Share

Chapter 3

Author: Maui Azucena
last update Last Updated: 2021-04-03 15:56:36

    Hindi napigilan ni Fritzene na mapabuntong hininga nang sa pagsapit sa tapat ng classroom ng BS Archi ay eksaktong paglabas naman mula sa front door ng magkaibigang Zeus at Apollo kasunod ng professor ng mga ito. Iiwas na sana siya nang mapansin siya ni Apollo. Katulad ni Zeus, kababata at kaibigan din niya ito. 

    "Oh hi, Fritz! Pupunta kami ng Supermall nina Ashley at Zanjoe. Nagyaya ang dalawa. Wanna join us?" yaya nito sa kanya tukoy sa kakambal at kaibigan mula sa College of Teachers Education Department.

    "No, thanks. Gusto ko nang umuwi. Nagtext na rin si Mommy eh." Magalang niyang tanggi sa yaya ng binata. Nakita niya ang pagtitig sa kanya ng katabi nitong si Zeus kung kaya't inirapan niya ito. Kumukulo talaga ang dugo niya rito. Hangga't maaari lang sana ayaw talaga niyang makita ang pagmumukha nito.

    "Okay Fritz. So paano, una na ako sa inyo. Ingat na lang sa pag - uwi." Apollo tapped her shoulder before going to CTE Department. 

    "Hatid na kita. Uuwi na rin ako eh. " pagpiprisinta ng kanyang Enemy No.1 simula pagkabata. Hindi niya ito tinapunan ng tingin.

    "Mahirap sumakay ngayon. Gusto mo nang umuwi, di ba?" pangungulit pa sa kanya ni Zeus.  Hindi tuloy niya naiwasang lingunin ito. There goes his signature smirk. Kung naiba - iba siguro siyang babae, baka naglupasay na siya sa sahig sa sobrang kilig. Pero duh! Never mangyayari iyon. Magunaw na ang mundo.

     Actually nakakatempt naman talaga ang offer nito. Bakit hindi? Mas komportableng sumakay sa kotse nito kaysa mag commute lalo na at this hour na halos lahat ng klase ay dismissal kasama na ang elementary at high - school department ng unibersidad. Isama pa ng mga trabahador mula sa iba't ibang ahensiya at kumpanya. Bukod doon, hindi na niya kailangang bumaba sa San Diego at sumakay naman sa tricycle patungo sa San Fermin kung saan silang lahat naninirahan. Makakatipid pa siya sa pamasahe.

    "Thanks but no thanks. I would rather commute. Iwas stress!" 

     Nagkibit - balikat naman si Zeus. "Okay. If you say so, Ms. Sungit." 

    Naikuyom niya ang palad niya sa magkabilang gilid niya. Pinaningkitan niya ng mata si Zeus. 

    "Get lost, Zeus!"

    Ngumiti lang ito sa kanya at bahagyang sumaludo bago tuluyang umalis.

    'Arggg!' Kakainis!

************

    Hindi maiwasan ni Zeus na makaramdam ng inis sa ginawang pagsusungit sa kanya ni Fritzene. 

    "Dude, siya na nga inalok ko na ihahatid ko na, siya pang may ganang magsungit. Witch talaga yun." himutok niya sa kausap na si Apollo sa cellphone. 

    "Hindi ka na nasanay Dude. Mga bata pa tayo, ganyan na talaga kayo. Nasanay na kami. Kayo na lang yata ang hindi." natatawang sagot ni Apollo.

    Napabuntunhininga na lamang si Zeus sa sobrang inis na nararamdaman. 

    "Sige Dude, magbabayad lang kami nina Zan sa counter." Tukoy nito sa isa pa nilang kaibigan.

    "Sige, sige Dude. Ingat na lang kayo."

    He tapped the end button. As soon as he ended the call, may natanggap naman siyang text message mula sa kanyang ate Ynah asking him to fetch her in SDGH dahil nasira umano ang kotse nito.Hindi naman umano nito istorbohin ang tita Shane at grannies nila na nagtatrabaho rin bilang resident doctors ng nasabing hospital. Mabuti na lang at on the way na rin siya sa San Diego, ang bayan na sumasakop sa SDGH. 

