Share

Wrongfully Yours
Wrongfully Yours
Author: SulatniMiss E

Chapter 1

Ikinuyom ni Celeste ang mga kamay niya dahil sa kaba na baka hindi dumating ang fiancee niya. Ang kaba na nararamdaman niya ay kasing lakas ng mga kulog at kidlat sa kalangitan. 

Binuksan niya ang pintuan ng sinakyang bridal car at tumingala siya sa kalangitan, masyado ng madilim ang paligid at parang uulan na. 

Napatingin siya sa mga tao na nasa loob ng simbahan na kitang-kita sa mga mukha nila na tila nagkakagulo.

Nakita niya ang inay na papunta sa kinaroroonan niya na bakas sa mukha ang pagkabalisa.

"Anak!" Sambit nito habang hinahawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Inay, bakit wala pa po si Noah, nasaan po siya?" Tanong niya habang mangiyak ngiyak na dahil sa takot na baka hindi talaga darating.

"Kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Saad nito habang hindi mapakaling sinabi sa kanya ang katotohanang wala pa siya.

"Maghihintay ho ako ma, ayokong umalis at mas lalong ayokong maging malungkot sa araw ng kasal namin."

"Anak, late na siya ng isang oras, dapat kanina pa siya andito." Saad nito. "At baka—"

"Baka ano ma, na hindi matutuloy ang kasal namin?"

"Anak, magpahinga kana. Ayokong nakikita kitang nasasaktan at umaasang darating siya."

"Ayoko!" Matigas niyang sabi.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang ina ni Noah na si Bernadeth at kasunod nito ang kanyang asawa na si Frank na may dalang maliit na papel.

"Hija!" Tawag sa kanya ng nanay ni Noah. "May kailangan kang mabasa." Pagpapatuloy nito.

Inilahad sa kamay ni Celeste ang papel na hawak nito at dali-dali niya itong binuksan. Sulat kamay ni Noah ang bumungad sa kanya at nakasaad na, "Hindi na kita mahal. Patawarin mo ako ngunit hindi na matutuloy ang kasal natin."

Ang kanyang puso ay parang sasabog sa nararamdamang sakit nito at agad niyang nabitawan ang papel na hawak niya at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa.

Pinuntahan ni Celeste ang isa sa mga kaibigan niyang nakatayo sa may malaking pintuan ng simbahan. Lumapit ito at niyakap niya ito ng mahigpit. " Celeste huminahon ka," saad ng kaibigan ni Celeste na si Jane habang marahang hinahaplos ang likod nito.

"Paano ako kakalma?" Pinunasan niya ang kanyang mga luha at inilahad ang palad nito sa kaibigan niya, " "Pahiram ako ng cellphone mo." saad ni Celeste.

Agad namang ibinigay ng kaibigan nito ang cellphone niya at kaagad niyang tinawagan si Noah. Nang sinagot ni Noah ang tawag niya ay agad siyang nagsalita, " Noah totoo.... totoo ba itong mga sinulat mo?" tanong niya habang bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Huwag mo ng subukang tawagan ulit ako. Mas mabuti siguro ay kalimutan mo na ako at totoo ang bawat salitang isinulat ko." Saad nito at tinapos kaagad ang tawag.

Ang telepono ay nahulog sa kanyang kamay. Napalunok siya dahil sa sakit, ang sobrang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso ay hindi kayang tiisin. Bumagsak siya sa kinaroroonan niya at tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. 

Pinaghandaan nila ang araw na ito pero iniwan siyang mag-isa at luhaan. Minahal ni Celeste si Noah ng sobra at higit pa sa sarili niya pero wala siyang ibang ginawa kundi ay ang saktan at pagtaksilan siya.

Tinitingnan na siya ng mga tao sa simbahan na may awa sa kanilang mga mukha. Lumapit sa kanya ang Inay niya at pinahid ang mga luha na patuloy parin sa pagbagsak. Niyakap niya ang anak nito ng mahigpit. Medyo nakatulong ang yakap ng ina kay Celeste upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tumayo siya ng marahan at diretsong nakatingin sa mga mata ng kanyang ina.

"Inay, may gusto akong sabihin,"

"Ano iyun anak?"

"Buntis po ako at Si Noah ang ama." Diretsong sabi niya. Bakas sa mukha ng kanyang ina ang pagkagulat. 

"Anak," Saad nito ng marahan. Inilipat niya ang tingin niya sa magulang ng fiancee ni Celeste at bigla na lang itong sumugod na may galit sa mukha.

"Sabihan mo anak mo na di niya pwedeng iwan ang anak ko, dahil buntis siya at ang ama ng batang dinadala ng anak ko ay ang anak ninyo! Kailangan matuloy ang kasal! Hanapin niyo siya." Sunod-sunod na sabi ng kanyang ina.

"Mare, kalma ka lang. Pati kami ay hindi alam kung nasaan ang anak namin. Ni hindi nga namin alam na may mangyayari di inaasahan sa araw na ito. Babae rin ako nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ng anak mo." Sagot naman ng inay ni Noah sa ina ni Celeste.

"Hindi maaaring kumalma na lang ako dito. Babae ang anak ko!" Tugon naman ng ina ni Celeste.

Sobrang kirot na ang nararamdaman ni Celeste sa mga araw na ito na para bang mamamatay siya dahil sa sakit. Ang lalaking akala niyang magmamahal sa kanya ng lubusan ay iniwan lamang siya sa gitna ng mga taong malapit sa kanila. Hiya, lungkot at sakit ang nasa buong sistema ni Celeste. Gusto niyang magalit at isigaw sa mundo kung bakit nangyari sa kanya lahat ito. Isa lang siyang simpleng babae na ang pangarap lamang ay ang maikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya.

********

Makalipas ang sampung buwan, maririnig ang malakas na iyak ng sanggol sa buong silid ng pampublikong ospital. 

Hinawakan ng nars ang sanggol sa kanyang mga bisig habang nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto kung nasaan nakahiga si Celeste.

"Napakaganda ng iyong anak, maligayang pagbati, babae ang anak mo," saad ng nars habang nakangiting ibinigay ni Celeste ang kanyang nag-iisang anak.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok ang ina ni Celeste sa kanyang kwarto na may dalang mga prutas at nasopresa ito ng nasa mga bisig na ni Celeste ang apo nito. Dali-dali itong lumapit at kinuha nito ang sanggol mula sa mga bisig ni Celeste.

"Napakaganda naman ng apo ko. Anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ng ina na di man lang tumingin kay Celeste dahil masyado itong naantig sa kagandahan ng kanyang apo na para bang nakahawak ng isang mamahaling kayamanan na ayaw niyang ibigay kahit na kanino.

"Ang ipapangalan ko sa kanya ay Stacey Alessandra Williams."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status