The next day is dangerously quiet. I finished my shift at the coffee shop with ease, and two subjects have passed without any conflicts. I've passed two quizzes, and we're down to the last one this afternoon.
Our teacher just dismissed us and we're waiting for the next one, then it's lunch time. I was just looking at the window and watching the football tryouts in the field.
Iyong classroom kasi namin ay nasa second floor at nakaharap sa oval kung saan ginaganap ang mga field sports. Nakatunganga lang ako doon nang tinawag ako ni Aesther.
"Kae, I'm going to the CR," paalam niya sakin.
"Samahan kita?" tanong ko naman sa kanya.
"Yeah, sure," sagot niya.
Umalis kami papuntang CR. Ang girl's CR sa school ay may limang cubicle at may tatlong lababo na nakaharap sa isang malapad na salamin.
Pumasok si Aesther sa isang cubicle at naghilamos naman ako sa gitnang lababo. Pagkatapos ko ay pumasok din ako sa isa pang cubicle.
"Aesth, andito ako sa kabila ha," pagpapa-alam ko sa kanya. Nag-okay naman siya bilang tugon.
Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, narinig kong lumabas si Aesther at parang may pumasok na mga babae. Isang minuto ang lumipas at tumayo ako. Akmang magfa-flush na ako nang sumigaw si Aesther.
"Kae! Bilisan mo! Andyan na si Sir. Mauuna na ko ha. Bye," nagmamadaling sabi niya at narinig ko nalang ang mga footsteps niya papalayo. Ni hindi man lang ako nakasagot.
"Well, well, well," may narinig akong nagsalita. Hindi naman siguro ako minumulto no?
Lalabas na sana ako pero noong pinihit ko ang doorknob, hindi bumukas ang pinto. I tried to give all my force, pero hindi talaga bumubukas. I knocked on it and asked kung sino ang nasa labas. Ngunit tawa lang ang narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali, sila iyong tatlong babaeng kulang sa pansin.
"Please, let me out," I pleaded. Ito naman gusto nila eh. Ang magmakaawa sa kanila. Kaya gagawin ko na. "Please."
"Anong tingin mo samin? Easy to please? No bitch, we're not letting you out," sagot niya sa akin. "Let's go girls," dugtong niya.
Nag-panic ako dahil naririnig ko ang mga yapak nila paalis, kaya naman pinigilan ko sila.
"Wait! Wait! Please, let me out. I'll do anything, just let me out, please." Hindi ko alam kung ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang palabasin nila ako. Parang maiiyak na ako dito.
"Anything?" tanong niya.
"Yes, yes, please. I'll do anything, I promise," sagot ko naman at tuluyang naiyak. Sobrang nakakatakot kung iiwan nila ako dito. Paano kung walang maghahanap sakin? Pano kung hanggang bukas ako dito? Hindi. Hindi ko kaya.
"Hmm, if that's the case, be our slave then," sabi niya sakin. Hindi ako nakasagot agad. Slave? Aalilain nila ako? Sobrang alila na nga ako sa bahay, alila din ako dito sa school? Mas lalong naiyak ako sa naisip.
"Pwede bang iba nalang, please? Lilinisin ko 'tong buong CR? Iba nalang, please," I pleaded again. Hindi ko kayang maging alila. Sobra sobra na 'yan kung ganon.
"No? Okay, then. Mabilis kaming kausap. Let's go girls," sagot niya sa akin. Aalis sila? Iiwan nila ako? I felt panic inside me. Hindi pwedeng maiwan ako dito.
"Wait! Please, wait," pigil ko sa kanila. Hinahapo na ako kakaiyak at sumasakit na ang kamay ko sa kakahampas ng pinto.
"You know what, stop wasting our time. We have classes, bitch," sabi niya na parang naiinis na sa akin. Hindi ko man sila nakikita ay alam kong nakakunot na ang mga noo nila.
"Okay, okay. I'll do it," naiiyak na tugon ko.
