Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Present Day

"Who are you? Paano ka nakapasok dito?" aniya habang gagap pa rin ng mahigpit ang leeg ko.

"Hindi po ako masamang tao! I need a help, please help me.." Sumungaw ang luha sa gilid ng mata ko.

"I don't believe you!" Naningkit na ang mga mata nito sa akin.

"No, please.. wag n'yo po akong ibibigay sakanila.." Lakas loob kong ginagap ang isa nitong braso.

Bumaba ang tingin nito sa kaniyang braso na aking hawak-hawak.

"Please..." I utter shakily. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

Sandali itong natigilan at pinagmasdan kung paano ako tahimik na umiyak.

Doon kami nakarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto. Mas naging mahigpit ang pagkapit ko sa braso nito habang wala nang ampat sa pag-iyak.

I saw his jaw start working and looked at me darkly.

"Sino yan!" His voice thundered making my whole body flinch.

"May mga police ho sa ibaba. Gusto daw po kayong maka-usap," wika ng boses sa labas.

Doon na nanginig ang buo kong katawan. Siguradong sila Dolfo ang mga 'yon. Marahil ay may nakakita sa pagpuslit ko dito sa barko.

"Wag n'yo po akong ibibigay sakanila! Parang awa n'yo na.." Pagmamakaawa ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago lumuwag ang pagkakasakal sa aking leeg.

"Stay here, wag kang gagawa ng ingay. Babalik ako agad." He lowered down his voice and looked at me evenly.

I swallowed the lamp in my throat and nodded affirmatively.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa loob ng silid habang hinihintay itong makabalik. Paano kung sabihin nilang isa akong kriminal? o palabasing magnanakaw para mapilit akong lumabas?

"No, hindi pwede.."

Tumuwid lang ako ng tayo nang bumukas ang pinto. Diretso ang tinging binato niya sa akin na siyang nagpanginig ng buo kong katawan.

Ipapahuli naba niya ako? Alam naba ni Dolfo na nandirito ako? Sunud-sunod ang naging pag-iling ko sa isiping 'yon.

Ngunit lihis doon ang inaasahan ko nang pumasok ito sa isang silid at nang lumabas ay may dala ng puting T-shirt

"Here's some clothes, medyo malaki 'yan dahil XL ang size ko. Pero pwede na yan kesa d'yan sa suot mo." Inabot nito sa akin ang plus size T-shirt.

"Just turn to your right, naroon ang bathroom. Pwede kang magtagal doon hanggang gusto mo."

Dinukot nito ang kaniyang cellular phone mula sa bulsa at tangka na sanang tatalikod nang tawagin ko.

"Ah, Mr–"

Lumingon ito sa akin na ngayo'y hawak na sa kamay ang kaniyang cellular phone.

"Wag n'yo po akong isusumbong sa pulis. H-Hindi po ako masamang tao." Nanginginig na boses kong sinabi.

Pansin kong umangat ang gilid ng labi nito, "Relax, I need to call my client."

Tatalikod na sana itong nang bumaling muli sa akin. "Just take your time.."

Nakahinga lang ako ng maluwang nang tumalikod na ito palabas ng silid. Hindi ako pwedeng magtagal pa dito, pagka daong ng barko kailangan ko nang makalayo sa lalong madaling panahon.

Ginawa ko ay tinungo ko na ang sinasabi nitong bathroom para maligo.

Siniguro kong kinuskos ko ang singit at kili-kili ko para mawala ang malansang amoy ng isdang kumapit sa akin. Nang masiyahan ay umahon na ako't sinuot ang plus sized nitong T-shirt.

Napa-kagat ako sa labi nang mapagtantong wala akong susuoting under ware. Wala akong nagawa kundi ang lumabas yakap ang roba nitong nakuha kong naka-hanger sa banyo.

Mukhang hindi pa naman ito gamit dahil sa mabango nitong amoy imported. Paglabas ko ng banyo ay naabotan ko na itong nakaupo sa sofa set.

