Share

WAY VI: A DEPENDABLE FRIENDS

MAAYOS na nakarating si Lorie sa simbahan at tahimik na pumasok sa loob at umupo sa pinakaharapan. Nakatitig lamang si Lorie sa harapan habang lumuluha ang mga mata. Gustuhin niya mang mag tanong ay hindi niya ginawa dahil hindi iyon maganda. Maling-mali ang kwestyunin ang Diyos dahil lamang sa mga problemang pinagda-daanan natin.

Habang lumuluha ay hindi mawala sa isip ni Lorie ang mga sinabi ni Cristel, hindi niya lubos na maisip na kahit anong gawin niya para sa asawa ay hindi niya magagawang palitan si Kiesha sa puso nito.

“Hindi ko na po kaya” Sa unang pagkakataon ay nasabi ni Lorie ang mga katagang iyon. Hindi man sa harap ng asawa o sa harap ng ibang tao, kundi sa harap ng Diyos na siyang sinasandalan niya oras-oras. “Hindi ko din po alam kung hanggang kaylan ko panghahawakan ang mga pangako na binitawan ko sa harapan ninyo ng maikasal ako.” Mahinang bulong ni Lorie sa sarili. Patuloy siyang lumuha hanggang sa mahimasmasan siya at punasan ang mga luhang tumakas sa kaniyang mga mata.

“Lorie, Ija” Agad na napatayo si Lorie ng makarinig siya ng boses sa kaniyang likod.

“Sister”

“Kanina pa ako nandito.” Wika nito saka umupo sa tabi ni Lorie. Tinitigan nito si Lorie at hindi niya maiwasan maawa dito. Kilala si Lorie sa buong simabahan bilang mabait, mapagbigay at maasahan na babae at maybahay. Dahil ilang beses na ito nagpabalik balik sa simbahan upang mag abot ng tulonh at sinusuportahan din nito ang ilang charity event ng simabahan.

“Pasensya na po at pumunta ako dito ng walang pasabi.” Nahihiyang sabi ni Lorie saka umupo sa tabi ng Madre. Hiniwakan nito ang muka ni Lorie at pinunasan ang takas na luha sa pisngi nito.

“Laging bukas ang tahanan ng Diyos para sa mapagmahal na tulad mo.” Sabi ng madre saka tinitigan si Lorie ng malamlam. “Kung ikaw ay nasasaktan ng lubusan ay humingi ka lamang ng tulong sakaniya at asahan mo na magiging mabuti ang lahat. Hindi ka niya pababayaan at kakalimutan dahil kahit kailan ay hindi mo din siya kinalimutan.” Sabi nito saka hinaplos ang kamay ni Lorie nang may ngiti sa labi. “Hayaan mo ang Diyos ang magparusa sa taong nagpapahirap sa puso ko ngayon. Basta alam mong tama ang ginagawa mo ay wala ka dapat ikabahala, dahil sa mata ng Diyos ay walang kasalanan ang nakakatakas.” Dagdag pa nito saka tumayo. “Halika bisitahin mo ang mga bata para gumaan kahit paano ang iyong kalooban.” Sabi nito saka inalalayan si Lorie sa gilid ng simabahan kung saan namamalagi ang mga bata na pinabayaan ng magulang.

“Ate Lorie!” Sigaw ng isang batang lalaki na puno ng tsokolate sa muka. Mataba ang pisngi nito kaya naman ay hindi napigilan ni Lorie na kurutin ang pisngi nito.

“Johan, ang laki mona! Pataba kana ng pataba.” Natatawang sabi ni Lorie habang pinang-gigigilan ang pisngi ni Johan.

“Masakit po ate Lorie” Reklamo ng bata, natatawa namang binitawan ni Lorie ang pisngi ng bata at nag sorry. “Ang tagal niyo po kaming bisitahin. Namiss ka na po namin nila Yesha at Meysha” Pagtukoy nito sa dalawang kalarong babae na kambal.

“Naging busy lang si Ate Lorie, Pero nandito na ulit ako” Aniya saka hinawakan sa kamay si Johan. “Tara puntahan natin ang mga kalaro mo” Aniya, Excited namang tumango ang Bata at mabilis na hinila si Lorie papunta sa grupo ng mga bata na naglalaro. Tiningnan pa ni Lorie ang madre na nakangiti namang tumango sakaniya.

“NANDITO NA SI ATE LORIE!” Sigaw ni Johan para mapunta sakanila ang atensyon ng lahat. Agad namang tumayo ang iba at tumatakbong sinalubong si Lorie. Ang iba ay yumakap sakaniya habang ang iba ay gustong magpakarga.

