NANANAKIT ang buong katawan ni Serena nang magising—lalo na iyong sikretong parte ng katawan. Dahil doon, agad na pumasok sa kanya ang nangyari kagabi.
“Trust me, wife, hmm? I’ll be gentle...”
Dahil bathrobe lang ang suot, maingat ngunit mabilis na naalis ni Kevin iyon at nagpaubaya naman si Serena. Paano siya makakatanggi kung bawat haplos at hàlik nito sa kanya, nadadala siya? At isa pa, kasal naman na sila, 'diba?
Pero ngayong nahimasmasan si Serena, hiyang-hiya siya! Hindi kaya iniisip ni Kevin na easy-to-get siya? Kakikilala pa lang nila at kinasal man, hindi niya pa lubos na kilala ito. Parang walang pinagkaiba sa one night stand ang nangyari sa kanila.
Napakagat ng labi si Serena at naguguluhan. Dito bumukas ang pinto at pumasok si Kevin.
“You're awake,” anito habang bitbit ang foodtray. Lumapit ito sa direksyon niya.
Hindi naman siya makatingin nang maayos dito dahil pumapasok pa rin sa isip ang nangyari kagabi. Halata ni Kevin ang hiya ni Serena at mabuti na lang, hindi ito nakaisip na tuksuhin si Serena.
“Eat your breakfast.” Umupo si Serena at kahit nananakit ang katawan, hindi niya pinakita iyon. Saka lang din niya nakita na may damit siyang suot. Napatingin siya kay Kevin.
“I-Ikaw ba ang nagbihis sa akin?”
“Who else would do that?” balik nitong tanong.
Mas lalong namula ang pisngi ni Serena dahil sa hiya. “Edi-edi nakita mo iyong katawan ko?”
Bumaling sa kanya si Kevin at pinasadahan ng tingin. “I already saw your body. I even touched it, did you forget? Or do I need to remind you that?”
Napasinghap siya at hindi makapaniwalang tumingin kay Kevin. “I-Ikaw—!”
“Relax. Eat your food or it'll get cold. You need to regain your strength.”
Kahit gustong sumagot na naman ni Serena, pinigil niya ang sarili dahil wala namang mali sa sinabi ni Kevin. Pero bakit parang may meaning ang sinabi nito?
Pinilig niya na lang ang ulo at tahimik na kumain. Dahil soup ang nakahain, mabilis lang iyon naubos ni Serena. Agad namang binuhat ni Kevin ang tray at aalis na sana ito nang may maalala si Serena.
“K-Kevin? Pwede akong humingi uli ng pabor?”
Napalingon ito sa kanya at napipisil siguro nito na may kahabaan ang usapin kaya pinatong ni Kevin ang tray sa glass table na nasa gilid nito bago siya harapin.
“P-Pwede pa rin ba akong magtrabaho kahit na k-kasal na tayong dalawa?”
Palihim niyang sinilip ang mukha ni Kevin at mukhang 'di naman galit. “Hindi mo naman ako pagbabawalan, 'diba?”
“No. Do you want a promotion?”
“A-Ah? Hindi! Bakit naman sa promotion napunta? Hiningi ko lang ang opinyon mo kasi syempre baka ayaw mo pala ng working wife.”
Kevin snorted. “You're married to me but I don't own you. You still have your freedom and I won't restrict you, Serena.”
Napangiti si Serena. “Talaga? Salamat! Don't worry, walang makakaalam na asawa mo ako kahit sa kompanya pa.”
Kumunot ang noo ni Kevin at dumilim ang ekspresyon. “Do you want to keep me a secret?”
“Sa Sanchez Group of Companies Corporation mo ako nakita kaya alam kong employee ka rin. Bawal ang office romance.”
Mas lalong hindi maitimpla ang mukha ni Kevin. Does this kind of rule exist?
