HINDI nakuntento si Cinder sa ginawang pagmanman kay Kevin kaya hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya rito. At muntik pa nga siyang lumapit noong nakita niyang halos bugbugin ito ng mga lalaking nakabantay sa babaeng tingin ni Cinder, kaaway ni Kevin. Nakasalubong ni Kevin ang babae at may pinag-usapan ang dalawa. Sunod niyang nakita ay tinulak ni Kevin ang babae kaya nagkagulo. Kita naman kasi sa mukha ni Kevin ang galit habang nakatitig sa babae. Nagtataka man si Cinder dahil hindi niya alam ang kwento, sinarili na lang niya ang kuryosidad.Isa lang ang napansin niya. . . bakit hawig niya ang babaeng iyon? Pero mas maganda pa rin siya rito, ha? And good thing she changed her hair color because if she stood beside this girl, people would think that she's her, or maybe they're twins! Hell no! Hindi siya payag. She's unique, okay? Kung dati ay ash gray ang kulay ng buhok niya, blonde na ngayon ang color n'on lalo't iyon naman talaga ang hair color niya. Dahil sa sandaling pagkalut
“HANAPIN ninyo ang batang iyon! Malilintikan kayo kapag hindi natin nakita ang bata! Pera na naging bato pa! Hanapin ninyo!”Sumiksik pa lalo si Kevin sa butas kung nasaan siya ngayon. Tinabunan ng mga tuyong dahon iyon kasama ang lupa. Dahil madilim na rin, hindi nakita ng mga taong lumilibot ang bagong hukay na butas sa kakahuyan. Pinagsalikop ni Kevin ang dalawang kamay at nanalangin kay God para iligtas siya. He's only eight and he doesn't know if he's going to see his family again. Nahuli ang sundo niya sa school at noong naghihintay siya sa may shed sa labas ng school, nagulat na lang siya noong may magtakip ng bibig at nahilo siya. Paggising ni Kevin, nakatali na ang katawan niya sa isang bangko at naririnig niya ang usapan ng mga kumuha sa kanya na manghihingi ng ransom money sa grandpa niya. Sa batang isip ni Kevin, gusto niyang ibigay ang perang hinihingi nila sa pamilya niya. Sapat na kaya ang naipon niya sa piggy bank para pakawalan siya? But then he heard them saying th
KEVIN secretly lived at Linlin's house. Ayaw niyang magpakita sa kasama nito sa bahay dahil natatakot si Kevin na baka mapahamak siya. Ang bilin sa kanya ng lalaking nagligtas sa kanya, huwag na huwag daw siyang magtitiwala sa matatandang tao dahil baka tulad ng dati, kunin siyang muli ng mga iyon at wala na talaga siyang pag-asa na makauwi. Hindi naman ito nagbilin na huwag magtiwala sa bata kaya lumapit ang loob ni Kevin kay Linlin. “Ito na ang pagkain mo, Sabi! Toli tung tonti lang, ha? Tati tonti lang luto ni Lola.”Inabot kay Kevin ni Linlin ang plato na may scrambled eggs at kanin. May ketchup sa gilid ng ulam at isang kutsara. Tinanggap iyon ni Kevin at kumain. Dahil sa gutom, hindi man kilala ang pagkain na nasa harap, mabilis niyang naubos 'yon at nag-abot naman ng tubig si Linlin sa kanya. Dahil nakita nang matapos ni Linlin si Kevin, umupo ito sa harap niya at sinilip siya. “Taan ta galing? Batit ta punta dito?”Kevin tried so hard to explain things to Linlin in Tagalog.
HABANG nakatanaw si Kevin sa labas ng bintana ng kwarto, sumariwa sa alaala niya ang mga nangyari. How he looked for her, how ecstatic he was when he found her. How he introduced himself to Serena and the other things he did that she didn't know.Dalia was not his girlfriend but he paid her to act like one. Dahil madalas siyang kulitin ng grandpa na ipakilala para makasal sa taong pwedeng maging asset din ng SGC, agad na nag-isip ng paraan si Kevin para iiwas ang mapangmatyag na mata ng abuelo sa kanya. He found Dalia, talked to her, and let her act as his girlfriend. He even went as far as introducing her to his family to stop them from controlling his life. Ginawa na ng lolo iyon kay Maeve at nauwi lang ang kasal ni Maeve sa hiwalayan at ayaw niyang matulad doon. He's still looking for Linlin and if he's married, wouldn't that ruin his chance for her? Kaya kahit ramdam ni Kevin ang galit ng lolo, hindi siya natinag at si Dalia pa rin ang dinadala niya kapag invited siya sa busin
CINDER was relieved to discover that Kevin Sanchez is innocent after they ran a thorough investigation on him and he has no connections to the criminal association they were investigating.But soon, she couldn't smile. Dahil ang mga investors ni Kevin sa company nito ay sangkot sa sindicate group na iyon. Kaya kahit na hindi kasama ang lalaki, isa sa mapapahamak si Kevin. Maaari din na maging biktima si Kevin at dito ilipat ang mga maling gawain ng investors at ito ang sasalo ng mga kaso na haharapin ng mga iyon. Now, she's thinking if she's going to grab the assignment since all the agents on their agency were busy and only a few were free. At isa siya sa katatapos lang ang mission. Chlyrus told him to rest her ass off but how could she do that if her crush—Kevin - is going to be in trouble? Just kidding. Para siyang walang anak kung umarte, ha? Binaba ni Cinder ang barbell, sandaling nagpakawala ng naipong hangin sa dibdíb at nagpagpag ng kamay bago tumayo. Nagpunas siya ng pawis
