Nagsalubong ang itim at makapal na mga kilay ni Juancho nang lumabas na rin mula sa fitting room si Camila. Tinapanunan niya ito ng tingin.
Hindi lubusang maintindihan ng lalaki kung ano ba itong ginagawa ni Camila. Bakit pa siya nandoon sa lugar na iyon at nagpapakahirap magtrabaho.
Higit na malayong mas maganda at maginhawa ang buhay na tinatamasa niya sa puder ng Pamilya Buenvenidez kaysa sa buhay na mayro'n ito ngayon, nagtratrabaho sa ganitong klase ng mababang uri ng trabaho at hinahayaan ang mga taong maliitin lamang siya.
"Kung hindi mo naman pala kayang pagsilbihan ng maayos ang mga kliyente niyo, mas mabuti pang itigil mo na lang at 'wag nang magpanggap na alam mo ang ginagawa mo." Hindi na napigilan ni Juancho ang sarili na tuyain ang babae.
Biglang sumakit ang damdamin ni Camila dahil dito.
Ang mga taong 'to, bagay na bagay nga silang dalawa! Para silang pinaghalong mga kulay na puti at itim. Parehong magagaspang ang ugali!
Umangat ang sulok ng mga labi ni Camila, "Oh siya, sige, bibigyan ko kayo ng ibang taong tutulong sa inyong makakalap ng impormasyon tungkol kay Sunshine. Sana nga ay magtagumpay kayong makontak siya para maipakilala niyo na rin ako sa iba at mas marami pang mga kliyente," mataray na turan ni Camila sa dalawa.
Pagkatapos ay mabilis nang iniwan ni Camila ang mga ito sa labas ng fitting room. Nagtawag agad ito ng isang babaeng tauhan at maingat na nagbilin.
"Huwag mong babanggitin sa dalawang iyon ang tunay na pangalan ni Sunshine. At kung sakali man na magtanong sila tungkol sa kanya, sabihin mong kamamatay pa lamang ng asawa niya at wala siyang balak na gumawa ng kahit anong disenyo."
Manigas sila! Tingnan lang natin kung mahanap pa nila si Sunshine!
"Nakita mo na ang ugali ng babaeng 'yon? Gustong-gusto ko lang naman kasi talaga ang wedding dress at nagtatanong lang naman ako sa kanya tungkol sa numero at iba pang impormasyon kay Sunshine tapos gano'n ang asal na ipinakita niya? Hay! Sa panahon talaga ngayon, kung sino-sino na lang ang mga natatanggap sa trabaho, mga wala namang silbi!"
Naabutan ng shop assistant ang nagrereklamong si Dominique kay Juancho.
Bahagya namang naging problemado si Juancho sa umiiyak na si Dominique sa harap niya. "Bakit ka pa ba nakipagtalo sa kanya? I can hire someone to find Sunshine to see you."
Hindi na napigilan ng babaeng tauhan na kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi. Nasa harap na nila kanina si Sunhine. Pero ininsulto pa nila ito, ngayon ay mahihirapan pa lalo silang mahanap siya. Sinunod ng babae ang utos ng amo.
Tumikhim ito at tahimik na lumapit sa kanila. Sa hindi nagbabagong ekspresyon ay nagsalita ito, "Ma'am...Sir... Pasensya na po, ang balita po kasi ay kamamatay lamang ng asawa ni Sunshine at hindi ito tumatanggap ng kahit sinong panauhin."
Napatingin ang dalawa sa babae. Bahagyang umangat ang kanang kilay ni Juancho. "We will just wait for her, then,"
Nakakaawa siyang talaga na sa isang iglap ay naging biyuda.
***
Naglaho na ang antok na naramdaman ni Camila kanina matapos siyang pagkaisahan nina Juancho at Dominique sa baba.
Agad nitong kinuha ang telepono at tinawagan ang kaibigang si Leila.
"I made 7.18 million today, come and let's hold a celebration party for me," Camila said plainly as soon as Leila picked her phone up.
"Totoo nga talagang binenta mo na ang wedding dress?" Bago pa man tumawag si Camila sa kanya ay alam na nito ang tungkol sa pagkakabili di umano ng nasabing dress.
