update for this day. 11 chapters to go for Serena and Kevin's story ~
“HINDI MO siya kilala?” hindi makapaniwalang tanong ni Serena kay Helia. Nagpabalik-balik naman ang tingin ng babae sa kanila ni Kevin. “Kailangan ba na kilala ko siya? Kung hindi n'yo naman ako pakakawalan, mananahimik na lang ako rito. Basta uulitin ko, ginawa ko na ang parte ko. Nasa sa inyo kung maniniwala kayo o hindi.”Halos mapanganga si Serena. Naalala niya ang sinabi ni Helia na asawa raw ito ni Kevin na pinaniniwalaan nito pero ngayon ay hindi nito kilala si Kevin? Alam ni Serena kung gaano kabaliw si Helia kay Kevin kaya nga ilang ulit nitong gusto siyang ipapatay dahil gusto nitong ito ang papalit sa kanya. But seeing her acting like this, like she didn't know Kevin, it made her confused! “Titigan mo siya. Hindi mo ba talaga siya kilala?”Sumunod naman si Helia kay Kevin, parang pinagsisino ito at kinikilatis kung kilala nga ba nito si Kevin. Mayamaya, umiling ito. “Hindi talaga kita kilala. Sino ka? At saka bakit importante na makilala ko siya?” Bumaling si Helia kay
Trigger Warning: Brief mention of räpe. Be warned. HECTOR was informed by his men who were watching on the side, that Vicente, his ally, brought people and he's going to use them to get what he wants from the HQ. Dahil doon, mabilis na tinungo ni Hector ang hideout na pinagtataguan ng mga taong balak i-revive ang RLS at nakita nga niya na may bitbit na tao si Vicente.Ang babae ay wala nang malay at puno ng galos at sugat ang katawan nito. Ang batang babae naman na kasama nito ay may tama ng baril sa balikat na dumudugo ngunit kataka-taka na may malay pa rin ang bata at hindi ito umiiyak kahit na para kay Hector, dapat ay nagpapakita ito ng takot. For him, this little girl is so interesting that it caught his attention. Dahil walang kumikilos para ayusin ang mga bihag, nag-utos si Hector na asikasuhin ang mga taong dala ni Vicente at lapatan ng first aid medication. Sinubukan ng bata na kumawala ngunit agad itong nabitbit ng isa sa tauhan at mayamaya lang, nawala na sa paningin ni
TINAMAAN si Vicente sa balikat at umagos ang masaganang dugo mula roon. Napaigik sa sakit si Vicente. Dahil doon, bumunot din ito ng baril at tinutok sa direksyon ni Ashianna. Tinapon ni Hector ang may sindi pang sigarilyo at bumunot ng baril na nasa gilid ng beywang, naglakad sa pwesto nila Ashianna at tinutok sa gawi ni Vicente ang hawak. Ganoon din ang mga tauhan ni Ashianna na nakapalibot sa kanila. Hindi rin nagpatalo ang bitbit na tauhan ni Vicente kaya't nagtututukan ng mga baril ang dalawang magkabilang panig. When Vicente saw this, he was taken aback. “Pinagtutulungan ninyo ako. Are you teaming up with her, Hector?”“The leader's command,” he spat out. Mas lalong sumama ang itsura ni Vicente sa narinig. Inikot nito ang tingin at nang mapansin na kulang ang mga tauhan nito kung sakaling magkaroon ng engkwentro, binaba nito ang baril at nag-utos din sa mga tauhan na ibaba ang armas. “Be thankful that I don't wanna stain these tiles with your blood,” rason nito habang nakatit
HELIA TATIANA was really at the HQ. Napatunayan iyon ni Hector dahil may natanggap siyang balita na naka-detain ito na parang tulad sa bihag ni Vicente. Samu't sari ang emosyon na naramdaman ni Hector. He's worried about Helia Tatiana's welfare. Paano kung sa sobrang galit dito ay sinasaktan na pala ito roon at wala man lang siyang alam? He knew that Helia Tatiana from the past hurt some people from the HQ. But now, since she lost her memories, wala itong alam sa mga nangyari.Mabilis na gumana ang utak ni Hector at naisip niyang para makuha pabalik si Helia Tatiana, kailangan niyang ibigay ang bihag ni Vicente. Saka na sila mag-iisip pa ng plano muli. Basta ang mahalaga, makuha niya pabalik si Helia Tatiana. Pinagpaplanuhan ni Hector kung paano makukuha ang dalawang bihag ni Vicente at oras na makuha niya ang dalawa, agad niyang ipapagpalit sila para kay Helia Tatiana. MALAKAS NA sampal ang nakuha ni Ashianna mula sa kinikilalang ama. Ito ang kumupkop sa kanya noong nawala ang buon
