Nakakunot ang noo ni Maxine. “Teka lang kasi, hindi kita maintindihan. Bakit galit na galit ka, Shawn?”Nagkiskisan ang mga ngipin ng lalaki. “Max, sinong nagsabi sa ‘yo na ganiyan ang suotin mo? Ang sexy! Halos kita na ang kaluluwa mo!” ‘Sexy?’ bulong ni Maxine sa sarili, kasabay ng paniningkit ng mga mata. “Ano ba kasi ang pinagpuputok ng butsi mo?”Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Shawn si Maxine at ang napakaikling palda nito. “Tingnan mo nga ang sarili mo! Halos makita na ang mga hita mo. Gusto mo bang ipakita na lang sa lahat ang mga binti mo, Max?” Medyo maikli nga ang palda, pero si Althea ang pumili ng sinuot niya. Hindi naman ganoon ang pananaw ng matalik na kaibigan kanina nang mag-alinlangan siya. “Max, hindi ka naman nagpapakita ng legs kahit noon pa. Kaya, ngayong gabi, ipakita natin kung sino talaga ang may pinakamagandang binti sa buong lugar!”Dahil doon, nakumbinsi siya ng kaibigan na suutin iyon.Bahagyang itinaas ni Max ang kilay niyang elegante. “Mukhang ti
Baca selengkapnya