Share

Chapter 2

Penulis: SulatniMiss E
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-27 20:33:47

"Ayaw mo bang gamitin ang apelyido ng ama ng anak mo?" Saad ng ina.

"Ayoko po, kung pwede ay ilihim natin sa kanya na may anak kami. Ano pang rason pag nalaman niya ang totoo? Matagal na niya akong iniwan?" Matigas nitong sabi sa ina.

"Kung yun ang gusto mo ay sasang-ayun ako, atin lang ang pinakamaganda kong apo." Sambit nito habang nakangiting minamasdan ang kanyang apo.

"Alam na ba ng mga magulang ni Noah na nanganak na ako, inay?"

"Oo papunta na sila dito para bisitahin ka at ang iyong anak."

Simula ng naudlot ang kanilang kasal ay pati na rin ang mga magulang ni Noah ay hindi alam kung nasaan ang kanilang anak. Wala itong paramdam kung kaya ay para na ring itinakwil ni Noah ang kanyang mga magulang. Ni text o tawag ay wala man lang silang natanggap galing sa anak.

"Sabihin mo rin sa kanila inay na ayokong malaman ni Noah na may anak kami." Saad ni Celeste na di man lang pinunan ng tingin ang kanyang ina. 

"Oo, anak at kalimutan mo na rin siya. Magsimula ka ulit ng panibagong buhay na kasama ako at ang anak mo."

************

Makalipas ang apat na taon, sa may bus station. Dumating si Celeste sa lungsod kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae.

Dala-dala ang mga bagahi, at mag isa niya itong binuhat. Tumawid siya sa kalsada hawak-hawak ang kanyang anak ng bigla siyang sinigawan ng isang lalaking nakasakay ng isang mamahaling sasakyan, " Magpapakamatay ka ba Miss? Tumingin ka sa dinadaanan mo!"

"Sorry po hindi po kase kita napansin dahil sa dami ng dala ko." Paliwanag naman ni Celeste.

"Tabi na diyan nagmamadali ako."

"Huwag mong sigawan ang mama ko gusto mo bang isumbong kita sa mga pulis?" Sigaw ni Stacey na nanggagalaiti sa galit.

"Anak, huwag mong sigawan ang mas nakakatanda sayo, masama iyun." Pagtuturo ng tama sa anak nito.

"Bad po siya eh, inaaway ka po niya."

"Tabi na kayo diyan!"

"Ay opo pasensya na po ulit." Saad ni Celeste.

Para silang nakakaawang nilalang sa kalsada. Pero kahit na ganoon ang pustora ni Celeste, ay di maipagkakailang maganda pa rin siya.

Tumulo ang luha sa kanyang mukha habang ang kanyang mga pisngi ay naging pulang pula.

"Mama, bakit ka po umiiyak? Dahil po ba sa lalaking iyun, gusto niyo po suntukin ko siya sa mukha?"

"Hindi anak," Natatawang sabi nito sa kanyang makulit na anak na si Stacey.

Tumulo ang kanyang mga luha dahil napagtanto niya na hindi sana ito ang maging kapalaran niya kung napakasalan siya ni Noah, hindi sana sila naghihirap, lalong lalo na ang anak nito na sa murang edad ay nakaranas na ng paghihirap.

"Kung sana nandito lang ang papa mo anak, hindi tayo magiging ganito?" Sambit niya sa anak.

"Hanapin po natin si papa, mama tutulungan po kita. Yun ba ang dahilan ng pag-iyak mo mama, namimiss mo ba si papa ko?" 

"Hindi anak, iniisip lang kita."

"Huwag ka nang umiyak mama, kasama mo naman ako." Sambit nito na ikinangiti ni Celeste.

Nagyakapan ang mag-ina sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng kanilang kamag-anak para sumundo sa kanila patungo sa lugar ng kanyang ina, na si Asun.

Binigyan niya ng halik sa pisngi ang anak at huminga ng malalim at naglagay ng maliwanag na ngiti sa kanyang mukha.

"Tara na uuwi na tayo,"

"Yey, makikita ko na ulit si lola," Natutuwang sabi ni Stacey sa ina nito.

