Lumipas ang isang linggo, akala ni Liam makakalimutan na niya ang nangyari noong birthday niya pero mas lalong tumindi ang pag-aasam na makita at mahanap niya si Nightbird. Nagpatulong na siya kay Daniel pero hindi rin daw nakuha nito ang impormasyon. Ang nasabi ng ilang crew ng Empress Hotel hindi nila nakuha ang information about her name dahil naghihintay pa ito sa kasama niya at hindi pa man lang nakapag-reserve ng table kaya ayon zero ang kinahinatnan ng kanilang paghahanap. He’s in his office, nakasandal sa swivel chair at nakatitig sa kisame na iniisip si Nightbird. After a moment bumalik na siya sa trabaho.
Maya- maya pa ay kumatok na si Suzy ang kanyang dakilang secretary. “Yes Suzy?” tanong niya rito. “Sir heto na po ang mga hard copy ng files na pinakukuha ninyo. Naka-book bind na po yan.” Ipinatong ni Suzy sa table. Again, kagaya ng palagiang reaksiyon niya sa mga gumagawa ng files na iyon, napapahanga talaga siya. Malinis ang pagkakagawa at napaka-artistic. “Thank you Suzy,” aktong aalis na si Suzy nang tanungin niya ito. “Suzy, pwede ko bang malaman ang pangalan ng mga gumagawa ng mga files na ‘to? Nakaka-good vibes kasi sila e. Hindi ko man lang mapasalamatan.” “E kasi untouchable kayo,” bulong ni Suzy. “Are you saying something?” tanong naman niya. “Ah wala po Sir. Lara, Miss Lara Bernal po ang name niya.” “So babae pala siya.” “Ngayon n’yo lang nalaman Sir?” muling bulong ni Suzy. Sa pagkakilala niya kasi kay Liam Legaspi, never itong bumisita sa mga department ng kanyang kumpanya at halos lahat ay sa kanya na ipinagkatiwala kaya siya lang ang nakakakilala sa mga empleyado ng Legaspi Construction Company. “Suzy, if you are saying something pakilakasan pwede? Hindi ‘yong para kang bubuyog na bulong ng bulong diyan.” “Ay Sir, wala, wala naman po akong sinasabi,” pagtanggi ni Suzy. “Okay sabi mo e, paki-set na lang ng schedule para madalaw ko naman ang team na iyon okay. I just want to appreciate them for their hard work,” utos niya habang nagbubuklat ng page ng libro ng mga files. “Hay naghimala yata ang kalangitan,” muling bulong ni Suzy. “Suzy naririnig kita, kanina pa,” tiningnan niya ito ng may konting banta. “Ay Sir oo aalis na ako at magse-set ng schedule ng pagbisita n’yo sa kanila and belated happy birthday.” Natigilan siya sa ginagawa nang maalala niya ang gabi ng kanyang kaarawan. Kung paanong hinaplos niya ang mga bewang ng misteryosang babaeng iyon at idinampi ang mga labi na banayad na ikinikilos na siyang nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Napapitlag siya sa animoy kuryenteng dumaloy sa kanyang spinal chord. “Oh! Shoot,” nakuyumos niya ang mukha sa muli na namang pagpukaw ng alaalang iyon. “Damn,” talagang hindi siya pinatutulog ng mukhang iyon na parang isang anghel. TAMBAK ang trabaho sa office pagkatapos na ma-approve ng board ang bagong building construction, walang humpay ang mga tawag, ang meeting with Line Age company at dahil doon nawala na sa isip ni Liam ang paghahanap kay Nightbird. “Sir nasa kabilang linya po si Mr. Corpus,” pukaw ni Suzy. “Okay, I’ll take the call. Ah Suzy pakidala ‘to sa first floor I need some copies para sa presentation ng budget mamaya sa meeting board,” utos niya kay Suzy. “Right away Sir.” Nagtataka siya na tumagal ng 45 minutes ang printing ng mga copies. Medyo kumunot ang kanyang noo nang pumasok sa si Suzy. “Bakit ang tagal?” “Hindi ko po alam Sir e, medyo bumagal ang kilos ni Miss Bernal.” Nang tingnan niya ang mga kopya, ilan lang ang na-print at karamihan ng papel ay blangko na. Medyo hindi niya iyon nagustuhan. Sa paglipas ng mga araw hindi na nagiging maganda ang gawa nito. Dati niyang hinahangaan ang dedikasyon ng empleyado na iyon dahil talagang nag-e-effort ito ng art sa pag-book bind ng mga files pero ngayon baliktad na ang pages at kulang-kulang ang print. Naiinis na si Liam kaya napasigaw siya sa pagtawag kay Suzy. “SUZY! Bakit ganito ang pagka-book bind nito bali-baliktad ang pages. Nahihirapan akong magreview!” reklamo ni Liam na halos nakasigaw na ito. “Ibalik mo iyan sa gumawa!” “Yes Boss,” natatarantang pinulot ni Suzy ang mga nagkalat na papel sa sahig. Nang mga sumunod na araw. “Suzy bakit blangko ang mga papel!” galit na galit na tanong ni Liam. “Ah sir hindi ko po alam.” “Sino ba yang book binder na iyan? Nagpalit na ba tayo ng clerk? Bakit parang naiba ang gawa niya?! “ “Hindi ko po alam sir,” nanginginig na sagot ni Suzy. “Puwes alamin mo!” Umiinit ang ulo ni Liam kapag hindi maayos ang trabaho ng mga empleyado at mabilis makapagpasira iyon ng araw niya. Sa dami ng trabaho sumabay pa ang clerk na iyon. Kailangan na niya sigurong komprontahin ito at tuluyang sisantehin. NAPAPANSIN ni Billy ang malaking pagbabago sa katawan at kilos ni Lara hindi naman siya dating ganon. Madalas din itong tumatakbo sa banyo para magsuka. Parang may sakit ito kaya hindi magawa ng maayos ang trabaho. “Uy girl ano ba ang nagyayari sayo? Hindi ka naman dating ganyan. Alam mo ba balita ko e napipikon na sayo si Boss dahil ang dami mo nang palpak na out come,” hindi na napigilan ni Billy ang pagpuna sa kanya. “Hindi ko nga alam e kahit ako nahihirapan na rin,” pero may duda na siya dahil one month na siyang delay. “Naku ang mabuti pa humingi ka muna ng day off today at magpacheck-up ka, sasamahan kita.” “Mabuti pa nga.” Kaya kinausap nila si Suzy para magpaalam. “Sige ipapaalam ko na lang kay boss ang day off mo today and maybe get some rest.” “Salamat po Miss Suzy.” MATAGAL silang pumila sa clinic madami din kasing nagpapa-check up at habang naroon ay nakatulog siya sa pagkakaupo, nagising na lang siya ng tawagin na ng attendant ang pangalan niya. “Mam congrats po you are one month pregnant.” Parang dinaganan ng malaking bato ang kanyang dibdib. Tama ba ang kanyang narinig? Buntis siya. Ano na ang gagawin niya ngayon?“Gosh, tama na ang drama, I need to go home, hinihintay na ako ni Nate,” sabat naman ni Lara na feeling okay na ang pakiramdam kahit nahihilo pa.“No, you stay there at magpagaling ka. Ipinasundo na siya ni Daniel at nadoon na siya sa mansion,” sagot naman ni Jake. “Lara, I’m sorry din sa sinabi ko sayo, I was out of my mind. Hindi kita pinakinggan dahil pinaghaharian ako ng galit. Buti na lang tinawagan mo pa rin ako sa oras ng panganib.”“Hay okay lang ‘yon.”“Lara, me and Daniel promise you na ibabalik namin sayo si kuya. Wala nang sinumang pwedeng humadlang.”Napatawa si Lara ng bahagya dahil sa katotohanang tinanggap na niya ang tuluyang pagkakalayo nila ni Liam. Hindi na siya umaasa pa, tama na, sarili naman niya ang kanyang iisipin. Baka talagang ito ang kapalaran nilang dalawa.“Ano ba kayo, hayaan na natin ang lahat. Tanggapin na lang natin na baka hindi talaga kami para sa isat-isa. Huwag na kayong gumawa ng anumang paraan. Sobrang dami na ng pangyayari na nagpahiwalay sa am
“Hello, Lara I’m canceling our contract. Sa iba ko na lang ipapagawa ang garden ng clinic ko. I’m sorry.”Nagtaka si Lara sa desisyon n iyon ni Abby. Hindi na siya nakasagot dahil binabaan na siya nito ng tawag. May kutob siyang hindi naging maganda ang naging pag-uusap nila ni Jake.Pumunta siya sa mansion para kausapin si Jake. Wala pa ito pero hinintay pa rin niya. Buti hindi ito natagalan at agad ding dumating.“Jake, what happened? She cancelled our contract.”“Lara, please huwag ka nang makialam, problema ko ‘to, problema namin ‘to. Ni hindi mo nga maayos ang problema nyo ni kuya e tapos makikisawsaw ka pa sa problema namin ni Abby!”Parang sinaksak sa puso ang pakiramdam ni Lara sa kanyang mga narinig. All this time ganon pala ang tingin sa kanya ni Jake matapos ang mga panahong dumaan sila ni Liam sa mga pagsubok.“Oh, wow, huh, pasensiya ka na…” Halos maluha siya sa pagkapahiya. “Pasensiya ka na, I’m sorry, sige hindi na ako makikialam. I’m sorry.” Lumabas siyang lumuluha, pa
“Malapit ka nang mapasaakin Abby,” mapanuksong bulong ni Director Go kay Abby habang nasa pantry sila at kumukuha ng pagkain.Tila nakaramdam naman si Abby ng pandididri sa kanyang katawan habang palihim na hinahaplos nito ang kanyang balakang.“Please, Director Go have some respect, nasa public place tayo,” mariin niyang pakiusap.Mapaklang ngiti naman ang iginanti ni Director Go. “Respect? Karespe-respeto ka ba?” pang-iinsulto nito. “Ibinenta ka nga lang sa akin ng pamilya mo, remember?”Napapikit na lang si Abby sa pagpapaalalang iyon ni Director Go. Totoong ipinangbayad-utang siya ng kanyang pamilya dahil sa mga kapritso ng mga ito. Masakit mang tanggapin pero wala siyang magawa sapagkat pingakaisahan siya ng kanyang mismong pamilya. Ito ang pinakamasakit na betrayal na natanggap niya sa buong buhay niya. “I’m sorry but I have to leave, meron pa akong mga pasyenteng naghihintay.” Gumawa na lang siya ng alibi para lang matakasan ang manyakis na si Director Go. Matapos ang kanyan
Nanginginig ang buong katawan ni Lara nang mabasa ang mga habilin ni Liam patungkol sa isinalin na ari-arian sa kanilang mag-ina. Maging ang katotohanang ipinaubaya siya nito kay Clark. Hindi siya makapaniwala.Malungkot na ipinaalam sa kanya ni Jake ang mga naging desisyon ni Liam.“This is not true, this not true!” himutok niya.“I’m sorry Lara, nagawa ni Kuya ‘yon dahil hindi siya sigurado sa mangyayari,” paliwanag ni Jake.“Wala ba siyang tiwala sa akin, na kaya ko siyang mahalin kahit anong mangyari! Na hindi ko siya iiwan! I hate him, I hate him!” sigaw niya.Tahimik lang si Jake.“Bakit ba palagi na siyang handang iwanan ako! Bakit hindi niya ako kayang ipaglaban!”“Im sorry Lara,” ang tanging naisagot lang ni Jake.TIME pass by na pinipilit na lang ni Lara na muling mamuhay ng normal pero may kirot pa rin. Wala na siyang balita kay Liam, maging ang family nito ay hindi na rin nagbabalita sa kanya. Sa tuwing may family gathering sila ramdam niyang umiiwas ang mga ito na pag-usa
Nakiusap si Liam sa pamilya niya na makausap si Lara ng sila lang. Kaya iniwan sila ng mga ito.Pinalapit niya si Lara saka hinawakan ang kamay.“Lara, I promise to comeback in your arms. Kahit anong mangyari babalik at babalik ako sayo.” Hinagkan niya ang kamay nito.“Panghahawakan ko ang pangako mo. At nangangako rin ako na aalagaan ko ang aking sarili at si Nate. Ikaw din, sikapin mong makabalik sa amin please.”Mas lalo lamang nadudurog ang puso niya sa mga iyak na iyon ni Lara. Hindi nito deserve ang masaktan pa.Minabuti niyang tawagan si Clark Manson upang kausapin ng masinsinan. Walang ibang nakakaalam kundi silang dalawa lang.“Clark Manson, siguro naman alam mo ang kondisyon ko,” paunang salita niya. “I don’t know anything,” sagot nito.“My life is at risk at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng buhay o maayos. Tama ka isa akong duwag and I would take the opportunity of being coward.”Kumunot ang noo ni Clark. “I don’t understand.”“It’s about Lara. Gawin mo na a
“If you want her back, ayusin mo ang sarili mo,” minsang payo pa ni Liam.“Who said that I want her back. No. That bitch! Matimbang pala sa kanya ang pamilya niya e de do’n siya.”“Pamilya niya ‘yon, natural lang na gano’ n ang pagtingin ni Abby.”“But I’m her husband, may pamliya na kami, suppose to be.” Napangiti siya ng may kapaklahan dahil naalala niya ang ginawa nitong pag-take ng pills na lingid naman sa kanyang kaalaman na ang pinakadahilan ay ayaw nitong magkaanak.“Baka naman may mabigat siyang dahilan.”“Tss. Whatever, basta ayaw ko na siyang makita.MGA ILANG buwan rin ang lumipas na talagang nawalan na sila ng balita kay Abby.Tuloy pa rin ang buhay, ngayon naman si Jordan na ang ikakasal. Nag-eempake si Liam ng gamit na dadalhin niya habang si Lara naman ay inaayos ang gamit ni Nate. All of a suuden nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo. Pinigilan niya ang mapasigaw sa sobrang sakit, dahil inisip niyang baka naman simpleng sakit lang at mawawala rin maya-maya. Medyo n