
Wild Plan: CEO's Desire
Raine Athena Villanueva is living her life as a normal person. Pero hindi gaya ng ibang dalaga, parating okupado ang oras ni Raine.
Hanggang sa isang gabi, nagkaroon ng Team Building ang kompanyang pinagtrabahuan niya. Doon nangyari ang isang kapalaran na kayang magpabago ng buhay niya.
Sa kalagitnaan ng gabi, habang tulog ang karamihan ay nagising si Raine. Noong una ay hindi niya pa maintindihan ang sarili dahil pakiramdam niya ay may mali sa kanyang katawan. Laking gulat nalang niya nang magmulat siya ng mata, doon niya nasaksihan ang isang kagimbal - gimbal na katotohanan.
Aksidenteng nakasama niya sa pagtulog ang may - ari ng kompanyang pinasukan niya. Masyadong mabilis ang nangyari. Tutulungan lang niya sana ito pero hindi niya inaasahan na mauuwi sila sa gano'n.
Alam niyang lasing ito at wala sa huwisyo nang may mangyaring sa kanila. Kaya gumawa siya ng isang desisyon.
She decide to slipped it. Umalis siya nang kwarto at napanggap na parang walang nangyari.
Pero matapos ang kalahating buwan, habang abala siya sa ginagawang trabaho ay tinawagan siya mismo ng kanilang CEO. Pinapunta siya nito sa opisina at hindi sinabi kung ano ang dahilan.
Lito man ang isip, napilitan ang dalaga na magpunta. Pagkapasok niya palang sa opisina nito ay mabilis nitong sinabi ang sadya nito.
"Marry me."
Nagpakasal sila at nagustuhan siya ng pamilya ng lalaki. Pero kung gusto siya ng pamilya nito ang kabaliktaran naman ito sa mismong asawa niya.
Dahil hindi siya nito gusto, at kinamumuhian siya nito.
Read
Chapter: Chapter 308 - Not cool"Hoy Babe! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Kanina ka pa tahimik. Uy babe! Babe?" Patanong na wika pa ni Raine. Sinundot niya ang tagiliran ni Crassus. "Babe naman. Kausapin mo muna ako."Napabuntonghininga si Crassus. Inilapag niya ang hawak na dokumento sa mesa at tumayo. Dinampot niya ang inorder na pagkain at lumipat sa kabilang mesa. Sumunod naman si Raine. Habang nilabas ni Crassus mula sa paper bag ang pagkain ay napatingin ang kanyang asawa.Kanina pa sila nakaupo sa loob ng opisina nila. Simula nang pumasok sila rito, hindi na maawat ang bibig ni Raine sa kakaputak. Kanina pa ito panay tanong sa kanya at parang maririndi na siya sa boses nito. Gusto niya ito patahimikin pero hindi niya pa alam kung paano."Babe, magsalita ka naman. Kanina pa ako salita ng salita rito tapos ikaw tahimik lang diyan. Sige ka, baka mapanis ang laway mo," pananakot pa ni Raine. Nang makitang hindi natinag si Crassus ay napabusangot siya. "Crassus, ano? Ayaw mo na akong kausapin?"Napapikit si
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Chapter 307 - Dagger in her mindNagkagulo sa lobby ng Forgatto Celestina nang dakpin ng mga Pulis si Mr. De Guzman. Nakuha nito ang atensiyon ng mga empleyado dahil panay ito nagrereklamo. Habang hinahatak kasi ito ni Kien ay panay ang magmakaawa nito, at dahil panay ang pumiglas nito para makalawa, mas lalong nahihirapan si Kien. Kaya tumawag na siya kay Rothan para magpatulong na damputin ito. Abala kasi ang Security Guard ng kompanya para habulin si Sasha. Nang malaman kasi nito na pinadampot na nang Pulis ang amo nito, sumubok ito na tumakas. Ganoonpaman, hindi pa rin ito nakawala. Nahuli pa rin ito ng Sekyu. Habang umeeskapo ito gamit ang hagdanan, hinarangan na ito ng mga Pulis at Sekyu.Katulad ni Mr. De Guzman ay panay rin pagkukumawag nito. Pinagsisipa pa nito ang mga Pulis. Pati ang isang Sekyu ay kinagat nito sa braso.Hindi maiwasan ni Raine na manlumo. Bukod kasi sa naawa siya kay Sasha, hindi niya rin inaasahan na hahantong sa ganito ang kapalaran nito. Madalas man sila hindi magkaunawan dahil sa kani
