Share

Chapter 2

Nagising ako ng maramdaman kong mahuhulog na ako sa higaan. Marahan kong idinilat ang mata ko at inilibot ang tingin sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sininghot ko yung bedsheet at nanlaki ang mata ko ng maalala kung kanino ko unang naamoy ito. Nilibot ko ang mata at napamura nalang ako sa isip ko ng malaman lung kaninong condo 'to.

Hindi ko ininda ang ulo kong parang biniyak sa sakit nang bumangon ako at inabot ang baso sa bedside table. Ininom ko ang gamot na iniwan niya at inubos ko na din ang tubig.

"Pucha.. Sa susunod hindi na ako iinom ng ganyan karami." salita ko sa sarili ko habang hinihilot ang dalawang sintido ko at nakaupo na ngayon sa kama. Ilang beses ko bang sasabihin yan sa sarili ko? Gayung mas dadalas pa siguro ang paginom namin nila Yanna.

Now I'm gonna start hating Fridays. Gumawa kasi kaming apat nina Yanna, Mich at Isay ng deal. Kapag daw free kami during Fridays iinom kami. 'Nomi Friday' fvck. Kung hindi pwede ang isa, edi wala. I did enjoy last night though.

Tangina. Nomi Friday lang ang natandaan kong nangyari kagabi. Bwisit na inom yan. Hindi ko maalala ang pinaggagawa ko kagabi at mas nakakabadtrip pa dahil wala talaga akong maalala. Putol-putol ang nasa isip ko.

Tinignan ko ang suot ko at parang may tinik na binunot sa dibdib ko ng walang nagbago sa damit ko maliban sa wala na akong sapatos. Bumaba na ako sa higaan at hinanap ang gamit ko.

Nang mahanap ko na ang mga gamit ko, kinuha ko ito at sinuot ko na din ang sneakers ko ng matagpuan ko ito sa tabi ng kama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at talagang dinikit ko ang katawan ko dito para sumabay sa tahimik nitong pagbukas.

Dinahan-dahan ko din ang paglakad at lumapit sa pintuan papuntang labas. Nang mapagtagumpayan kong hawakan ang door knob ay napasigaw ako sa isip ko ng napigilan ng isang boses ang balak kong pagpihit dito.

"Pagkatapos kong maghirap kagabi sa sofa iiwan mo lang ako?" Tinamaan ng lintik. Nahuli ako.

"Ehe.. Good morning.." kinakabahan kong sabi sa kanya habang alanganing nakangiti. Bwisit naman eh

"Walang good sa morning kung tatakbuhan mo na naman ako." Edi wow. Nilagay niya sa dalawang pinggan ang niluluto niyang sunny side up egg. Saglit akong natigilan nang marinig ang huling sinabi niya pero balik agad ako sa ulirat nang magsalita siya ulit.

"Kumain ka na muna." Sabi niya habang naglalagay ng kape sa mug at inabot niya sakin.

Habang iniinuman ko iyun, inaalala ko yung mga nangyari kagabi. Pero putol-putol parin eh!

"Hoy Nathalie wag mong paghintayin yung pagkain ka ko." napabalik ako sa ulirat ng sawayin niya ako. Naglalakbay na pala ang utak ko kung saan-saan pa siguro ako nakaabot.

Sinimulan ko nang kainin yung pagkain ko at hindi ko parin talaga naiwasan ang pag-aalala ng mga memories namin. Parang kailan lang ang saya pa namin.

Kaso yung 'kailan lang' na yun halos tatlong taon na pala.

"Wala ka bang naaalalang ginawa mo kagabi?"

Napatingin nalang ako sa kawalan habang binabalikan ko ang mga nangyari mula kahapon.

» » » » »

"Nathalie!! Sama ka?" masiglang tanong sakin ni Yanna nang salubungin niya ako. Uwian na din ngayon at naglalakad na ako papunta sa kotse ko. Kasama din pala namin sina Mich at Isay.

