FAZER LOGINTumango si Craige at nagsalita.“Sige.”Dinala ni Craige si Jessica sa tirahan ng lalaki, ngunit nakasarado na ang tarangkahan at wala nang tao roon. Tahimik ang paligid, para bang matagal nang iniwan ang lugar.Kumatok si Jessica sa pinto.“May tao ba riyan? Hello, may tao ba sa loob?”Ngunit walang sumagot.Maya-maya, may lumabas na kapitbahay mula sa katabing bahay. Tumingin ito sa kanila nang may bahagyang pagtataka.“Hinahanap ba ninyo si Amuuu?”Tumango si Jessica at sinabi, “Oo. Alam po ba ninyo kung saan siya pumunta?”“Nakalipat na si Amuuu. Umalis na siya rito,” sagot ng kapitbahay.“Ano!?” biglang sambit ni Jessica.Agad naman siyang nagtanong.“Alam po ba ninyo kung saan siya lumipat?”Umiling ang kapitbahay at sinabi, “Nabalitaan ko lang na kumita siya ng malaking pera, kaya hindi na raw siya babalik dito.”“Kumita ng malaking pera?” ulit ni Jessica, lalong bumigat ang kutob niya.Tumango ang kapitbahay.“Oo. Naparito kayo para bilhin ang Calophyllum Inophy
“Boss, hindi kami narito para mamasyal. May hinahanap kami,” ani Jessica.“Ano ba ang hinahanap ninyo? Baka alam ko,” sagot ng may-ari.“Hinahanap namin ang Calophyllum Inophyllum.”“Ang Calophyllum Inophyllum na minsan lang mamukadkad kada limampung taon? Aba, napakaswerte ninyo. Kahapon lang, may isang tao na umakyat ng bundok at nagkataong nakapitas ng isa.”Biglang lumiwanag ang mukha ni Jessica. Halos hindi niya maitago ang tuwa.“Talaga? Napakagandang balita naman niyan kung gano'n!” mabilis niyang sabi. “Boss, may contact information ba kayo ng tao na iyon? Gusto naming bilhin ang Calophyllum Inophyllum niya sa mataas na halaga!”Ngumiti ang may-ari at sinabi, “Mayroon akong number niya. Tatawagan ko siya ngayon din para sa inyo.”Kinuha nito ang cellphone at agad na tumawag.Samantala, hindi maitago ni Jessica ang excitement. Napalingon siya kay Craige, ang mga mata ay kumikislap sa pag-asa.“Craige, narinig mo ba 'yon? Sakto talaga ang pagpunta natin dito. May Calophy
Tila biglang huminto ang tibok ng puso ni Jessica pansamantala.'Kasal?'“K-Kasal? K-Kanino?” inosente niyang tanong.Ngunit gaya ng inaasahan, agad siyang pinarusahan ni Craige dahil doon.Yumuko ito at marahang kinagat ang mapula niyang labi.“A-Ah…” ani Jessica at napangiwi, habang hinahawakan ang sariling labi. “Nasaktan mo ako.”Mariin siyang tinitigan ni Craige, tila may halong pagseselos at pagpipigil sa mga mata nito.“Buti nga,” mababa nitong sabi. “Miss Pablo, sino pa ba ang gusto mong pakasalan?”“Ako—”“Bukod sa akin, may iba pa ba?” mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa baywang niya. “Ang tinutukoy ko ay ang magpakasal sa akin. Naisip mo na ba 'yon?”'Magpakasal sa kanya…'Parang biglang bumilis ang lahat para kay Jessica.Bago pa lamang nila ulit nakita ang isa’t-isa, ngunit nang isipin niya nang mabuti, kung hindi dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas, baka matagal na sana silang kasal ngayon.Tahimik siyang napatingin dito bago mahinang nagta
Parehong babae sina Jessica at Akisha, kaya matapos silang ihatid ni Craige sa silid ay kusa muna itong lumabas upang bigyan sila ng oras.Marahang inayos ni Jessica ang damit ni Akisha bago ngumiti rito.“Halika na, pumasok ka na.”Muling bumalik sa loob si Craige.Agad namang masiglang nagtanong si Akisha.“Ninang, dito rin ba matutulog si ninong kasama natin ngayong gabi?”Napailing si Jessica habang natatawang tumingin dito. “Siyempre hindi.”Nagtaka ang bata.“Bakit naman po?”Marahang hinalikan ni Jessica ang pisngi nito. “Kasi maliit na babae si Akisha. Hindi dapat natutulog ang isang batang babae kasama ang kahit sinong lalaki maliban sa sarili niyang daddy. Sikreto iyon nating mga babae.”Tumango si Akisha na tila bahagyang naiintindihan ang sinabi niya.“Ganoon din po ang sabi ni mommy.”Napangiti si Jessica bago iniabot kay Craige ang isang librong pambata.“Maliligo muna ako. Ikaw muna ang magkwento kay Akisha.”Tinanggap ni Craige ang libro at tumango.