*********

Makalipas ang ilang buwang pananatili nila sa probinsya, pagod na ibinagsak ni Celeste ang katawan niya sa isang matigas na higaan dulot ng maghapong paghahanap ng mapapasukan na trabaho sa kanilang probinsya.

Pumasok naman ang ina niyang si Asun sa silid at sabay tanong, "Nakahanap ka na ba ng trabaho anak?"

"Wala pa po, ma limit lang ang trabaho dito sa ating probinsya, mahihirapan ako dito, siguro ay pupunta na lang ang sa syudad baka doon ay maraming oportunidad." Saad niya.

"Anak, baka ayaw ni Stacey na mapalayo ka sa kanya. Nako ang batang iyun napakalambing sa iyo, agad kang hinahanap. Sabi niya pa kanina na miss na miss ka na raw niya kahit isang araw ka lang nawala." Pagpapaliwanag ng ina nito.

"Yun nga ang pinoproblema ko inay. Pero anong magagawa ko? Kailangan kong mangibang bayan para mabigyan ko siya ng magandang buhay. Ayoko siyang magutom." Saad naman ni Celeste.

"Ipaliwanag mo na lang sa kanya ng maayos. Maiintindihan naman siguro iyun ni Stacey."

"Opo inay,"

"Tsaka matulog ka na rin, ay kumain kana ba?"

"Tapos na po, kumain lang ako sa may karinderya sa bayan natin."

"Ganon ba, sige magpahinga kana."

***********

Kinaumagahan, maagang gumising si Celeste upang maghanda sa pag-alis niya. Hinanda niya ang mga kakailanganing requirements para sa trabaho. 

Nakarinig siya ng pagpihit ng pintuan na nanggaling sa kwarto ng kanyang anak. Lumabas ang anak nito mula sa kwarto at nalilitong tiningnan ang kanyang ina.

"Mama, saan ka po pupunta?"

Umupo si Celeste sa upuan nila na gawa sa kawayan at sabay tawag ng kanyang anak, "Halika muna anak, may sasabihin ako sayo."

Lumapit naman ang anak at kanya itong hinawakan sa mukha.

"Anak, kailangan kong lumayo dito sa lugar natin upang maghanap ng trabaho sa syudad."

"Iiwan po ninyo ako?"

"Babalikan naman kita kapag nakaipon na ako doon, para sa iyo rin naman ito, ayokong magutom ka dahil wala akong trabaho. Kailangang kumayod ako anak. Sana maiintindihan mo." Pagpapaliwanag nito sa anak.

"Basta mama pagbalik mo dalhan mo ako ng maraming laruan at tsaka mag-ingat ka po doon. Mamimiss po kita." Saad naman ng anak sabay yakap sa ina niya.

"Oo anak, magpapakabait ka dito ha, habang wala ako. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang iyong lola."

"Opo mama."

"Tao po…. Tao po" Boses na nanggaling sa labas, agad naman itong pinuntahan ni Celeste baka ay importante iyun.

"Sino po sila?" Tanong ni Celeste.

"Ay Celeste kilala mo pa ba ako? Ako yung kababatang kaibigan mo dati, si Amelia."

"Kilalang kilala pa kita Amelia." Saad naman ni Celeste na ngayon ay nagyakapan sila dahil sa tuwa ng muli silang nagkita.

"Nabalitaan kong naghahanap ka raw ng trabaho?"

"Oo nga ehh, bakit mo natanong."

"May alam ako, naghahanap ang tiyahin ko ng isang waitress sa pinagtatraboan niya restaurant sa syudad. Ako sana ang papapasukin niya kaso ayokong mangibang bayan ehh. Mamimiss ko ang lugar na ito, kaya nung nalaman kong naghahanap ka ng trabaho ay pinuntahan kaagad kita. Ano g kaba?"

Oo saan ba yan? 

"Ito yung address."

Inilahad ng kaibigan nitong si Amelia kay Celeste ang isang pirasong papel na naglalaman ng address.

"Pupunta na kaagad ako doon upang makapagsimula na ako." Saad ni Celeste.

"Oo titext ko na lang yung tiyahin ko na ikaw ang nahanap kong kapalit."

