Share

Chapter 3

What he did is something I can't afford to forget and forgive. Nasasaktan yung pride ko bilang babae, nang dahil doon.

I was humiliated publicly and sexually harassed. That bastard really consumed my patience and understanding skills!

While I was walking straight in the hallway to the Accountancy Department, a random guy who was reading a book with an accountancy badge attached to his uniform stole my attention. Lumapit ako sa kaniya pagkatapos.

"Nandito ba si Ashton?" I asked him.

I don't have any class for this period, so I should utilize this time to gather some information about that jerk.

"Bakit mo siya hinahanap? Girlfriend ka ba niya?"

Tumingin ito sa akin na parang timang na nawalan ng utak. Anong klaseng lalaki 'to?

"Hinahanap ko lang siya, because I have something to talk with him about," I replied. "It's not my plan either to elongate our conversation. If you won't answer my question, e 'di sige. Magtatanong na lang ako sa iba."

"Oh, you're a tough one, huh?"

Hindi ko na lamang siya pinansin. Hahakbang na sana ang kanan kong paa nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko.

His stare made me quiver a bit, so I hurriedly pushed his hand aside. "I don't have time with you. I have to see Ashton."

"Bakit si Ashton? Ako na lang."

"Ay, gago lang? Wala kang mapapala sa ganiyang ugali, boyrikat."

Tuluyan na akong umalis sa harapan niya't naisipang dumiretso na lang sa department ng mga accountancy students.

Napaisip ako habang naglalakad, ganoon ba ang mga estudyante sa kursong accountancy? If yes, then they're all bullshits.

Sa pag-iisip ko't hindi na tumitingin sa daa'y may isang taong muntikan ko nang mabangga. Hindi naman ako careless, so I stopped when I recognized this person's feet coming right towards me. Hindi rin ako marunong mag-adjust, 'no?

"Can we talk?" she asked straight away.

Unti-unti kong inangat ang aking ulo. Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero siya nga ang nakikita ko. Nakaramdaman ako ng malakas na pagkabog ng puso, kaya napatalikod na lamang ako sa kaniya.

"Don't worry, wala akong balak na gawing masama sa'yo. I just wanna talk with you," she urged, while I was forcing myself not to look back.

So she noticed?

"I don't feel the need to talk to you," sambit ko habang pinapakalma ang sarili. "Hindi naman kita kilala, kaya bakit kita kauusapin?"

"Just this once? Please?" she pleaded

My fear moved out from my body when she said that. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon. There's something in her voice that's telling me she has a big problem. This is just my assumption, but maybe she needs someone to talk to. Ngunit hindi ko pa rin nakalilimutan ang sinasabi sa akin ni dad... that she really might be dangerous-but who knows in what way?

However, I still have my blood flowing in her veins. Hindi rin naman siguro masamang samahan ko na lang siya, pero babantayan ko lang palagi ang lahat ng kaniyang mga sinasabi at ginagawa.

"Tahiti?" she called, but I didn't look at her and remained on my position. "Sige, hindi na kita pipilitin. Wala naman talagang gustong makipag-usap sa akin."

Naririnig ko ang umaalingawngaw na lungkot sa boses niya. Hindi ko alam pero yung takot ko ay napalitan bigla ng awa. For pete's sake, she's still my fucking sister!

Dad, I'm sorry for doing this. I can't help it.

"Wait," mahina kong sambit at hinarap siya nang akmang aalis na sana.

Pumunta kami sa cafeteria ng school. We're sitting parallel to each other on one table good for two people. Tiningnan ko siya at nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya. Ngayon ko lang din napansin ang kaniyang badge na nakasabit sa kaniyang uniform.

She's an accountancy student, and just because of my dad's repetitive warnings about her-palagi ko na lang iniisip na dapat hindi ko malaman kung ano yung kurso ng kapatid ko at kung sino siya.

Paano kung mabait pala talaga siya? What if all this time dad was wrong about telling me my sister might be dangerous? He always says might, at ngayon ko lang napansin ang ibig sabihin ng putang-inang salitang iyan.

"Ate?" I called her, biting my lower lip. "What happened?"

She stretched out a crooked smile. It gave me a hint of fakery. "Tahiti..."

"Stop forcing yourself to smile, when you're not even happy," sambit kong may kombiksyon. "I fucking hate people smile even when their eyes are telling me otherwise."

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, dahil hindi ko matiis yung namamaga niyang mga mata. We still share the same bloodline. We are still sisters. Seeing her in pain, is fucking hurting me as well.

"I'm sorry," she mumbled. "It's just mom... and Asriel."

Napaisip ako't pinihit siyang muli. Asriel's a familiar name. Saan ko kaua narinig 'yon?

"Ano'ng mayroon kay mom at ng taong nabanggit mo?" I asked, trying to calm my voice.

"Mom scolded me about me having feelings for someone who doesn't even like me at the least."

"At 'yon ba yung taong nabanggit mo?" tanong ko't napakibit ng balikat. "Bakit ka ba pinagalitan? I mean, bukod doon. Paano niya rin nalaman?"

"She caught me crying inside my room. Mom's very cruel at me. Tinitiis ko lang talaga ang pagiging higpit niya. She doesn't even want me to have relationships, at palagi niyang tinatakot yung mga gustong manligaw sa akin. Hindi pa niya ako pinapapili ng gusto kong kurso, dahil gusto niyang siya lang ang masusunod. I hate to go home, dahil pakiramdam ko'y para akong aso," paliwanag niya na parang naiiyak.

Nakalapat lamang ang aking mga mata sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

All this time, I was avoiding my sister because of my dad-at silang dalawa ng mom namin ang may kasalanan nito!

I kept my mouth shut, while watching her trying to wipe her tears away.

"Si Asriel pa... he's my classmate. He said he didn't like me when I confessed to him earlier. Ang cold niya't parang walang nagugustuhang babae. He dumped me saying he will never like me."

Gathering all the air I could gather, I inhaled and released a quite heavy sigh. "Sino bang putang-inang 'yan, ha? Ang lakas naman niyang makapagsabi ng ganiyan, e maganda ka nama't sa tingin ko'y mabait din. Hindi dapat pinapaiyak ang mga babaeng katulad mo!"

"Tahiti..." marahan niyang tawag. "Let him be... hayaan mo na lang. Makaka-move on din ako, saka kailangan ko na ring pumasok ng klase."

"Sige," I said, remaining on my seat.

She then stood and smiled at me. "I will be okay. Salamat sa pakikinig."

Nagtaka ako kung bakit wala siyang mga kaibigan para mapagsabihan. Sumagi bigla sa isipan ko ang pagiging mapag-isa niya, and it's fucking irritating!

Tumayo na ako't palihim siyang sinundan at baka alam niya kung nasaan ai Ashton. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang sadya ko rito.

Napasampal ako ng noo, dahil nakalimutan ko palang itanong sa kaniya kung kilala ba niya si Ashton at nakita niya ba ito sa school. Naalala kong accountancy student si Ashton at yung kapatid ko, kaya dapat tinanong ko na lang talaga sa kaniya! Ang tanga-tanga ko naman!

Nang nasa hallway na kami ulit ay nakita kong may nakasalubong siyang isang lalaki. Nagmadali akong lapitan ito.

"Hey, remember me?" bungad ko sa kaniya, kaya napahinto na lamang siya habang nakapamulsa pa rin.

Ngumiti siya. "Oh, you're that girl from the grand opening!"

"Yes, the one who got publicly humiliated."

He let a loud laugh escape his throat, that it made a group of girls look at us.

"Will you shut up? It's not something you should laugh at."

"Sorry, my bad," he muttered and slightly brushed his thumb on the tip of his nose, still smiling. "What do you want?"

"Puwede ba tayong mag-usap? Doon na lang-"

"What's your name again?" he asked, cutting me off.

"Sagutin mo muna tanong ko."

"Kung hindi mo sasabihin, then I'll just leave you here. Bye-"

"Tahiti. My name's Tahiti."

Tang-ina rin ng lalaking 'to, parang bata. Kung iisipin mas matanda na siya kaysa sa akin, pero kung makaasta-nako!

"Interesting," he mumbled. "Sige, saan ba tayo mag-uusap?"

"Doon na lang sa cafeteria, ondoy," asar ko't umuna nang maglakad.

"Anong ondoy? Ashton pangalan ko!" rinig kong sabi niya.

I heard his big steps coming right towards me. Sinabayan niya na rin akong pumunta ng cafeteria. It was the same setting as before when my sister and I had a talk.

"So, ano ba gusto mong pag-usapan? Yung hotdog na kinain mo kaninang umaga o yung-"

"Will you stop that fucking nonsense?"

"What if I won't? What will you do to me?" tanong niya na parang nang-aakit.

