Share

Chapter 6: Secret Feelings

WKM Ch6: Secret Feelings

"May gusto ka ba sa 'kin?"

His eyes widened and lips were partly opened. Nakita ko pang ilang beses siyang napalunok na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. 

I smirked because of his reaction. Halata masyadong may tinatago!

"H-ha? Ano ba ang pinagsasabi mo?" gulat na sagot ni Matt. 

"Asus! Pa-blind pa masyado!" asar ko kaya unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. 

"Ikaw, Araw, tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, ha! Hindi kita magugustuhan, uy! 'Di tayo talo!" sabi niya at tumayo na mula sa pagkakahiga. 

I silently giggled because of it. Kung maka-deny parang hindi halata sa kilos at reaction! 

Indeed, action speaks louder than words, and he is the best example of it. I wonder if Sunny already knew about this.

Gosh! Bakit feeling ko magiging cupid pa yata ako ng dalawang 'to?

My brows furrowed when he picked his bag and wear his cap. Aalis na ba siya?

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko nang maglakad na siya papunta sa pinto. He stopped and glanced at me.

"Uuwi na ako. Kulang ka yata sa tulog kaya sabog utak mo," masungit na sagot niya at inismiran pa ako. 

"Ito naman, 'di na mabiro! Joke lang, eh!" I laughed which made him hissed and continued walking out the door. 

"Balikan na lang kita mamaya. May pupuntahan lang ako. Magsaing ka ng maraming kanin ako na bahala sa ulam," sabi niya pa bago tuluyang isara ang pinto ng apartment ko-- ni Sunny.

Nang maiwan na ako mag-isa rito ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. 

What to do now?

Inilibot ko ang tingin at nakita ang nagkalat na mga gamit ni Sunny. Ano bang pinagkakaabalahan niya at mukhang wala na siyang panahon para ayusin ang mga gamit niya?

Lumapit ako sa nakatumbang picture frame sa ibabaw ng side table at kinuha 'yun. I stared at it for a moment then a smile slowly formed on my lips.

Kagaya nang nasa gallery niya ay si Matt pa rin ang kasama niya sa larawan na 'yun. 

Mukhang matagal na ang picture na 'to dahil mukha pa silang mga bata. High school students perhaps. 

Napunta naman ang tingin ko sa lower right corner no'n at binasa ang nakasulat.

My first photo with my bestfriend <3

They sure look so sweet to be only tagged as 'best friends'. Mukhang label na lang kasi ang kulang sa kanila. I wonder if Sunny also feels the same towards Matt.

Sa tingin ko ay hindi naman malayong hindi niya magustuhan ang lalaki kasi mabait naman siya tapos gwapo pa. Idagdag na rin ang tagal ng panahon nila na magkakilala. 

But well, who knows if she does feel the same towards him? Or if not, maybe she has her reasons, and I should not meddle with their lives. Nandito lang ako sa katawan ni Sunny pansamantala at alam kong wala akong karapatan na mangialam sa mga desisyon niya sa buhay.

Matapos ang ilang sandali ay maayos ko 'yung ibinalik sa side table. Inilibot ko ulit ang tingin habang nag-iisip kung ano ang gagawin. 

Sunny's life is quite interesting but I have to go back to my body. Hindi pwede na magtagal pa ako rito sa katawan niya. Hindi naman kasi ito sa akin at sa tingin ko ay hindi tama na manatili pa ako rito. 

But wait, ngayon na nandito ako sa katawan niya, e 'di nasaan na siya ngayon?

Is she wandering around just like what I did yesterday?

"Sunny?" tawag ko nang maisip na baka nandito lang siya sa paligid at nakamasid. Who knows? Maybe she's just right here getting mad at me while I'm invading her privacy!

"Sunny kung nandito ka, just give me a hint! Sorry, hindi ko kasi alam kung paano makakaalis sa katawan mo. Invading your body wasn't my intention either. Kaya sorry!" sabi ko sa kawalan. I just hope she can hear me. 

Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas habang naghihintay ako na may magparamdam pero wala naman akong naramdamang kakaiba. And so I decided to go to the hospital. Baka nandoon na ulit si mama o 'di kaya si Darius. 

I badly want to see and comfort them. Kung pwede ko nga lang sabihin na ako si Guia ay gagawin ko talaga para hindi na sila mag-alala. 

Pero paano namang hindi sila mag-aalala? My body's half dead lying on the hospital bed with those machines supporting my life. 

I shrugged of my nonsense thoughts and went to the bathroom. 