Sa isip ni Leila, dapat lang na ipagbili na rin iyon tutal ay magdi-divorce na rin naman sina Juancho at Camila.
"I am just curious, Camila, kanino mo naman ito nabenta? At aba! Ang laking halaga niyan, ha!"
"Juancho Buenvenidez," mapait itong ngumiti sa sarili. "Binili niya para kay Dominique."
"What the hell?! Sila pala, bakit mo pa rin binenta?!" Hindi na napigilan ni Leila na tumaas ang kaniyang boses. Halos maputol na ang litid nito sa lalamunan.
Kung iisiping mabuti, para na ring inubos ni Camila ang lahat ng oras niya sa loob ng tatlong taon sa paggawa ng wedding dress na para lang pala sa ibang tao. At kay Dominique pa.
7.18 million, ika- labing walo sa buwan ng Hunyo, Ang eksaktong araw kung kailan nila natanggap ang sertipiko na nagsasabing sila ay legal at opisyal na na mag-asawa.
Siguro nga ay matagal nang nakalimutan ni Juancho ang lahat ng tungkol sa bagay na iyon.
Kinagabihan, nagpakalunod si Camila sa pag-inom ng alak. Malugod din naman itong sinamahan ng kaibigan, na sa huli'y mas marami pa ang nainom na alak kaya naman ay nakatulog na agad ito sa sobrang kalasingan.
Kalaunan, tinulungan ni Camila ang kaibigan at pinasakay ito sa loob ng taxi, kinausap din nito ang driver, sinabi ang tamang address ng babae at binilin na ihatid ito sa kaniyang bahay ng maayos.
Nang mawala na sa paningin ni Camila ang naunang sasakyan ay saka naman ito pumara ng panibago para sa sarili niya. Sa biyahe pauwi sa shop, naalala bigla ni Camila ang tungkol sa papeles ng kaniyang divorce agreement. Hindi pa ito nakita ni Juancho kaya kailangan niyang kunin para maipadala na ito sa opisina ng lalaki sa kanilang kompanya. Kaya naman sinabi ni Camila sa driver na iliko ang sasakyan at imbes ay ihatid na lang niya ito sa kanilang "tahanan" ni Juancho kung saan siya nanirahan sa loob ng tatlong taon.
Huminto ang sasakyannsa harap ng isang mataas na gusali. Bumaba sa sasakyan si Camila at agad nang nagtungo sa condo unit nila ni Juancho. Nang nasa tamang palapag na ay huminto ito sa tapat ng pintuan. Mabilis na pininindot ni Camila ang passcode at agad na itong pumasok sa loob.
Pagkapasok pa lang ay agad na may malakas na puwersang humila sa kanya at mariing idiniin ito sa gilid ng pinto.
Nahihilo at hindi pa man nakakabawi si Camila ay agad na sinakop ang labi nito nang mapaghanap, malalim at mapusok na halik na nagmula kay Juancho.
Ang pamilyar na bango ng lalaki at mainit na temperatura ng katawan nito ay nanuot sa kaniyang ilong, sanhi para gustong maiyak na lang ng babae.
Inilapat ni Camila ang mga kamay sa dibdib ng lalaki habang patuloy pa rin siyang nilulunod ng halik nito.
Ngayong hinahalikan siya ng lalaki dapat ay nabuhayan na siya at naging masaya. Siguro kung noong mga nakaraang araw ito nangyari, baka tumalon-talon pa ito dahil sa labis na kagalakan, 'di ba?
Ngunit nang maalala niya ang hitsura ng lalaki kanina habang sinasamahan nito sa pagbili ng wedding dress si Dominique habang nakaharap siya ay para itong pinagbagsakan ng langit at lupa. Lahat ng nararamdaman para sa lalaki ay naglaho. Unti-unti ay namuo ang galit sa kaniyang dibdib.
Inipon ni Camila ang lahat ng natitirang lakas at buong tapang na tinulak ang lalaki na nasa kaniyang harapan, pinunasan nito ng marahas ang kaniyang labi "Can't Dominique feed you? You are so hungry that you cannot choose what to eat!" matalim na singhal ni Camila.