"Sige, maraming salamat talaga Amelia. Napakalaking tulong nito sa amin." Saad ni Celeste at muli silang nagyakapan.

"Basta ahh pasalubong ko pag-uwi mo dito. Naks sobrang na miss kita ang tagal mo kasing nawala." Saad naman ni Amelia.

"Haha.. ako rin."

"O sha sha sha maghanda kana. Ipapahatid kita ng tricycle sa bayan.

"Talaga? Nako ang bait bait mo talaga Amelia. Manang mana ka sa akin." Biro pa ni Celeste sa kaibigan niya.

"Teka, magpapaalam muna ako kay inay."

"Sige. Hintayin kita dito."

Pumasok si Celeste sa maliit nilang bahay at nagpaalam sa kanyang ina at anak na aalis na siya. Umiyak ang anak nito ng sumakay na si Celeste sa isang tricycle.

Pinatahan naman ito ni Asun upang tumigil na sa pag-iyak. Masakit tignan ni Celeste ang anak sa pag-iyak pero wala siyang magagawa dahil kailangan niyang magtrabo upang may pangtustos sila sa pang araw- araw.

"Ito na ang bagong simula ng buhay ko. Baka bukas ako naman ang sasang-ayunan ng panahon." Bulong ni Celeste sa sarili.

At nagpatuloy na sa pag andar ang sinasakyan niyang tricycle hanggang sa mawala ito sa paningin ng kanyang ina at anak na naiwan sa kanilang lugar.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Wrongfully Yours   Chapter 33

    Celeste's POV,I graduated summa cum laude. Naabut ko ang mga pangarap ko, nabigyan ko ng magandang buhay ang mga magulang ko pero bakit parang di pa rin ako masaya.Dahil ba ito sa hindi ko kasama ang aking anak sa pag-abot ng aking mga pangarap?Gusto kong sabihin sa anak ko na may Mama na siyang successful sa buhay at kung magkasama man kami ngayon ay sigurado akong matutuwa siya sa mga narating ko.Nasa kompanya ako ngayon at tinitingnan ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking lamesa. Naghihintay ako sa aking sekretarya dahil may ibibigay siyang schedule para sa mga meeting ko. Sa pagkakaalam ko may meeting ako bukas pero hindi ko pa alam kung sino-sino ang makakasalamuha ko. Kasalukuyan na akong nagtitingin ng mga papeles at lahat naman ay nasa wasto. Malakas pa rin ang benta ng aming mga sasakyan. Iba't-ibang brand, kaya sinisigurado ko na ang aking mabebenta na sasakyan ay patok sa kagustuhan ng mga tao kaya nahumaling sa akin ang matandang may-ari ng kompanyang ito kaya ginaw

  • Wrongfully Yours   Chapter 32

    Celeste's POV,Ngayon na mangyayari ang engrandeng party na isinagawa ni Raven. Nag-ayos na ako ng damit at nakasuot ako ng isang black dress na may slit sa gilid na kita ang makinis kong paa.Habang si Raven naman ay nakasuot ng black tuxedo na bumagay sa kanya at mas lalong ikinagwapo niya.Lumabas na kami ng bahay at kinawayan naman kami ng magulang ko bilang paalam. Iginiya niya ako sa kanyang sasakyan at binuksan niya ang pinto para makapasok ako. Sumunod naman siya at pinaandar ang sasakyan.Nang makarating kami ay konti pa ang mga taong naroon at malamang wala pa sina Noah. Maganda din ang set-up ng party na ito pangmayaman talaga, maraming tables at chairs na nilagyan ng kung anu-anong palamuti. Dumiretso na kaagad kami ni Raven sa itaas dahil may isang VIP roon at doon ako mamamalagi ayoko munang magpakita ni Noah dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Pumasok na kaagad kami sa silid at diretso akong umupo may laptop rin dito na nakalagay sa lamesa na kung saan ay makikita k