Tuwang-tuwa naman si Akisha at agad na lumiwanag ang kanyang mga mata.“Talaga po?”Ngumiti si Jessica habang marahang hinahaplos ang buhok nito.“Siyempre. Ayaw mo bang matulog kasama si ninang?”Masiglang tumango si Akisha.“Gusto ko po!”Hindi napigilan ni Maxine ang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa.“Jessica, hindi ba magiging abala kung sasama si Aksa ’yo?”Agad namang umiling si Jessica.“Maxine, napakadali lang naman niyan. Dati naman palaging natutulog si Akisha kasama ko.”Bahagyang natawa si Maxine bago sumulyap kay Craige.“Noon 'yon. Iba na ngayon. Kasama mo na si Mr. Montero, kaya iniisip ko kung magiging komportable siya.”Ngumiti naman nang bahagya si Craige, at walang pag-aalinlangang sumagot.“Komportable ako. Gustong-gusto ko rin si Akisha.”Agad namang pumalakpak si Akisha.“Yay! Makakatulog si Akisha kasama si ninang ngayong gabi!”Nang makita ni Maxine ang sobrang kasiyahan ng anak, hindi na niya nagawang tumanggi pa. Ngumiti siya kay Jessi
Marahang tinapik ni Craige ang maliit na ulo ni Akisha habang may bahagyang ngiti sa labi.“Salamat sa papuri, Akisha.”Ngumiti si Maxine at marahang hinaplos ang likod ng bata. “Akisha, umupo na tayo.”“Sige po.”Tahimik na umupo sina Maxine at Akisha sa isang side ng mesa, habang magkatabing naupo sina Jessica at Craige sa kabilang panig. Hindi nagtagal, isa-isang dumating ang mga waiter upang ihain ang masasarap na pagkain. Napuno ng mainit at komportableng atmosphere ang pribadong silid.Habang inaayos ni Jessica ang kubyertos sa harap niya, napatingin siya kay Maxine.“Maxine, kamusta na ang sitwasyon ng pinsan ko?”Bahagyang natigilan si Maxine. Ayaw niyang mag-alala si Jessica, lalo na ngayong pagkatapos ng matagal na paghihiwalay ay muli nang nagkatagpo ang dalawa at halatang mas lalo lamang tumibay ang pagmamahalan nila. Kaya marahan siyang ngumiti.“Jessica, huwag kang mag-alala. Malulutas din agad ang problema ng pinsan mo.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Jessic
Nagtipon-tipon ang lahat sa paligid nina Marivic at Nora, puno ng paghanga at papuri sa kung paano nila naisilang ang isang napakahusay na anak tulad ni Maxine.Ang party ngayong gabi ay dinaluhan ng mga elite mula sa iba’t-ibang larangan, eksakto sa matagal nang pangarap ni Marivic. Palagi siyang
'Damn!'Biglang huminga nang malakas si Monica, halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Sa harap ng napakaraming tao, si Shawn mismo ang nagpabagsak sa kanya at pinilit siyang lumuhod sa harap ni Maxine.Napaatras siya ng dalawang hakbang at muntik nang matumba, ngunit agad siyang inalalayan
Naalala pa rin ni Shawn ang gabing una siyang humiling ng diborsyo. Iyon ay ang kanyang kaarawan. Noong gabing iyon, naghanda si Maxine ng buong mesa ng pagkain at naghintay sa kanyang pag-uwi.Ang mga bagay na noon na hindi niya pinapahalagahan, ngayon ay nawala na lahat. Ang biglaang pagkawala ay
'H-Hindi. Imposible ito!?'Nanlaki ang mga mata ni Monica sa hindi makapaniwalang ekspresyon. Parang may biglang bumagsak sa dibdib niya. Masakit, nakakasakal. Sa gitna ng galit at pagkataranta, napasigaw siya.“Maxine, ano’ng ginagawa mo kay Shawn? Walang hiya kang babae ka! Ikaw ang umakit kay S