“Mga bata, hindi kayo kaya ng ate Lorie niyo lahat” Suway ni Sister Ethel sa mga bata. Tumigil naman ang iba saka bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Habang naiwan naman si Johan at ang kambal na batang babae.

“Ate Lorie, san ka po galing? Ang tagal niyo pong bumalik” Naiiyak na sabi ni Yesha. Agad namang umupo sa damuhan si Lorie at kinandong si Yesha na siyang pinaka maliit sakanilang tatlo.

“Wag ka na malungkot, may binili akong regalo para sainyong lahat.” Aniya na siyang nagpaliwanag sa muka ng tatlong bata. Tumayo si Lorie habang karga si Yesha, saka lumapit kay sister Ethel.

“Sister, kaylangan ko po ng tulong para makuha ang mga regalo sa likod ng kotse ko.” Aniya. Napatango naman ang Madre at tinawag ang ilan pang mga madre para kunin ang ilang mga regalo sa kotse ni Lorei.

“Hintayin niyo ako dito kukunin ko lang ang regalo niyo” Aniya saka mabilis na sumunod sa mga madre.

Binuksan niya ang sasakyan niya at binigay ang ilang regalo sa mga madre habang ang iba naman ay hawak niya. Nang matapos ay muli niyang hinarap ang mga bata at isa-isang binigay ang regalo. Walang katumbas na saya ang nararamdaman ni Lorie nang makita niya ang ngiti sa labi ng mga bata at wala nang masgagaan pa sa pakiramdam sa tuwing magpapasalamat sakaniya ang mga bata.

Lumipas ang dalawang oras, nagpaalam na si Lorie sa mga bata at sa mga madre. “Babalik po ako kapag may libreng oras po ako.”

“Maraming salamat sa kabutihan ng iyong Puso Lorie. Nawa’y kung ano mang ang iyong pinagdadaanan ay malagpasan mo ito ng may ngiti sa labi.” Sabi ni Sister Ethel. Napa ngiti naman si Lorie saka tumango.

“Maraming salamat po”

Oras na ng tanghalian, pero wala paring balak umuwi si Lorie, kaya naman ay na pagpasyahan niya pumunta nalang ang kaibigan na si Mira. Alam niyang day off ito ngayon. Isang ganap na nurse na si Mira habang si Mark at Cassey naman ay Engineer at Architect na. Si Feli at Cristoff naman ay Engaged na. Masaya siya sa mga narating ng mga kaibigan niya at hindi na siya maka paghintay pa sa mga darating pang blessings para sakanila.

“Buti naman naisipan mong bumisita” salubong sakaniya ng kaibigan ng makapasok siya sa condo nito. “Kala ko nakalimutan mo nang may kaibigan ka pa rin.”

“Ano ka ba, naging busy lang sa bahay. Alam mo namang 3rd year anniversary namin ni Lander kahapon diba.” Paliwanag ni Lorie. Saka umupo sa couch.

“Dumating naman ba ang magaling mong asawa?” Tanong ni Mira. Tiningnan lang siya ni Lorie na may tipid na ngiti. Napa-iling nalang si Mira dahil alam na niya ang sagot kapag ganon ang tingin sakaniya ng kaibigan niya.

“Are you okay?” Biglang tanong nito sa kaibigan.

“Okay lang” kibit balikat na sabi ni Lorei sabay inom ng juice sa baso.

 Hinila naman ni Mira si Lorie patayo, “Hindi sapat yan, Tara kila Feli tayo” sabi nito saka hinila papasok sa kotse si Lorie. Aangal pa sana si Lorie pero hindi na niya ginawa dahil muli nanaman niyang naalala ang mga sinabi ni Cristel. Ayaw niya maniwala sa ideya na iyon pero may parte sakaniya na sobra siyang nasasaktan.

Nang makarating sila sa Condo ni Feli ay gulat na gulat pa ito ng makita si Lorie.

“P-Pasok” utal na sabi niya. Agad na pumasok si Lorie habang si Feli naman ay agad na hinila si Mira papunta sa kusina.

“Anong binabalak mo?” Tanong niya kay Mira gamit ang mahinang boses para hindi marinig ni Lorie kung ano man ang pinag-uusapan nila.

“What!? Wala! Look at Lorie, Sobrang nahihirapan na siya sa buhay niya. I just want her to relax her self.” Dipensa ni Mira sa sarili saka sinilip si Lorie sa sala na tulala lang sa T.V.

Napasapo naman si Feli sa sariling noo. “Nakita ko si Lander kanina, hindi ko sure kung naka-alis na siya” Bulong ni Feli na kinagulat ni Mira.

“What the hell!” Hindi na nito napigilan ang pagtaas ng boses. Agad naman niyang natakpan ang bunganga saka sinilip si Lorie, pero nanatili pa rin itong nakatulala.