Halatang kakauwi lang din ni Juancho rito. Hindi pa ito nakapagbihis, suot pa rin nito ang crisp suit na suot pa kanina. Gamit ang kalmadong mga mata ay tinitigan siya ni Juancho.
"How about you? You said you wantend a divorce and still you came here in the middle of the night, can't you bear the hardship of working?"
Bakas sa tono ng boses ng lalaki ang disgusto. Mas lalong hinigpitan ni Camila ang hawak sa kaniyang damit sa magkabilang gilid.
“It's true that I made more money working for you, but you know what I like about my job right now? It wasn't this exhausting!” galit na sumbat ni Camila.
Umikot siya sa lalaki at naglakad patungo kung nasaan ang switch at pina-ilaw ang buong sala.
Tumungo ito sa coffee table kung saan niya huling iniwan ang maga kard at papeles. Pinulot niya ang mga ito at buong tapang na hinampas ang mga ito sa dibdib ng lalaki.
"Para malaman mo, umuwi ako rito para lang diyan. At dahil nandito ka na rin naman, hindi ko na kailangang mag-aksaya pa ng oras bukas para lang ipadala sa'yo ang mga 'yan!"
Habang nakaupo sa loob ng store si Camila, pinanood niya ang lalaki na lumitaw mula sa lilim ng puno hanggang sa ito ay dahan-dahan nang naglakad palayo roon.Mayroon siyang balak na tumawag ng pulis, kaya naman nagmasid masid pa siya sa buong paligid ng store, pinakiramdaman ang bawat sulok sa isang mahabang sandali upang masiguro kung nakaalis na ba talaga iyong lalaki. At saka lamang siya nakahinga nang maluwag kahit papaano noong sa tingin niya'y wala na nga ito sa paligid.Subalit, kahit ganoon man ay hindi pa rin siya nangahas na mag-isang bumalik sa hotel kung saan siya tutuloy.Kasi paano kung doon pala nag-aabang iyong lalaki sa kanya?Wala siyang ideya kung ano ang mga intensyon nito.Magsasarado na ang embroidery studio, at hindi siya maaaring manatili rito habambuhay.Nilabas niya ang kaniyang cellphone para tumawag na sa pulis. Ni-report niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatapos ay naghintay siya sa may bandang bukana ng store para sa kanilang pagdating.“Dapat
"I will give her the biggest compensation for this matter," sagot ni Juancho.“Juancho, ganito ka ba talagi palagi? Hindi mo nauunawaan 'yong pakiramdam na mapalitan ng ibang bagay na hindi mo naman gusto ang isang bagay na pinakamamahal at iniingatan mo. Sarili mo lang iniisip mo at wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba,” saad ng lalaki, ang boses nito ay nababahiran ng pang-uuyam.“Kung ganoon ibabalik ko rin sa'yo ang parehong tanong, ganito rin ba talaga palagi si Dominique?“ buwelta ni Juancho.“Anong ibig mong sabihin?“ Ang tono ng lalaki ay biglang napuno ng iritasyon.“You know exactly what I mean.“ Kasing lamig na ngayon ng yelo ang boses ni Juancho. “Bakit hanggang ngayon ayaw niya pa ring humingi ng paumanhin para sa gulong idinulot niya sa show noon?““Kasalanan niya ba 'yon?“ tutol ng lalaki. "You knew very well that my sister liked you, yet you still deliberately created hype as a loveteam with another woman in that show. You didn’t ignore her post on hersocial media
"Just say whatever you want to say."Nag-angat ng kilay si Juancho nang tinapunan niya ulit ng tingin si Alvin dahil hindi ito umiimik.Pinagsalikop ni Alvin ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang puson. “Uh, Sir... Hindi po ba't mas maganda nga ito ngayon kaysa noon? Ang ibig ko pong sabihin ay mas mukha na kayong tunay na mag-asawa ni Madame ngayon...“ maingat niyang tugon.Mabilis na naglaho ang galit na nararamdaman ni Juancho dahil sa sinabi ni Alvin. Pinigilan niyang umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagtanong, “Why do you think that?““Kasi po nakikipagtalo na siya sa inyo ngayon, hindi po ba?“ maingat na tanong ni Alvin.Bago pa man mahulog si Juancho sa malalim na pag-iisip ay sinenyasan niya ang kaniyang assistant na magpatuloy sa mga sinasabi nito.“Kapag palagi po kasing nagtatalo ang isang magkasintahan o mag-asawa, ibig sabihin no'n ay mayroon silang malalim na relasyon. Uh, noon po kasi ay hindi nakikipagtalo sa inyo ang asawa niyo—marahil iyon ay dahil medyo.