    Dahil na rin sa matinding traffic, halos isang oras bago siya nakarating sa SDGH. Nakita niyang naghihintay na sa lobby ang kanyang ate Ynah.

    Mabilis siyang lumapit at humalik sa pisngi nito bilang pagbati.

    "O ano ate.. Let's go." yaya niya sa kapatid.

    "Wait.." pigil nito. "Can we drop by Sitimart? Bibili lang ako ng gift for Zanjoe. Birthday niya bukas, di ba?"

    As the realization hit him, natampal niya ang noo niya.

    'Oo nga pala, birthday nga pala ni Zanjoe.'

    How could he be so forgetful. Sabagay sa kanilang magkakaibigan, isang birthday lang naman ang naaalala niya.. kay Fritzene. 

    

    **************

    Pawang mga nakangiti ang mga bagong henerasyon habang nakamasid sa mga magulang na nagkakagulo na sa kanilang Truth and Dare game na hindi nawawala tuwina sa mga ganitong pagkakataon. Ang pamilyang palaki nang palaki sa pagdaan ng panahon.

        Sa tuwina'y ang pasimuno ay ang kanyang Tito Jerson na sari - sari na  ang naiisip na pakulo. Ito ang ama ng mga kaibigang kambal na sina Apollo at Ashley. 

      Naunang humanap ng puwesto si ate Ynah. Nakita niyang lumapit ito sa upuan nina Ashley at Zanjoe. Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Ashley.

        Napatingin siya sa mesa sa gawing kaliwa ng mesang kinauupuan ng mga ito. Nakita niyang masayang nagkukuwentuhan sina Fritzene at Zach. Lalong nadagdagan ang inis niya sa dalaga. Bakit sa iba ang giliw - giliw nito? Bakit sa kanya, reyna ng kasungitan ito?

        Padaskol siya sumunod sa kanyang ate Ynah dala dala ang plato ng pagkain. Tumabi siya sa nakatatandang kapatid. Mukhang napansin ng mga kasama sa table na wala siya sa mood.

        "Bakit naman ganyan ang itsura mo Zeus?" tanong ni Ashley sa kanya.

        "Because the sight of the witch makes me feel sick." aniya sa gitna ng pagkain. Saka tinapunan ng masamang tingin si Fritzene sa kabilang table. 

         Yeah. The famous war between them is not yet over after almost 2 decades. 

          "Hays, ewan ko nga sa inyo kung bakit hanggang ngayon hindi pa ninyo matapus- tapos kung anumang issue meron kayo. Grow up." sermon sa kanya ng kanyang Ate Ynah. There goes his sister, sesermunan na naman siya nang inam.

        "Fritzene should hear that." aniya sa kapatid at sinimulan nang kumain. Pinilit niyang ituon ang pansin sa pagkain at hindi na lingunin sina Fritzene at Zach. 

        "You're the guy here. Dagdagan mo na lang ang pasensiya mo." ani Zanjoe sa kanya. Yes, he's one hell gentleman here. Nasobrahan lang yata sa pag - aalaga kay Ashley. 

        "I'm trying." aniya sa pagitan ng pagkain at pakikipag usap sa mga kaibigan at kapatid.

        "Then try harder." sabi naman ng kanina pang nakikinig na si Ashley. Ang total opposite ng kakambal nitong si Apollo.

        Nagkibit - balikat na lamang siya upang hindi na humaba pa ang kanilang pag - uusap. Pinagtutulungan na rin siya ng mga kasama sa table. Hindi siya mananalo sa mga ito.

****************************

          Habang lahat ay abala sa loob, si Fritzene ay lumabas sa garden area ng venue. Mula sa loob ay maririnig pa ang halakhakan at sigawan ng barkada sa gitna ng kanilang laro. Ngunit sa labas, malamig at tahimik. Umupo siya sa isang lumang bench, pinagmamasdan ang buwan.

          Pumintig ang kanyang dibdib. Ilang sandali pa'y narinig niya ang mga yabag.

          "Alam mo, hindi mo kailangang iwasan ang lahat kapag si Zeus ang kasama." wika ni Apollo, dala ang dalawang bote ng softdrinks.

          Hindi siya tumingin. "Gusto ko lang ng katahimikan."

          "Tahimik naman ako, di ba?" biro nito sabay abot ng isang bote sa kanya.

          Tinanggap niya iyon. Hindi pa rin nagsasalita.

          "Naalala mo ‘yung field trip natin sa Mt. Banahaw? Grade 5? ‘Yung binagsakan ka ng putik ng mga kaklase natin?"

          "Siyempre. Paano ko makakalimutan ‘yon? Lalo na’t si Zeus ang nanguna."

          "Hindi siya ang nag-umpisa." sabi ni Apollo. "Isa sa mga kaklase nating si Carlo. Si Zeus, pinagtanggol ka pagkatapos mong umalis. Inaway niya si Carlo. Muntik pa nga silang magsuntukan."

         Natahimik si Fritzene. Sa buong buhay niya, akala niya si Zeus ang nagtulak ng lahat ng panunukso. Ganoon lagi ang dating. Palabiro. Bastos. Ma-pride.

         "Bakit hindi niya sinabi?"

         "You were too angry to listen. At siya naman, masyadong proud para magpaliwanag."

          Dahan-dahan siyang napatingin sa langit.

          "Baka mali nga ako..." mahina niyang sabi. "Baka hindi lang ako ang biktima noon."

****************

          Hatinggabi na.

          Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ng kanyang kwarto. Tanging ang malamlam na ilaw ng study lamp sa kanyang mesa ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Nasa kama si Fritzene, nakasuot ng oversized hoodie, ang buhok ay nakapusod nang magulo, at hawak-hawak niya ang simpleng notebook na ibinigay ni Zach kaninang hapon.

          Binubuklat niya iyon ng marahan, parang natatakot marumihan ang malinis na pahina. Napahinto siya sa unang bahagi kung saan may dedikasyon:

“For the girl who hides her smile behind sarcasm. I hope you write something happy this time. – Zach”

          Napangiti siya. Isang tahimik ngunit totoo, bahagyang ngiti. Hindi niya inaasahan ang regalong iyon mula kay Zach. Kilala niya ang lalaki bilang reserved, ngunit mabait, at palaging may dalang something kapag may okasyon. Ngunit kakaiba ito. Parang may laman. Parang may pakahulugan.

          Kinuha niya ang pen mula sa desk. Tiningnan ang blangkong pahina. Ilang sandali pa'y nagsimula na siyang magsulat.

          Ngunit bago pa niya maituloy ang unang linya, biglang umilaw ang screen ng cellphone niya. Tumutunog ito — isang tawag mula sa unknown number.

         Napaangat ang kilay niya. Sino kaya ang tatawag ng ganitong oras?

Saglit siyang nag-alinlangan ngunit sinagot din.

"Hello?" seryosong tanong niya, medyo magaspang ang boses dahil sa pagkakagulat.

May maikling katahimikan sa kabilang linya, tapos ay isang boses ang nagsalita—pamilyar, at medyo pabiro.

"Kung hindi ka pa busy sa kasungitan mo, baka gusto mong lumabas. Nasa labas ako ng bahay ninyo."

Halos mapa-upo siya mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Kilalang-kilala niya ang boses na ‘yon.

"Zeus?!"

Tumayo siya at marahas na inilapag ang notebook sa kama. Lumapit siya sa bintana, hinawi ang kurtina. At totoo nga — nandoon si Zeus, nakasandal sa kanyang kotse sa may kalsada sa labas ng gate, suot pa rin ang pareho niyang jacket mula kanina. May hawak itong paper bag at cake box.

Pinasadahan siya ng flashlight mula sa poste ng kalsada. Tila hindi alintana ang lamig ng gabi, nakangiti ito habang nakatingin pataas — sa mismong bintana ng kwarto niya.