"Ondoy, let's get straight to what I want to talk about with you," sita ko sa kaniya.

"Okay, Madame Auring."

Inirapan ko lang siya. "Saan na ba yung kaklase mo n'ong nakaraan?"

"Nasa locker room siguro, Madame Auring."

"Will you please stop calling me like that?!" hiyaw ko na ikinatingin ng ibang estudyante sa loob ng school cafeteria.

"Well, you started it," he said, slightly raising both of his shoulders.

"Whatever," mataray kong tugon. "So ayon na nga, gusto kong malaman kung anong pangalan niya?"

"Asriel kadalasan tawag ng iba sa kaniya. Ako naman, Spruce. He's a La Verga, relatives nila yung mga De Leon. Bakit mo naitanong?"

Like how he answers me before, it's still the same. Pangalan lang yung tinanong ko pero sobra-sobra yung binigay.

"Sana ayos ka lang," I said.

"Anong sabi mo?"

"Wala, wala."

"Bakit mo nga pala natanong? May gusto ka sa kaniya?" he asked with eyes seemingly sparkling.

"Duh, I don't like him. I just wanna check his background, kung sino siya at yung history niya when it comes to being a sensual maniac."

Malakas siyang tumawa. "Iyon ang inaakala mo?! Nang dahil lang doon sa nangyari sa event n'on?"

I rested my eyes on him, glaring at his laughing face. "It's not fucking funny!"

"Hindi... kasi..." Patuloy pa rin siya sa kaniyang pagtawa na parang wala ng bukas. "Kasi hindi mo lang alam... Asriel is such a sensual maniac!"

"So totoo ngang nang-ha-harass siya ng babae?!"

"Oo, kahit tahimik lang 'yon, pero grabe 'yon maka-harass ng babae," sambit niya na parang nagdadalawang-isip habang nanginginig pa yung panga niya sa katatawa.

Putang-ina. Bakit ngayon ko lang napansin?!

Asriel.

That was the guy my sister told me about. He was that fucking guy!

"You said, he does sexual harassment on girls, right?"

"Yes," he firmly said.

"Kung ganoon, yung mga admirers niya ba... iniiwan niya pagkatapos niyang pagsamantalahan?"

"Yes," he said, laughing as though he's telling me a joke.

"Huwag ka ngang tumawa-tawa riyan. Para ka namang timang kung makatawa kahit walang nakatatawa sa pinag-uusapan natin. You're really one weird guy. Ganoon ba talaga kayong mga accountancy students?"

Tumahimik siya't umubo-ubo. "Ano pa ba kailangan nating pag-usapan?"

Kalauna'y 'di niya rin mapigilan ang sarili at tumawa ulit. Nababaliw na yata 'to.

"Close ba kayo?" I asked.

"Oo...." he said, trying to conceal his laughter. "Bakit?"

"Wala lang, gusto kong ibigay mo ang phone number niya sa akin, kung puwede?"

"May gusto ka talaga sa kaniya, 'no?!" natatawa nitong sambit at pinagtagpo ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "Magkaka-love life na rin ang kaibigan ko!"

"Para ka talagang timang," sabi ko.

"Heto number niya," sambit niya pagkatapos niyang isulat ito sa isang munting papel. "Ingatan mo 'yan, baka 'yan na ang magiging daan para sa kinabukasan n'yong dalawa. Yiee!"

"Tumahimik ka nga. Kung may balak naman akong magka-love life, hindi sa lalaking 'yon na pinagsasamantalahan yung babae dahil may gusto sa kaniya. Yuck! I'll never have a boyfriend like him!"

Tumawa na naman siya ulit. I made a bland face.

"Hoy, hindi ka ba nauubusan ng hangin o gusto mong kunin ko 'yang lalamunan mo?"

Patuloy pa rin siyang tumatawa samantalang ako ay iritang-irita na sa tawa niya. Nawawala tuloy yung admiration ko sa mukha niya, pero ang guwapo pa rin kahit tumatawa, in fairness. Ewan ko ba, ang dali ko lang talagang maakit sa mga demonyong klase ng mga mukha na 'yan.

"Ilang taon na ba siya? Saka puwede ko bang mahingi schedule niya? Like ano yung mga hobbies niya and such..."

"Send ko na lang sa'yo via email," sabi niya't inangat ang sariling tingin sa kisame't ibinalik din sa akin kalaunan. "Ah, ganito na lang, add me on Facebook, Ash Tryon B. Cortez. Doon ko na lang isi-send. Kasi minsan, may equestrian jumping or horse riding sessions 'yan. Baka puwede mo ring puntahan siya roon-"

"At sinong nagsabi na pupuntahan ko siya roon?" tanong ko.

