kasi nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo huhu pls pray for my sis po, salamat). Malayo pa tayo sa ending kasi marami pang happenings kung yun ang tatanungin nyo. Thank u for reading. Balik ako bukas. Thanks! —Twinkle ×
DUMAAN ang sakit sa mukha ni Yves at parang gustong bawiin ni Hanni ang mga nasabi. Pero sa huli, hindi niya iyon ginawa dahil gusto niyang maging honest dito. Ngayong nakabuo na siya ng desisyon na mananatili siya, ayaw niyang lokohin si Yves; na isisi lang sa ama nito ang ginawa niyang paglayo dahil malaking factor pa rin naman ng pag-alis niya ang estado nila sa buhay. Isa pa, walang alam si Yves sa totoong siya. Paano kung nabubulag lang ito sa dahilan na akala nito kilala na siya nito talaga? Pero ngayong nakapag-desisyon na siyang mananatili sa tabi ni Yves, huli na para lumayo pa ito sa kanya. She will make sure he will stay with her. But first, she needs to warn him about the real her. She's not nice. She's not good like what Yves thinks she is. “Iniwan mo ba ako dahil hindi mo ako mahal? Is that it, Hanna?”Naputol ang iniisip ni Hanni noong magsalita si Yves. Napatingin siya sa lalaki at kita pa rin na nasasaktan ang ekspresyon nito. Pero siya ang naguluhan ngayon. Sina
SA APARTMENT na tinitirhan dati ni Hanni sila bumagsak. Nang makarating doon, nilibot ni Hanni ng tingin ang buong lugar at nagulat siya noong mapansin na kung anong ayos ng apartment noong iwan niya ay ganoon din ang kanyang dinatnan. Napatitig siya kay Yves na inaalalayan niya at bumaling ito sa kanya. “I didn't change a thing when I bought this apartment. Dahil alam ko balang araw na babalik ka at ayaw kong manibago ka kapag bumalik ka rito tapos iba na ang ayos ng mga gamit.”Hindi siya nagsalita ngunit parang may mainit na bagay na humaplos sa dibdíb niya. He really cares about her. Napapaisip tuloy si Hanni kung bakit ang swerte niya sa lalaki. She left him years ago after breaking his heart but instead of getting angry at her, Yves welcomed her with open arms.Hindi ito nagtanong kung saan siya nagpunta. Ang mahalaga lang dito ay nakabalik siya rito, sapat na iyon kay Yves. Gusto niya tuloy maiyak kahit na wala naman siyang dapat ikaiyak. Siguro ay dahil masaya siya, na sa so
HINDI mawari ni Hanni kung ano ba ang reaksyon na meron sa mukha ni Yves. Nakatulala ito sa kanya na nakaawang ang bibig at unti-unting nanunubig ang mga mata. Dahil wala itong suot na salamin, kitang-kita niya iyon. “Y-Yves?”“T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Hanna? We-we have a baby? B-But—” Pinutol nito ang sinasabi at napasabunot ng buhok. Nabitiwan ni Hanni ang kamay nito noong iyon ang gawin ni Yves. Nagpabalik-balik naman ito sa harap ni Hanni at halata ang pagkaaligaga nito. “Yves, hindi ako nagbibiro sa ganoong bagay. M-May anak na tayong dalawa.”Nanunuyo ang lalamunan ni Hanni at hindi alam kung paano ba ang gagawin sa sitwasyon niya na iyon ngayon. Pero dahil naroon na at nasabi na niya kay Yves, hindi na siya pwede pang umurong.Pumihit si Yves paharap muli sa kanya at ngayon, humawak na ito sa magkabilang balikat niya. “T-Then where is our baby? M-May nangyari bang masama sa kanya kaya hindi mo kasama ang anak natin? D-Did the baby die and it made you stay away from me be
NANATILING tulala si Yves sa anak. She really is beautiful! And maybe a beautiful description for her is an understatement. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa anak. She's what he's really imagining her would be! His lovely daughter has this wavy black hair that she got from Hanna, she got her eyes from him but her small pointed nose is also from Hanna while her smiling lips are from him. Hindi akalain ni Yves na ganito pala kaganda ang genes nila ni Hanna kapag naghalo. She really is beautiful and his heart is so full while he's staring at her! “Papa?” Yvette moved her head to the side while she stared at Yves. Halatang nagtataka ang bata dahil hindi kumikilos si Yves. Lumingon pa ito kay Antigone na may buhat dito at tinuro si Yves. “He's Papa?”Sandaling sumulyap si Antigone kay Hanni na nasa gilid bago bumaling kay Yvette at tumango. “Well, according to your Mama, he is.”Parang nagtataka pa rin si Yvette samantalang si Yves naman, hindi malaman kung aab