DAHIL alam ni Cinder ang itinerary ni Kevin sapagkat simple lang para sa kanya para malaman iyon, madali siyang nakasunod sa lalaki. Nalaman niyang may ka-meeting si Kevin na bagong investors at maging sila, dumaan sa imbestigasyon ni Cinder. Nang makita na malinis naman ang background ng mga iyon, hindi pinigil ni Cinder ang deal sa pagitan ni Kevin at ng kausap nito. Ngayon na gagamitin nila si Kevin para mahuli at makakalap ng mga evidensya laban sa kasosyo ni Kevin at maging ang tao sa likod nila, kailangan niyang protektahan nang mabuti si Kevin. Kaya ang pagpunta at pag-inom nito sa high end club ay alam niya rin. In fact, Cinder followed him there. And when she's busy watching Kevin drinking those liquors like he's in a drinking match, some men approach Cinder. Cinder was keeping an eye on Kevin but she was apprehended, got her mouth covered up, and got dragged to the back of the bar. Gustuhin niyang kumawala, ayaw naman niyang makatawag ng atensyon, hinayaan ni Cinder na d
TALAGANG bodyguard siya nito? Like, as in? Hindi pa rin makapaniwala si Cinder na bodyguard na siya ni Kevin, iyong ultimate crush niya slash subject for protection! Dahil halata ni Chlyrus na lumilipad pa rin ang utak niya, sandali nitong kinausap si Kevin para palabasin ng office nito. Kita nga sa mukha nito ang pag-ayaw pero dahil boss si Chlyrus, sumunod si Kevin. Noong silang dalawa na lang, tumaas ang kilay ni Cinder noong sulyapan niya si Chly. “Ano 'yang sinasabi mong bodyguard ako? The heck, Chly!”Tumikwas din ang kilay ni Chlyrus at pinasadahan siya ng tingin. “I thought you were going to like my surprise for you.”Napahigop siya ng hangin at hindi makapaniwalang tumingin dito. “Hoy, Chly, kahit crush ko iyong lalaking iyon, hindi ako matutuwa kung bodyguard niya ako. Kita mo ang laki ng katawan ni Kevin? He seems to love working out tapos sa sexy kong 'to, bodyguard niya ako? Baka siya pa ang magbantay sa akin kesa ako ang magbantay sa kanya.”Kumunot ang noo ni Chlyru
BUMABA si Cinder at Kevin noong huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay ng lalaki. Tiningala ni Cinder ang may kalakihang bahay at hindi siya nagpahalata na alam na niya ang itsura ng bahay. Umakto siyang namamangha at nilibot din ng mga mata ang malawak na courtyard. Binalik niya ang tingin sa bahay na mukhang maaliwalas naman ngunit parang may kulang. How to put it into words, desolate? Yeah, that's the word. Not in appearance but in feelings. Parang ang lungkot tingnan ng bahay na nasa harapan. Pinilig ni Cinder ang ulo at sinulyapan si Kevin. “Ilan kayong nakatira dyan? Mukhang malaki ang bahay na 'yan, ha?”“Ako lang mag-isa. Pupunta lang iyong naglilinis kapag kailangan.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Cinder. Diretso magsalita ng Tagalog 'tong si Kevin? Hindi niya alam pero nanibago yata siya? Sa itsura kasi ni Kevin, parang hindi nagsasalita ng Tagalog at kung may instances na ganoon, parang slang dapat 'di ba? Ngayon, pinatunayan nitong marunong na itong mag-Tagalog.“Wh
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa k
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na ma
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...
Chapter 91HINDI na nagpaliwanag pa ang lalaki, pero iniabot nito ang isang business card. “Hindi ko pa kayang ipaliwanag ngayon, pero kapag may pagkakataon, pag-usapan natin nang mas detalyado.”Tiningnan ng lalaki si Andrei na nakahandusay pa rin sa lupa habang hinihingal, “Wala kang dapat ipag-alala. Simple lang ang relasyon niya sa babaeng ’yon. Andrei is mine.”Bigla na lang napalitan ng pagkabigla ang galit na ekspresyon ni Daemon… May kakaiba bang aura si Patricia na puro mga... bakla ang napapalapit sa kanya? Bigla ni Daemon naalala ang huling beses na “napagsamantalahan” siya at agad sumama ang pakiramdam niya. Napaatras siya nang hindi sinasadya, ayaw na niyang makasama pa ang dalawang taong nasa harapan niya.Pero hindi na siya hinintay magsalita ng lalaki. Yumuko ito, hinawakan si Andrei sa braso, saka binuhat sa balikat at naglakad papunta sa isang Mercedes-Benz na nakaparada sa gilid ng kalsada.Kumunot ang noo ni Daemon, halatang hindi natuwa, at ang buong ekspresyon n
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga