Share

Chapter 9

“Asan ka pala kahapon? Bigla ka na lang nawala ah?” Tanong sa akin ni Chelsea, isa sa mga representative.

“Ahh May emergency lang” pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman siya pati na rin ang mga chismoso at chismosa na nakikinig ngayon, akala niyo hindi mahilig sa chismis ang mga matatalino? Ito ang isa sa mga ebidensya na scam lang ‘yon.

Walang ano ano ay umupo na ako sa harap ni Anthony. Lamesa ang pagitan namin. Naroon na ang lahat ng mga books, encyclopedia, syllabus na kakailanganin namin sa training. Nakita ko mula sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin pero di ko na lang pinansin at kumuha ng syllabus. Ilang minuto na akong nakatitig sa pahinang binabasa ko pero wala pa ring kahit na anong pumapasok. Leche naman kasi eh! Bakit ba hanggang ngayon nakatitig siya saakin?

Kumalampag ang lamesa ng padabog kong ibinaba ang syllabus na binabasa. Napatingin naman ang lahat sa akin pero hindi ko na lang iy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status