  • Wrongfully Yours   Chapter 31

    Celeste's POV,"Inay! Itay! Raven! Halina kayo at tayo'y kumain na masarap ang niluto ko." Tawag ko sa kanila na may halong paglalambing ang boses.Nasa sala sila at nanonood ng tv rinig na rinig ko pa ang hiyawan ni itay nang ma knockdown ng pinapanigan niyang tao sa boxing."Tama na po iyan, halina kayo." Saad ko ng makarating ako sa sala. Nagsitayuan naman sila at pumunta sa kinaroroonan ko."Ano bang niluluto mo anak?" Tanong ni itay sa akin."Basta tikman niyo lang po." Tugon ko sa kanya.Nagsiupuan na sila at kumuha na ng ulam at kanin. Nang tinikman nila ito ay napapahiyaw sila sa sarap. Nagluto ako ng ginataang baboy na nilagyan ko ng sari't saring mga sangkap. "Ang sarap naman nito anak," Puri ni itay sa akin ng matikman niya ito."Syempre saan ba nagmana edi sa inay niya." Pagmamayabang ni inay. Nakita kong napatawa na lamang si Raven dahil sa kakulitan ng aking mga magulang at tsaka nagpatuloy sa kanyang kinakain.Nakita ko rin siyang sumubo ng ilang beses hudyat na nasasa

  • Wrongfully Yours   Chapter 30

    Lumipas ang maraming taon, nakapagtapos si Celeste ng pag-aaral at nakahanap kaagad ng magandang trabaho sa syudad. Ibang-iba na siya ngayon, isa na siyang mayaman at nirerespito ng lahat. Naging mabuti ang takbo ng buhay niya siya kaagad ang ginawang CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya sa syudad dahil ang may-ari nito ay walang anak. Siya ang nagpapatakbo ng negosyo. Naging mahusay siya sa pagdala ng negosyo, she know how to sell cars sa mga mayayamang tao at naging matagumpay lalo ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya.Naging masaya naman ang kanilang pagsasama ni Raven. Kung ikukumpara ang dating Celeste noon ay di na siya makikilala dahil mas gumanda ito. Lahat ng mga taong tumitingin sa kanya ay mapapasabi talaga na isa siyang maganda at nakaka agaw pansin ang kanyang aura.Hapon na at pauwi na si Celeste mula sa trabaho ng tinawagan siya ni Raven habang siya ay nagmamaneho."Celeste pauwi ka na ba?" Sabi ni Raven sa kabilang linya."Oo, hintayin mo ako sabay na tayong kumain m

  • Wrongfully Yours   Chapter 29

    Celeste's POV,"You may now kiss the bride." Yan ang huling kataga na sinabi ng paring nagkasal sa amin ni Raven.Sigawan at palakpakan ang namayani sa buong simbahan pagkatapos akong hinalikan ni Raven sa aking labi.Nagtagumpay rin ang plano namin ni Raven na maikasal ako sa kanya upang sa ganon ay magtuloy-tuloy na ang aming mga hakbang sa pagbawi ko sa aking anak.Lumabas na kami ni Raven ng simbahan at isinakay niya kaagad ako sa kanyang kotse.Ang tanging mga salitang naririnig ng aking mga tenga ay ang kanilang pagbati. Sinuklian ko naman iyon ng matatamis na ngiti. Pagkapasok ko sa kotse ay agad nagtanong sa akin si Raven."Anong unang hakbang mo Celeste?" Tanong niya habang di tumitingin sa akin."Gusto ko munang masubukan kung anong buhay ang meron ka, pag aaralin ko kung paano kayo mamuhay." Mahinang sambit ko."Sige kukuha ako ng magtuturo sa iyo mula sa pananamit, pagkain sa mga mamahaling restaurant at kung ano ano pa.""Raven salamat sa pagtulong mo sa akin." "Wala iy