Nagpatuloy si Serena. “...Alam ko naman na kaya mo ako pinakasalan kasi para gumanti sa ex-girlfriend mo pero malaki pa rin ang pasalamat ko kahit ganoon kasi marami kang natulong sa akin. Kaya kapag naisipan mong ayaw mo na...pipirma agad ako sa annulment. Hindi ko sasabihin na asawa kita para hindi ka mapahiya.”
Hindi naman kasi maniniwala si Serena na gusto siya ni Kevin kaya nagpakasal ito sa kanya. Kahit maganda siya, hindi naman siya iyong sobrang ganda na mala-Miss Universe. At sa itsura ni Kevin, kahit sinong babaeng ligawan nito, agad-agad na sasagutin.
Sa mga tulad ni Kevin na ayaw ng entanglement, alam niyang matutuwa ito dahil marunong siyang lumugar, 'diba?
“We just got married and you're thinking of annulment already? Separation? Don't even think about it!”
Hala, bakit galit?
“M-May mali ba sa sinabi ko?”
Inilang hakbang lang ni Kevin ang distansya sa kanilang dalawa at dinungaw siya nito. Napalunok si Serena noong halos dumikit ang mukha nito sa kanya na napakurap ang mata niya. Sinapo ni Kevin ang mukha niya at diretso siyang tinitigan.
“Did you forget our vows to each other? Till death do us part, Serena. I won't annul our marriage. Ever.”
Nakalabas na si Kevin ng kwarto bago bumalik sa huwisyo si Serena. Napahawak pa siya sa dibdíb dahil sa lakas ng tibok ng puso.
KAHARAP ni Serena ang closet ngayon o mas mabuting sabihin na kwarto na puno ng mga damit, alahas, at sapatos. Iyong nakikita sa TV na wardrobe ng mayayaman, ganitong-ganito ang nasa harap niya ngayon.
Hindi naman siya mahirap dahil may kaya ang pamilyang pinagmulan pero parang ibang lebel si Kevin. Anak ba ito ni Bill Gátes?
Nangingimi siyang hawakan ang damit. Pero paano siya makakapagpalit kung hindi siya kukuha rito? Wala naman siyang dalang bihisan.
Pinakasimpleng flowy dress at doll shoes ang kinuha ni Serena sa koleksyon at lumabas siya ng Master's bedroom. Halos mapatalon siya noong makitang may maid na naghihintay sa kanya sa labas.
“Good day, Madamé. Naka-ready na po ang lunch ninyo.”
“Pwede bang 'wag ‘Madamé’ ang tawag mo sa akin? Serena na lang.”
“Naku, Madamé, hindi po pwede dahil kami ang mapapagalitan ni Master.”
Kiming ngiti na lang ang naging sagot niya. Bababa na sana siya noong may maalala siyang itanong.
“Iyong Master ninyo... nasaan siya?”
“Nasa study room po si Master Xavier, Madamé.”
Tumango si Serena at tutuloy na sana siya bumaba nang hagdan noong nakita niya ang lalaking sumalubong sa kanila ni Kevin sa main door kagabi.
“Madamé, I'm Butler Gregory.”
“H-Hello, Butler Gregory.”
‘Ang galing naman. Butler ang tawag niya sa sarili. Para akong nasa Medieval era,’ sa isip ni Serena.
“Madamé, I need to consult you for something that's why I'm here.”
“Ano iyon?”
“Miss Dahlia is here.”
Sinong Miss Dahlia? May kilala ba siyang Dahlia?
Nagulat si Serena noong nakita niyang may babaeng paakyat ng mahabang hagdan. Nang makita siya nito, ngumisi ito sa gawi niya. Parang pamilyar ang mukha nito.
“We meet again. Guess that Xavier wasn't joking that he'll marry you, huh?”
Napaawang ang bibig niya noong pinasadahan siya nito ng nanghuhusgang tingin. “What a downgrade.”
