KHEENE'S POV DAYS had passed. Paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Tulad din ng sinabi ni Mrs. Siqua, sila na nila mama ang nag-asikaso ng lahat para sa kasal namin ni Ashlee. Mapa-simbahan, damit, pagkain, at lugar na gaganapan ng reception, sila na ang nag-asikaso. Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang ito. Tsk! Busy ako sa pag-pirma ng mga papeles nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Sandali pa'y bumukas na iyon at pumasok si Secretary Anj. "Sir Kheene, may lalaki pong naghahanap sa inyo sa labas," sabi niya. "Sino daw siya?" tanong ko sabay hubad ng salamin na suot ko. "Ash daw po ang pangalan niya." Ash? Sino naman kaya 'yon? Nangunot ang noo ko.
Read more