Nagagalit naman pala ikaw Crassus kapag hindi mo see see si Raine eh tapos u away - away him. you baliw! :) ps: love reading your comments.
Napilitan makiayon si Raine. Mabigat ang puso niya pero napilitan siyang umakto ng normal para kay Crassus. Ayaw niya na magmukha siyang kawawa. Kalabisan na iyong sa parte niya. Ang katotohanan pa lang na may mahal ito na iba ay naglilikha na ng napakalaking pilat sa kanyang puso, pero ayaw niyang ipahalata rito. Baka mamaya ay ilalatag na naman nito ang kontrata nila. Baka isupalpal na naman ito ni Crassus sa pagmumukha niya. Nauumay na siya, kaya para walang ng gulo ay siya na ang nag - aadjust.Inaasikaso niya pa rin ito. Tinitigan niya kung bagay ba rito ang inoder niya na damit. Katulad ng dati ay may initials ang likod ng kwelyo ng mga damit. Pagkatapos nitong isukat ang tatlong damit na inorder niya ang napatingin sa kanya si Crassus."What do you think?" Crassus raised his head and looked at Raine next to him.Peke na ngumiti si Raine. "Ayos ah," wika pa niya. Inayos niya ang kwelyo nito. "Bagay naman pala sa'yo kahit ang mga light colors. Parang wala namang damit na hindi b
"Hijo," The middle-aged woman at Crassus. "Siya ba ang tinutukoy ni Tia na asawa mo?" Napataas ang kilay ni Raine sa kanyang narinig. Natahimik siya. Pinagmasdan niya ito. Napansin ng Ginang ang pagtitig ni Raine kaya ito naman ang nagtaas ng kilay. "Hija, it's rude to stare. "Won't you at least be ashamed?" Natauhan si Raine. Imbes na magsalita ay bahagya siyang yumuko para humingi ng pasensiya. Saka niya hinarap si Crassus. Lumapit siya rito. Nang nagkaharap na sila ay nilapag niya sa mesa ang dala niyang kahon. "Pasensiya na, ngayon lang ako nagpakita. May pinuntahan lang ako." Tinabingi ni Crassus ang kanyang ulo. Tinapunan siya nito ng sarkastikong tingin. Mukhang gusto itong sabihin pero hindi lang nito makabwelo dahil may bisita ito. "I bet you don't like to see me," Crassus said in a sarcastic tone. Napaikot ni Raine ang kanyang mata. "Arte ah. Saka," Nilabas niya sa kahon ang pinatahi niya na damit. "Gusto ko'ng ipasukat sa'yo to. Para malaman natin kung sakto l
Ayaw sanang pumasok ni Raine sa kompanya ngayon pero gumagawa talaga ng paraan ang tadhana. Inulan na siya ng chat galing kay Diana. Kahit si Crassus ay hindi matigil sa pagkontak sa kanya. Kahit ang Lè Confe Shop ay gusto siyang papasukin sa trabaho. Nagpadala ito ng mensahe, at sinabing ready for delivery na ang damit na pinapagawa niya. Papunta na raw sa working station ang nakatukang delivery man.Napabuntonghininga si Raine. Napatingin siya sa puno na kanyang sinilungan sa parke. Napasandal siya.Simula noong umalis siya kaninang umaga ay rito na siya tumambay. Gusto niya munang magpalamig ng ulo para makapag - isip. Wala na siya ibang mapuntahan kaya napadpad siya sa parke na nakaharap sa simbahan ng Ero Vierde. Magtatatlong oras na rin simula nang maglagi siya rito. Wala talaga siya planong pumasok ng opisina dahil naiinis pa rin siya kay Crassus. Sinadya niya pa kanina na maagang umalis para hindi siya nito makita. Naging routine na kasi nila araw - araw na sabay papasok sa
Napahiyaw si Raine nang biglang siyang kinarga ni Crassus. Tinulak niya ito pero walang - wala ang lakas niya kompara rito. Pinagpapalo niya ang balikat nito pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay mas lalong humigpit ang yakap nito. Binagsak si Raine sa kama. Mabilis na gumalaw ang katawan niya para sana bumangon pero kaagad na pumaimbabaw si Crassus sa kanya. Napalunok siya at hindi makagalaw. Nagkasukatan sila ng tingin. "If I tell you to stay here, you stay. Don't be stubborn," Crassus said coldly. Iniwas ni Raine ang kanyang mukha. "May magagawa pa ba ako?" Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. Hinawakan niya ang baba ni Raine para ipaharap sa kanya. "Mabuti naman at marunong kang umintindi. Akala ko pa naman ay makikipagmatigasan ka pa. Ang ayoko sa lahat ay iyon hindi sumusunod sa gusto ko." Umalis si Crassus sa ibabaw ni Raine. Hindi kaagad gumalaw ang huli at nakatitig lang sa kawalan. Napaisip tuloy si Raine. Ano ba'ng nakita niya sa lalaking ito at bakit haling na
"Sa'n ka galing?"Napahinto si Raine sa paglalakad sa gitna ng sala. Hindi siya tumingin sa pinanggalingan ng boses at nanatili siyang nakatayo.Sarado na ang lahat ng ilaw kaya akala ni Raine ay tulog na si Crassus. Iyon pala ay nasa veranda pa ito. Mag - isang umiinom ng alak at naninigarilyo.Naramdaman niya ang presensiya ni Crassus na unti - unting lumalapit sa kanya. Kaagad niyang naamoy rito ang pinaghalong alak at usok ng sigarilyo. "I'm asking you," he said. "Sa'n ka galing?"Binato ni Raine na malamig na tingin si Crassus. "Diyan lang.""Where is it?""Sa tabi - tabi." Napabuntonghininga si Crassus. "Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo ako ng maayos.""Tch." Napailing si Raine. "Sa kaibigan ko.""Really?" Crassus uttered. "Nagpunta ako roon pero wala ka.""Sino'ng kaibigan ba ang tinutukoy mo at bakit hindi mo ako nakita? Bakit? Lahat ba ng mga kaibigan ko ay kilala mo?" Pabalang na tanong pa ni Raine.Napatango - tango si Crassus. Hinithit niya ang sigarilyo sa mism
Kanina pa naglalakad pakaliwa't kanan si Crassus. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siya nagpabalik - balik. Ukupado ang isip niya at hindi mapakali. Lumalamig na ang kape niya na nasa mesa pero hindi niya pa ito mainom.Hindi niya makontak si Raine. Kahit ang mga katulong sa bahay nila ay hindi alam kung saan ito nagpunta. Ayaw niya rin naman masyadong magtanong dahil paniguradong magtataka ang mga ito. Lalo na ang Lolo niya. Muli niyang tinawagan ang numero nito. Huminto siya at lukot ang mukha habang nakatitig sa upuan. Nang marinig niya ulit ang boses ng operator ay napamura si Crassus. Padabog siyang umupo.Muli niyang chineck ang kanyang account pero katulad kanina ay hindi pa rin naka - online si Raine. Nahaplos niya ang kanyang buhok. Tinapon niya sa mesa ang selpon. Itinukod niya ang dalawang braso sa kanyang tuhod. Ibinuro niya ang kanyang mukha sa kamay at doon ay nag - iisip ng malalim.Hindi nagtagal ay tumunog ang selpon niya. Mabilis niya itong dinampot at sinago