NAGULAT ang lahat sa ginawa ni Hector. Vicente who was caught offguard by Hector's actions, tried to look for him because after getting Hanna and Lavender from Victor's clutches, Hector seemed to evaporate also with them. Maging ang ama ni Hector na kasa-kasama ni Ashianna ay hindi napaghandaan na ganoon ang gagawin nito. Kaya ang ginawa nito ay inutusan si Ashianna na hanapin ang lokasyon ni Hector dahil hawak nito ang alas na mayroon sila laban sa HQ. Ashianna, on the other hand, was secretly let out a sigh of relief. Mas mabuti ang ginawa ni Hector para maibalik na ang mga taong kinuha ni Vicente. Hindi damay si Hanna sa mga taong gustong paghigantihan ni Ashianna at si Lavender naman, alam ni Ashianna sa puso niya na hindi niya kayang saktan ang bata. Ngunit kahit pinoprotektahan ni Ashianna ang dalawa sa abot ng kanyang makakaya, maaaring maubos ang pasensya ng tinuturing niyang ama at may gawin itong hakbang para saktan si Hanna at Lavender. Ashianna knew how fast he changed h
MAINGAT na pumasok sila Serena sa building para hindi mahalata ng mga kalaban. Dahil nagkakagulo, hindi nga nabigyang pansin sila Serena. Dala-dala nila si Helia na tinakpan nila ng duck tape ang bibig nito para hindi makagawa ng ingay. Then they saw a man exchanging fires from other people. Dahil abandoned building iyon ng pagawaan ng karton, may mga parteng tago at doon nga nagkubli sila Serena. Kevin's with her. Tahimik ito sa tabi ni Serena at nagbabantay ng mga nangyayari. Si Gideon at Dace naman ang may hawak kay Helia na kanina pa pumipiglas.Nang makatago na sila Serena, saka nila tiningnan ang mga nangyayari. Doon nila napagmasdan ang lalaki at hawig ito ni Helios. That man was probably Hector. Hinanap ni Serena si Helios na kasama nila at nagtatanong ang mga mata niya na nakasulyap kay Helios kung tama ba ang hinala niya. Tumango si Helios at humigpit ang kapit nito sa hawak na Beretta gun. “Hmmp! Hmmp!” Nagpupumilit pa rin na makawala si Helia Tatiana habang nakatitig s
NANLAKI ang mga mata ni Serena at hindi pa agad nag-register sa utak niya ang nangyari. Then after a couple of seconds, she moved. Agad na bumaba ang tingin niya kay Hanni na nanghihinang paupo na. Namilog din ang mga mata ni Serena at binadha ng ibayong takot ang didbíb noong makita niyang sumuka ng dugo si Hanni. Serena fired her gun towards the man's direction who shot Hanni. Paulit-ulit ang ginawa niyang pagbaril dito at sinuguro na mamamatay talaga ito bago niya binalik ang atensyon kay Hanni. “Serena, h-hindi ko na kaya…”“H-Hanni… bebs, teka tatawag ako ng tulong. Hindi pwedeng ganito. You're fine, okay? I-I will for help. Huwag kang mag-alala. Makikita mo pa si Yves at Yvette. Hindi pwede 'yang sinasabi mo.”Umiling si Hanni at nang muli itong umubo, mas maraming dugo ang sinuka nito. Mas lalong kinabahan si Serena sa nasaksihan. She tried to put pressure on Hanni's back to stop the further bleeding but it seemed it's a little help. Bumuhos ang luha ni Serena at kinapa ang b