"Saan naman?" tanong ko habang tinitignan yung mga kailangan kong bilhin para sa Monday. May activity daw eh..

"Doon sa bar ng pinsan ko. Sa CNB. Cheers 'n Beers." Cheers 'n Beers? Medyo matunog din nga yung bar na yun sa mga senior high last year, lalo na't maraming lasenggo sa batch namin.

"Sige ba." tutal wala naman na masyadong gagawin besides the fact that it's the first week of school and Biyernes ngayon. Sinama ko na sila sa kotse at hinatid sa mga bahay nila, since napagdesisyunan namin na ako ang mag-tuturo ng direksyon kay Yanna mamaya. Siya kasi yung susundo mamaya. Tinext ko nalang kay Yanna yung address namin.

Nang makarating na ako sa bahay, pinark ko sa garahe yung sasakyan at umakyat na kaagad sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo at ginawa na kaagad ang mga kailangan. Naligo na ako at shinave ko na din yung legs ko, baka magkagubat pa ako sa binti ko. Mahirap na.

Nagsuot lang ako ng blue crop top at oversized maong pants at white sneakers. Hinayaan ko nalang na nakalugay nalang yung buhok ko at sinuklay ito. Naglagay lang ako ng konting pulbo at liptint tapos kinuha ko na yung beige kong shoulder bag. Nilagay ko na roon ang mga kailangan ko tulad ng cellphone, wallet, susi ng bahay, pepper spray at anti-mosquito patch.

Baka makagat ako ng lamok. Tumawag na din pala ako kay daddy kanina para magpaalam at pumayag naman siya. Pero syempre may rules din gaya ng wag masyadong magpakalasing, wag kang gumawa ng katangahan, at.... no glove no love.

Nagspray na ako ng konting perfume at nilagay ko din yun sa bag ko. Lumabas na ako at hinintay na dumating si Yanna dahil siya ang susundo samin ngayon. Nakasuot siya ng blue satin top at high waist na pants at beige platform heels. May dala din siyang itim na purse na kumikinang.

Nakaupo ako sa isang monoblock na nakapwesto sa labas ng gate nang may natanaw akong papalapit na pulang sasakyan. Bumukas yung bintana nito sa driver's side at nakita ko si Yanna na nakangiti at kumakaway-kaway pa.

Sumakay na ako sa shotgun seat at nagsimula na siyang magmaneho paalis. Dumiretso na kami kila Mich dahil nandoon na rin daw si Isay. Same village daw eh.

Natanaw na namin yung entrance pero nandun na din pala sa guardhouse naghintay yung dalawa. Hindi pala sila excited.

Si Mich naka-off shoulder top na pink at maong hipster jeans at puting wedge, may dala din siyang blue na mumu backpack. Si Isay, nakared na dress. Above the knee lang at fitted. Nakasuot din siya ng red 6-inch heels at may red purse pa. Red din pala yung lips niya.

Bar naman talaga yung pupuntahan namin diba? Oh masyadong casual yung get-up ko?

Sumakay na yung dalawa sa likod. Pagkaupong-pagkaupo palang ni Isay sa kotse agad kong hinagis ng mahina yung jacket na dala ko sa may hita niya.

"Itakip mo sa legs mo." Napangiti naman siya at tinakpan niya nga. Hindi naman talaga naging tahimik yung byahe since nagpatugtog kami ng music at nagsing-along pa kami.

Napanganga ako ng mamataan ang labas ng bar. Mukhang marami na din ang tao ngayon. Pinark ko na ang sasakyan sa isang libreng space doon sa parking lot at pumasok na kami sa loob.

Parang kuta ni satanas amputa.

Dumiretso kami sa isang table at nagorder agad si Yanna ng dalawang bote ng Jack Daniels at Colt 45. Naibigay din naman agad ito ng bartender at bumalik na si Yanna sa table kasama ang isang waiter na dala ang ibang bote at shotglass.

Sinimulan kaagad nilang tunggain ang mga alak hanggang sa makita kong medyo nahihilo na si Isay. Mahina pala to eh.

Nagdagdag pa kasi si Mich ng isang bote ng Gin. Ngayon ko lang nalaman na mataas pala ang alcohol tolerance ko kasi pang-ilang bote ko na ito ng Red horse pero wala parin akong nararamdaman.

Beer lang ang inorder ko dahil ayokong gumawa ng pagsisisihan ko bukas. Nagbukas pa ako ng isa pang bote ng beer at tinungga ito hanggang sa makalahati ko na ang bote. Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao. Marami nang nagsasasayaw doon at yung tatlo kong kasama lasing na ata.

Si Isay sumasayaw. Si Yanna kumakanta ng mali-maling lyrics sa kanta. Si Mich nandito sa tabi ko, tulog na ata. Hindi sinasadyang mahagod ng tingin ko ang isang lalakeng nakatitig sakin. Bakit siya nandito?

Maghahanap siguro ng babae. Bigla siyang naglakad palapit kaya nangunot ang noo ko at ibinaling nalang sa kung saan ang tingin ko kahit na alam kong papunta siya rito. Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko pero binalewala ko iyon.

"Sa classroom hindi mo ako pinapansin. Hanggang dito ba naman sa bar di mo parin ako papansinin?" biglaang tanong niya kaya tinignan ko siya ng may pagsusungit ang mukha. Bwisit na 'to, ano ko siya boss?

"Bakit ba kita kailangang pansinin?" napatawa siya ng mahina kaya binigyan ko siya ng nakakamamatay na tingin saglit at inilayo ko kaagad ang tingin sakanya. Kumukulo yung dugo ko sa lalaking ito. Presensya niya palang nabwbwisit na ako. Basta hindi ko alam!

Hindi na ako nagsalita at inubos ko nalang ang natitirang beer sa bote at nagbukas ng bago. Hindi ko parin siya pinapansin at tumahimik na din siya pero nararamdaman ko parin ang titig niya sakin.

Si Mich, nagising na. Umiinom ngayon ng kape dun sa 7-11 sa labas para magpabawas ng pagkalasing. Sinamahan siya ng isang lalake, sabi niya okay lang daw since kilala niya naman. Hinayaan ko na.

Umalis na din yung playboy nung tinawag siya ng kasama niya.

Bumalik na si Yanna at Isay na may dala ngayong dalawang bote ng whiskey at tatlong shot glass.

"Nathalie!! Where's Michelle na?" parang lasing na tanong ni Yanna kaya natawa ako ng konti sa kanya.

"Nandoon sa 7-11 umiinom ng kape kasama ata yung kaibigan niya." Sagot ko naman habang nagsasalin si Yanna ng whiskey sa tig-isang shot glass. Bumalik na si Isay sa table namin at umupo sa tabi ko at agarang inabot at tinungga yung isang shot glass.

Binigay naman sakin ni Yanna yung isang shot glass kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin yun at inumin. Itinungga ko yun at napangiwi dahil hindi ko masyadong nagustuhan ang lasa. Hindi ko nalang pinansin iyon at uminom kami nang uminom hanggang sa maubos namin ang dalawang bote kaya ngayon ay nakakaramdam na ako ng konting paghihilo.

Lasing na ata ako..

"Punta muna ako ng cr." Paalam ko sa dalawa at pumunta na sa cr kahit medyo umiikot na ang paningin ko. Nang matapos na ako, lumabas na ako ng cubicle at naghilamos para mahimasmasan ako. Tinignan ko saglit ang sarili ko sa salamin at tipid na napangiti. Kinaya ko pala ang lahat ng iyon.

Lumabas na ako sa cr at dumiretso ulit sa table namin at umupo sa tabi ni Isay na hinihilo na naman ata. Mukhang umorder na naman si Yanna ng bote ng whiskey at yun ang iniinom niya ngayon. She's fucking wasted bro.