Pagkatapos kong maligo ay nangalkal ako ng mga damit sa cabinet niya. 

"Gosh! Sunny, ang weird ng fashion sense mo! Wala ka bang magagandang damit?" reklamo ko nang hindi ako makahanap ng damit niya na pasok sa standards ko. 

Kung nakilala ko lang siya noong nasa katawan ko pa ako ay sana tinuruan ko na siya ng tamang pananamit. Her fashion sense is so... manang!

I was left with no choice but to wear this faded ripped jeans and a plain black shirt. 

"Okay na siguro 'to," I said to myself as I watch my reflection-- Sunny's reflection on the mirror. Actually, this girl has a nice face. Siguro kulang lang siya sa skin care kaya may mga blemishes pero okay lang naman. 

Matapos kong mag-ayos ay umalis na ako at dumiretso sa ospital.

Habang naglalakad papunta sa ICU ay nakita ko si Betty sa 'di kalayuan. I smiled as I confirmed that she's really my friend, Betty.

I was about to call her but then I remembered that I am Sunny for now, I halted. Kahit na tawagin ko siya ay hindi niya rin naman ako makikilala.

This situation is making me insane! I just want to be with my friends and comfort my family... pero hindi ko 'yun magawa dahil iba ang katauhan ko ngayon. 

This is really frustrating!

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sundan na lang siya papasok ng ospital.

Is she going to visit me?

Patuloy ko lang siyang sinusundan pero napakunot ang noo ko nang mapagtanto na hindi sa ICU ang tungo niya. Where is she going then?

I continued following her until she went inside a room. Saglit akong huminto at inilibot ang paningin. 

My forehead creased when I realized that she entered the OB-GYNE's clinic. Anong ginagawa niya diyan? Is she pregnant?

Out of curiosity, umupo ako sa upuan sa labas ng kwarto. I want to know i* she's really pregnant or what. Pwede rin naman kasing nagpacheck up lang siya 'di ba?

Naghintay pa ako ng mahigit talumpong minuto bago siya lumabas. Nagulat pa ako nang magsalubong ang mga mata namin pero agad din naman niyang inalis ang paningin sa'kin. 

"Love!" she exclaimed and hugged the man who's wearing a polo shirt and pants. 

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto na hindi iyon si Gabriel, na boyfriend niya. Oh my god! Is she cheating on him?!

"The baby is fine. He's healthy!" sabi niya sa lalaki at dinala niya pa ang kamay sa tiyan niya. Wala pa siyang baby bump pero dahil sa sinabi niya ay nakumpirma ko na buntis nga siya pero... hindi si Gab ang ama. 

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Gabriel is also my friend and I can't imagine what will be his reaction if he'll know about this!

Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang makasal kay Gabriel? Goodness!

"Excuse? May problema ba?" 

I was snapped back to my senses when she turned to ask me. Nakataas ang kilay niya at mukhang hindi nagustuhan ang pagtitig ko sa kanila. 

"U-uhh... w-wala. Sorry." Tumayo ako at dali-daling umalis. 

Imbis na pupunta ako sa ICU ay hindi ko na 'yun nagawa. Tulala lang ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naglalakad kasi wala na akong pakialam sa oras. Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari.

I really can't believe it! Buong akala ko ay mahal na mahal ni Betty si Gab pero ano 'yung nakita ko? Does Gab know about this already? Break na ba sila?

I flinched when I heard the phone rang. Pagtingin ko sa caller ID ay pangalan ni Matt ang nandoon. I answered the call and waited for him to speak. 

"Nasaan ka?" His hoarse voice lingered through my ears. I don't know, but I found his voice sexy and attractive. Nang-aakit ba siya? "Nasaan ka?"

I cleared my throat when he asked me again. "P-pauwi na."

"Sige. Nakapagsaing na ako, may ulam na pati." Nakonsensya naman ako nang maalala na ako pala dapat ang magsasaing ngayon. Nakalimutan ko pa tuloy! 

When the call ended, sumakay na ako ng jeep pauwi sa apartment. Mukhang nasasanay na yata ako na maging si Sunny. I know this isn't right and I have to do something to get out from her body... pero hindi ko talaga alam kung paano. 

Nang makauwi na ako ay agad akong sinalubong ng nakangiting si Matt. He's smiling wide as if he is so happy to see me– to see Sunny. Is he really that in love? Ngumiti na lang din ako para hindi maging awkward. 