Mula sa set, nagmamadaling umuwi si Dominique sa bahay niya dahil sa frustration, nang nakarating sa kanya ang balita na binawi raw ni Juancho ang wedding dress na dinisenyo ng V&L.“M-ma'am, ang sinabi naman po ni Sir Juancho ay ibibilhan na lang niya kayo ng panibago, na nagkakahalaga ng sampung milyon,” natatarantang paliwanag ng kasambay nang nakita niya ang galit na galit na mukha ng babae.Dumilim ang ekspresyon ni Dominique, ang mga mata nito ay punong-puno ng nag-uumapaw na galit.“Hindi mo man lang ba tinanong kung bakit niya kinuha ang wedding dress?““M-ma'am... si Sir Juancho na po kasi iyon. S-sino lang po ba ako para question-in ang desisyon niya p-po...“Napayuko ang kasambahay sa takot. Maingat siyang umatras ng kaunti.“Boba!“Tinulak pagilid ni Dominique ang kasambahay at saka siya nanggigigil na nagmartsa patungo sa cloakroom.Nang makita niya na ang napakagandang wedding dress ay talagang wala na sa kinalalagyan nito, ay kaagad na namula ang kaniyang mga mata dahil
“I never liked her, Camila,” Juancho emphasize.“Tinanong kita noon kung bakit 7.18 million ang binigay kong presyo sa wedding dress na iyon, pero hindi mo alam. Ni hindi man lang sumagi sa isipan mo ang tungkol sa mga numerong iyon.“ Diretso ang tingin ni Camila sa mga mata ni Juancho, ang ngiti sa kaniyang labi ay lalong pumapait. “Wedding anniversary natin iyon, Juancho. At 'yong wedding dress? That was the wedding dress I told you about. Pero dahil nagustuhan ni Dominique, sinabi mo sa shop na ibenta ito para sa kanya.“Marahas na nanginig ang mga mata ni Juancho.Iniwas ni Camila ang kaniyang tingin. “Sa sandaling nabenta ang wedding dress, isinuko ko na rin ang nakaraan at niyakap ang panibago kong buhay,” patuloy niya pa kahit naninikip na ang kaniyang lalamunan.“Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?“ Matigas ang boses ni Juancho.Kumurba ang labi ni Camila para sa isang sarkastikong ngiti. "Do you think it would have made a difference? Marriage is a matter between a man and
Mabilis na nahulog sa pagkakatulog si Juancho dahil sa maaliwas na simoy ng sariwang hangin.Lumapit si Lola Celestina sa kinaroroonan niya para sana mangumusta ngunit naabutan niya itong tulog. Nilapitan niya pa ito lalo at maingat na inayos ang unan na medyo nahuhulog na. Malumanay siyang napanbuntonghininga nang pinagmasdan niya ang mukha nito at nakitang tila mayroong nakaukit na kalungkutan sa mga kilay niya.Hindi niya maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Camila.Pagkaraan ng ilan pang sandali ay bumalik siya sa kusina upang hanguin ang nilutong biko. Tapos na rin siyang nagluto ng adobo. Kaya naman nagpasya siyang i-video call ang apo.Kaagad namang komunekta ang tawag sa kabilang linya.“Lola...“Punong-puno ng pagmamahal ang mukha ni Lola Celestina nang tiningnan niya si Camila sa screen.“Kumusta ka na, apo? Kumusta ka sa trabaho mo?“Dahil hindi inaasahan ang tawag, pinaghinalaan ni Camila na ito ay mayroong kinalaman kay Juancho.“