AFTER SAYING that, Hector commanded his men to get Helia Tatiana away from the place. “Hector, hindi ako aalis dito! Hector!”“Keep her safe!” ani Hector. Sumunod ang mga tauhan ni Hector sa utos nito at pinalibutan si Helia Tatiana para protektahan. Dahil kalaban ang tingin ng ibang agents kay Hector maging kay Helia Tatiana, may sumubok na pigilan sila ngunit humarang si Archer na naroon din.“Don't. He's an ally.”Sa narinig, natigilan si Serena na handa na sanang pigilan din si Hector at si Helia Tatiana na prinoprotektahan ito. Kakampi siya? Paano nangyari iyon? Hindi ba't kalaban si Hector? Bago pa maisip ni Serena ang sagot sa pasabog ni Archer, nagkaroon muli ng sunod-sunod na palitan ng mga bala. Hector, who heard that from Archer, smiled widely at his father who was flabbergasted. Hector aimed his gun at him and tried to shoot him but his father, seeing his actions, grabbed someone within his reach and used that person as a shield. “Sinasabi ko na nga at tama ang hinala
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na ma
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga
Chapter 90GABI na nang makauwi si Patricia. Naghihintay pa rin si Patrick sa kanya. Pagkakita sa kanya, agad siyang tinanong kung bakit siya sobrang abala sa trabaho at kung bakit hatinggabi na siyang nakakauwi. Sobrang pagod na si Patricia kaya hindi na siya masyadong sumagot. Maikli lang niyang sinabi na may inayos lang siya, tapos dumiretso na siyang maligo at pumasok sa kwarto para matulog.Mula noong mga nakaraang araw, sobrang babaw na ng tulog niya. Kaunting ingay lang, nagigising na siya agad.Kaya nang magsimula na tumunog ang telepono niya nang sunod-sunod bandang alas-sais ng umaga, agad siyang nagising. Una ay tumawag ang crisis PR ng kumpanya nila. Pasigaw at seryoso itong nagsalita, "Miss Patricia! Paki-explain kung ano 'tong nasa headline ng Flower Entertainment News?! Bilang agent, alam mo dapat kung gaano kahalaga ang reputasyon. Bakit mo nagawang makipagrelasyon sa alaga mong artist? At kahit pa totoo nga 'yan, bilang isang professional, paano mo hinayaang mailabas
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Tulad ng inakala niya, may nangyari nga sa relasyon. Pero nasa kaya pa rin naman niya itong tanggapin, kaya napabuntong-hininga lang siya at maingat na nagtanong, “May gusto ka bang babaeng may asawa?”Ngumiti si Andrei. “Mas malala pa ro’n.”“Mas malala pa?” Kumurap si Patricia. Hindi niya maisip kung gaano pa kabaliw ang istorya.“Sa totoo lang, bago ako sumikat, naging kabit ako ng isang tao.”…Kalmado lang ang pagkakasabi ni Andrei, pero sa tenga ni Patricia ay parang kulog na bigla na lang bumagsak, para siyang nawala sa sarili!Kabit ng isang mayamang babae?! Hindi halata sa hitsura niya, lagi pa namang parang perfect idol at role model sa mga kabataan! Pero halatang hindi siya nagbibiro.Pinilit ni Patricia na huwag magmukhang gulat na gulat at nagkunwaring kalmado. “Kabit lang naman. Uso naman ngayon ‘yung mga ganyan. Halos lahat may mga eskandalo…”Tinitigan siya ni Andrei at napangiti. “Pero may gusto lang akong itama…”Nagpakita uli
Chapter 89UMALIS si Patricia sa apartment kasama si Andrei. Alam ni Patricia na hindi naman gano’n kahirap gampanan ang eksenang 'yon. Kailangan lang niyang linisin ang isyu sa harap ng media at sabihing totoong gusto nila ang isa't isa, kaya siya ang naging agent nito at handang magsakripisyo para sa kanya. Kailangan lang niyang magpagawa ng ilang articles para mapaniwala ang mga fans na maging mas maunawain. Kahit lumaki pa ang gulo, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa career ni Andrei.Pero para kay Patricia, masyado na siyang tumaya sa isang bagay lang.Ang dahilan kung bakit siya nakipag-cooperate kay Andrei at patuloy na umaarte ay dahil alam niyang mula pa lang sa pagpasok niya sa apartment nito, may nagplano na ng lahat ng mangyayari pagkatapos.Paano kung hindi siya sumunod? Ang lalabas na balita ay: nag-away, hindi nagkaintindihan, naghiwalay.Ang mga tao sa labas ay makikinig lang sa sasabihin ni Andrei at walang pakialam sa panig niya. Idol kasi si Andrei, habang si
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi