Share

Chapter 7

Nanginginig, nangangatal ang mga labi ni Celeste ng magtagpo ang kanilang mga mata, at hindi na alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya diretso na lang siyang tumalikod mula kay Noah. 

"Sandali, kinakausap pa kita." Saad naman ni Noah sabay hawak ng kanyang mga braso.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa matagal mo na akong iniwan." Galit na sambit ni Celeste.

"Gusto lang kitang kumustahin." Ani niya.

"Okay lang ako, at bumalik kana doon baka hinahanap ka na ng iyong kasintahan."

"Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako."

"Umalis kana dito marami pa akong gagawin."

"Bibigwasan ko talaga ang lalaking ito kapag di siya umalis. Tatadyakan ko yang ari niya." Bulong ni Celeste sa sarili niya.

"Sandali lang, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan na iniwan kita sa altar, kita mo naman ako ngayon isa na akong mayaman na lalaki." Hambog niyang pagkasabi.

"Oo nga naman, habang kami ng anak mo naghihirap at ikaw ay nagpapakasarap! Umalis kana bago pa kita masampal ng very hard!"

"Ano yung sinabi mo? Anak ko? May anak tayo?"

"Wala!"

Naging maputla ang mukha ni Celeste dahil sa sinabi niyang may anak sila at nasa isip niya na baka may gagawin itong si Noah. 

"Harapin mo ako, ulitin mo ang sinabi mo kanina!" Nakita ni Celeste na nagsalubong ang dalawang perpektong mga kilay ni Noah. Malakas na rin ang kabog ng kanyang dibdib at anytime parang mahihimatay na siya.

"Ano?!" Galit na tanong niya.

Napaatras si Celeste at di niya na namalayan na nakasandal na pala siya sa pader.

"Kung ayaw mong sabihin ako na ang bahalang umalam ng lahat." Sambit ni Noah habang nang-aasik ang kanyang mga mata at diretsong umalis.

Wala ng ibang nagawa si Celeste kundi ay mapaupo na lang dahil sa kabobohan na sinabi niya. Sinasampal-sampal ang kanyang sarili. 

"Baka bawiin niya ang anak ko at ayokong mangyari iyun. Sana lumaki ulo niya kapag babawiin niya man ang anak ko." Bulong ni Celeste.

"Hoy te, anong ginagawa mo diyan?" Biglang tanong ni Jasmine ng makita niya si Celeste sa sahig at nag-eemote.

"Wala, gusto ko lang umupo." Tugon naman ni Celeste.

"Anong wala te, eh para ka ngang binagsakan ng langit at lupa,"

"Wala lang ito Jasmine tsaka bumalik na tayo sa trabaho."

"Okay, sabi mo ehh."

Bumalik na sila sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Celeste ang maaaring gawin ni Noah sa kanya. Balisa siya at wala sa sariling gumagawa ng trabaho hanggang sa matapos ang gabi ng event ay lutang pa rin siya.

Pumara si Celeste ng tricycle at wala sa isip na sumakay ang tanging nasa isip niya lang ay ang kanyang anak na nasa probinsya baka tuluyan na nga itong kunin sa kanya ni Noah kapag nalaman niyo ang totoo.

Overthink yarn?

Sinisisi niya ngayon ang kanyang sarili kung bakit niya ba iyun nasabi, naiinis at galit ang kanyang nararamdaman ngayon kung hindi dahil sa kahambugan na sinabi sa kanya ni Noah ay di niya iyun masasabi.

"Saan po tayo." Tanong ni manong driver sa kanya.

"Ihatid mo muna po ako sa plaza gusto kong mag unwind." Sabi niya sa driver.

Unwind pa nga Celeste.

Para siyang binagsakan ng langit at lupa kapag iniisip niya iyon. Hindi pa nga tapos ang problema niya mula sa kanyang ama na may sakit at ito na naman may iniisip na naman siyang problema na posibleng mang mangyari.

Pagkababa ni Celeste sa tricycle ay dumiretso agad siya sa isa sa mga upuan sa plaza. Diretso lamang ang kanyang tingin ng biglang may bumangga sa kanya at diretsong hinablot ang kanyang bag. 

Sisigaw na sana siya ng maisip niyang wala palang laman ang bag na iyun. Wala pa siyang sahod, at mas lalong wala ang phone niya doon.

"Sige kuya sa iyo na yan wala namang laman ang bag na iyan." Bulong ni Celeste.

"Kuhanin niyo sa akin ang lahat huwag lang ang anak ko!" Sumigaw siya bigla dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga taong nasa plaza.

Sorry ho nag-eemote lang.

"Hi miss are you okay? Here is your bag." Sambit ng isang estranghero kay Celeste.

Nagulat si Celeste dahil sa isipang paano nabawi ng isang estranghero nito ang bag niya. Maganda ang pangagatawan ng isang lalaking ito. Nakasuot siya ng white t-shirt at itim na pantalon na bumagay sa kanyang makisig na katawan. Gwapo ito, matangos ang ilong at may mapupulang labi. 

"Hi miss," sambit ng lalaki sabay kaway ng kanyang mga kamay sa mata ni Celeste.

"Ah-eh. Paano mo nabawi ang bag ko?" Biglang tanong niya.

"Nakita ko kasing hinablot ito ng lalaking bumangga sayo kaya nung tumakbo ito ay papunta sa kinaroroonan ko at sinapak ko kaagad. Bakit pala di mo binawi iyan?"

"Wala lang pagod ako para habulin pa ang lalaking iyon tsaka marami akong iniisip ehh."

"Ahh okay, ako nga pala si Raven." Inilahad ng lalaki ang kamay niya para makipagshake hands kay Celeste.

"Ahh ako si Celeste." 

Nagkamayan sila at sabay na naglakad. 

"Saan ang bahay mo at ihahatid na kita."

Natulala si Celeste sa inasal ni Raven ngayon palang sila magkakilala pero kung umasta ay parang matagal na silang magkakilala.

"Ako ihahatid mo? Baka may gawin siyang masama sa akin kaya no….." bulong ni Celeste sa sarili.

"Ano magpapahatid ka ba?"

"Ha? Ah-ehh wag na lang." Kandautal niyang sambit. "Sige ahh mauna nako sayo." Paalam ni Celeste at tumakbo palayo ni Raven.

Umuwi na si Celeste sa bahay ni Manang Lily. Kay Manang Lily pa rin siya tumira dahil sinabi ng matanda na huwag na lang siya mangupahan dahil mas lalaki pa ang kanyang magagastos kapag umupa pa siya ng apartment. Tinulungan siya ng matanda upang malaki-laki ang mapa padalang pera nito sa probinsiya.

Pagpasok niya sa bahay ay binungad siya ng tanong ni Manang Lily, "Anong nangyari sa mukha mo at saan ka galing bakit ngayon ka lang?"

"Nanakawan po ako sa may plaza pero nasauli na naman po." Tipid na sagot ni Celeste at dumiretso sa kwarto na mabibigat ang mga yapak.

"So okay kana ba? May problema kaba? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"

"Ahh wala po ito, napagod lang po siguro. Sige ho matutulog na po ako."

"Hindi ka ba kakain?"

"Wala akong gana ehh. Sige manang Lily goodnight."

"Sige kapag nagutom ka mamaya, ilalagay ko na lang sa lamisa ang iyong makakain tatakpan ko lang ito."

"Sige ho maraming salamat."

Pumasok na si Celeste at di niya napigilan na maluha dahil sa inis niya sa kanyang sarili natulog siya na mabigat ang pakiramdam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status