"Ako, bakit?" natatawa niyang sambit.

"Stop kidding me around!"

"Okay, mahilig nga rin pala kaming maglaro ng basketball every Sunday or Saturday kapag may free time," he said, bending his neck to the side. "Ano pa ba...?"

"Ah, basta i-send mo na lang. Hindi ko naman sinasabing ibigay mo ngayon kaagad," sabi ko.

"Okay, sige," his reply.

"Text him," he said, standing up and winked at me. "Enjoy! Bye, may klase pa ako."

Hindi ko alam, pero si Ashton... ang open niyang tao. Parang willing ibigay lahat ng information tungkol sa Asriel na 'yon, e.

I looked at his phone number. Kinuha ko sa bulsa ng casual trousers ko ang sariling phone. I saved his phone number. Kaagad ko namang tinapon ang papel na sinulatan ni Ashton sa basurahan sa loob ng school cafeteria.

Pansin ko lang, mas matalino pa rin yung mas bata sa kaniya, 'no? Hindi ba niya alam na ang seryoso ng kasong ginawa ng kaibigan niya? For pete's sake, that was sexual harassment!

Bumalik na ako ng room namin pagkatapos, habang iniisip lahat ng ginawa ni Asriel sa akin. Ang dami niyang kasalanan!

On top of all, he sexually harassed me... not just once but twice. Second, he fucking dumped my sister.

"Besh!" tawag sa akin ni Aurora.

"Bakit?"

"Wala raw si Sir Fuertes. May pinuntahan daw na seminar, kaya uuwi tayo nang maaga ngayon. Saan mo ba gustong pumunta?"

"Punta na lang tayong bookstore! Malapit ko nang maubos basahin yung erotic novels ko sa bahay, e!"

"Sige! Ako rin!" sang-ayon niya.

I SEARCHED for erotic novels sa shelves dito sa bookstore. Wala pa akong nakikita, so far. Samantalang si Aurora naman ay may dalawang libro nang hawak.

"Ah, ito!" Hinablot ko ang isang libro sa shelf na kinalalagyan nito.

"What Pleasure Tastes Like by Nathaniel Pluvio"

Tiningnan ko ang back page ng libro. Binasa ko ang story description dito.

"I am pleasure. And they say, I taste good. Wanna know how I taste like? Try me..."

Unang part pa lang naintriga na ako. The book cover is telling me this is an erotic novel, and that it also said here that this book is R-18.

However, I'm not yet 18, and dad's always the one who'd pay for me at the counter. Because he thinks I'm not yet allowed to buy those. Bawal pa raw sa akin, at kailangang sumunod doon. However, I always plead him for buying these books I want because I really want to read erotica.

Siya ang nagbabayad para sa akin. Now that he's not here, baka hindi ako papayagang bilhin 'to. Gusto ko pa naman, kaya sayang talaga.

Napatingin ako sa suot ko. I was still wearing my uniform, and I have my ID with me. Baka tanungin ako't hahanapan ng ID.

Ano ba gagawin ko? Gustong-gusto ko talagang bilhin ang librong 'to!

"Bakit, besh? May problema?" tanong sa akin ni Aurora.

Nanatili akong nakatingin sa libro. "Baka kasi hindi ako payagang bilhin 'to doon sa counter kasi underage pa ako."

"Balikan mo na lang 'yan. Ipabili mo sa dad mo," tugon niya.

"Next week pa'ng balik ni dad, e. Baka may makauna nang bumili nito," sambit ko na parang naiiyak. "I fucking hate this!"

Ibinalik ko na lang sa shelf ang libro nang tumahimik na rin si Aurora. Nang ibinalik ko 'yon, may biglang kumuha n'on na lalaki. Hindi man lang binasa yung libro't dumiretso na kaagad sa counter.

"Oh, di ba sabi ko sa'yo? May mauuna talaga sa akin," sambit ko kay Aurora.

"Tama ka nga, pero hindi mo ba napapansin? Galing din siya sa school natin for sure dahil sa uniform niya, at mukhang pamilyar siya sa akin?"

"Pamilyar sa'yo?" Tiningnan ko ito nang maigi kahit nakatalikod, at mukhang pamilyar nga ito.

