Share

Chapter 13

Author: SulatniMiss E
last update Huling Na-update: 2023-12-02 12:09:26

Umaga na at naghahanda na si Celeste upang makipagkita siya kay Raven. Ngayon ang araw na magpapatulong siya kay Raven upang makahanap ng eskwelahan na mapapasukan.

Lumabas na siya ng bahay at nagpaalam na kay Manang Lily na umalis. Naglalakad-lakad muna siya bago makanap ng masasakyan patungong plaza.

Maya-maya pa ay may huminto na sa kanyang harapan na taxi. Agad naman siyang sumakay dito ay naaalala niya na ito pala ang driver na pinipilosopo siya nung nakaraan.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa plaza kuya," mahinahon niyang pagkasambit.

"Hindi na po ba kayo nagmamadali?" Tanong ng driver at napagtanto ni Celeste na hindi pa pala ito nakakalimot noong nakaraang araw na pini pilosopo siya nito.

"Hindi po kuya sige bagalan niyo lang,"

Nakinig naman ang driver sa utos niya. Napasampal na lang sa noo si Celeste dahil sa kabobohan nitong driver.

"Kuya pakibilisan na lang po,"

"Bakit ma'am?"

"Basta wala ng maraming tanong!"

"Galit po kayo?"

"Hindi kuya!"

"Bakit kayo sumisigaw?"

"Ganito yung r
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Wrongfully Yours   Chapter 33

    Celeste's POV,I graduated summa cum laude. Naabut ko ang mga pangarap ko, nabigyan ko ng magandang buhay ang mga magulang ko pero bakit parang di pa rin ako masaya.Dahil ba ito sa hindi ko kasama ang aking anak sa pag-abot ng aking mga pangarap?Gusto kong sabihin sa anak ko na may Mama na siyang successful sa buhay at kung magkasama man kami ngayon ay sigurado akong matutuwa siya sa mga narating ko.Nasa kompanya ako ngayon at tinitingnan ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking lamesa. Naghihintay ako sa aking sekretarya dahil may ibibigay siyang schedule para sa mga meeting ko. Sa pagkakaalam ko may meeting ako bukas pero hindi ko pa alam kung sino-sino ang makakasalamuha ko. Kasalukuyan na akong nagtitingin ng mga papeles at lahat naman ay nasa wasto. Malakas pa rin ang benta ng aming mga sasakyan. Iba't-ibang brand, kaya sinisigurado ko na ang aking mabebenta na sasakyan ay patok sa kagustuhan ng mga tao kaya nahumaling sa akin ang matandang may-ari ng kompanyang ito kaya ginaw

  • Wrongfully Yours   Chapter 32

    Celeste's POV,Ngayon na mangyayari ang engrandeng party na isinagawa ni Raven. Nag-ayos na ako ng damit at nakasuot ako ng isang black dress na may slit sa gilid na kita ang makinis kong paa.Habang si Raven naman ay nakasuot ng black tuxedo na bumagay sa kanya at mas lalong ikinagwapo niya.Lumabas na kami ng bahay at kinawayan naman kami ng magulang ko bilang paalam. Iginiya niya ako sa kanyang sasakyan at binuksan niya ang pinto para makapasok ako. Sumunod naman siya at pinaandar ang sasakyan.Nang makarating kami ay konti pa ang mga taong naroon at malamang wala pa sina Noah. Maganda din ang set-up ng party na ito pangmayaman talaga, maraming tables at chairs na nilagyan ng kung anu-anong palamuti. Dumiretso na kaagad kami ni Raven sa itaas dahil may isang VIP roon at doon ako mamamalagi ayoko munang magpakita ni Noah dahil hindi pa ito ang tamang panahon.Pumasok na kaagad kami sa silid at diretso akong umupo may laptop rin dito na nakalagay sa lamesa na kung saan ay makikita k

  • Wrongfully Yours   Chapter 31

    Celeste's POV,"Inay! Itay! Raven! Halina kayo at tayo'y kumain na masarap ang niluto ko." Tawag ko sa kanila na may halong paglalambing ang boses.Nasa sala sila at nanonood ng tv rinig na rinig ko pa ang hiyawan ni itay nang ma knockdown ng pinapanigan niyang tao sa boxing."Tama na po iyan, halina kayo." Saad ko ng makarating ako sa sala. Nagsitayuan naman sila at pumunta sa kinaroroonan ko."Ano bang niluluto mo anak?" Tanong ni itay sa akin."Basta tikman niyo lang po." Tugon ko sa kanya.Nagsiupuan na sila at kumuha na ng ulam at kanin. Nang tinikman nila ito ay napapahiyaw sila sa sarap. Nagluto ako ng ginataang baboy na nilagyan ko ng sari't saring mga sangkap. "Ang sarap naman nito anak," Puri ni itay sa akin ng matikman niya ito."Syempre saan ba nagmana edi sa inay niya." Pagmamayabang ni inay. Nakita kong napatawa na lamang si Raven dahil sa kakulitan ng aking mga magulang at tsaka nagpatuloy sa kanyang kinakain.Nakita ko rin siyang sumubo ng ilang beses hudyat na nasasa

  • Wrongfully Yours   Chapter 30

    Lumipas ang maraming taon, nakapagtapos si Celeste ng pag-aaral at nakahanap kaagad ng magandang trabaho sa syudad. Ibang-iba na siya ngayon, isa na siyang mayaman at nirerespito ng lahat. Naging mabuti ang takbo ng buhay niya siya kaagad ang ginawang CEO ng isa sa pinakamalaking kompanya sa syudad dahil ang may-ari nito ay walang anak. Siya ang nagpapatakbo ng negosyo. Naging mahusay siya sa pagdala ng negosyo, she know how to sell cars sa mga mayayamang tao at naging matagumpay lalo ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya.Naging masaya naman ang kanilang pagsasama ni Raven. Kung ikukumpara ang dating Celeste noon ay di na siya makikilala dahil mas gumanda ito. Lahat ng mga taong tumitingin sa kanya ay mapapasabi talaga na isa siyang maganda at nakaka agaw pansin ang kanyang aura.Hapon na at pauwi na si Celeste mula sa trabaho ng tinawagan siya ni Raven habang siya ay nagmamaneho."Celeste pauwi ka na ba?" Sabi ni Raven sa kabilang linya."Oo, hintayin mo ako sabay na tayong kumain m

  • Wrongfully Yours   Chapter 29

    Celeste's POV,"You may now kiss the bride." Yan ang huling kataga na sinabi ng paring nagkasal sa amin ni Raven.Sigawan at palakpakan ang namayani sa buong simbahan pagkatapos akong hinalikan ni Raven sa aking labi.Nagtagumpay rin ang plano namin ni Raven na maikasal ako sa kanya upang sa ganon ay magtuloy-tuloy na ang aming mga hakbang sa pagbawi ko sa aking anak.Lumabas na kami ni Raven ng simbahan at isinakay niya kaagad ako sa kanyang kotse.Ang tanging mga salitang naririnig ng aking mga tenga ay ang kanilang pagbati. Sinuklian ko naman iyon ng matatamis na ngiti. Pagkapasok ko sa kotse ay agad nagtanong sa akin si Raven."Anong unang hakbang mo Celeste?" Tanong niya habang di tumitingin sa akin."Gusto ko munang masubukan kung anong buhay ang meron ka, pag aaralin ko kung paano kayo mamuhay." Mahinang sambit ko."Sige kukuha ako ng magtuturo sa iyo mula sa pananamit, pagkain sa mga mamahaling restaurant at kung ano ano pa.""Raven salamat sa pagtulong mo sa akin." "Wala iy

  • Wrongfully Yours   Chapter 28

    Nalalapit na ang araw ng kasal namin ni Raven pero iwan ko ba di ako excited na maikasal sa kanya siguro nga ay isa lamang itong fake. Nasabi ko na rin kay Manang Lily na ikakasal na ako at nagulat siya dahil hindi ko man lang daw ipinaalam sa kanya kung sino ang mapapangasawa ko. Sa araw na rin iyon ay ipinakilala ko si Raven sa kanya, ang tanging komento niya lamang ay ang gwapo raw ni Raven at maswerte ako na nakabingwit ako ng isang mayaman. Magiging maayos na raw yung buhay ko at di na ako magtatrabaho bilang waitress.Pinaghandaan talaga ni Raven ito kahit peke lamang ang gagawin naming kasal. Ipinakilala niya na rin ako sa mga magulang niya at salamat sa diyos ay tanggap nila ako kahit mahirap lang ako. Mabait ang mga magulang ni Raven di katulad ng ibang mayayamang tao.Gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito at makapagtapos na ako ng pag-aaral upang makuha ko na ang anak ko mula kay Noah. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang nag-iisa kong anak na babae. Namimiss ko na sobra

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status