"You'll do what?" tanong niya. Gusto niya talagang ako mismo ang magsabi.
"I'll be your slave. I'll do it," sagot ko sa kanya.
They opened the door after that. When I got out, napaluhod ako dahil sa panghihina. Medyo huminahon na ako pero nahihirapan pa rin ako sa paghinga. When I looked at them, I saw their smirking faces. How could they be so evil?
"Stand up," utos sa akin ng kanilang leader. "Did I hear it right? You'll gonna be our slave?" tanong niya. Tumango naman ako.
"We should have our rules, Cheska. And if she breaks it, she'll have punishments she will never imagine," dugtong naman ng isa.
"And siyempre, dahil mabait naman tayo, we'll adjust to her schedule," the other girl said with a mocking tone.
Lumakad papalapit sakin ang leader nila. Rinig na rinig ang tunog ng takong niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang umiikot sakin. Pagkatapos ay humarap siya sakin at inayos ang buhok ko.
"Okay. We'll set our rules for you to follow. Every. Single. Day," she said while patting my head.
"First and foremost, you have to talk to us with respect. Try using the word ma'am," panimula niya na may kasama pang tawa. "Second, during lunch, you have to go with us, carry all our things, and order for us. Don't worry, we'll pay for your food too. After dismissal in the afternoon, you also have to carry our things and accompany us in the mall, wait for us to go home before you go home," dugtong niya.
"Third, if we eat at the coffee shop where you work, you should prioritize us and do what you're told," dagdag naman ng isa.
"Lastly, don't let the admin and Aesther know about this, or else, you know what will happen," sabi ng isa pa.
"You know who my dad is, right?" tanong ng leader at tumango naman ako. Mayor ng City ang tatay niya. "So, failure to do your job or breaking it, equals, expulsion," she wihispered right in my ear. The three of them laughed while I was just standing, looking at the floor, and begging myself not to cry again.
"Bye, see you, slave," sabi ng leader na Cheska pala ang pangalan. Pagkatapos noon, ay umalis na sila. If it's just possible to curse them, I definitely will. They are so evil that I'm pretty sure their souls are already damned in hell even though they're still alive.
I washed my face again to conceal the cries I had a while ago. Baka kasi mapansin ni Aesther at tanungin pa ako kung anong nangyari. When I'm satisfied, I went back to the classroom. Wala na si Sir. Baka natapos na ang isang oras na discussion niya.
When I entered the classroom, I was greeted by a very messy place. Ang mga upuan ay dis-arranged at maraming papel ang nakakalat. Walang tao sa loob at may nakasulat sa board na "ang mahuli maglilinis." Pati ba naman 'to?
Wala na akong nagawa kundi ang maglinis. Pagkatapos noon ay umalis na ako ng room. Wala na bang klase? Habang papuntang gate, wala akong nakikitang ni isang estudyante sa paligid. Tinext ko naman si Aesther kung nasaan siya. Ang reply naman niya ay, 'Sorry Kae, umuwi na ako. Sumakit tiyan ko eh'. Kaya umuwi na din ako.
Pagkauwi ko, walang sumalubong sakin ni isang tao sa bahay. Hapon na kaya sigurado akong nasa trabaho si tita at 'yong mga kapatid ko ay pumunta ng mall.
Pagod na pagod ako. Umupo ako sa sofa at binalikan ang nangyari sa akin kanina. Parang maiiyak na naman ako. Sobrang natakot ako kanina sa loob ng cubicle. Takot na maiwan mag-isa, takot na makulong sa isang silid na walang labasan. 'Yong feeling na wala kang choice kung hindi ang sundin 'yong gusto nila para lang makalaya ka.
Pero malaya nga ba ako kung ang kapalit ng paglabas ko ay panibagong pagkakakulong sa isang responsibilidad na hindi ko naman gusto? Malaya nga bang matatawag ang alilain ka? Sobrang sama nila. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak dahil sa kinikimkim na pighati.