Bumaba ang tingin ko sa medicine kit na nasa lamesa.

"Let's clean up your wound." He tapped his side.

"Ho?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatanghod dito.

"I said, dito ka maupo." Muli nitong tinapik ang katabing upoan at tumingala sa akin na seryoso ang mukha.

Sa labis na kaba at takot sa pwede nitong gawin pag hindi ko sinunod ang gusto niya'y mabilis akong tumabi dito.

I gasped heavily as I smell his muscular scent. Gusto kong pumikit at sandaling kalimutan ang dahilan kung bakit ako narito.

Napapitlag ako nang hawak nito ang binti ko at dahan-dahang ipatong sa lamesitang nasa aming harapan.

"Where did you get that wounds?" Umpisa nito habang nilalapatan ng antiseptic and bahaging may sugat.

Napapikit ako sa kirot at sa marahan nitong paghawak sa aking binti na tila nag-iiwan doon ng kakaibang init.

"Sa gubat," I answered.

"Hmm, where are you from, then?" Mahina nitong saad habang ang buong atensyon ay nasa aking sugat.

Bahagya ko itong niyuko. Hindi agad ako nakasagot dahil sa bumangong kaba sa puso nang sulyapan ako nito pabalik.

"Are you, Venice Zuares?" he muttered under his breath.

Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi malaman ang dapat na isagot. Tama nga ako, si Dolfo nga ang naghahanap sa akin kanina.

"Please... wag n'yo po akong ibibigay sa kanya!" Hinawakan ko nang mahigpit ang braso nito.

He arches his brows and tilts his head to his arm.

"Tumatakbo tayo sa bilis na 23 knots, equivalent to 26. 5  miles an hour. Hindi ka na nila mahahabol sa layo natin." he chuckled a bit and shook his head.

Lumunok ako para pawiin ang kaba at pagkapahiya sa inakto. Kung talagang gusto niya akong ibigay kay Dolfo, malamang ay kanina pa ako bumaba ng barko. Pero hindi, pinahiram pa niya ako ng damit at ngayo'y ginagamot pa ang aking mga sugat.

Napapikit ako ng unti-unti nang maramdaman hapdi sa natamong sugat. Damn it, Venice! napaka lampa mo talaga! Sisi ko sa sarili habang nakapikit.

There, wag mo munang babasain yan, uminom ka rin nito para hindi mamaga at ma-impeksyon 'yang sugat mo." Nilapag nito sa lamesita ang gamot at bahagyang yumuko sa akin.

"Tell me, why are you here? Bakit ka tumatakas sa kanila? Ano ang tinatakasan mo?"

I lick my lower lip, gusto ko man aminin dito ang lahat ay hindi ko magawa. I barely know him just a few hours ago, hindi ako pwede magtiwala agad.

"I-I'm sorry.." Sunud-sunod ako umiling dito.

"Alright, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Bukas pa ng gabi dadaong ang barko sa Queensland Island. Wala akong magagawa kundi tanggapin ka dito. Pero pagkatapos dumaong ng barko, gusto kong umalis ka na."

Muling tumaas ang tingin ko dito. Sa sobrang lapit nito sa akin at madilim na pagtitig ay hindi ko magawang huminga.

"Hindi kita matutulongan kung hindi mo sasabihin sa akin kung bakit pinaghahanap ka ng mga pulis," he said lowly.

Lumunok ako para pawiin ang takot na bumangon sa puso. Sa totoo lang ay wala akong maisip na puntahan kung sakaling dumaong nga ang barko sa loob ng 24 oras. I don't have money in my pocket even my credit cards are left inside my house.

I pursed my lips, buo ang loob na humarap dito, "Salamat sa tulong mo, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Hindi ako pwedeng magtiwala dito kung kahit ang pangalan niya'y hindi ko alam.

His lips twitched a bit, he even arched his brows at me.

"I'm Ellwood Echeverrii.."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status