Nilagpasan siya nito at dire-diretso sa isang nakapinid na pinto. Sinundan ito ng tingin ni Serena at nakita niyang kumatok si Dahlia sa kwarto na katabi ng Master's bedroom. Lumapit din si Butler Gregory at sinabi na naroon si Dahlia.
“Master, Miss Dahlia is here.”
“Let her in.” Narinig ni Serena ang boses ni Kevin.
Hindi niya mawari kung bakit parang may tumusok na karayom sa puso niya.
Gusto pa rin ba ni Kevin si Dahlia?
*****
166.Pagkakita ni Noemi sa malamig at matigas na ekspresyon ni Alfred, hindi na siya nangahas pang makipagtalo. Sa inis, humiga siya sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot."Mag-obserba ka muna sa ospital ng dalawang araw. Pwede ka nang ma-discharge kapag sigurado nang wala kang problema," sabi ni Noemi saka lumabas ng kwarto. Tinawagan niya si Alfred para tanungin kung nasaan ito.Pagkatapos lumabas ni Alfred sa ward, agad siyang bumaba at dumiretso sa waiting area kung nasaan sina Solene at Miro. Medyo malapit lang siya sa kanila. Tahimik niyang tinitigan si Solene, puno ng lambing ang mga mata. Nang tumunog ang tawag ni Noemi, saka lang siya natauhan at sinabing nasaan siya.Nagulat si Noemi sa sagot at agad siyang nagtungo sa elevator. Pagdating niya, nadatnan niyang tinitingnan ni Alfred si Solene na may banayad at malambing na ekspresyon, habang si Solene ay kalmadong tumingin pabalik, tila sanay na sa ganoong tingin.Dahil doon, nakaramdam ng matinding lamig si Noemi na para b
165Noong nakita ni Noemi sina Chiles at Kevin sa labas ng kwarto ni Mary, saka lang niya naalala ang lahat.Pagkatapos inumin ni Mary ang gamot niya at inilagay ito sa mesa sa tabi ng kama, napatingin siya kay Noemi at nakita ang malamig at galit na tingin nito. Napatigil siya, nakaramdam ng biglang kaba, kaya mahina siyang tumawag, “Mom...” Nang makita niyang walang reaksyon ang mukha ni Noemi, halos pabulong siyang nagtanong, “Mom, nasaan si Dad?”Kahit kailan, sa harap ni Alfred, si Noemi ay laging mahinahon at mabait ang dating. Kaya sa oras na ‘yon, umaasa si Mary na naroon si Alfred, kasi kung naroon ito, hindi siya basta papagalitan ni Noemi.“Nasa business trip ang tatay mo,” sagot ni Noemi na kalmado pa rin. Na-text na niya si Alfred tungkol sa aksidente ni Mary, at sinabi niyang hindi naman ito malala.“Eh si Grandpa?” Ang totoo, mula nang magising si Mary at tanging si Noemi lang ang nakita niya, kinabahan siya agad. Grabe ang aksidente niya pero hindi man lang siya dinala
164.Nasa kusina pa si Mirael at kakalabas lang pagkatapos maghugas nang makita niyang nagsusuot ng sapatos si Chiles sa may hallway, mukhang paalis.“Lalabas ka?” tanong ni Mirael.Ngumiti si Chiles at tumango. Ayaw niyang mag-alala si Mirael kaya hindi na niya sinabi kung bakit siya aalis.Pagdating ni Chiles sa Military Hospital at paglabas niya ng elevator, nakita niya ang isang batang nurse na may dugo sa uniform, hawak ang isa pang nurse na halatang natrauma.“Ate Olea, natakot talaga ako. Simula nung galing kami sa aksidente, sobrang kaba ko. Yung Land Rover, bumangga sa isang taxi. Patay agad yung taxi driver sa eksena. Pero yung pamilya ng driver, pinilit pa ring dalhin siya sa ospital para ma-emergency…”“Ang hina mo talaga,” sabay tapik ni Olea sa kamay ng nurse. “O, magpalit ka na ng damit. Wala namang seryoso.”Umiling ang batang nurse at patuloy pa rin sa pagkukuwento, “Ate Olea, kinabahan talaga ako. Nang lalapitan ko na yung babae sa Land Rover para i-check, biglang…”