Naglinis ako ng bahay at naglinis ng katawan. Pagkatapos noon ay naglaba at nagluto ako. Kumain na din ako dahil baka gabi pa makakauwi ang mga 'yon, at hindi na naman ako tirhan ng pagkain.
Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan, pumasok ako sa kwarto at ginawa ang mga assignments. Tinext ko din si Aesther kung bakit natapos kaagad ang klase.
Me: Bakit natapos kaagad 'yong klase?
Aesth: Hindi ko din alam eh. Sumakit kasi 'yong tiyan ko kaya umuwi kaagad ako. Nag-paalam naman ako kay Sir.
Me: Ganun ba? Pagkapasok ko kasi ng classroom, walang tao. Pati sa labas wala din eh.
Aesth: Ah, kasi may band atang pumunta sa gym ng school. Baka doon pumunta lahat ng tao.
Me: Ah okay. Thanks. Gagawa pa ako ng assignments. Good night.
Aesth: Good night din.
Ilang minuto ang lumipas nang matapos akong gumawa ng assignments. Dumating din sina tita at mga kapatid ko. Kumain sila at naglinis na naman ako ng mga kalat nila.
Pagkatapos kong gawin lahat, naghanda ako sa pagtulog. Humiga ako at pinikit ang mga mata pero pilit namang bumabalik sa isip ko ang nangyari. Nagbilang na ako ng mga tupa, nakailang posisyon na rin akong nagawa pero gising pa rin ang diwa ko.
Ilang minuto ang lumipas at may pumasok na imahe sa utak ko. Nasa mall ako at bumibili ng pagkain. Habang pabalik sa mesa, nakita ko ang tatlong babae na sinisilbihan ko. Hindi pa ako nakarating sa kanila, may biglang pumatid sa akin.
Lahat ng tao sa paligid ko ay tawa ng tawa sa akin. May mga taong tinatapunan ako ng mga pagkain nila. Meron ding binabasa ako ng juice. Sobra ang pag-iyak ko pero tawa lang ang natanggap ko mula sa kanila. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak.
Bigla kong naimulat ang mga mata ko. Nanaginip ba ako? Sobrang init ng pakiramdam ko at tagaktak ang pawis ko sa buong mukha. Tumayo ako at pumunta sa CR. Naghilamos ako ng mukha, tumungo sa kusina at uminom ng tubig.
Bumalik ako sa kwarto at umupo. Sa tingin ko ay hindi na ako makakabalik sa pagtulog. Kaya naman kinuha ko ang aking jacket at lumabas. Pumunta ako sa kalapit na convenience store.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa column ng mga inumin. Kumuha ako ng isang cold chocolate drink at pumunta sa counter para magbayad. Pagkatapos ay lumabas ako at umupo. Konti lang ang tao dahil maghahating-gabi na.
Habang umiinom ako, may umupong lalaki sa upuan kaharap ko. Tiningnan ko siya, at tatanungin sana kung bakit dito siya sa harap ko umupo, eh ang daming bakante sa kabila.
Pero nang makita ko ang mukha niya, napatigil ako. Para siyang anghel. Mula sa wavy niyang buhok, sa makapal na kilay, sa singkit na mga mata, matangos na ilong, makinis na mukha, at mapupulang labi. Ang gwapo niyang tignan sa itim na hoody na suot niya. Nang tumingin siya sakin, nalula ako sa kulay abong mata niya. Bumuka ang bibig niya na nakakaakit tignan.
"Miss, miss!" tawag niya sakin. Natulala ba ako sa kanya? Hala, nakakahiya naman.
"Ah, h-ha?" na-uutal na tugon ko.
"I asked kung pwede bang umupo dito?" tanong niya. Tumango nalang ako at nag-iwas ng tingin upang itago ang hiya.
Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kami. Pero kanina ko pa napapansin ang paminsan-minsang malalim na pagbuntong hininga niya.