MUKHANG alam ni Chlyrus ang nangyayari sa buhay ni Hanni kaya hindi siya nito hinahanap kahit may naiwan siyang trabaho sa agency. Mabuti na lang at may partner siya at malamang ay iyon ang sumalo ng trabaho niya. Isa rin sigurong tulong doon ay tagamanman lang si Hanni sa isang pulitiko na under investigation at mabilis lang na ipasa ang gawain sa ibang agent. She's living at her apartment slash apartment owned by Yves now with their daughter. Nakikita niyang masaya si Yvette na kasama nito si Yves - na kahit hindi sobrang showy ni Yvette sa feelings, kitang kita naman sa mata ng anak na gusto nitong kasama si Yves. May nagging feeling tuloy siya na naging mali ang desisyon niya dati. But in her defense, at that time, she thought she was making a wise decision. Alam niya na oras na bumalik siya sa HQ, puputulin niya ang koneksyon na mayroon siya sa labas. Hindi pwedeng hindi. At isa pa, iniwan niya na noon si Yves kaya bakit pa siya babalik dahil lang nalaman niyang buntis siya sa
SERENA now found out who gave threatening mails to Kevin. Hindi niya akalain na si Gideon iyon na pinsan niya. Kaya noong makita ang mensahe nito na pinadaan kay Nathan, gulantang ang pagkatao niya. And now, she's ready to raise hell just to get an answer from him.Galit na bumalik siya sa ancestral house pagkatapos ng pag-uusap nila ng pinsan ni Kevin na si Nathan at nangako sila na mag-uusap pang muli. Saktong pagbalik ni Serena sa ancestral house, naroon si Gideon at ang ilan niyang pinsan. Nasa loob ng leisure room si Gideon kung saan may billiard pool at naglalaro doon si Gideon kasama sila Dace. Nang makita na pumasok siya, binitiwan ni Gideon ang cue stick, pinatong sa kabilang pool na bakante at naglakad patungo sa kanya. Ngiting-ngiti ang lalaki at parang hindi pansin ang simangot niyang mukha. Kaya noong makalapit ito, sinapak niya ang lalaki. Hindi umiwas si Gideon at sinapo lang nito ang mukhang nasaktan. Tatawa-tawa pa ito dahil doon. “Why so fierce, Cinder? Did I mak
KAHARAP na ni Kevin ang lolo ni Serena ngayon. Mabuti at pinaunlakan ng matanda na makausap siya kahit na ramdam niyang sinusubok pa rin siya nito. He's been staying here at their ancestral house for almost two months now. Halos nakabisado na rin niya ang malaking mansyon dahil siya ang inuutusan ng matanda kapag gusto nitong subukan ang pisi niya. Ayon kay Don Constantine, mas malala pa raw ang ginawa nitong pagsisilbi noon para lang makuha ang kamay ng asawa nito mula sa mga biyenan nito kaya dapat daw ay ganoon din ang gawin niya. Wala naman siyang reklamo dahil kahit doon lang, gusto niyang patunayan na seryoso siya kay Serena. At ngayon nga, kaharap na niya ito. Nakaupo ito sa swivel chair habang siya naman ay nakatayo sa harapan. Good thing that he cleaned himsu first before he got her lest the old man would say that he's untidy. “I heard from my grandchildren that you want to propose a marriage to Cinder?”Tumango siya bago nagsalita muli. “Yes, Sir. But with your approval