Sinabayan ko nalang si Isay uminom habang si Yanna yung naglalagay sa shot glass namin. Para siyang bar tender. Bumalik na naman ang pagkahilo ko at parang nalalasing na ako.

Bigla kaming inaya ni Yanna na sumayaw kaya pumunta kami doon sa dance floor at sumayaw-sayaw at nagsasaya. Nagulat naman ako ng may humila sakin. Putek..

"Michelle naman ehh!" Reklamo ko kay Mich nang malaman ko na siya pala ang humila sakin. Babaitang to, tinakot pa ako.

"Sorry Nat. May humahanap kasi sayo." ako?

"Sino? Hahaah." Lasing na ata talaga ako

Dinala niya ako sa labas habang hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko pagkatapos namin kunin ang bag ko. Nagpaalam na din ata siya kay Yanna at Isay.

"Joshua!!" tili ko kaagad nang makita kung sino daw yung naghahanap sakin sabi ni Mich. Gwapo parin siya ah. Mas gumwapo pa nga eh haha

Patakbo akong lumapit sa kanya at pinulupot ang mga braso sa leeg niya. Ang bango niya parin...

» » » » »

"Sandali, paano mo nalaman na nandoon ako?" Tanong ko habang kinakain yung itlog na niluto niya. Nakatingin siya sakin na parang gusto niyang matawa ng todo.

Ngayon ko lang naalala kung ano yung mga pinaggagawa ko kagabi.

"You called me Jane." I called him? Drunk call, is it...

"Nga pala... nasabi ko na sa kuya mo na nandito ka. And he said it's okay." tuloy-tuloy niyang sabi sakin na nagpakunot sa noo ko. Bwisit? Bahala na nga. Para namang mamamatay ako kapag kasama ko yung ex ko.

Yes. He's my ex. It was a peaceful break up though. Hindi lang masyadong nag-sisink in sakin na bakla siya. That's not the reason we broke up though. We broke up because we were too... perfect. Masyadong naging perfect yung relasyon namin na parang may mali na. We still managed to be friends. Pero hindi nawawala yung awkwardness syempre.

Siguro narealize niya na hindi niya gustong siya yung pinakagwapo sa paningin ko. Gusto niya daw na maging mas maganda sakin.

"Nga pala Josh... Kamusta yung kinikita mong taga-PUP?" Kinikilig na tanong ko nang maalala na sinabi niya saking may kinikita daw siyang pogi sa PUP

Namula naman agad ang pisngi ng bakla.

"Gaga!!! Sige ka ipapakilala kita sa kanya." para siyang bulateng inasinan sa galaw niya ngayon.

"Pucha sige na!! Dapat pumasa siya sakin ah." salita ko habang nilalagay na namin yung mga pinagkainan namin sa lababo at hinuhugasan niya.

"Nga pala baks may bibilhin ako mamaya. Samahan mo ako ah." kahit na mag-ex kami parang magbarkada lang kami kapag lovelife niya ang pinaguusapan namin. Malamang nakakakilig naman yung kwento niya eh.

"Sige." pumunta na ako sa banyo at inilabas na sa inidoro ang dapat na maipalabas.

Pagkatapos, lumabas na ako at nakita kong nakasuot na si Josh ng white tshirt at itim na jogging pants. Nakasuot din siya ng itim na rubber shoes at naka-cap.

Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Gamit niya parin pala yung D-max niyang itim. Doon ako sa shotgun at syempre siya yung nasa driver's seat.

Nag-seatbelt na kami pareho at nagmaneho na siya papuntang mall. Naabutan din namin yung traffic pero okay lang naman.

Habang stuck kami sa traffic, chineck ko muna yung cellphone ko kung may nagtext. Nakita kong gumawa pala ng group chat tong si Yanna sa F******k.

Tatianna: Oy Nathalie may sumundo daw sayong gwapo sabi ni Mich.

Isabella: Talaga? Omg Matangkad ba?

Michelle: Yes Isabella matangkad.

Tatianna: Kahit sino naman talaga Isay mas matangkad sayo.

Isabella: bakit ko nga ba kaibigan tong mga to?

Michelle: Itanong mo sa tuktok ng book shelf sa library na hindi mo maabot-abot.

Tatianna: HAHAHAHAHAAHHHAHAH PUCHA KA MICH. KAWAWANG ISAY AHAHAHAHAHAHAHAHA

Napatawa nalang ako dahil inaasar na naman nila Yanna si Isay sa height niya. 5'1 kasi yung height ni Isay, 5'4 naman sina Yanna at Mich. Ako, 5'10. Yes. 5'10 as in 179cm. Nagmumukha akong kapre sa tabi nilang tatlo lalo na kapag nakatayo. Buti nalang six footer tong si Joshua. Yang si Luke six footer din ata.

Nagchat nalang ako sa kanila at sinabing okay lang ako at nakisali na rin sa pang-aasar kay Isay pero tumigil na din kalaunan dahil tuloy-tuloy nang umusad ang traffic.

Nang makarating na kami sa mall, agad pinark ni Joshua yung sasakyan sa isang bakante.

"Wait wait wait!!!" taranta kong pigil nang may maalala ako.

"What's wrong?" tanong niya, nakakunot ang noo. Tinapat ko malapit sa mukha niya ang kanang kamay ko, as a sign of 'wait'... Sininghot ko ang sarili ko at bahagyang napangiwi nang malaman na kumapit pala sakin ang amoy ng alak at sigarilyo mula kagabi.

"May perfume ka ba?" bahala na. May inabot siya sa glove compartment sa harap ko at nilabas ang isang mamahaling men's perfume at binigay niya sakin.

Binalewala ko nalang na panglalake yun. Mas mabuti nang mag-amoy lalake ako kesa amoy alak.

"Sige thank you baks." Ngumiti naman siya sakin kaya bumaba na kami.

Dumiretso ako sa National Bookstore at siya naman gumala-gala. Baka maghahanap ng ibibigay sa fafa niya. Yiiieeee

Habang tinitignan yung listahan na sinend ni Isay kahapon, may narinig akong isang pamilyar na boses sa kabilang aisle..

"Luke! Ganoon nalang ba 'yun?" ah.. galawang playboy

"Seriously can you stop?" matapobre talaga 'tong lalakeng ito.

"Bakit? Sa oras na magkasama tayo wala ka man lang ba naramdaman?" sinilip ko sila saglit at nakita kong salubong ang kilay nitong si Luke at yung babae namang kausap niya... uh.. She's wearing a yellow tube top at short shorts.. with pink heels..

Mukha siyang tagasenyas kapag may ilegall race sa Tondo. Kulang nalang dalawang panyo.. Naka-ponytail pa yung buhok niya.. matatwa ba ako o ano?

Hindi ko nalang sila pinansin. Baka mahuli pa ako ng playboy at sabihin pa niyang chismosa ako. Bigla naman siyang naglakad papunta sa kabilang side kung nasaan ako at sinundan parin siya ng babae. May tinitignan siyang kung ano dun. Napatingin ako sa kanilang dalawa at agad ding iniwas ang tingin.

"I told you already. I have a girlfriend. I don't even remember your name." Pikon na asik niya sa babae kaya napatingin na naman ulit ako sa kanila. Parang iiyak na ang babae.

"Luke! I'm Ann!" luh bigla siyang sumigaw. Napatingin na rin ang ibang tao sa gawi nila. Nilibot naman ni Luke yung tingin niya pero nahinto yun sakin. Medyo ngumiti siya ng nakakaasar na parang may pinaplano siya.

"What if I tell you my girlfriend's here?" Nakangising salita niya kay Ann kaya napakunot ang noo nito

"Who is it?"

Naglakad siya palapit sakin at huminto sa tabi ko. Inakbayan niya ako at tumingin ako sa babae. Nakatingin lang din siya sakin na naguguluhan.

"Meet my girlfriend. Nathalie." tinamaan ng lintik

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status