"Anong ginagawa mo dito?! Gabi na!" naibulalas niya, bagama’t pinilit niyang huwag itaas ang boses upang hindi magising ang mga tao sa bahay.

"Peace offering. Cake. Wala namang lason ‘to kung ‘yun ang iniisip mo." biro ni Zeus sabay taas ng cake box.

Umiling si Fritzene, hindi makapaniwala sa kaharap.

"Zeus, seriously, anong problema mo? Gabi na. Baka may makakita sa’yo diyan. Mapagkamalan ka pang magnanakaw."

"Wala akong problema. Gusto ko lang... gusto ko lang sabihin sorry. Sa lahat. Kahit di ko alam kung bakit palagi akong may kasalanan sa’yo, I just want to start fresh."

Nagtagpo ang kanilang mga mata — siya sa likod ng salamin, si Zeus sa ilalim ng ilaw ng poste. Sa unang pagkakataon, walang yabang sa mukha nito. Wala ang pamosong smirk. Tanging sinseridad at pagod. Parang ilang gabi na itong pinagmumunihan.

Tahimik lang si Fritzene. Ramdam niyang may kung anong namuong init sa kanyang dibdib. Isang bahagyang pitik sa puso.

"Hindi ako lalabas." matigas niyang sagot, kahit pa ang mga daliri niya ay unti-unting humigpit sa pagkakahawak sa kurtina.

Tumango si Zeus, kita sa mukha ang pagtanggap kahit may kaunting lungkot.

"Okay lang. Naiintindihan ko."

Napatingin siya sa paper bag.

"Ibibigay ko na lang ‘to kay Ynah bukas. Alam ko namang ayaw mo akong makita." dagdag pa ni Zeus, mas mahinahon ang tono.

Saglit siyang tumikhim, pilit pinanatili ang itsura ng inis kahit may kung anong bumubulong sa kanya na buksan ang pinto, lumabas, at tanggapin ang cake.

"Goodnight, Ms. Sungit." dagdag pa ni Zeus, at bago pa siya makasagot, sumakay na ito sa kotse.

Umandar ang makina. At habang papalayo ito, dahan-dahang bumalik si Fritzene sa kama, binuksan muli ang notebook.

Ngunit hindi na niya nasimulan ang nais niyang isulat.

Ang mga mata niya ay nakatingin sa blangkong pahina, ngunit ang isip niya, nasa labas pa rin — kasama ng isang binatang nagpursigeng humingi ng tawad sa kalagitnaan ng gabi.

At sa kaloob-looban niya, hindi na niya alam kung ang kabog ng puso niya ay dala ng kaba... o ng isang bagay na mas malalim.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 53

    Dahil wala naman sa pagkain ang pansin ay hindi na siya kumuha ng mga ito. Agad siyang nagdiretso sa puwesto ng kanyang asawa. Narinig at naramdaman niyang napasinghap ang kanyang asawa nang okupahin niya ang upuan sa kaliwang tabi nito. Magiliw naman siyang binati ng mga kasama nito sa table. "Excuse me. Punta lang ako sa powder room." agad na paalam ni Fritzene sa mga kasama. Nakakaunawang tumango naman si Ashley. Sinundan niya ito ng tingin. "Zeus, kumuha ka na rin ng pagkain mo at sabayan mo kami rito." sabi ni Zach. Umiling - iling siya habang nakalingon pa rin sa daang tinahak ni Fritzene. "I'm not in the mood to eat." Nagkibit - balikat na lamang si Zach. Ilang sandali pa ay hindi pa rin bum

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 52

    "Fritzene, anak.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang ina. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya habang siya ay nanatiling nakahiga lamang sa kanyang kama. Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto. Narinig niya ang pagbuntung hininga nito. 'Hindi mo na naman hinarap si Zeus. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" How she wished she could tell her Mom what she heard. Ayaw niyang magbago ang pagtingin ng mga ito sa asawa. "Don't worry Mom. I just needed some more time for myself.. some space. For the meantime, hayaan nyo muna po ako. Sana po maintindihan ninyo." nagsusumamong sabi niya sa kanyang ina. "Ano pa nga ba? Basta make sure, you make the right decisions and huwag mo nang patagalin ito anak."

