“Magpahinga ka na kaya, Mr. Young. Hayaan mo na ako dito sa kusina,” sabi ni Graciella. Napailing na lang siya sa nagkalat na mga basag na plato. Alam naman ni Menard na mabuti ang intensyon ni Graciella pero halata sa boses ng asawa na naiirita ito sa nadatnan na kalat. Hindi siya mapalagay. Kailangan kahit paano may itulong din siya. “Hindi lang ako maingat. At isa pa madulas ang mga plato,” paliwanag ni Menard. Napangiti na lang si Graciella. Ang cute lang kasi tingnan ni Menard na tila batang nagkasala sa ina. “Okey lang sabi. Ako na rito. Mabuti pa mag-mop ka na lang sa living room.” “Sinabi mo eh.” Iniisip na ni Menard kung paano pakintabin ang sahig. Ayaw naman niya mapahiya sa asawa lalo at siya mismo ayaw sa makalat. Namilog na lang ang mata ni Graciella nang makita na halos mangalahati ang dishwashing liquid. Napailing na lang siya. Kaya pala nadulas sa kamay ng asawa ang mga plato. Literal na wala itong alam na gawaing bahay! Bum
Bakit ako magtataka sa kinikilos niya? Normal na sa kanya ang basta na mawala sa mood, saad ni Graciella sa sarili. Pinagmamasdan ang pinto ng silid ni Menrad. Tinapos na ni Graciella ang mga ligpitin at lumabas para itapon sa garbage room ng palapag ang mga naipon na basura. Napapahid siya sa mga pawis na nasa noo niya. At least tapos na ang family dinner nila. Mababawasan na ang pangungulit ng pamilya sa kanya. Inaantok na siya pero naligo pa rin siya lalo at amoy ulam na rin siya. Sinuot niya ang kanyang pantulog na may design pa na cartoon character pati na rin ang kanyang kulay green na headband. Handa na siyang matulog. Pero, imbes na pumasok sa kanyang silid, naisipan niyang mag-scroll muna sa kanyang cellphone. Nanood siya ng mga nakakatawang video. At nalingat siya at hindi namalayan na lumipas na pala ang kalahating oras. Panay hagikgik niya sa mga pinapanood. Bumangon na siya para sa na pumasok na sa kanyang silid nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Me
Ilalagay ni Menard ang kopya niya ng kasunduan sa kanyang safety box. Nakita niya na nilagay ni Graciella ang kopya nito sa kanyang bulsa. Wala man lang siyang nakitang emosyon sa mukha ng kaharap. At aaminin niyang hindi siya komportable na makita nang ganoon si Graciella. Sanay siyang madaldal ito. Hindi niya maiwasang ma-guilty. Naging masyadong heartless ba siya sa ginawa? Pinoprotektahan lang naman niya ang sarili kung sakali man na maging gahaman si Graciella sa kayamanan ng mga Young kung sakali na mabisto siya nito. Paulit-ulit na nauukit sa kanyang isipan ang mga suggestion nito sa kaibigan na si Sheila nang makipag-usap ito sa pamamagitan ng tawag sa cellphone. Dismayado siya sa mga sinabi ng asawa kaya gumawa siya ng kasunduan at papirmahan ito. “Good night. Maaga ako bukas at maraming gagawin sa opisina,” paalam ni Menard. “Matulog ka na at may inaabangan pa akong comedy variety show,” sagot ni Graciella. Umupo na siya sa harap ng TV at pina
Dapat maging masaya na lang si Graciella. At least hindi ito gumawa ng hakbang para akitin siya. Ayaw niya magaya sa ibang kakilala na nabitag ng mga tusong babae. Mahirap pa naman ang annulment sa Pilipinas. Ilang taon din bubunuin para makawala sa isang kasal. Sunod sunod ang paglagon ni Menard ng alak na iniinom. Pakiramdam niya uhaw na uhaw siya at alak lang ang makakapawi ng uhaw niya. Nalulungkot siya pero hindi niya rin alam ang dahilan. Kaya alak ang nakikita niyang solusyon. Halos hatinggabi na at kanina pa si Lambert at Menard na panay tagay. Lasing na silang pareho at nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay. “Sa yaman mo, anong naisip mo at nagpakasal ka sa isang ordinaryong babae?” tanong ni Lambert. Lasing na ito kaya may lakas ng loob na tanungin ang kaibigan. “Ordinaryong babae? Hindi mo pa nakikita si Graciella. How come you know she is ordinary,” sagot ni Menard. “Nakita ko na ang pinsan niya. More or less alam ko na ang itsura ng
