“WHY are you looking at me like that?” nagtatakang ani Kevin. Kung tumingin sa kanya si Serena ay parang kaaway ang kaharap nito. Did he do something wrong that's why Serena was mad at him? “Sino bang natutuwang makita ka?” Halos umusok ang ilong ni Serena noong sabihin iyon kay Kevin. “Wait, I'm the one who should be upset because you left without saying anything to me. If I didn't call your department head, I wouldn't know you're here. And you're alone with your boss. Aren't you afraid I'll get mad because of that?”Namumula ang mga mata na hinarap siya ni Serena at dinuro-duro pa nito ang dibdíb niya gamit ang hintuturo. “Then get mad! Nagtatrabaho ako, Kevin, kaya bakit ka magagalit, ha? At isa pa, kung magre-resign ako, susuportahan mo ba ako?”When Kevin heard that, instead of getting mad just like what's on her imagination, Kevin's eyes lit up and seemed visibly happy. “You're quitting? Then, I'll support you. You don't need to work, wife.”Hindi na maipinta ang mukha ni Se
INSTEAD of answering Kevin's question, Serena shook her head. Naalala niya bigla si Nathan na basta na lang niya iniwan dahil hinatak siya ni Kevin. For sure, hinahanap na siya ng boss! “Mamaya na tayo mag-usap! Hinahanap na yata ako ni Manager Nathan! Magkita na lang tayo mamaya sa hotel room!”Hindi na niya hinintay pang pigilan siya ni Kevin, tumakbo siya palayo at bumalik sa perfume store kung nasaan si Nathan. She saw him looking around and now she's sure he was looking for her! “Manager Nathan!” tawag niya sa atensyon nito. “Saan ka galing?” malamig at kunot ang noo na tanong ng lalaki. “A-Ah, Manager, 'di na ako nakapagpaalam kasi ihing-ihi na ako kaya dumeretso na ako sa banyo. Sorry kung 'di ako nakapagpaalam agad.”“You should still message me. It made me think you got abducted.”Doon niya napansin na may katabing babae si Nathan. Teka... hindi ba't ito ang sinasabi ni Kevin na pinsan nito? Napansin ni Nathan na nakatingin siya sa babae kaya pinakilala nito ang katabi.
“TATIANA, are you really going back?” Tatiana was rummaging and arranging her stuff when her mother went inside her room to ask her a question. Sandaling binaba ni Helia ang mga tinitiklop na damit at lumingon sa ina. “Of course, Mamá. It's been years since I was gone. I wonder how Xavi is now.”Her mother snorted when she heard that name from her lips. “I still think that that guy is not fit for you. I don't understand why you want to be with him.”Her mother wouldn't understand even if she explains how important Xavier is to her. Unang kita niya pa lang dito ay binulong na kaagad ng isip niya na ito ang gusto. And she was lucky when Xavier also told her that he likes her, too! The only conflict about them was their families were against their budding relationship. Noong balak na niyang sagutin ang lalaki, bigla na lang itong naglaho at siya naman ay pinadala sa Spain kung saan siya nananatili ngayon. She was reprimanded and banned from contacting Xavier. Even her social media acc
NANG makauwi, binigyan si Serena ng isang araw na leave para makapagpahinga. Doon naman in-arrange ni Kevin ang etiquette class niya. Akala niya ay aabutin iyon ng ilang araw ngunit tatlong oras lang pala ang etiquette class. Mainly because she already knows how to act like an elegant lady since she took the Personal Development class subject back when she was in college. Ilan lang ang tinama sa kanya ng etiquette teacher at iyon ay ang tamang paggamit ng kubyertos sa fine dining na kaagad naman niyang nakuha. When the class was over, Butler Gregory, Marie, and even Kevin applauded for her that made Serena flustered but felt good nonetheless. “Iyon lang ba ang aaralin ko? Sure? Sapat na ba 'yon para hindi ako mapahiya sa pamilya mo?”Kevin shook his head. “Nah, you're already fine. And you don't need to impress me. Ako ang asawa mo at hindi sila, Serena. It's me, you need to impress.”May twang ang pagsasalita nito ng tagalog na sobrang naku-cute-an si Serena na gusto niyang pisil
