Share

0094.

Author: SEENMORE
last update publish date: 2026-04-15 00:03:04
Tumingin ako sa kaibigan ni Anzel. Wala akong tiwala, mukhang babae at sanay manakit ng babae. Saka ayokong iwan si Leisa ng mag isa rito.

Hinawakan ni Anzel ang kamay ko at hinila ako. “Teka, si Leisa—

“Relax. Si Em na ang bahala sa kanya.” Tumingin si Anzel kay Em at tumango, nakita ko na may munting ngisi sa labi nito. Naalala ko ang tinawagan nito kanina.

Pinapunta ba nito si Em para kunin ang atensyon ni Leisa?

Pinagbuksan ako ni Anzel ng kotse. Pagkaupo nito sa driverseat ay agad
SEENMORE

Marupok din ako 🤧✨🫶‼️ Thanks po sa gems at rates💕✨🫶

| 16
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0096.

    Samantala. Nagmamadaling nilapitan ni Leisa ang kaniyang ina ng makita ito. Kasama siya ng magpunta ito kay Anzel hindi lang siya pumasok. “Kamusta na, ma? Lalayuan na ba niya si ate?” Pinag isipan nila ito ng mabuti. At pinili nila ang mas makakabuti sa kaniyang kapatid. “Mahal daw niya ang ate mo anak at hindi siya susuko.” “Wag mo sabihin na muntik ka ng bumigay, ma?” Kilala ni Leisa ang kanilang ina, mabilis itong maniwala at mapaniwala. “Dahil sa kanya na-trauma si ate magmahal. Limang taon na pero hindi pa rin siya nagmamahal ng iba.” “Baka mahal pa niya si Anzel.” “Hindi na niya mahal ‘yon, ma. Na-trauma lang si ate kasi natatakot siya na makapag asawa na naman ng kagaya ni Anzel at Victor. Mga walang puso at mga manloloko. Ayokong mapunta na naman si ate sa kanya. Alam kong sasaktan lang niya si ate.” Bumuntonghininga ang ina ni Natalia. Muntik na nga siya madala kanina. Mabuti na lang at napanindigan niya ang pag arte na talagang galit siya. Natawa si Leisa ng i

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0095.

    Nagkatinginan sina Miracle at ang inang si Aiah ng mapansin ang kakaibang kinikilos ni Anzel. Kasalukuyan silang nasa kumpanya ngayon upang alamin ang status nito at ni Natalia ng marinig nila itong pakanta-kanta habang nagtatrabaho. Nang makita ni Anzel ang dalawa ay umayos ito ng upo at tumikhim. “Kailan ka pa naging singer, ha?” “Tsk. None of your business.” “Ang sabihin mo masaya ka dahil kay Natalia. Marunong ka pala kiligin.” Binaba ni Anzel ang hawak na papeles at diniretso ang kapatid. “What brought you here?“ nawala na ba ang tampo nito sa kanya simula ng umalis si Natalia noon? Pagkatapos bumes0 sa ina ay bumalik si Anzel sa kinauupuan. Nahuli niya ang nanunuksong tingin ng kanilang ina. “Bakit bawal na ba pumunta dito ngayon baby brother?” May halong pang aasar na tawag nito sa kanya. Alam nito na ayaw na ayaw niyang tinatawag siya na ‘baby brother’ lalo na’t matanda na sila. “If you are here to annoy me, well you succeeded already. Hindi kayo pumunta dito para

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0094.

    Tumingin ako sa kaibigan ni Anzel. Wala akong tiwala, mukhang babae at sanay manakit ng babae. Saka ayokong iwan si Leisa ng mag isa rito. Hinawakan ni Anzel ang kamay ko at hinila ako. “Teka, si Leisa— “Relax. Si Em na ang bahala sa kanya.” Tumingin si Anzel kay Em at tumango, nakita ko na may munting ngisi sa labi nito. Naalala ko ang tinawagan nito kanina. Pinapunta ba nito si Em para kunin ang atensyon ni Leisa? Pinagbuksan ako ni Anzel ng kotse. Pagkaupo nito sa driverseat ay agad nitong pinasibad ang sasakyan. “Saan tayo pupunta?“ tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Iniisip ko kung tama ba na hayaan ko siya na hatakin na lang ako basta-basta at isama. “Malalaman mo rin.” Ani nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating kami sa bahay na pinapaayos nito noon. Pagkababa ay maang ko itong tiningnan. Wala akong masabi sa ganda at laki ng bahay. “Matagal ng tapos ang bahay natin. Gusto kong makita mo.“ Paglingon ko nakita kong may ngiti ito. “I thought

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0093.

