He could see those guys ogling on Fritzene. He could feel the tensions in his muscles. Mabilis niyang binistahan ang kanyang relo sa bisig. It's 8:45 in the evening! What the hell! Mabuti na lamang pala at sumama siya kina Clark, Mattias at Scott nang magyaya ang mga ito sa kanila ni Apollo sa bar. Hindi naman nakasama si Apollo dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya nito ngayon. Ashley became hot topic and trending in national news today nang masangkot ito sa isang pangyayari sa Boss Cafe sa San Diego with Asias Teen Sensation Kristel Almabis. Hindi rin magkamayaw ang mga paparazzi sa kanilang lugar na laging nakaantabay sa paglabas ni Ashley upang makuha ang side nito sa isyu at relasyon nito kay Hugh Perez, isang singer actor and model.
Bigla siyang napatayo sa harap ng counter ng bar kung saan sila nakaupong magkakaibigan nang makitang ikawit ng isa sa mga lalaki ang kamay sa beywang ni Fritzene. Napansin naman
"Where have you been?" sita kay Fritzene ng inang si Bing. Lalampasan na sana niya ito nang muli itong nagsalita. "Ganyan na lang ba Fritzene? Hindi mo na naman ako kikibuin? Hindi mo kami kikibuin ng iyong ama na parang mga hangin. Hindi ka man lang ba magsosorry na gabi ka na naman umuwi? Hindi ka man lang ba magsosorry na umalis ka nang hindi nagpapaalam? Pinilit niya ang sariling hindi lumuha sa harap nito. This is not her. Alam niyang may nabago sa kanya. She used to be the good girl her parents were proud of. Pero tao lang din siya. Nasasaktan, nagdaramdam, nalilito. Napabuntong hininga siya sa naisip. "I need to go to my room Mom." Nang mapadaan siya sa tabi nito ay napasinghap ang kanyang ina. "And now you're drunk? Kailan ka pa natutong maglasi
'Hinanap ang sarili?' 'Naaksidente?' What the hell? Iyon ang sinabi sa kanya ng totoong ama na si Mr. Timothy Abalos nang makorner siya nito kanina sa may gate ng BISU. Malayo pa lang siya ay natanaw na niya ito. Hindi niya maintindihan kung didiretso ba siya o ano. Ngunit sa huli ay pinili niyang dumiretso sa may gate ng BISU. Lalampasan sana niya ito ngunit tinawag nito ang kanyang pangalan at pinigilan siya sa kamay. Nakiusap itong paglaanan niya ito ng kaunting oras upang maipaliwanag nito ang dahilan ng kanilang pagkakalayo. 'Yeah right.' Pagod na rin naman siyang umiwas sa sitwasyon. Siguro tama rin lang na pakinggan niya ito. Everyone has the rights to be heard. Isa pa marami siyang mga katanungan na naghahanap ng kasagutan. W
"Ahhhhhhhhhhh! I hate this life!" malakas na sigaw niya kasabay ng pagbalong ng luha sa kanyang pisngi. Sabog ang emosyon niya nang mga sandaling ito. Sana magising na siya sa matinding pagkabangungot. Sana. Maraming Sana. Ibinuhos niya lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman sa pag - iyak. Dala ng labis na pagod, hindi na namalayan ni Fritzene nang siya ay makatulog. Naalimpungatan na lamang siya nang makarinig ng papalakas nang papalakas na boses na wari'y palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan. "Woah.. pare.. may bisita yata tayo. Tamang tama matagal na akong diet." anang isang tinig. Agad siyang napabalikwas sa kanyang pagkakahiga at laking gulat nang makita ang grupo nina Jasper Harvey na papalapit sa kanyang kinaroroonan.
Hindi siya papayag na yurakan ni Jasper at mga kaibigan nito ang kanyang dangal nang ganoon na lamang. Hindi maaari! Sa oras na ito parang gusto niyang maglaho nang parang bula sa harap ng mga ito lalong lalo na sa harap ni Jasper.Mabilis niyang nilingon ang kanyang likuran at tinantiya ang kanyang kilos. May kataasan ang kanyang kinaroroonan ngunit wala siyang ibang pagpipilian kaya't iyon na lamang ang kanyang paraan upang makatakas sa mga ito. Bahala na! Bago pa man siya tuluyang mahawakan ni Jasper ay nakatalon na siya. "Fritzene!" malakas na sigaw ni Jasper ang narinig niya. Nagpagulong gulong siya at ramdam niya ang bulbog at sakit ng katawan. Pinilit niyang makatayo kahit hirap ay inilakad niya ang mga paa. Hila ang isang paa ay lakad - takbo ang kanyang ginaw
Hindi alintana ni Zeus ang pagod at gutom nang mga oras na iyon. Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay kung paano maililigtas si Fritzene mula sa kamay ni Jasper Harvey. Masama talaga ang kutob niya. Noon pa man ay mabigat ang loob niya dito. Batid niya ang matinding pagnanais nito na mapabagsak siya sa anumang larangan. Nagsimula ang rivalry nila, pero kung tutuusin ito lang naman ang tumuturing sa kanyang karibal nang lumapit sa kanya nang minsan ang nobya nitong si Alessandra. Nasa aktong humalik sa kanya si Alessandra na ikinagulat pa niya nang dumating ang grupo ni Jasper Harvey. Nagkainitan sila at muntik nang magpang - abot. Mabuti na lamang at dumating ang kanilang professor na si Sir Aniano kasama ang asawa nito, ang kanilang Guidance Counselor na si Mrs. Sheena. Napigilan ng mga ito ang riot na sanang mangyayari. Hindi doon nagtapos ang lahat. Batid niya ang ginagawa n
Hindi maiwasang mapabuntunghininga ni Martin habang iyak nang iyak naman sa kanyang tabi ang kanyang asawang si Athena. Napamura siya nang hindi nila abutan sa abandonadong gusali sina Zeus at Fritzene. Tanging bakas ng patak ng dugo ang nakita nila sa sahig. Matindi ang kanilang pag - aalala sa kanilang bunsong anak. Sa katapat naman nilang upuan, naroroon ang mag - asawang Bing at Cezar. Katulad nila, nag - aalala rin ang mga ito. Katabi ng mga ito ang tunay na ama ni Fritzene na si Timothy. "Wala ba talaga tayong puwedeng gawin?" umiiyak na tanong ni Bing kay Cezar. Umiling - iling naman ito sa asawa. "No Bing. Ginagawa na ng awtoridad ang lahat ng kanilang magagawa. Pero we'll never stop until we find them. Okay lang ba na maiwan namin kayo dito?" Hindi naman nagawang tumugon ni Bing na patuloy lang sa p
Nanlalaki ang mata sa sindak si Fritzene sa lahat ng kanyang narinig kay Jasper Harvey. Ibang - iba ito sa pagkakilala niya dito. Bang! Binaril nito si Zeus at nakita niyang ininda ng binata ang sakit nang patamaan ni Jasper ang kabilang bisig ng binata. Nagsimula na ring kumalat sa puting polo nito ang kulay ng dugo. "Zeus!" Napasigaw siya nang makita ang nangyari sa binata. Napatutop siya sa sariling bibig. Gusto niyang daluhan ang binata ngunit pigil - pigil siya ng mga alipores ni Jasper. Mabilis na binalingan siya ni Jasper. "Watch me Zeus!" Hinawakan siya nito sa kanyang buhok at sinimulang halikan sa labi. Nahihindik at kinalibutan siya sa ginagawa ni Jasper. Ang sabihing nandidiri ay kulang. Nagsitayuan ang b
Nalaman niyang parehong binabantayan ni Tito Cezar sina Fritzene at Tita Bing sa isang hospital suite. Hindi kinaya ni Tita Bing ang nangyari kay Fritzene. She collapsed seeing Fritzene in a terrible state. Naroon din umano si Mr. Timothy Abalos, ang tunay na ama ni Fritzene upang magbantay sa dalaga. Ang kanyang ama naman ay naging abala sa pagsampa ng kaso sa ngayon ay naka detain na sina Jasper at mga alipores nito. Maging ang Vice - Governor ay nakakulong din sa presinto nang sa galit ay barilin ang kanyang ama. Mabuti na lamang at daplis lamang ang tama nito. Sinubukan mang pabulaanan ng Vice - Governor ang ginawa ay hindi ito nakalusot. Marami sa nakasaksi ang tumestigo sa totoong nangyari. "Mom.." Mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang ina. "Yes anak?" Hinagod pa ng kamay nito ang