“Wala nakong magagawa nandito na si Lorie. Ang gawin nalang natin ay Hintayin nayin maka-alis si Lander bago kayo umuwi, ayos ba?” Suhesyon ni Feli na siyang sinang-ayunan ni Mira. Kinakabahan man ay nilapag ni Feli ang ilang canned beer sa coffee table habang dalawang box ng pizza naman ang nilapag ni Mira.

“ How are you?” Pagbubukas sa usapan ni Feli.

“Fine” tipid na sagot naman ni Lorie saka inom ng Beer.

“Lagi naman yan ang sinasabi mo samin. Ayos ka pero hindi naman talaga” Parinig ni Feli kaya siniko siya ni Mira para manahimik naman.

Natawa naman ng bahagya si Lorie saka tiningnan ang mga kaibigan niya. “Okay lang, kase pagsinabi ko na hindi ako okay may susunod pa kayong tanong. Kaya sasabihin ko Okay lang” Aniya. Nagkatinginan si Mira at Feli saka nagbuntong hininga. Tumagal ang kwentuhan nilang tatlo tungkol sa kung ano-anong bagay. Pilit nilang pinapasa ang topic kay Lorie pero pilit naman ni Lorie na iniiba ang usapan. Hanggang sa sumapit na ang ala’ sais ng gabi. Dahil sa kalasingan ay Tulog na si Feli at Mira. Tila nakalimutan ang mga plano nila kanina. Habang si Lorie naman, kahit may tama na ng alak ay nasa tamang pag-iisip pa naman siya.

Tahimik at dahan-dahan niyang niligpit ang mga kalat sa sala, nang matapos ay kinumutan ang dalawang kaibigan bago buksan ang pintuan. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng bumukas ang isang pintuan hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.

Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata niya ng makita niyang lumabas sa pintuan na iyon ang taong hindi niya inaasahan na makita ngayon.

“Thanks for coming honey” Sabi ng babae sabay halik sa labi ng asawa niya.

“For you” ngiting sabi ng asawa niya. Pero hindi iyon ang nag pasugat ng sobra sa puso niya. Dahil ang makita niya ang ngiti ng asawa niya na kahit kaylan ay hindi manlang pinakita sakaniya kahit na isang beses manlang ang siyang nagpasakit sa puso niya ng sobra.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Lorie at dahan dahan niyang sinara ang pinto. Napahawak siya sa dibdib niyang naninikip at tahimik na umiyak upang hindi magising ang mga natutulog niyang kaibigan. Wala ng sasakit pa sa katotohanan na kahit anong pagmamahal ang ipakita mo sa isang tao, kapag ito ay may minamahal na iba ay wala kang magagawa kundi ang tanggapin iyon at magparaya. Ano bang magagawa niya? Asawa lang naman siya sa papel pero si Kiesha ang tunay na nag mamay-ari sa asawa niya.

Nahihirapan man ay pinilit pa rin ni Lorie ang tumayo at umalis sa lugar na iyon. Nang makarating sa labas ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang kaisa-isang taong makakatulong sakaniya.

“Babes, napatawag ka?” Boses ni Cristoff sa kabilang linya. Hindi nakasagot si Lorie dahil pinangungunahan siya ng hikbi. “Hey! Naiyak ka ba? Nasan ka? Pupuntahan kita” sunod sunod nitong sabi.

“K-Kay Feli.” Ayon na lamang ang nasabi niya saka pinatay ang tawag. Napa-upo sa gilid si Lorie at doon umiyak ng umiyak. Pinagtitinginan na siya ng ibang nadaan don, sumabay pa ang biglang pagbagsak ng malakas na ulan, pero wala na siyang pakeelam doon mas gusto niyang mailabas ang sama ng loob na kinimkim niya.

Ilang minuto pa ang hinintay bago tuluyang nakarating si Cristoff. Nag-aalala siyang lumapit kay Lorie at Tinulungan itong tumayo. Bakas ang panghihina ng katawan nito at mainit ang katawan nito.

“Ang tagal mo naman” Sabi ni Lorie ng makita niya si Cristoff, animoy tinamaan na ng uninom na alak.

“What the hell you’re doing to your self Lorie! Magagalit nanaman sayo ang asawa mo!”