    (Natalia pov) Nakanganga habang nakatingala kami ni Leisa habang nakatingin sa gusaling nasa harapan namin. Hindi ito kasing laki ng Z mall pero napakalaki pa rin nito. Napakalaki kasi talaga ng Z mall, ito ang pinakamalaking mall sa bansa. Pero hindi nagtatalo ang gusaling nasa harapan namin. Ubod ito ng laki. “Ang laki nito, eh stall lang ang hanap natin.” Manghang ani ni Leisa habang nakatingala din gaya ko. Tama, masyado itong malaki. Humawak ako sa baba at nag isip. Ayokong tanggapin ang gusaling ito, ayoko kasi magkaroon ng dahilan para lumalim pa si Anzel. Pero naisip ko na kailangan namin ito. Hindi ako impokrita kung itatanggi ko at sasabihin na hindi ko kailangan ito. “Ate, sigurado ka ba na tatanggapin mo ‘to? Kasi kung tatanggapin mo ‘to parang pumayag ka na rin na ligawan ka ulit ng lalaking ‘yon.” Tama so Leisa, iyon din ang naisip ko. Saka sa laki ng gusaling ito ay sobra pa ito sa kailangan namin. Tumikhim si Leisa. “Ayoko talaga na magkabalikan kayo. Ala

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0092.

    Hindi ako naka-react agad ng abutan ako nito ng bulaklak sabay halik sa labi ko. Nang makabawi ako ay pulang-pula ang mukha ko. May bulaklak na may pahalik pa? “A-ang kapal talaga ng mukha mo!” “Nat—ouch!” Napamura si Anzel ng hampasin ni Ate Miracle ng bag. Nagulat din ako. Akala ko si Leisa lang ang inis na inis dito, pati rin pala ang kapatid nito. “Kung makahalik ka wagas… pinatawad ka na ba?! Lagot sa akin si Prime kapag nakauwi ako mamaya!” *Samantala nasamid si Prime habang umiinom ng tubig. Lumunok ito ng marahas at biglang namutla. Pakiramdam nito ay may hindi magandang mangyayari sa kanya mamaya. Damn. Tama na sinabi niya sa bayaw kung nasaan ang mga ito?* ‘Gising, Natalia! Gising!’ Tumingin ako sa bulaklak habang nakahawak ang isang kamay ko sa labi. Hinalikan lang ay natulala na ako. Matapos mahampas ng bag ay lumapit sa akin si Anzel. May inabot itong envelope, na naglalaman ng mga dokumento. Kumunot ang noo ko. “Ano ‘to divorce paper?” Nag iwas ito ng tin

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0091.

    Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Bukod sa namamaga ang mata ko ay nanlalalim pa ito. Hindi kasi ako makatulog sa kakaiyak dahil sa mga sinabi ni Anzel. Dapat hindi ako magpa-apekto kasi nakalimot na ako. Pero bakit kumikirot ang dibdib ko dahil sa mga sinabi nito? Mahal daw ako. Dapat balewala na ‘yon sa akin kung talagang nalimutan ko na siya. Pero bakit parang sira na plaka iyon na paulit-ulit naglalaro sa isip ko? Nasabihan lang ako na ‘mahal’ hindi na agad ako nakatulog. May lason talaga ang mga salita ni Anzel. ‘Salita nga lang ba talaga?’ Kastigo ng isip ko. Humawak ako sa labi ko ng maalala ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay umayos ako ng upo at nagpanggap na nagsusuklay. “Ate, may bisita ka. Nasa baba sila Tita Aiah at Ate Miracle.” Nagulat ako sa sinabi ni Pete. Pero inaasahan ko na rin na bibisita ang mga ito. Pagkababa ko ay nadatnan ko ang mga ito na kausap si mama at Leisa. Sumalubong akin ng bes0 at ya

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0012.

    "Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0013.

    “Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0010.

    “Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0007.

    Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status