Share

Chapter 6

"Sorry for that interruption. May we continue our events? Sir Noah come on here on stage." Saad ng host.

Nagpatuloy si Noah sa paglalakad na balisa pero pilit niya iyun tinatago sa kanyang mga ngiti. Tinatanong niya ngayon sa kanyang sarili kung si Celeste ba iyun ang nakita niya o hindi, pero pilit niyang kinalimutan iyun dahil baka kamukha lang ni Celeste ang nakabasag ng mga baso kanina lang. 

Bago siya tumuntong sa stage may isang waitress na nagbigay sa kanya ng wine. Nang nasa harap na siya ng mga tao ay ngumiti siya ng napakalaki dahil sa tagumpay na kanyang nakamit ngayon at tuluyan na ngang nawala sa isipan niya ang nangyari kanina.

Ibinigay naman ng host mga micropono at ngayon naman ay siya na ang magsasalita, "Magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagpunta. Sana maenjoy ninyo ang gabi na kasama ako. Cheers!"

"Cheers!" Sambit naman ng lahat at nagpalakpakan.

Nagpatuloy ang party at sobrang nag-enjoy ang lahat habang si Celeste na nasa kusina ay hindi mapakali. Pabalik-balik ang lakad niya habang may binubulong sa sarili, "Anong gagawin ko?"

"Oy Celeste tumigil ka na nga diyan ako yung nahihilo sa ginagawa mo!" Saad ni Jasmine. "Di mo ba alam ang gagawin mo? O dalhin mo daw yan doon dahil sabi ni manang Lily na paubos na raw yung mga pagkain na hinanda kanina, marami pa daw ang bisitang darating." Tuloy-tuloy na sambit ni Jasmine habang inilahad niya ni Celeste ang isang putahe ng pagkain.

"Bakit ako? Ikaw na lang, please?"

"Bakit ayaw mo? Ano bang meron doon?" Tanong ni Jasmine.

"Wala, basta ikaw na lang." 

"Kita mo ba ang nasa likuran ko Celeste? Ang dami pa oh. Alangan naman ako lang mag-isa maghatid lahat niyan edi matatagalan ako. Tayo na lang dalawa okay?"

Walang nagawa si Celeste kundi ay tanggapin na lamang ang ibinigay ni Jasmine na isang putahe ng pagkain at dismayado siyang tumungo sa event at iniisip na baka makita siya doon ni Noah. Kaya ang ginawa niya ay nagsuot siya ng face mask upang hindi na siya makita at makilala nito.

"Ito na po manang Lily ang pagkain saan ko po ito ilalagay?" Tanong ni Celeste pagkarating niya sa kinaroroonan ng mga pagkain.

"Diyan mo ilagay sa may gilid, nasaan yung iba?"

" Ah dadalhin pa po ni Jasmine dito." Sagot naman ni Celeste.

"Ito na…" Sambit ni Jasmine.

Dali-dali namang bumalik si Celeste sa kusina habang nakayuko ang ulo ng bigla niyang mabunggo ang isang lalaki. Pag tingin niya ay si Noah ito.

"Sorry Miss, are you okay?"

Tumango lamang si Celeste at narinig niyang nagsalita si Jasmine, Mag-ingat ka—" 

Nagdarasal siya na sana hindi masambit ni Jasmine ang pangalan niya at parang bumagal ang paligid niya at pumipikit siya dahil sa kaba.

"Mag ingat ka naman inday, kanina ka pa ehh."

Nabunutan ng tinik si Celeste at guminhawa siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad patungong kusina.

"Hindi dapat niya ako makilala, ayoko nang makaharap pa siya." Bulong ni Celeste sa sarili.

Nagpaalam muna si Celeste na aalis muna ng restaurant upang ipadala sa Inay niya ang perang ipapagamot ng kanyang itay. 

Pagkatapos ay bumalik na siya sa restaurant at tinawagan ang kanyang inay para ipaalam na napadala na niya ang pera.

"Salamat, anak. Malaking tulong ito sa pagpapagamot ng iyong ama."

"Opo Inay, ipagamot niyo na si itay bago pa mas lumala ang kanyang kondisyon." Tugon ni Celeste.