Napalingon ang tatlo. Muntik ng mabitawan ni Louie ang amo dahil sa pagkabigla nito. Ang asawa pala ng amo ang dumating. Humigpit ang hawak niya kay Menard. “Anong nangyari sa asawa ko?” nag-aalalang tanong ni Graciella sa dalawa. “Kasamahan ba kayo sa opisina ni Menard?” Tinapik tapik pa ni Graciella ang mukha ni Menard. Halatang marami nga ang nainom ng asawa lalo at umaalingasaw ang amoy ng alcohol nito sa katawan. Napalatak na lang siya sabay kuha sa brso nito para iakbay sa balikat niya. “Oo, kasamahan namin siya sa opisina. May company dinner kasi at napasubo siya sa inuman,” dahilan ni Louie. Nasabi lang niya iyon para mapagtakpan ang amo. “Naku, naabala pa kayo. Pero, maraming salamat pala sa malasakit niyo sa asawa ko. Sana tinawagan mo na lang ako, Menard,” saway ni Graciella sa asawa. Tinapik pa niya ang pisngi nito para malaman kung naririnig ba siya nito. “Huwag kang lumapit sa akin.” Hinablot pa ni Menard ang kamay na hawak na ni Gra
Tumayo na si Graciella para kumuha ng face towel. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig. Kung hahayaan niya ang asawa na matulog na nanlalagkit, baka awayin siya nito kinabukasan. Sa sobrang arte nito sa katawan, natatakot siyang magkaroon ito ng rashes. Hindi na niya ito pipilitin na maligo lalo at naiilang nga ito sa kanya. “Sino nga ang lalaking gusto mo?” tanong ni Menard sa asawa. “Saan at kailan mo siya nakilala?” Pangungulit pa rin nito kay Graciella. Hindi na pinansin ni Graciella ang tanong ni Menard. Mariin niyang pinunasan ang mukha ng asawa. Hindi man lang ito nagreklamo at nakatitig pa ang mapupungay na mata nito sa kanya. Diniinan pa ulit ni Graciella ang leeg ni Menard. Binaling ng huli ang pansin sa kanan. “Huwag ka nga malikot. Ang dumi ng mukha mo oh. May bahid pa ng red wine,” sita ni Graciella sa asawa. “Sabihin mo sa akin, sino siya? Inuutusan ka ni Boss Menard Young.” Gustong matawa ni Graciella sa itsura ng asawa.
Kinabukasan nga, tanghali na nagising si Menard. Nakatulog na siya sa sofa at may kumot siya. Kinapa iyon at alam niya na si Graciella ang nagbigay nito. Napangiwi nang makita na kulay lavender ang kumot. Feeling niya masisira ang image niya bilang CEO kung may makakakita sa kanyang gumamit ng blanket na kulay lavender. Nanlalagkit ang pakiramdam ni Menard. Tiningnan ang air conditioning unit nila hindi iyon naka-on kaya naman pala naiinitan siya. Knowing his wife, kuripot ito at hindi naman nito alam na mayaman siya. Napangiwi nang maamoy ang pinaghalong amoy ng alak at pawis sa kanyang damit. Sa kalasingan, hindi na niya nagawang pumasok sa silid para man lang magpalit ng damit. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maghilamos. Ramdam pa rin ang kaunting sakit ng ulo lalo pa at tanghali na siyang nagising. Hinubad niya ang damit at nilagay sa laundry baskit na naroon. Dagling guminhawa ang pakiramdam niya. Pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin at pilit
Isang pagkumpirma sa katahimikan ni Graciella. “Ano ba kasi ang problema niyo mag-asawa?” Nahihiyang magsabi si Graciella sa kaibigan tungkol sa marriage agreement nila ni Menard. Hindi siya tiyak kung maiintindihan siya ni Sheila. Sa ngayon, sasarilinin na lang muna niya ang kanyang sitwasyon. “Biglaan naman ang kasal naman at hindi pa kami ganun ka pamilyar sa isa’t isa. Pasaan ba at darating din kami sa puntong iyon,” dahilan ni Graciella. Gusto sana magkomento ni Sheila pero wala siya sa posisyon. Mas malala pa nga ang sitwasyon niya kaysa sa kaibigan. Naiinggit pa nga siya lalo at mabait naman kahit paano ang napangasawa ni Graciella. “Gusto nga kitang gayahin, e. Kung alam mo lang na nagdarasal ako na sana isang kagaya ng asawa mo ang lalaking ‘yon,” tila nangangarap na saad ni Sheila. Inalo ni Graciella ang kaibigan. “Huwag mo nga muna kontrahin ang mga magulang mo. Malay mo, na-overwhelm lang talaga siya sa ganda mo kaya nagyabang siya
Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw
Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn
“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h