“Asawa?” wika nito saka tumawa ng peke. Naupo naman si Cristoff sa driver seat saka tiningnan si Lorie. Hindi niya maiwasan na maawa sa kaibigan. “ Wala namang pakeelam yun saken.” Halos bulong na sabi ni Lorie pero sapat na iyon para marinig ni Cristoff ang sinabi ng kaibigan. Gustuhin mang magsalita ni Cristoff ay mas pinili nalang niya ang manahimik at magmaneho pauwi sa bahay ni Lorie. Nakatitig lang sa daan si Lorie habang pilit na inaalis sa isipan ang mga nakita niya kanina. Gusto man niyang umiyak ay hindi niya magawa dahil baka makita siya ni Cristoff. Ayaw niya na kinakaawaan siya ng iba dahil lang sa estado ng buhay niya.

Nang makarating ay nakita ni Lorie ng kotse ng asawa at nakarating na ito galing sa babae niya. Akmang bababa si Cristoff para pagbuksan siya ng pinto ng pigilan niya ito.

“Wag kana mag abala pa. Salamat sa paghatid. Wag kana sumilip baka makita ka pa ni Lander. Pagbaba ko umalis kana agad” Aniya saka tuluyang lumabas ng sasakyan kahit malakas ang ulan. Katulad ng utos niya ay agad na umalis si Cristoff upang hindi na lumaki ang gulo dahil alam niya ang ugali nito.

“Lorie!” Napatingin siya sa Loob ng bahay nila ng marinig niya ang pagtawag sakaniya ni Manang Cristina. Akma itong susugod sa ulan ng pigilan siya ni Lorie.

Mabilis na lumakad papasok si Lorie kahit na umiikot ang paningin niya. Nakahit na basang basa na siya ng ulan ay nararamdaman niya ang init ng buo niyang katawan.

“Jusmiyo kang bata ka! Saan ka ba galing at basang basa ka ng ulan!” Sabi ni matanda habang pinupunasan ang ulo niya.

“Nanjan na po ba si Lander?” Tanong niya, natigilan naman sa pagpupunas si Manang Cristina at hinarap ang alaga.

“Oo nasa sala. Wag na sana kayong mag-away” Ani nito. Tipid lang na ngumiti si Lorie saka pumunta sa Sala. Alam na niya ang sunod na mangyayari.

“SAAN KA GALING!?” Salubong ng asawa niya. Galit na galit itong tumingin sakaniya.

“Kila Feli, Uminom lang ng konti” Sagot niya.

“PERO INABOT KA NG GABI!” Mas malakas na sigaw nito.

“Pwede bang bukas mo nalang ako pagalitan? Napapagod na kase ako.” Mahinahon na sabi ni Lorie, umaasa na sana ay pumayag ang asawa dahil masama talaga ang pakiramdam niya at ano mang minuto ay bibigay na ang katawa niya.

Mabilis na lumapit sakaniya ang asawa niya at hinawakan siya sa braso ng napaka higpit. Aangal pa sana siya ng nasasaktan na siya pero hindi niya nagawa ng tingnan siya ng matalim ni Lander.

“Sino ang nag hatid sayo? Kabit mo!? Lalaki mo!? Natututo kana ngayon luman—” Hindi na natapos ang sinasabi niya ng may lumapat na palad sa pisngi niya.

Nabitawan niya ang braso si Lorie dahil sa gulat, hindi niya inaasahan ang dadapo ang palad ng asawa sa pisngi niya.

Puno ng luha na tiningnan ni Lorie ang asawa, “Ang kapal ng muka mo sabihin saakin yan. Wag na wag mong ipapasa saakin ang kasalanan na ginawa mo” May diin na sabi ni Lorie. “Wag na wag mo ako pararatangan na may kabit dahil alam kong alam mo na sa ating dalawa…” Aniya saka dinuro ang asawa, “ Ikaw ang may kabit, at hindi ako” Dagdag ni Lorie na siyang kinatigil ni Lander. Hindi siya makapaniwala na nalaman ng asawa niya ang lihim na pagkikita nila ni Kiesha.

“Bakit Lander, Bakit mo nagawa sakin to? Kulang pa ba lahat ng pinapakita ko sayo? Nakukulangan ka pa ba sa lahat ng pinaparamdam ko sayo!?” Hindi na napigilan ni Lorie ang Pagtaas ng boses niya. “Alam kong hindi ka masaya sa kasal nato, Alam kong kahit anong gawin ko hindi mo magagawang buksan ang puso mo. Pero bakit!? BAKIT!?” Sigaw niya.

“Hindi kita mahal, at Hinding hindi kita magagawang mahalin.” Sabi ni Lander saka tuluyang tinalikuran ang asawa. Napatitig sa kawalan si Lorie, Sa konting kataga na iyon ay milyon- milyong karayom na ang tumusok sa puso niya. Unti- Unting nanghina ang katawan si Lorie at lumabo ang paningin hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang katawan niya sa sahig.

“LORIE!” Sigaw ni Manang Cristina ng makitang bumagsak ang alaga sa sahig .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status