Share

3

Mika

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking katawan, dahan dahan akong nagmulat ng mata at bumangon

Agad na bumaling ang mata ko sa aking tabi at naabutang wala ng tao rito, malamig na Ang unan na kaniyang hinigaan kagabi

Umalis na siya.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa aking napagtanto

Lumunok ako at pinilit ang sarili na tumayo upang makapaghanda na sa umagang ito

Walang emosyon akong tumitig sa repleksiyon ko sa salamin habang tinitignan ang mga hickeys na kagagawan ni Ashton

Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman ngayon, masakit ang katawan ko ngunit parang wala lang ito saakin

Parang bumalik muli sa dati ang mga ginagawa ko pagkatapos niyang umalis, ang mga dating gawain ko ay bumalik

Ang pagiging mag-isa ko ay bumalik, at higit sa lahat ang pagiging tahimik ko

Hindi ko akalain na ganon kadali ang nangyari, parang dumaan lang siya sa buhay ko at saka siya umalis na parang walang nangyari

Na parang hindi kami ikinasal

"Narinig kong uuwi na raw po ang daddy niyo kasama ang kapatid niyo ma'am " ani ni Yna habang sinusuklay ang mahaba kong buhok, katulong siya dito saamin

Malungkot akong ngumiti habang nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin

"Mabuti kong ganon"mahina kong ani

Agad ding nawala ang pilit kong ngiti

Uuwi na sila rito sa bahay

Simula kasi nuong ikasal ako kay Ashton ay nakuha na nila ang perang kapalit ng pagpapakasal namin, agad silang nagpunta sa ibang bansa upang magbakasyon at nagpakasaya

Kung tutuosin ay mas gusto ko kung Wala sila dito sa bahay, tahimik Ang lahat at walang taong nang aalipin at nananakit saakin

"Hindi niyo poba tatanungin kung bakit sila uuwi?" Biglang tanong ni Yna kayat naputol ang aking malalim na pag-iisip

Tinignan ko ang repleksiyon niya sa salamin, nagtataka sa sinabi niya

"May dahilan ba kaya uuwi sila?" Tanong ko sa kaniya at kuryuso din sa kung anong narinig niya sa ibang tao tungkol sa pagbalik nila daddy

Tumango siya at nagpatuloy sa pagsusuklay sa aking mahabang buhok

" Kaya daw sila uuwi ay upang makilala si sir Ashton ang Asawa mo ma'am, nabalitaan kasi nilang uuwi na si sir Ashton dito kayat uuwi na sila upang makilala ito at para daw ma welcome nila ito" Aniya Bago itigil ang pagsusuklay upang tarintasin ang aking buhok

Bigla akong napatigil sa sinabi niya lalo na ng marinig ang pangalan ni Ashton

Uuwi siya rito?bakit?ano pa bang uuwian niya dito?

Bigla akong kinabahan, parang kakaibang pakiramdam ang bumabagabag sa akin

" Saka ang swerte niyo ma'am" Aniya kaya nagtaka ako

"Huh, paano mo naman nasabing swerte ako?" Tanong ko

"Hindi niyo po ba nabalitaan ang tungkol kay Sir Ashton?"bigla niyang tanong at nakuryoso ako

"Anong balita?"

"Nanalo daw po bilang Gobernador si sir Ashton sa Canada" Aniya at napanganga ako

Hanggang sa matapos na ang pag-aayos ni Yna sa aking buhok ay iyon parin ang iniisip ko

"Anong oras daw makakarating sila daddy dito?" Sa wakas ay tanong ko sa kaniya

"Malapit na raw po sila ma'am, ang sabi niya kanina sa tawag gusto niya daw kayong mag-usap pag uwi nila" Aniya

Bigla akong kinabahan dahil doon

Hindi ganito si daddy, hindi niya ako kakausapin kung may walang mali akong ginawa

Hindi parin matanggal ang kaba sa aking dibdib hanggang sa nakarating na sila daddy sa bahay

Nasa sala ako at nakaupo pero ng makitang nariyan na sila ay agad akong napatayo

Nagbaba ako ng tingin

"N-nakarating na p-po kayo dad" aniko, malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi alam kung paano ko ito papakalmahin

Narinig ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa

"Ahhh" sigaw ko ng maramdaman ang isang malakas na sampal na tumama sa aking pisngi

Kaagad akong napapikit, namuo ang mga luha sa aking mata ngunit nanatili akong nakayuko at hindi nagsasalita

Alam kong ito na Ang unang sasalubong saakin pag balik niya rito

"Napaka walang kuwenta mo talaga" sigaw niya at muli akong sinampal

Dahil sa lakas ng kaniyang sampal ay napaupo ako sa sahig, kaagad akong humawak sa aking pisngi dahil sa sakit nito

Nasa sahig parin ang aking titig, tuluyang tumulo ang luha ko ngunit tahimik lang akong umiyak habang pinapakinggan siya

"Babalik ngayon si Ashton Hernandez dito sa pilipinas at Isa lang ang ibig sabihin non, makikipaghiwalay na siya sayo dahil sa katangahan mo.... Sinabi ko na sayo nuong una palang na ibigay mo lahat ng kailangan niya sayo para hindi siya makipaghiwalay sayo pero tignan mo ngayon----- " hindi niya tinapos ang sasabihin

Ang hawak niyang tungkod ay pinukpok niya sa aking ulo

"Aghhh" mahina kong aray

"Nakakabwisit ka, gawin mo ang lahat upang huwag siyang makipaghiwalay sayo. Kapag nalaman kong makikipaghiwalay siya sayo lagot ka saakin" Galit niyang ani at umalis sa aking harapan

Saka ako nag-angat ng tingin pag-alis niya

Naabutan ko si Aira, ang kapatid ko na nakaupo sa sofa habang pinapanood akong magdusa at maghirap. Hawak hawak niya ang kaniyang cellphone pero hindi ito naka open, tumayo siya at naglakad palapit saakin

Ang akala ko ay tutulungan niya ako pero hindi, lumuhod siya at pinunasan ang luha sa aking mata na parang niloloko niya ako

Saka siya ngumiti at nagsalita

"Kaya siguro uuwi ang Ashton na yon dahil may nahanap na siyang ibang babae na mas maganda sayo, hindi mo siguro binigay ang katawan mo sa kaniyang nuong araw ng kasal ninyo ano?" Tanong niya at wala sa boses niya ang pagka sinsero

Para lamang siyang nang-aasar

Lumapit siya sa aking Tenga at bumulong

"Kung ako sayo ibibigay ko ang katawan ko sa kaniya para hindi niya ako hiwalayan, Sayang ang Ashton na yon kahit na pangit at mataba ang taong iyon ay mayaman naman...... Alam mo ba kasalanan mo kung bakit kami umuwi ngayon, nabalitaan naming uuwi si Ashton at sigurado si daddy na may dahilan ang pag-uwi niya at Isa lang yon, hihiwalayan ka niya kapag nangyari yon mayayari ka kay daddy"mahabang lintaya ng kapatid ko

Tinapik niya muna ang aking pisngi bago umalis

Napayuko akong muli dahil sa sinabi niya

"Mika, asan ang masakit?" Rinig kong bulong ni Yna sa tabi ko habang may hawak na ice sa kamay niya

"Halika dito at gagamutin ko ang sugat mo, hindi puwedeng Makita ni sir Ashton ang mga sugat sa mukha mo" Aniya at inalalayan ako upang makaupo sa sofa

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

  

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lourdes Arroyo
interesting paano ko unlock
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
paano nman nasabi ng magama na hihiwalayan sya Asawa nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status