"Nagbabasa ka pala nito, sir?" tanong ng babae sa counter hahang ngumingiti na parang nang-aakit, ngunit hindi ito sumagot-ang lalaki.

He was like eating also a bubble gum, because of his jaw is moving and it's fucking gorgeous. Damn, that jaw's perfect.

Ang kakapal din ng ibang mga libro niyang binili, at ang lalaki pa. Ano ba balak niya sa mga 'yon? Mukhang mga reference books pa ang mga 'yon at parang katamad basahin.

Pagkatapos niyang matanggap ang mga ito't binayaran ay kaniya na itong ipinasok sa sariling bag.

Nang humarap siya't palabas na-I just realized how stupid I was not able to recognize him-at kumakain nga siya ng bubble gum.

"Hoy, lalaki!" sigaw ko't parang wala nang pakialam kay Aurora at sa ibang tao sa loob ng bookstore, pero nagpatuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad. Kung makaasta, parang walang tainga! Bwisit!

"Oy, besh!" tawag sa akin ni Aurora nang makalabas na ako ng bookstore.

Tinakbo ko siya. Huminto naman siya habang yung isang kamay niya'y nakapamulsa. Humarap siya sa akin samantalang ako nama'y medyo hinihingal kasi ang bilis niyang maglakad.

"Ikaw! Bakit mo binili ang libro na 'yon?" Tinuro ko siya.

"Which book?"

"Yung What Pleasure Tastes Like ang title!"

Wala na siyang sinabi. Mula sa kaniyang backpack ay parang may kinakalkal siya't may balak kunin dito.

He showed me the book. "Is this the book you were referring to?"

"Oo!"

I still couldn't get over what he did to me and to my sister. Feeling suplado't nagmumukhang inosente, kahit hindi naman talaga inosente.

Kaniya lamang binagsak ang librong iyon sa lupa. He then threw a glare at me before he left.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon! Ano ako? Tanga? Para pulutin yung librong binasura niya lang?!

"Hoy! Bumalik ka rito!" sigaw ko ngunit patuloy pa rin siya sa kaniyang paglalakad, habang suot-suot ang kulay itim niyang backpack.

"Oy, besh. Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Aurora.

"Ayos lang ako. Sadyang nakakabwisit lang talaga ang lalaking 'yon!"

"Ano ba nangyari? Saka bakit nasa lupa na ang libro na 'yan?"

"Hindi mo siya naaalala?! Siya yung lalaking pinisil yung kanang patatas ko't mabilog kong puwet! Walang hiya ang lalaking 'yon."

"Kaya pala, pamilyar siya sa akin," rinig kong bulong ni Aurora.

Nagdadalawang-isip pa rin ako kung pupulutin ko ba yung libro o hindi. Kasi kung iisipin, sayang lang kung hindi ko pulutin. Gusto ko pa namang basahin.

I picked the book up. I have no choice, because I badly want to read this book.

"Tara na, Aurora. Umuwi na lang tayo, kasi abot langit na yung stress ko."

Inayos ko ang sariling buhok na ang gulo-gulo na, at diretso na kaming sumakay ng taxi ni Aurora.

Nagpaalam na kaagad ako sa kaniya nang una akong makarating ng bahay namin. Tinatanong pa niya ako kung ayos lang ba raw ako. Paulit-ulit lang na nagtatanong, but at least I know she's caring for me.

And that's what she always does.

I entered the passcode of our house. Pumasok na ako rito't dumiretso ng kuwarto. Diretso akong humiga ng kama habang suot-suot pa rin ang aking backpack.

Tiningnan ko ang phone ko, kung may notifications ba, ngunit wala pa. Hinihintay ko ang message sa akin ng mokong na Ashton na 'yon.

Napunta ako sa contacts para tawagan sana si Aurora kung nakauwi na ba siya, dahil malapit lang naman ang bahay naming dalawa.

Unang bumungad sa akin ang pangalan ni Aurora, ngunit ang sumunod namang pangalan ang bumuwisit sa akin.

"Asriel"

Pinalitan ko kaagad ang pangalan niya sa contacts ko.

"Harasser," I typed.

Nilagay ko na sa kama ang phone ko't humikab nang bigla na lamang itong tumunog na parang may nagsasalita. Looks like I called someone accidentally.

"The number you have dialled cannot be reached. Please try your call later."

Nang makita ko ang pangalan ng taong tinatawagan ko, my heart became furious.

I'm so stupid as fuck! Tang-inang buhay 'to!

"Harasser"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status