"Saan ka galing? Akala ko pa naman may kanin na pagbalik ko rito," mukhang nagtatampong saad niya. 

I sighed and sit on the mono block chair. "Binisita ko lang 'yung kaibigan ko sa ospital." 

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa'kin. Gosh! Hindi pa rin kaya siya naniniwala? 

"Saang ospital ba nakaconfine 'yang kaibigan mo?" biglang sumeryoso ang boses niya kaya napaayos ako ng upo. 

"Uh, sa Villanueva. Bakit?" Kung kanina ay nakakunot ang noo niya, ngayon naman ay bahagya nang nakaawang ang mga labi niya. Based on his reaction, he somehow looked surprised. "Uy," tawag ko ulit sa kaniya nang lumipas ang ilang minuto na tahimik pa rin siya. 

Itinikom niya ang bibig niya at napansin ko pa ang ilang beses niyang paglunok. Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan pero sa tingin ko ay wala naman akong karapatan para magtanong. 

"Lalamig na ang pagkain. Kain na tayo," anyaya niya at hindi na sinagot ang tanong ko. Kahit nagtataka pa rin ay tumayo na ako at kumuha ng mga pinggan. 

We ate in silence. Hindi siya nagsasalita at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko rin naman magawang tanungin siya dahil naiilang ako. Hindi naman kasi porque nasa katawan ako ni Sunny ay pwede na akong umakto na close kami. 

Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nagpresenta na maghuhugas ng pinagkainan. Kaya ngayon ay nasa labas ako at nagpapahangin. 

Pinanood ko ang abalang mga tao sa baba. Kahit mukhang mga pagod ay nagagawa pa rin nilang ngumiti. Simple lang ang pamumuhay rito hindi kagaya ng buhay na kinagisnan ko. Tsaka ko lang napansin na nakangiti na rin pala ako.

“Alam mo, ate, ngayon pa lang kita nakita na ngumiti.”

Halos napatalon ako nang may biglang may magsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko ang isang batang lalaki na kung titingnan ay mukhang nasa edad na pito o walong taong gulang na. Cute siya. Pero hindi ko siya kilala.

“Ay snob?” saad niya pa at humalukipkip.

“Taga saan ka, bata?” tanong ko at bahagyang yumuko para magpantay kami.

“Huh?” takang tanong niya naman pabalik. Napasapo naman ako sa noo ko nang mapagtanto na baka taga rito lang din ang batang ‘to.

Goodness, Guia! Bakit ba palagi mong nakakalimutan na nasa ibang katawan ka?

“Sunny, pahiram ako ng charger. Saan mo nilagay?” Napatingin naman ako sa loob ng marinig ko ang boses ni Matt.

“Nandiyan lang sa ibabaw ng cabinet!” sagot ko at binalingan ulit ang bata na ngayon ay nakakunot na ang noo habang titig na titig pa rin sa’kin.

“Saan? Wala naman dito!” Napakamot ako sa batok at tumayo na.

“Diyan ko lang nilagay, e!” sagot ko habang naglalakad na papasok. Hindi ko na binalingan ang batang lalaki at hindi ko naman siya kilala. Hindi rin ako mahilig sa bata kaya wala akong panahon para makipagdaldalan sa kaniya.

“Ito na pala, nakita ko na,” nakangising sabi ni Matt dahilan para mapairap ako.

“Miss mo na agad ako? Kalalabas ko lang gusto mo na agad akong makita?” asar ko sa kaniya kaya biglang nawala ang ngisi niya. Ha! Akala mo hindi ako marunong sumabay sa trip mo, ah! “Buti naman at naisipan mo nang magsalita. Akala ko hindi mo na ako kakausapin,” dagdag ko pa.

Tumahimik na ulit siya habang isinasaksak ang charger sa outlet malapit sa kama.

“Sunny…”

“Hmm?” Umupo ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang bawat kilos niya.

“Pwede ba  na ‘wag ka nang… m-magpunta sa o-ospital?” Dahil doon ay bahagya akong natigilan.

“Huh? Bakit naman?” takang tanong ko pero seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa’kin. “Uy… bakit?” ulit ko pero nag-iwas na siya nang tingin. Napansin ko pa na nagpakawala siya ng malalim na hininga.

“Wala,” sabi niya at kinuha na ang bag na nakapatong sa side table. Dali-dali niya ring kinuha ang nakacharge niyang cellphone. “Sige uwi na ako,” dagdag niya at walang lingon-likod na lumabas na ng apartment.

Anong problema niya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status