“DAHIL HAPON na, sarado na ang HR. Bukas na kita ie-enroll sa biometrics pati na rin ang entry procedures mo.”Tumango-tango si Serena kay Ma'am Wendy. Dinala siya nito sa table na para sa kanya ngunit wala na itong sinabi kahit na naghihintay siya ng instructions mula rito. Ang tanging ginawa na lang si Serena ay umupo sa upuan na mayroon ang cubicle niya at saka nilibot ang paningin. Mas malaki ang department na ito kumpara sa pinanggalingan niya na lower floor. Isa rin sa napansin niya ang kaibahan ng mga empleyado ngayon. Kita niya na kumikilos lahat at madalang na madalang siyang makakita ng nag-uusap. Puro pagtipa sa PC nila ang naririnig ni Serena. Kaya kahit gustuhin man niyang magtanong, umuurong ang dila niya dahil alam niyang hindi rin siya papansinin ng mga ito. Nakailang punas na si Serena sa desk niya dahil wala nga siyang ginagawa. Naipon na tuloy ang tissue sa trashbin na nasa ilalim ng table niya. Nang dumating ang oras ng pag-out, akala ni Serena ay lalabas na ang
HINAYAAN lang ni Serena si Leila dahil sa tingin niya ay bata pa ito. Hindi niya tuloy maisip na pinagselosan niya ito, e sa totoo lang, mukhang baby pa itong si Leila lalo na sa inaakto nito. Dahil hindi ni Leila nakuha ang reaksyon na gusto niya kay Serena mas lalo yatang umusok ang ilong nito. “How did you and my cousin know each other?”Sandaling nag-alinlangan si Serena. Sasabihin niya ba ang totoo na dahil pareho silang niloko at nangangailangan siya ng groom, nagpakasal silang dalawa kahit 'di pa namang lubusang kilala ang isa't-isa? Pero pakiramdam niya ay mapapahiya siya o kaya naman ay si Kevin. “Nagkakilala lang kami at iyon... nagpakasal.”Mas lalong kumunot ang noo ni Leila at tinaas ang kilay, sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ni Serena. “Maraming babaeng umaaligid sa pinsan ko. Heck, he also met them by chance. What makes you special that made you his wife?” Pinasadahan siya nito ng tingin. “Don't tell me you pikot him? Are you pregnant?”Nanlaki ang mga mata ni
“YOU NEED to go with me!”Katatapos lang kumain ni Serena at balak niya sanang tumingin-tingin ng gagawin sa netbook para bukas ay handa siya sa kahit anong iuutos nang makita niya si Leila na walang anu-anong pumasok sa loob ng malaking pinto. Noong makita siya nito ay agad itong lumapit at hinatak siya palabas. “Teka, saan mo ako dadalhin! Sandali lang!”Leila turned around and threw her a haughty look. “Aren't you curious on what my cousin does when he's not with you?”Hinatak ni Serena ang kamay at pinilit kumawala. “Hindi ko kailangang malaman iyon dahil privacy ni Kevin iyon.”“No, you need to know so you know where to place yourself. You're going with me whether you like it or not.”Dahil tingin ni Serena ay hindi rin mapipigilan si Leila, nagpatianod na lang siya. Susunod at pipigilan sana sila ni Butler Gregory nang umiling siya rito bago tumango na ibig-sabihin ay siya nang bahala. “Leila, sasama na ako hindi dahil gusto kong malaman ang tungkol sa ginagawa ni Kevin kundi
UMALIS si Serena sa harap ni Leila dahil hindi niya makayanan ang mga sinasabi nito lalo pa't nakita niyang may kasamang babae si Kevin. Hindi ba't sinabi nito na gusto siya nito? Pero bakit may iba itong kasamang babae? Dapat lang talaga na hindi siya magtiwala rito kahit na sinasabi nitong gusto siya nito. Paulit-ulit na sinasabi ng isip niya na tinulungan lang nila ang isa't-isa, siya para makawala kay Alex at ito naman, para makaganti sa ex-girlfriend. Hindi na dapat siya umasa na may uusbong na pagmamahal sa pagitan nilang dalawa. She shouldn't raise her hopes up and in the end, she'll get disappointed. Pero kahit anong sabi niya n'on sa utak, taliwas ang puso niya. Makulit ito at nahulog na rin kay Kevin kahit na itinatanggi niya iyon. Kevin right now, holds a special place inside her heart and even if she wants to erase it, her feelings for him are hard to forget. Dahil sa malalim na pag-iisip at paglalakad sa kawalan, may taong nabunggo si Serena. “Hey, be careful!”Inan
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal