Share

Chapter 3

Unang araw ngayon ni Celeste sa trabaho niya bilang waitress. Masaya siya sa unang trabaho dahil makakatulong ito sa kanyang pamilya na naiwan sa probinsya. Agad siyang tinuruan kung ano ang mga dapat niyang gawin. 

"Celeste, halika." saad ni manang Lily na tiyahin ni Amelia.

"Opo," tugon naman ni Celeste.

"Dito sa restaurant na ito bawal lampa lampa kailangan mabilis yung kilos mo at maidala mo kaagad sa customer ang kanilang mga inorder kapag ready na. Maliwanag ba?"

"Opo."

"Kailangan din lahat ng lamisa ay malinis at kaagad mo itong punasan kapag nakaalis na ang customer, ayaw ng may-ari na may mga naiwang dumi sa lamisa."

Patango-tango lamang si Celeste sa mga itinuro sa kanya ng matanda. Si Manang Lily ang pinakamatanda na waitress sa loob ng restaurant na pinagtatrabohan nila.

"At tsaka, mag-ingat ka may mga customer na nambabastos ng mga kagaya nating waitress, maliban sa akin dahil matanda na ako. At kailangan ayusin mo ang pananamit mo upang di ka nila mabastos. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo,"

"Oh, sige mag-umpisa kana."

Kaagad namang kumilos si Celeste sa mga pinapagawa sa kanya ng matanda. Sobrang busy nila dahil maraming tao ngayon na kumakain sa loob ng restaurant. Ang restaurant na ito ay dinadayo dahil sa magandang ambiance nito na tinutugtugan din minsan ng magandang musika. Minsan pa nga ay mga gropo ng mga taong dumadayo rito upang kumanta sa loob ng restaurant. Malaki ang restaurant at pangmayaman, di lingid sa kaalaman na marami talagang dumadayo rito, pati na rin mga torista na nanggaling sa ibang bansa.

May pumasok na isang magandang babae sa loob ng restaurant at umupo sa may gilid malapit sa bintana. Agad naman itong nilapitan ni Celeste, upang tanungin kung anong oorderin nito.

"Magandang araw po ma'am, anong oorderin po ninyo." sambit ni Celeste sabay ngiti sa magandang dalaga na nasa harap niya.

"Just water please." Tugon naman nito.

"Okay po ma'am. Just wait for a second."

Umalis na si Celeste upang kumuha ng tubig na maiinom. Makalipas ang ilang segundo ay nakabalik na siya dala-dala ang tubig na maiinom para sa kanyang unang customer. 

Inilahad niya ito sa babae at agad naman itong ininom ng magandang babae bahid sa mukha nito ang pagkastress dahil agad itong naubos na kahit isang patak lamang ng tubig ay walang natira.

"Here," inilahad ng magandang babae ang baso kay Celeste at agad naman niya itong kinuha mula sa kamay ng dalaga.

Maya-maya pa ay maraming customer ang nagsisidatingan kaya hinanda na niya ang kanyang sarili upang maayos niyang maibigay sa mga customer ang kanilang mga inorder na pagkain. Walang sinayang na minuto si Celeste, pabalik balik siya sa pagkuha ng mga inorder galing kitchen at sa pagbigay nito sa customer. Pati na rin ang mga katrabaho niya ay busy rin. 

Pinunasan ni Celeste ang isa sa mga lamisa dahil umalis na ang customer na kumakain doon at agad naman niyang kinuha ang mga plato at kutsara at kung ano-ano pa. Paglingon niya may nabunggo siyang isang babaeng napakasexy at pulang pula ang mga labi. Ang mga gamit na hinawakan niya ay agad na nahulog at nabasag.

Taranta siyang humingi ng paumanhin at agad na nilinis ang mga bubog na nasa sahig.

"Pasensiya na po, diko ho kayo nakita." Saad niya habang kinukuha ang mga platong nabasag.

"Sa susunod miss, tumingin ka sa dinadaanan mo, bawal ang lampa-lampa sa restaurant namin!" Sigaw sa kanya ng babae.

"Ho, kayo po ang may-ari ng restaurant na ito?" Tanong niya.

"Oo, at gusto mo bang tanggalan kita ng trabaho?"

"Wag po kailangan ko ho itong trabaho na ito. Pasensiya na po ulit." Pagmamakaawa niya.

"Hmm… I like it when someone pleads with her life because it depends on her job. Sige may awa pa naman ako, pero kailangan mong bayaran ang nabasag mong mga plato at sasabihin ko kay papa na bawas yan sa sweldo mo. Maliwanag!" Sigaw sa kanya ng malditang babae habang dilat ang mata niya dahil sa galit.

"Okay, lang po iyun. Basta ba ay huwag niyo lang ako tanggalan ng trabaho."

"Hmmm… I like you girl. Umalis ka muna diyan sa dadaanan ko at baka masipa pa kita."

Agad naman pumagilid si Celeste at binigyan niya ng daan ang babaeng umaway sa kanya.

Ngayon niya lang napagtanto na pinagtitinginan na pala siya ng mga tao sa loob ng restaurant. Dali- dali niyang nilinis ang mga nabasag niyang plato at dumiretso sa kusina.

Sinalubong naman siya kaagad ni manang Lily at tinanong kung ano ang nangyari.

"Hindi ko po iyun sinasadya, hindi ko kase siya nakita kaya nabasag ko yung mga gamit." Saad niya habang mangiyak ngiyak na.

"Oh may sugat ka, halika gamutin natin iyan." Sambit ni manang Lily.

Dinala naman si Celeste sa isang kwarto na puno ng mga gamit at doon ginamot ang kanyang mga sugat.

"Aray po, ang hapdi."

"Tiisin mo. Sa susunod mag-ingat kana. Kahit maraming tao ay dapat tutok ka sa mga ginagawa mo. Anak pa naman ng may-ari ang nabangga mo."

"Oo nga po ehh, humingi naman po ako ng pasensiya sa kanya."

"Buti na lang di siya nakapagsumbong dahil wala ang papa niya rito kung hindi bawas iyun sa sahod mo. Pero mabait naman ang amo natin ang anak niya lang ang m*****a."

"Ah ganon po ba, okay lang po na bawasan yung sahod ko. Basta ba wag lang ako tanggalan ng trabaho. Mahirap na po, may anak pa po akong naiwan sa probinsya." Paliwanag naman ni Celeste.

"Oh ayan nagamot kona, dito ka muna. Huwag mo muna yang igalaw baka dumugo ulit. Ako na ang bahala sa trabaho mo doon." 

"Talaga, salamat po."

Walang anuman. Basta sa susunod mag-ingat kana upang di na mangyari ulit yung nangyari sayo kanina.

"Opo, salamat po ulit."

"Sige na babalik na ako doon."

Tumango si Celeste kay manang Lily at hinayaang niyang bumagsak ang luha niya na kanina pa namumuo sa may gilid ng kanyang mga mata, hindi dahil sa hapdi kung hindi sa nangyari kanina. Sobra sobra na ang paghihirap na dinanas niya mula nung iwan siya ni Noah. Masakit harapin ang realidad kung ikaw ay isang hamak lamang na mahirap. Iba ang tingin sayo ng tao kung may pera ka rerespetuhin ka habang ang mga mahihirap ay nagdurusa at pinapahiya. 

Pinunasan niya ang luha na bumagsak sa kanyang mukha at nagsalita, " Makakaya ko ba lahat ng sakit na mararanasan ko pa dito sa syudad? Makakaya ko ba? Pero wala naman akong choice kung di ay ang kayanin para sa anak ko." Mapait niyang sambit sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status