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Chapter 306- culpritNagsimulang lumikot ang mata ni Mr. De Guzman. Hindi na siya makatingin kina Crassus at Raine. Nangangatal na rin ang kamay niya na may hawak na dokumento.Magsasalita pa sana si Raine nang biglang tumakbo si Mr. De Guzman. Napasinghap siya. "Hoy!"Hindi pa man tuluyan nakalabas si Mr. De Guzman ay may lumanding na kutsilyo sa pinto. Nabitak ang mga salamin niyon habang nakadikit pa rin ang patalim sa pinto. Napatda siya. Namilog ang kanyang mata habang nakatingin sa mamahaling hawakan ng kulay itim na kutsilyo. Halos panawan siya ng ulirat nang maanalisa niya kung paano dumaan ang patalim na iyon sa gilid ng kanyang leeg.Hindi umimik si Kien. Sa halip ay nilapitan niya si Mr. De Guzman at hinila ang kwelyo nito. Inakay niya ito papunta sa harap ni Crassus.Si Raine na nakasaksi sa nangyayari ay hindi makapaniwala. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Manghang napatitig siya kay Crassus. Na sa oras na iyon ay sing talim na nang kidlat ang mga mata nito.Marahas na pinaluhod ni Kien s
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Chapter 305- Embezzled money "Bud," bati ni Kien nang buksan ang pinto. "Nandito na si Mr. De Guzman."Mabilis na nagpalit ng emosiyon ang mukha ni Crassus. Naging malamig iyon. "Let him in."Hinubad ni Raine ang suot na suit ni Crassus. "Huwag mong takutin. Alalahanin mo ang ginawa niya. Hindi mo siya mapapaamin kung isisindak mo lang siya."Crassus heaved a sigh. "Fine." Pinagmasdan niya si Raine habang inaayos nito sa swivel chair ang kanyang suit. "Huwag kang umalis."Tumango si Raine. "Dito lang ako." Sala niya inayos ang long sleeves ni Crassus at inirolyo iyon. Bigla naman bumukas ang pinto. Parehong iniluwa niyon si Mr. De Guzman at si Kien na nasa likod nito.Biglang binalot ng tensiyon ang loob ng opisina. Hindi pa man nagsasalita sina Crassus at Mr. De Guzman ay alam ni Raine na hindi maging madali ang lahat ng ito."Mr. Almonte, it's good to see you. How's your vacation?" Mr. De Guzman asked while smiling. He even extended his hand but Crassus didn't shake it.Tumikyas ang kilay ni Raine. Ang tindi
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 304 - UneasyMabigat ang hakbang ni Crassus habang tinatahak ang lobby ng kompanya. Nasa gilid niya si Raine. Tahimik lang ito habang sumasabay sa kanyang lakad. Nakapulupot ang braso nito sa braso niya.Maayos naman talaga ang mood ni Crassus kanina. Nakipagbiruan pa nga ito habang kumakain sila ng agahan. Iyon nga lang, habang naliligo ito ay tsinek ni Raine ang ibang dokumento na hinatid ni Mang Timo kanina. Okay naman iyong iba, wala naman problema. Hanggang sa may may napansin siya na kakaiba sa isang account. Nagsumbong siya kay Crassus. Tinignan naman kaagad nito at sinuri. At gaya ng inaasahan niya, nagalit nga ito.Imbes na mamayang tanghali pa sila papasok, dumating sila sa Forgatto nang malapit ng mas alas onse ng umaga. Hindi na makapaghintay si Crassus. Kahit nga siya ay hindi kayang idaan ang ilang minuto na hindi nila makakausap ang kanilang sadya. Naintindihan naman niya ito dahil di biro ang kanilang nalaman."Babe," sambit ni Raine nang hindi na makatiis. Mahina niya pan
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 303- Next to himPagsapit ng umaga, naunang nagising si Raine. Hindi dahil naalimpungatan siya o ano, sadyang magaan lang ang kanyang loob kaya bigla siya nagising Paglingon niya sa kanan, ang mukha ni Crassus ang kanyang nasisilayan. Himbing na himbing pa ito sa pagtulog at nakadantay pa ang kamay nito sa bewang niya.Napangiti si Raine. Aabutin niya sana ang cellphone niya na nasa ibabaw ng drawer. Gusto niya malaman kung anong oras na. Maabot na niya sana ang cellphone nang biglang gumalaw si Crassus. Marahan nitong kinagat at dinilaan ang tagiliran niya. Hinila siya nito palayo sa drawer.Napatawa siya. Sumiksik ang ulo nito sa kanyang leeg at inamoy iyon."Babe, iyong phone ko," malambing pa na ani ni Raine habang pinaglaruan ang buhok ni Crassus.Nasa likod kasi ni Crassus ang drawer. Sa taas niyon ay may nakapatong na lamp shade kasama ang kanyang cellphone.Umungol lang si Crassus bilang sagot. Nakapikit pa ito pero parating lumilikot ang kamay nito para haplusin ang bewang o ang tagiliran niy
Last Updated: 2025-08-05

The Whispering Love of a Lily
Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba?
Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon.
Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus.
Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso.
Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi.
Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia.
Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Read
Chapter: Chapter 35- Welcoming herNakapamulsa si Sereia habang naglalakad sa kalsada. Malapit na mag- alas sais pero hindi siya nangangamba. Exclusive village naman kasi itong tinitirikan ng mansion nila. Mataas din security level sa lugar na ito kaya bihirang-bihira na may makakapasok na masasamang tao. Hindi rin siya masyadong nakakalayo sa bahay nila kaya kung may magtangka man sa kanya, mahahagip pa rin ito ng CCTC nila. Parte pa rin ito ng labasan ng bahay nila kaya alam niyang safe pa rin siya. Kakadaan pa lang niya sa guard house nila.Ngitngit na ngitngit ang loob ni Sereia habang nililisan ang kanilang mansion. Hindi talaga siya makapaniwala sa nangyayari. Ang dami niya pa gustong sabihin pero mas pinili na lang niya na magtimpi. Kahit ang Mommy niya ay nagulat nang sinabi niyang allergic siya sa seafood. Halata kasi sa mukha nito na nakalimot na ito.Napabuntonghininga si Sereia. Muli niyang inaalala ang nakaraan. Kailan ba ang huling araw na tinatrato siya ng tama ng Mommy niya? Napailing siya. Kahit siya a
Last Updated: 2025-08-07
Chapter: Chapter 34- Expensive things over expenses"Sige na Atlas, sa taas ka na muna. Gusto ko muna kausapin ang Mommy. Okay lang ba sa'yo?" Paghingi pa ng pahintulot ni Sereia sa kanyang kapatid.Sandali itong napaisip. Mayamaya pa ay bigla itong nagsalita," okay. Usap tayo mamaya ah? I missed you so much."Tumango lang si Sereia para makaalis na ito. "Oo, huwag kang mag-alala." Tinapik niya pa ang balikat nito. "Sige na."Napilitan umalis si Atlas. Dinampot nito ang dalang mamahaling paper bag. Saka ito muling lumingon sa kanya.Muli niya itong sinenyasan. Napabuntonghininga ito. "Mommy, pasabi kay Manong na pabantay muna saglit sa bagong Porsche ko. Yaya!" Biglang sigaw ni Atlas.Hangos na lumabas naman ng kusina si Manang Delia. Pinupunasan pa nito ang kamay habang pumupunta ng sala."Hey, yaya. Nandiyan ka na pala. Can I ask something? Mag-harvest ka po ng grapes sa royal orchard natin.""Oh, and cook some seafood, Manang Delia. Sereia loves it," Zasha added.Palihim na naikuyom ni Sereia ang kanyang kamay. Manipis na ang pasen
Last Updated: 2025-08-06
Chapter: Chapter 33 - HomeKanina pa nakatayo si Sereia sa harap ng kanilang mansion pero hindi niya magawang pindutin ang door bell. Nagdadalawang-isip siya. Alam niya sa oras na bubukas ang malaking pintuan ay wala ng urungan. Ilang taon na rin ang lumilipas simula ang huli niyang pagtapak ng mansion. Pinapangunahan siya ng kaba at takot, pero sa tuwing naalala niya kung paano pinalabas sa private room ang kanyang Daddy ay hindi niya maiwasan magalit. Isa lang ang paraan para matigil ang lahat ng ito. At iyon ay kausapin ang kanyang Mommy.Napabuntonghininga siya. Kinagat ni Raine ang kanyang labi bago niya tinipa ang password ng main door.Kumunot ang kanyang noo nang biglang tumunog iyon sabay sabing," Access denied."Naglapat ng mariin ang labi ni Sereia. Nameywang siya at tinitigan mula baba hanggang itaas ang main door ng mansion.Simula nang mag-away sila ng kanyang nakakabatang kapatid na si Atlas, pinangako na niya sa kanyang sarili na hindi na siya muling tatapak pa sa bahay na ito. Pero ngayon na
Last Updated: 2025-08-04
Chapter: Chapter 32 - Her fatherNabato si Linux sa kanyang kinatatayuan. Bagaman nagulat man sa sinabi ni Sereia, pinilit niya pa rin magpakaakto na parang hindi naapektuhan. Pero ang totoo niyon ay nagkarambola na sa pagtibok ang kanyang puso. Napabuntonghininga si Sereia. Nagbaba siya ng tingin at namulsa. "Pasensiya na, pero sa ngayon talaga ay ayaw ko muna na may makausap. Kaya kung pwede sana, iwasan muna natin ang isa't-isa," sabi niya sabay talikod. Hindi pa man siya tuluyan nakalayo ay muling lumingon si Sereia."Ang totoo ay natutuwa ako na bumalik ka," mula sa puso na sabi niya. Tipid siya ngumiti. "Pero maiintindihan mo naman siguro na gusto ko muna dumistansiya hindi ba?"Napilitang tumango si Linux. "I understand."Hindi sumagot si Sereia pero tinapunan niya ng makahulugang tingin si Linux. Saka siya tumalikod at kumaway papalayo.Walang magawa si Linux kung hindi tanawin lang si Sereia. Habang tinitigan niya ito ay unti-unti na niyang pinapakawala ang kanyang emosiyon. Tumabi naman si Dismund sa kany
Last Updated: 2025-08-03
Chapter: Chapter 31- I don't want to see youPagkatapos magsalita ni Linux ay binalot sila ng katahimikan. Naikuyom ni Adriel ang kanyang kamay habang tinapunan ng isang masamang tingin si Linux. Nagtagis ang kanyang bagang. Nakita naman iyon ni Ayame at naalarma siya pero hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya pa masyadong saulo ang ugali ni Adriel. Biglang tumikhim si Dismund. Manghang tumingin siya kay Sereia. "May gano'n na pala?" Pagbasag niya sa katahimikan. He grinned. "Well, if it is what she wants. I can give her my money. Hindi naman iyon kabawasan sa kayamanan ko." Binato ni Sereia ng malamig na titig si Dismund. Napaismid siya. "Isang bilyon? Kaya mo?" pasakay na tanong niya sa kalokohan nito pero ngitngit ang loob. Napakurap si Dismund. Mabilis niyang tinuro si Linux na nasa kanyang likod. "Sabi ko nga, hindi ko kaya, pero si Pareng Linux." Tinapik niya ang balikat nito. "Kayang-kaya niya iyan." Naningkit ang mata ni Linux. Binato niya ng makahulugang tingin si Dismund. Napalunok ito. Nag-iwas ito n
Last Updated: 2025-08-02
Chapter: Chapter 30 - Protecting hereNapako sa kinatatayuan si Ayame. Nilingon niya si Adriel. Katulad niya ay hindi rin ito makagalaw sa kinatatayuan. Kanina pa ito nakatitig sa babaeng nakaupo sa labas ng sinehan.Biglang tumamlay ang mukha ni Ayame. Kilala niya kung sino ang babaeng tinitigan nito. Paano nga ba hindi? Her brother used to cherish that beautiful woman since they were teenagers. She used to think it was pretty cute, but when she saw how Adriel stares to Sereia; she somehow felt an unexplained emotion.Niyugyog ni Ayame ang braso ni Adriel pero hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Naglapat ng mariin ang kanyang labi. Marahas niyang niyugyog ang braso nito.Parang nagising naman mula sa pagkatuliro si Adriel. Takang tumingin ito sa kanya."W-what?""Where's the movie theater? Akala ko ay roon tayo pupunta?"Adriel blinked. "Yeah, sorry. I was just..." He shooked his head. "Nevermind, shall we?"Ngumiti ng pilit si Ayame at saka tumango. Muli niyang ikinawit ang kanyang kaliwang kamay sa braso ni Adriel. Ha
Last Updated: 2025-08-01