Share

Chapter 12

Paulit-ulit ang nangyayari. Gabi-gabing lasing na pumupunta doon si Adrian. Hindi na ako nakatali sa upuan. Inilipat na n'ya ako ng kwarto. Ngunit hindi ko pa rin masasabi na malaya na ako. Hanging kailan pa ba ang pagtitiis kong ito. Hirap na hirap na ako.

Kapag hindi ako sumusunod sa gusto ni Adrian ay sinasaktan n'ya ako.

Narito ako ngayon sa kwarto. Naka-lock at maraming bantay sa buong bahay, maging sa labas. Sa tantya ko ay ang bahay na ito ay malayo sa kabihasnan. Parang nasa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung anong petsa na ngayon, hindi ko rin alam kung ilang araw, linggo, o buwan, o taon na akong naririto. Walang-wala na akong pag-asa na makatakas pa. Hinahanap kaya ako ng mga kaibigan ko? Kamusta na kaya sila?

Siguro ay masaya sila ngayon na nagagawa ang gusto nila. Siguro masaya sila na nakakapag-aral sila.

Naiyak na lamang ako sa nangyayari sa akin. I'm so hopeless.

Habang nakatanaw sa labas na puro matatayog na puno lamang ang nakikita ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Adrian.

"how's my baby?" Aniya nang makalapit sa akin. Ang kaniyang kamay ay naglalakbay nang muli sa katawan ko.

Inis kong tinampal ang kamay nya.

"What's wrong?!" Galit na aniya. "Isang taon ka na dito tapos ganiyan ka pa rin? You're unbelievable" dagdag pa niya.

Wala na akong nagawa nang angkinin na naman niya ako. Ilang beses na inangkin hanggang sa magsawa na s'ya.

"Anong plano mo for your birthday?" Tanong nya bago uminom ng alak.

"Gusto ko na mawala sa mundo" sagot ko.

Actually, ilang beses ko nang tinangka na gawin ang bagay na iyon ngunit lagi na lamang sumisilid sa aking isipan ang sinabi nina Nanay at Tatay noong nabubuhay pa sila. "Kahit anong problema o pagsubok, huwag na huwag mong gagawin ang bagay na iyon. Manalig ka. Tiyak may magandang mangyayari sa iyo balang araw"

"Napaka-oa mo" ani ni Adrian saka lumabas na sa silid. Ngunit bago pa man s'ya makalabas ay sinabi n'ya sa akin na bukas na raw ang ika-20th birthday ko. Ibig sabihin, dalawang taon na ako rito sa impyernong 'to.

Ibinilin rin niya na mayroong pang make up doon sa Cabinet, magpaganda raw ako at isoot ang bagay na nandoon din sa Cabinet.

2 years na pala ako dito, wala man lang nag abala na hanapin ako. Si Martin, akala ko ba ay gusto niyang humingi ng tawad? Bakit hindi man lang niya nagawang hanapin ako? Dahil ba kay ate? Siguro ay masaya na sila ngayon. Siguro ay isa na silang ganap na pamilya ngayon.

Mapait akong napangiti. Ako 'yung pinangakuan pero sa iba n'ya ginawa. At sa ate ko pa. Pinahid ko ang luha na naglalandas na naman sa mukha ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang mga ganoong tao. Pakiramdam ko ay nawala na rin ang nararamdaman ko kay Martin, pati ang pagpapatawad ay hindi ko na alam sa ngayon. Galit. Galit ako sa mga taong umaabuso sa akin.

Maya-maya pa ay may nagdala sa akin ng pagkain. Kinain ko naman ito saka nag abala na tumingin sa labas.

Kung may salamin lang siguro rito ngayon, siguro nakakatawa na ang hitsura ko. Nang makakain ay agad akong nakatulog.

Kinabukasan, maagang pumasok sa aking kwarto ang mga tauhan ni Adrian. Ipina-alala nila ang nasabi sa akin kahapon ni Adrian.

Nang makalabas ang mga ito ay agad akong napatayo sa kama at kinuha ang tinutukoy nila na sosootin ko raw at pang make up.

Kinakabahan ako. Mayroong hindi maganda, though, palagi naman hindi maganda ang buhay ko rito.

Isang make up kit at pulang lingerie ang naroon. May note pa itong kasama. 'Happy birthday, baby girl'.

Kadiri.

Gaya ng nagdaang araw, buwan, at taon, ganoon pa rin ang nangyari sa buong maghapon ko.

'Happy birthday, self' ani ko at pinigilang umiyak habang naglalagay ng make up.

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang naglalagay ng make up. Nakasoot na rin ako ng pulang lingerie.

Nang sandaling matapos ako sa pag-aayos ay bumukas muli ang pinto. Iniluwa noon ang isang tauhan ni Adrian.

"Tapos ka na ba?" Tanong nito.

Tumango naman ako.

"Kaya pala ilang taon ka nang itinatago ni Boss dito. Napaka-ganda mo naman pala talaga" ani nito. Nakaramdam na ako ng pangamba nang unti-unti itong lumapit sa akin. "At ang sexy mo pa" pabulong na dagdag nito. Ito ngayon ay nasa likod ko na habang hinahawakan ang likod ko.

"Baka gusto mong mawalan ng trabaho, Norman" isang boses mula sa may pinto. It was Adrian.

"S-sir, sorry po, Sir. Pasensya na po, hindi na po mauulit. Si Marisse po kase, inakit ako kaya nadala ako" sumbong nito. Agad nanlaki ang mata ko sa narinig. What the...

"Is it true, Marisse?" Madiin na tanong ni Adrian.

"N-no, he was lying. S-sinabihan n'ya ako na hindi na daw s'ya magtataka kung bakit mo ako tinatago k-kase, maganda raw ako, t-tapos sexy pa" sagot ko. Kinakabahan ako dahil alam ko na ang kasunod na mangyayari.

"Sinugaling. Mas may tiwala ako sa mga tauhan ko kesa sa'yo" anito ito. "sige na, Norman. Umalis ka na" baling nito sa lalaki. Nang makalabas na ang tauhan nito na ang ngalan ay Norman ay galit nito akong binalingan.

"Nag upgrade ka na talaga. Pati tauhan ko pinapatos mo na. Ano, hindi pa ba sapat ang ginagawa ko sa'yo araw-araw?" Galit na ani nito. Napaka-diin na ng paghawak n'ya sa braso ko. Paniguradong pasa na naman ito mamaya. "Nasaan na ang dating Marisse na inosente, ha?! Napaka-oa mo na nga, napaka cheap mo pa" ani nitong muli. "Sabagay, I like the new Marisse. Napaka sexy at ganda mo sa soot mong 'yan. I like it. Maghanda ka para mamaya. Ano mang oras darating na sila" may ngiti sa labing aniya.

"S-sila?" Tanong ko. Namimilipit pa rin ang braso ko sa sakit.

"Yes, my friends" ani ni Adrian pagkatapos ay binitawan na ang braso ni Marisse saka lumabas ng silid.

Naiwan namang napa-upo si Marisse sa kama. Damn that man. Ang pangit-pangit na nga, story maker pa.

Sa kabila ng galit n'ya sa ngalang Norman na iyon ay hindi pa rin n'ya maiwasan na kabahan. She knew na may pakulo na namam si Adrian.

Napaiyak na lamang ang dalaga. Sana ay masaya s'yang nagcecelbrate ng ika-20th birthday n'ya kasama ang mga mahal n'ya sa buhay. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? May something na ba kay Patricia and Angelo? Nag-aaral kaya sila ng maayos? Ano kaya ang course na tinatahak nila? Naalala ba nila na birthday ko ngayon?

Ang dami. Sobrang daming katanungan dito sa loob ko. Ang mga kaibigan ko, sila na lamang ang mayroon ako ngayon. I know na hinanap or hinahanap nila ako. I know na nag-alala sila nang mawala ako sa private resort nina Anthony. Si ate at Martin, going strong pa rin ba sila? Mas masaya kaya sila ngayong wala na ako sa buhay nila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status