Tumayo siya bigla, tinapon ang b****a, at naglakad na papalayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala. Naghintay pa ako ng kaunti ng maramdaman ko nang inaantok na ako. Aalis na sana ako nang makita ko ang isang tissue na may sulat.
"Life is hard," basa ko dito. Hmmm, sinulat ba niya 'to? May problema din ba siya katulad ko? Bakit naman kaya niya naisulat 'to? Dinala ko sa bahay ang tissue at nilagay sa study table ko. Nahiga ulit ako at natulog, nag-aasam na sana makatulog ng maayos.
I kissed her. I’ve kissed her before but this time, it’s different. We are both healed. We both are new individuals, facing challenges together. We’ve been through so much, and I would love to go through more with her. I would love to be with her for the rest of my life. I put the letter down on the table and pulled her into me while our lips are still linked with each other. I pulled her waist closer and my hands draw small circles there. Her hands went from my face up to my nape. She’s clinging on to me, and it gave me a different kind of feeling. Saying butterflies in my stomach is too cliché as an adjective.  
I woke up early in the morning feeling excited about this day. Sa gabi ang hinandang party ni Sid and close friends lang ang invited at mga relatives niya. Bilang pasasalamat na rin niya raw ito dahil malapit na rin siyang grumaduate. Kinaya niya at kakayanin niya. Maraming naniniwala sa kanya at isa na ako doon. He’ll be a great brother and a boyfriend. Boyfriend. I smiled at the thought. Starting later this evening, wala ka nang kawala Sid. Naglinis ako at nagbihis para sa pagkikita namin ni Mav. Sana lang nagpaalam siya ng maayos sa fiancé niya. Ayokong masabunutan mamaya. Kaka-treatment lang nit
We were silent for about half an hour after she said that. I was expecting that she’s sorry at some point but I still was surprised when she dropped the word. Ever since we became bestfriends, she’s not the type to say sorry first. You have to humble yourself first before she admits her faults. And she always justifies her wrongdoings. Kesyo dapat daw maintindihan ko siya dahil it’s her first time, she didn’t know, and any other reasons she might have. Kaya nang nauna siyang mag-sorry, I was caught off-guard. Maybe life did change her, for the better, I guess. “Apology not accepted?” she nervously asked me. Nakatulala lang ako sa kanya, finding every hint of insincerity in her face, but all I can see is h
We’ve been sitting opposite from each other in silence. She would look at me and if I caught her, she would look away again. She’s also fidgeting with her fingers, nervous about something I don’t know. She wants to talk to me but she’s not saying anything since we went inside their bakery. All I can hear right now are the busy sounds of people working in the kitchen baking all kinds of pastries. I took the glass the cold water in front of me and drank from it. I looked at my wristwatch and it’s getting late. I still have to cook for our dinner. I looked back at her and she seemed to not talk anytime soon, so I stood up. &nb
“Congratulations, Kae! I’m so proud of you,” Dr. Jecyl told me and embraced me in a tight hug. This is my last meet with her as a patient but definitely not the last time as a friend. I am so happy I achieved something after a year. A year had passed and a lot of things happened. I have been visiting her clinic once I have free time and therapeutic sessions with her were all awesone and beneficial on my part. I could say – also according to her diagnosis – that I am healed. I don’t have panic attacks anymore and I can control my emotions now. Not that I want to hold all of my emotions, I still have breakdowns, and it’s normal. What I mean is, I am not easily affected like before. I know now when should I
“Ate, you’re done na ba?” my sister asked outside my room. “Malapit na!” I answered back and went to continue preparing. We are going to Ate Kaitlyn today. We agreed to visit her today and eat lunch with her. Matagal na rin kasi noong bumisita kaming lahat doon. Yes, Ate Kheana will be with us. Ang laki na nga ng tiyan niya eh. She’s expected to labor three weeks from now, and I am excited to see my niece. Bunso is excited, too. She even had a schedule na doon na matutulog kila ate para lang makasama ang baby. I am happy na umaayos na ang lagay naming lahat. As for Ate Kaitlyn, she’s also recovering well.