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 51

    Nagpipigil ng kanyang emosyon si Zeus nang makita sina Jasper Harvey at Miller. They both suffer from severe physical damages mula sa engkuwentro. Hindi niya malaman kung mamumuhi o maaawa siya sa kalagayan ng mga ito. Jasper Harvey lost his both legs. Kailanman ay hindi na siya makalakad. Habang si Miller naman ay ang mga mata ang talagang naapektuhan. He is now blind. Mabuti na lamang at nasa gitnang bahagi ng sasakyan ang asawa. Kung nagkataon, baka hindi niya kakayanin ang magiging kalagayan ng asawa. Sa ngayon tuluyan na rin itong nakalabas ng hospital ngunit hindi ito sa kanilang tahanan nagpahatid. Ayaw rin siyang makasama nito. Hindi niya maintindihan ang aktuwasyon ni Fritzene ngunit kailangan niya munang unawain ito. "Kumusta ka na Jasper? Masaya ka na ba? Ito ba ang buhay na gusto mo?" may pait sa kanyang tinig. Hindi it

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 50

    Tunog ng ring tone mula sa kanyang cellphone ang gumising sa kanya mula sa kanyang pagkaka idlip. Napilitan siyang umuwi sandali sa kanilang tahanan nang halos magmakaawa sa kanya ang kanyang ina na umuwi muna siya at magpahinga. He couldn't leave Fritzene but he just couldn't bear seeing his Mom crying and begging for him to take a nap and rest for a while. Gayundin ang matigas na bilin ng ama. Nangako ang mga ito na tatawagan siya once gumising mula sa pagkakahimbing si Fritzene. Tinignan niya sa screen ang caller. It was his Dad. He tapped receive call button. "Zeus, anak, gising na siya." Upon hearing those words from his Dad, agad siyang napabalikwas sa kama. "Yes Dad. I'll be right there." He immediately went to the bathroom to fres

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 49

    "Out of the way!" malakas na sigaw ni Zeus sa pasilyo ng hospital. Maagap naman silang sinalubong ng resident doctor at nurses. Mabilis na nakuha mula sa kanya ng mga ito ang asawa at naihiga sa stretcher. Marahang tumapik sa kanya ang doktor nang mapansin na hindi niya binibitawan ang asawa. "We'll take care of this Sir. We'll do everything to save her." anang doktor bago tuluyang ipinasok ng Medical Team ang asawa sa Operating Room. Napatiim bagang na tumango na lamang siya. "Zeus, si Fritz? Anong nangyari sa kanya?" There came rushing his in-laws. Followed by his parent. Tito Jerson and Tita Miles were also there to check on Apollo. He saw his Dad scanned all over his body ngunit hindi nakatiis at mabilis na nakalapit sa kanya ang ina upang tignan kung may sugat o tama siya ng baril. Narinig niyang nakahinga ito nang maluw

  • Witchy Fritz Meets Mighty Zeus (BISU Series)   Chapter 48

    Agad na naalarma si Zeus nang makitang patalilis na ang grupo ni Jasper. He just couldn't let them slipped away without seeing her wife. "Dude!" Hindi na niya nagawang lingunin si Apollo. Narinig niyang napamura si Apollo. He runs as fast as he could to follow the group. Nakita niya sa loob ng patalilis na sasakyan si Fritzene. "Fritz!.." He shouted at the top of his lungs. Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa. She's crying for Pete's sake! He couldn't bear another heartbreak this time. By hook or by crook, he'll get back Fritzene. He's going to save her! Sa tuwing halos malapit na siya sa sasakyan ay mabilis naman itong napapalayo sa kanya. What the hell! He's running as fast as he could! Nang halos mawalan na siya ng pag - asa na mahabol ang dalag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status