"Oo anak."

"Nasaan po si Stacey? Gusto ko ho siyang makausap."

"Nandito siya. Teka tatawagin ko muna."

"Apo gusto kang makausap ng mama mo." Rinig ni Celeste sa kabilang linya.

"Hello po mama, kumusta po kayo?"

"Okay lang anak, ikaw ba?" 

"Okay po ako, si lolo lang ang hindi."

"Mabuti naman at okay ka, si lolo mo ay ipapagamot na at magiging okay na rin siya." Sambit ni Celeste habang nakangiti.

"Talaga po mama, makakapag laro na kami ni lolo nun kapag maging okay na siya. Yeheyyyy!!!"

Napatawa na lang si Celeste sa anak niya at nagpaalam na rin upang muling bumalik sa trabaho. Marami pa siyang gagawin at patuloy pa rin niyang iniiwasan si Noah.

***********

Sa pampublikong ospital dinala ng nanay ni Celeste ang tatay nito na may sakit. Pagkatapos makuha ang perang naipadala ni Celeste ay dali-daling pumunta sila sa ospital upang maagapan agad ang sakit ng asawa niya. 

"Edgar dapat mong labanan ang sakit mo upang gumaling ka kaagad, huwag kang mawalan ng pag-asa." Sambit ni Asun sa asawa niyang si Edgar.

"Kakayanin ko, Asun para sa inyo. Apo huwag kang mag-alala gagaling si lolo at maglalaro tayo pagkagaling ko." 

"Opo lolo, excited na po akong makalaro ka." Tugon naman ni Stacey.

*************

Tulala si Noah sa may gilid habang nakahawak ng wine na iniinom niya. Iniisip niya ang nangyari kanina. Ang babaeng nakabasag ng mga baso kanina ay hindi mawala sa isip niya. Pamilyar kase ang mukha nito at ang nasa isip niya ay baka si Celeste iyun na iniwan niya sa altar. 

Ipinagdarasal niya na hindi iyun si Celeste. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay may tumawag sa pangalan niya.

"Babe Noah, anong ginagawa mo diyan?"

Tulala pa rin si Noah at hindi napansin na may tao pala sa harapan niya.

"Hoyy Babe, hello. Anong iniisip mo?"

"Ahh nandiyan ka pala, wala naman babe. Medyo napagod lang siguro."

"Halika para mawala ang pagod mo sumayaw na lang tayo."

Ngumiti si Noah at hinayaan niyang dalhin siya ng kanyang kasintahan na si Aubree sa gitna upang sumayaw.

Masaya silang sumasayaw habang nag-uusap tungkol sa kanilang dalawa. 

"Babe, kailan mo ako papakasalan?" Tanong ni Aubree habang nakapalupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Noah.

"Tsaka na babe magpapayaman muna ako para maibibigay ko lahat ang gusto mo. Gusto ko munang may maabut pa ako bago tayo ikasal."

"Okay babe, I will wait kung kailan ready kana." Sambit ni Aubree na nakangiti.

"Thank you for understanding babe."

Tumango na lamang si Aubree at nagpatuloy na sila sa pagsasayaw ng may narinig si Noah na pangalan.

"Celeste halika ka rito, dito mo diyan ilagay." Sambit ni manang Lily kay Celeste at narinig naman iyon ni Noah.

"Sandali lang Babe ha may pupuntahan lang ako."

"Okay babe, I'll see you around."

Dali-dali namang pinuntahan ni Noah ang kinaroroonan ni Celeste at nakita naman bigla iyun ni Celeste na papunta si Noah kung nasaan siya.

Nanlaki ang mga mata ni Celeste at iniwan niya bigla si manang Lily na may sasabihin pa sana. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina at isasarado na sana iyon ni Celeste ang pinto ng maabot ito Noah.

"Alam kong ikaw iyan. Huwag ka ng magtago." Sambit ni Noah sa likod ng pinto, binuksan ni Noah ng malaki ang pinto at nakita niya talaga ng harap harapan si Celeste at napatunayan niyang siya talaga iyon.

"Oo ako nga, ang iniwan mo sa altar four years ago!" Matigas niyang sabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status