  • Wrongfully Yours   Chapter 28

    Nalalapit na ang araw ng kasal namin ni Raven pero iwan ko ba di ako excited na maikasal sa kanya siguro nga ay isa lamang itong fake. Nasabi ko na rin kay Manang Lily na ikakasal na ako at nagulat siya dahil hindi ko man lang daw ipinaalam sa kanya kung sino ang mapapangasawa ko. Sa araw na rin iyon ay ipinakilala ko si Raven sa kanya, ang tanging komento niya lamang ay ang gwapo raw ni Raven at maswerte ako na nakabingwit ako ng isang mayaman. Magiging maayos na raw yung buhay ko at di na ako magtatrabaho bilang waitress.Pinaghandaan talaga ni Raven ito kahit peke lamang ang gagawin naming kasal. Ipinakilala niya na rin ako sa mga magulang niya at salamat sa diyos ay tanggap nila ako kahit mahirap lang ako. Mabait ang mga magulang ni Raven di katulad ng ibang mayayamang tao.Gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito at makapagtapos na ako ng pag-aaral upang makuha ko na ang anak ko mula kay Noah. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang nag-iisa kong anak na babae. Namimiss ko na sobra

  • Wrongfully Yours   Chapter 27

    Kailangan kong maibalik ang pera na ibinigay sa akin ni Noah bago ang kasal namin ni Raven. Ayokong may maalala akong bagay sa kanya.Kaya maaga akong nagising at nagbihis dahil pupunta ako ngayon sa kanilang kompanya. Di ko ipinaalam ni Raven itong gagawin ko.Kaya inihanda ko na ang pera sa lagayan at papalabas na ako ng bahay ng biglang magtanong sa akin si Manang Lily."Saan ka naman pupunta diba wala ka pang pasok ngayon sa mga oras na ito?" Tanong niya habang humihigop ng kape."Manang Lily may isasauli lang po ako, babalik naman kaagad ako pagkatapos." Sabi ko."Ano yang dala mo?" Tanong niya habang nakatingin sa bag na dala ko."Ahh wala po ito mga gamit ko lang po, sige mauna napo ako ingat po kayo sa trabaho.""Sige."***Bumaba na ako sa taxi at narito na ako sa harap ng malaking building nila Noah. Pumasok na ako sa main gate at binungad naman ako ng bati ng guwardiya."Good morning ma'am." "Good morning rin kuya." Ngisi ko at nilampasan na siya.Napagtanto kong di ko pal

  • Wrongfully Yours   Chapter 26

    "Ano? Pumunta siya sa bahay mo kagabi? Anong sinabi niya at anong pakay niya sayo?" Raven asked."May binigay siyang pera kapalit ng anak ko," Celeste said while bowing her head and looking at her palm."Anong ginawa mo? Tinanggap mo ba?" Raven asked panicked."Hindi pero kusa niyang ibinigay iniwan sa akin ang pera pero tinago ko lang at di ko naman iyon gagamitin."Raven sighed in disappointment."Wala akong magawa para bawiin ang anak ko sa kanya." Celeste added."Pumunta ako dito para icheck ka, sakto ang timing ko di ka pala okay." Raven said calmly.Raven saw the hand of Celeste na pulang pula at agad naman siyang naalarma at kinuha ang kamay ni Celeste then he examined her hand."Anong nangyari dito? Sinaktan ka ba ng gagong iyon?""Wala, nadulas ako kanina kaya nagkaganyan yan, wala siyang kinalaman dito. " She lied and stood up."If you are going to marry me, I will treat you with what you deserve. Di parehas ng gagong iyon lagi kang sinasaktan." He uttered angrily."Kaya kit

  • Wrongfully Yours   Chapter 25

    Nasa bahay na ngayon si Celeste pagkatapos niyang ihatid ni Raven. Diretso siyang nagbihis at pumunta sa sala upang manood ng palabas at para rin mawala sa isip niya ang kanyang pinoproblema pero sa hindi inaasahan na pangyayari, may isang sasakyan na dumating at bumusina ng malakas mula sa labas. Siya lang mag-isa ngayon sa bahay at hindi pa dumarating si Manang Lily. Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang harapan si Noah na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Papalapit si Noah at ang titig niya kay Celeste ay diretso lamang ni hindi man lang kumurap. Celeste stepped back hanggang sa makapasok si Noah sa pamamahay niya."Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Celeste."Do you remember na kailangan kong magbayad sayo upang layuan mo na ang anak mo sa akin?""Hindi mo rin ba naalala na hindi ko kailangan ng pera mo!" She stated firmly while her eyes open wide because of anger.The second time he suddenly framed her with his posture." I know you need money, you can't

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status