163Walang sumagot sa kabilang linya ng ilang sandali, kaya hindi napigilan ni Mirael na tawagin ng may pag-aalala, “Chaia?”“Okey lang ako, tinanong ko lang,” sabi ni Chaia habang tumatawa, pero mabigat ang pakiramdam niya sa dibdib.Nagtanong pa ng ilan si Mirael dahil sa pag-aalala, pero agad sinabi ni Chaia na ayos lang siya at binaba na ang tawag. Tumawag naman siya kay Peter.Simula noong birthday party, hindi na ulit nakita ni Peter si Chaia. Madalas silang mag-chat o magtawagan, pero si Peter palagi ang nauunang tumawag. Kaya ngayon na si Chaia ang unang tumawag, nagulat talaga siya.“Gusto kong mag-racing,” mahinahong sabi ni Chaia. Narinig ni Peter ang inis sa boses niya, kaya ngumiti ito at sinabing, “Okay, kita tayo sa Olympic Park.”Samantala, matapos makipag-usap ni Mirael kay Chaia, tumawag naman siya kay Lira gamit ang internal line. Dahil papalapit na ang deadline ng summer jewelry design at wala masyadong tao sa headquarters ng kompanya, pinakiusapan niya si Lira na
162.“Ang ganda ‘di ba?”Napatingin si Gaven sa iginuhit ni Hio, tatlong hugis na hindi naman masyadong maayos ang pagkaka-drawing, pininturahan lang ng itim, pula, at dilaw gamit ang colored pencils. Napatawa na lang siya, sabay haplos sa ulo ng bata. “Anak, huwag ka nang matutong magpinta, ha.”Napatawa rin si Nicole sa tono niyang halatang walang magawa pero punong-puno ng lambing. Napansin iyon ni Gaven, kaya’t bahagya siyang yumuko at hinalikan si Nicole sa pisngi.Napatigil si Nicole sa lambing na iyon at hindi alam kung paano magre-react. Nang makabawi siya, nakangiti na si Gaven at tinanong si Hio, “Gusto mong dito na natin hiwain ang cake o sa bahay?”“Sa bahay! Sa bahay tayo maghiwa ng cake!” sigaw ni Hio habang tumatakbo-takbo sa paligid nila.Gustong tumanggi ni Nicole, pero naramdaman niya ang titig ni Gaven, parang hinihintay ang sagot niya. Hindi niya kayang tumanggi, pero hindi rin siya makatanggi. Kaya’t nanatili lang siyang nakatitig sa lalaki.Nang hindi siya tumang
161Si Nicole ay nagulat at hindi niya namalayang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang tumingin kay Gaven at sa likod ng salamin ay mapayapa ang kanyang mga mata, parang isang tahimik na karagatan. Napangiti si Nicole, pero halatang may lungkot ang ngiti niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo, at pilit niyang inaalis ang sarili sa pagkakayakap nito.Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Gaven, halos masaktan na siya. Nang makita nito ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata at ang sobrang lungkot sa mukha niya, parang may tumusok sa puso ni Gaven. May kung anong sakit na hindi niya maipaliwanag, kaya hinila niya palapit si Nicole at niyakap pa nang mas mahigpit."Gaven, pakawalan mo ako!" pilit na kumakawala si Nicole, tinutulak siya, pero mariin pa rin ang pagkakayakap ni Gaven sa kanya. Nakapatong na ang kanyang baba sa balikat ni Nicole. Isang kilos na napakalapit, isang yakap na hindi niya man lang naranasan sa pitong taong pagsasama nila bilang mag-asawa. At nga