“WHAT do you mean she's marrying that bastard once again? Nakawala na siya sa lalaking iyon, bakit babalikan niya pa? Did her son convince her?”Umiling si Nathan sa naging tanong ni Kevin. They're at Nathan's place because Kevin couldn't sit well when he heard about the news. He may be mad at Maeve but that doesn't mean that he will be happy that she's suffering. Alam niya ang hirap ng pinsan sa lalaking iyon kaya noong nakipag-divorce si Maeve, isa si Kevin sa mga natuwa. But now, she's marrying him again? For what reason? “Bakit siya magpapakasal, Nathan? Did something happen?”Nathan sighed and stared at him for a couple of seconds. “Yes. The SGC is closed to bankruptcy.”Halos magbuhol ang mga kilay ni Kevin noong marinig iyon. Hindi niya inaasahan na ganoon ang maririnig kay Nathan. SGC is what? “Alam mong sa business, dapat marunong tayo makisabay sa bago. But when you return the power to Grandpa and he's the one who manages it once again, it messes up a lot of projects. Mas
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na ma
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga
Chapter 90GABI na nang makauwi si Patricia. Naghihintay pa rin si Patrick sa kanya. Pagkakita sa kanya, agad siyang tinanong kung bakit siya sobrang abala sa trabaho at kung bakit hatinggabi na siyang nakakauwi. Sobrang pagod na si Patricia kaya hindi na siya masyadong sumagot. Maikli lang niyang sinabi na may inayos lang siya, tapos dumiretso na siyang maligo at pumasok sa kwarto para matulog.Mula noong mga nakaraang araw, sobrang babaw na ng tulog niya. Kaunting ingay lang, nagigising na siya agad.Kaya nang magsimula na tumunog ang telepono niya nang sunod-sunod bandang alas-sais ng umaga, agad siyang nagising. Una ay tumawag ang crisis PR ng kumpanya nila. Pasigaw at seryoso itong nagsalita, "Miss Patricia! Paki-explain kung ano 'tong nasa headline ng Flower Entertainment News?! Bilang agent, alam mo dapat kung gaano kahalaga ang reputasyon. Bakit mo nagawang makipagrelasyon sa alaga mong artist? At kahit pa totoo nga 'yan, bilang isang professional, paano mo hinayaang mailabas
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Tulad ng inakala niya, may nangyari nga sa relasyon. Pero nasa kaya pa rin naman niya itong tanggapin, kaya napabuntong-hininga lang siya at maingat na nagtanong, “May gusto ka bang babaeng may asawa?”Ngumiti si Andrei. “Mas malala pa ro’n.”“Mas malala pa?” Kumurap si Patricia. Hindi niya maisip kung gaano pa kabaliw ang istorya.“Sa totoo lang, bago ako sumikat, naging kabit ako ng isang tao.”…Kalmado lang ang pagkakasabi ni Andrei, pero sa tenga ni Patricia ay parang kulog na bigla na lang bumagsak, para siyang nawala sa sarili!Kabit ng isang mayamang babae?! Hindi halata sa hitsura niya, lagi pa namang parang perfect idol at role model sa mga kabataan! Pero halatang hindi siya nagbibiro.Pinilit ni Patricia na huwag magmukhang gulat na gulat at nagkunwaring kalmado. “Kabit lang naman. Uso naman ngayon ‘yung mga ganyan. Halos lahat may mga eskandalo…”Tinitigan siya ni Andrei at napangiti. “Pero may gusto lang akong itama…”Nagpakita uli
Chapter 89UMALIS si Patricia sa apartment kasama si Andrei. Alam ni Patricia na hindi naman gano’n kahirap gampanan ang eksenang 'yon. Kailangan lang niyang linisin ang isyu sa harap ng media at sabihing totoong gusto nila ang isa't isa, kaya siya ang naging agent nito at handang magsakripisyo para sa kanya. Kailangan lang niyang magpagawa ng ilang articles para mapaniwala ang mga fans na maging mas maunawain. Kahit lumaki pa ang gulo, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa career ni Andrei.Pero para kay Patricia, masyado na siyang tumaya sa isang bagay lang.Ang dahilan kung bakit siya nakipag-cooperate kay Andrei at patuloy na umaarte ay dahil alam niyang mula pa lang sa pagpasok niya sa apartment nito, may nagplano na ng lahat ng mangyayari pagkatapos.Paano kung hindi siya sumunod? Ang lalabas na balita ay: nag-away, hindi nagkaintindihan, naghiwalay.Ang mga tao sa labas ay makikinig lang sa sasabihin ni Andrei at walang pakialam sa panig niya. Idol kasi si Andrei, habang si
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi